Вы находитесь на странице: 1из 5

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Ikaanim na Baitang
Ikalawang Markahan
Aralin 1

I. Layunin
1. Nailalahad ang sistema ng edukasyong ipinatutupad ng mga Amerikano
2. Naisasaalang-alang ang wikang ginamit sa panahon ng mga Amerikano
3. Nakakalahok sa mga pangkatang -gawain ukol sa sistema ng edukasyong
ipinatutupad ng mga Amerikano

II. Paksa
Sistema ng Edukasyong Ipinatutupad ng mga Amerikano
1. Araling Panlipunan K to 12 Gabay Pangkurikulum , (AP6KDP-IIa-1)
2. A. Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas (pp. 252-253)
B. Edukasyon Noong Panahon ng Amerikano (GabbieAllTheWay7)

3. Mga tsart, mga larawan, metacards, show me board

III. Pamamaraan
A. Awareness (Kamalayan)

1. Balik-aral

Anu-anong mga wika o lingwahe ang ginagamit nating mga Pilipino?


Pagbabalik-aral sa Pagtataya
2. Pagganyak
Hahanapin ng mga bata ang mga larawan sa ilalim ng ilang mga upuan at tutukuyin
ang mga ito.
Mga larawan:
a. Larawan ng mga sundalong Amerikano
b. Larawan ng mga Pilipinong propesor
c. Larawan ng Unibersidad ng Pilipinas
d. Larawan ng dalawang taong nag-uusap gamit ang wikang Ingles
e. Larawan ng mga mag-aaral

B. Activity (Gawain)

a. Pangkatang Gawain

Panuto:
a.1. Pangkatin ang klase sa limang grupo.
a.2. pumili ng isang lider na magpapaliwanag sa harap.
a. 3.Mag isip ng pangalan ng grupo.
a.4. Gamit ang kagamitang inihanda ng guro, sundin ang nasa loob nito.
a. 5 Ilahad o iulat sa klase ang natapos na gawain

1. Unang Pangkat Gumawa ng Semantic Web sa pamamagitan ng tatlong


pangunahing layunin ng edukasyon noong panahon ng Amerikano

2. Ikalawang Pangkat Gumawa ng timeline sa tsart ng mga paaralang itinatag


ng mga Amerikano ayon sa petsa

3. Ikatlong Pangkat Gumawa ng malaking fishbone sa pamamagitan ng mga


maiikling pahayag ukol sa pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyong
sa panahon ng mga Amerikano.

4. Ikaapat na Pangkat- Pagsasaayos ng mga letra ng tatlong (3) mga salita upang
maisulat ang nabuong tamang salita sa tsart.

a. Sundalong Amerikano
b. Thomasite
c. Pensionados
C. Analysis (Pagsusuri)

1. Anu-ano ang mga pangunahing layunin ng edukasyon noong panahon ng mga


Amerikano?
2. Anu-ano ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyon sa lipunan sa panahon ng
mga Amerikano?
3. Anu-anong mga paaralan ang itinatag ng mga Amerikano?
4. Sinu-sino ang mga naging guro o propesor ng mga Pilipino sa sistema ng
edukasyong ipinatutupad ng mga Amerikano?

D. Abstraction( Paghahalaw at Paglalahat )

Maraming mga paaralang pampubliko, pribado at mga unibersidad ang


nagpatayo upang maraming mga Pilipino ang makapag-aral.
May pitong (7) mga paaralan ang itinatag ng mga Amerikano
Ingles ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang
kulturang Amerikano sa mga leksyon.
Sibika ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang
demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon.
Agosto 1898- pitong paaralan ang binuksan sa Maynila sa ilalim ng
pamamahala ni Fr. William Mckinnon
1898- itinalaga si LT. George P. Anderson bilang unang superintendent ng
mga paaralan sa Maynila
1903- Itinatag ang Bureau of Education at si Dr. David Barrows ang unang
direktor
Amihan ng panggabing paaralan ay para sa mga matatanda na nagnanais
matuto ng salitang Ingles
Sundalong Amerikano, Thomasite at Pensionados- naging unang mga guro
ng mga Pilipino sa wikang Ingles at sa ibang mga asignatura ng iba't ibang
kurso

E. Application (Paglalapat)
Gamit ang show me Board isulat ang Tama kung naayon ang pangungusap sa
sistema ng edukasyong ipinatutupad ng mga Amerikano at Mali kung hindi.

1. Paggamit ng wikang Ingles sa pag-aaral ng mga asignatura ng mga


Pilipino.
2. Ang Unibersidad ng Sto. Thomas ay isa sa itinatag na paaralan ng mga
Amerikano.
3. Mga kabataan lamang ang pinayagang mag-aral ng wikang Ingles.
4. Ang mga sundalong Amerikano ang unang guro sa wikang Ingles sa
panahon ng mga Amerikano.
5. May walong(8) mga paaralan ang itinatag ng mga Amerikano.

F. Assessment (Pagtataya)
Sa tatlo hanggang apat (3-4) na pangungusap, gumawa ng maikling paglalahad ukol sa
sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano.
Rubric sa Pagmamarka ng Paglalahad
Napakahusay Mahusay Nalilinang
Krayterya
3 2 1
Kumpleto at May ilang kakulangan Maraming kulang sa
komprehensibo ang ang nilalaman ng mga nailahad .
Nilalaman
nilalaman ng nailahad. nailahad. May ilang Maraming mali sa mga
Wasto ang lahat ng maling impormasyon impormasyong
impormasyon. na nabanggit. nabanggit.
Malikhaing nailahad Hindi gaanong maayos Hindi maayos na
Presentasyon ang nilalaman ng na nailahad ang nailahad ang
impormasyon impormasyon impormasyon
Organisado, malinaw, Maayos ang Hindi maayos ang
Organisasyon simple at lohikal ang presentasyon. May mga presentasyon ng mga
mga ideya bahagi na hindi ideya
gaanong malinaw

IV. Assignments (Takdang Aralin)


Gumawa ng graphic organizer ukol sa epekto ng sistema ng edukasyong
ipinatutupad ng mga Amerikano.

V.MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya (No. of learners who earned 80% in the
evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation (No.of
learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? (Did the remedial
lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation (No.of learners who continue to
require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? (Which of
my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor? (What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with other
teachers?)

Inihanda ni:

MA.LAARNIE O. LAGMAY
Sped-t1- Pres. CORAZON C. AQUINO E/S
AP- batch 2

Вам также может понравиться