Вы находитесь на странице: 1из 2

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran nito


1.1 Panimula
Sa pagtuturo ng aralin maraming kailangang isaalang-alang na mga bagay na
makakaapekto sa salik ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa
mahalagang salik nito ang maayos na pagbabalangkas ng isang aralin, sa
pamamagitan nito ay magiging organisado at sistematiko ang pagkatuto ng mga
mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang pansin ang kahalagahan nang paggamit
ng guro sa silabus bilang isang kagamitang pampagkatuto na siyang magiging
lunsaran sa pagtamo ng tiyak na pagkatuto na nakaangkla sa layunin ng kurso.

Ayon sa paaralan ng The Harriet W. Sheridan Center for Teaching in Learning


kanilang binigyang pagpapakahulugan ang silabus bilang pangunahing
dokumento kung saan nagkakaroon ng ugnayan o komunikasyon ang guro at
mag-aaral patungkol sa mga layunin, inaasahan, at pagtataya na mayroon sa
kurso. Kung gayon maituturing na mayroong isang mahalagang gampanin ang
silabus sa pagitan ng guro at mag-aaral, upang silay makalikha ng isang
kolaboratibong ugnayan na magdudulot ng mabuting kapakinabangan sa
pagkatuto na mag-aaral.

Ayon naman kay Hockensmith, taong 1988. Sinasabi niya na ang silabus ay
isang kagamitang pampagkatuto o gabay ng mga mag-aaral na kanilang
pagbabatayan ng kanilang pagkatuto sa loob at labas ng paaralan. Kaugnay nito
sinasabi ring ang silabus ay mayroong ibat ibang mahahalagang gampanin sa
ibatt ibang grupo ng isang institusyon katulad ng communication mechanism,
kagamitang pagpaplano para sa mga instructor, planong pampagkatuto para sa
mga mag-aaral, kagamitang pampagkatuto, kalipunan ng mga pagtataya para sa
guro, at evidence for accreditation (Albers, 2003; Hockensmith, 1988; Matejka &
Kurke, 1994; Parkes & Harris, 2002; Slattery & Carlson, 2005; Smith & Razzouk,
1993; Thompson, 2007). Sa makatuwid ang gamit ng silabus ay hindi lamang
nakakulong o umiikot sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa loob ng paaralang
kinabibilangan nila, dahil ito rin ay nakadipende sa layunin ng gagamit o
gumagamit nito.

Ang bawat silabus na binubuo ay kailangang nakabatay sa kurikulum na


sinusunod ng isang institusyon, sa inilabas na Handbook (Handbook
Typology,Outcomes-Based Education, and Institutional Sustainability
Assessment) ng CHED noong 2014, sinasabing ang Philippine Higher Education
Institution (HEIs) ay kailangang kaharapin ang hamon ng global at rehiyonal --.

Gayumpaman, kahit na ang silabus na nabuo o binuo ay hindi magiging


eprktibo o matagumpay kung hindi ito nailalapat sa pagtuturo sa klase. Malaki ang
gampanin nito sa pagkatuto ng bata kayat ito ay kinkailangang dumaan sa
masusing proseso ng pag-buo upang maging epektibo kapag ito inilapat na sa
aktwal na

1.2 Paglalahad ng Suliranin


Ang mga mananaliksik ay nangnanais na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
a. Ano ano ang mga kalakasan at kahinaan ng syllabus batay sa nilalaman at
pamamaraan?
b. Bakit kailangan na magkaroon ng sinusundang padron sa pagbuo ng silabus?
c. Paano mailalapat ang kahalagahan ng pagsunod sa padron sa pagbuo ng
silabus na nakabatay sa makabagong padron ng Outcomes-Based Education
Course Syllabus ng Pamantasang Normal ng Pilipinas?

1.3 Layunin ng Pag-aaral


Sa pagtatapos ng papel pananaliksik na ito, inaasahang masagot ang mga
suliraning kaugnay ng paksa sa pamamagitan ng:
a. Maisa-isa ang mga kalakasan at kahinaan ng silabus batay sa nilalaman at
pamamaraan.
b. Mailahad ang mga kahalagahan ng pagbatay sa pagsunod sa padron ng
silabus.
c. Makabuo ng silabus na nakasunod sa makabagong padron ng Outcomes-
Based Education Course Syllabus ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.

Вам также может понравиться