Вы находитесь на странице: 1из 5

Karagatan

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng


kalawakan ng tubig o hidrospera.

Dagat

Ang dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng


isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan
Golpo

Golpo ang tawag sa malalaking look. Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob
at kurbadang rehiyon ng isang golpo.

Lawa

Ang lawa ay isang katipunan ng tubig na hindi umaagos katulad ng ilog, bagkus ay
napapalibutan ng lupain.
Look

Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-
pandagat.

Kipot

Ang kipot o kakiputan ay isang makitid na lagusang tubig sa pagitan ng dalawang mas
malalaking bahagi ng tubig.
Ilog

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa,
isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos.

Talon

Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng
isang pook.
Batis

Ang batis, ilug-ilugan o saluysoy ay isang anyo ng tubig na may patuloy na agos sa
pinanggagalingan nito.

Bukal

Ang bukal ay isang anyong tubig na karaniwang pinagliliguan tuwing tag-init. Tinatawag rin
itong Hot Springs.

Вам также может понравиться