Вы находитесь на странице: 1из 15

Paggamit ng GABAY App Tungo sa Paglinang ng Kamalayan sa

Karunungang-Bayan

I. Konteksto at Rasyunale

Itinuturing ang panitikan bilang salamin ng buhay marahil dito makikita ang mga

kaugalian, paniniwala at kinagisnan ng mga tao sa isang lugar. Nagbibigay din ito ng aral

sa pang araw-araw na buhay. Lingid sa ating kaalaman, marami na sa mga kabataan ang

medyo nakalimot na sa ilang magagandang katangian na naging bahagi na ng ating

kultura. Sinasabing masasalamin sa panitikan ang mga kulturang nakaligtaan na ng ilan

sa ating kababayan.

Mayaman ang Pilipinas kung panitikan ang pag-uusapan. Marami man ang

nasusulat maasahan mong mas marami pa ang nakatago at nagpasalin-salin sa bibig ng

mga tao sa kasalukuyan (Lor, 2005). Patuloy itong nagpasalin-salin hanggang sa

kasalukuyan, ayon kay Dorson (1983).

"Today, oral literature remains a living tradition because it has survived through

centuries of encounters with alien cultures among various cultural communities"

Patunay lamang maging sa kasalukuyan patuloy pa ring nagpasalin-salin sa bibig ng

mga tao ang oral na literatura. Mahalagang makolekta ang mga ito upang kahit papaano

maipakita at malaman ng mga Pilipino lalo na ng kabataan na mayroon tayong tradisyon,

kultura at paniniwala na unti-unti nang nakalimutan sa kasalukuyan.


Hindi lingid sa ating kaalaman na ang gawi at kilos ng ating kabataan ay ibang-iba

kaysa sa kultura ng ating mga ninuno. Kaya mahalagang malikom ito upang maisulat at

mabasa ng ating kabataan. Pinatunayan ito ni Hornedo (1992) sa kanyang isinulat na

sanaysay hinggil sa kasaysayan ng tradisyon etniko kung saan binigyang halaga niya ang

kahalagahan ng foklor.

"In the present search for a Filipino national cultural identity, the importance of

folklore cannot be over-estimated. Oral literary tradition lies at the deepest layer of the

national culture; it is the Filipino's recourse in times of greatest joy and deepest sorrow,

the spring from which flows the national consciousness.

Malinaw na napakahalagang hukayin ang matatandang paniniwala sa tulong ng

panitikan. Ayon kay Aquino (2001), "Literature' whether creative or ethnic, traditional or

contemporary-helps man to nourish his humanity. Literature educates and refines man's

feelings and sensibilities; it elevates man's moral standards. Hindi matatawaran ang

impluwensya ng panitikan sa buhay ng tao, pwede itong makapagbabago sa buhay natain.

Maari tayong makakuha ng magandang kaugalian dito. Marami sa mga ito ay nagpasalin-

salin lamang sa bibig ng mga tao.

Namutawi kay Velkley (2002) ang mga katagang Ang kultura ay ang siyang

kaluluwa o isipan ng tao. Mga katagang nagpapatunay na ang kultura ang nagiging

salamin sa pagkakakilanlan sa isang bansa. Ayon kay Harper (2001), ang kultura ay isang

binuong hulwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na nakabatay sa kakayahan

para sa masagisag na pag-iisip at pagkatuto ng pakikipagkapwa. Ang kultura ang

nagsisilbing tatak ng ating pagkamamayan. Buhat ng paniniwalang ito, naisaad ang


Artikulo XIV, Seksyon 14-18 ng Konstitusyon ng 1987 bilang pangunahing batas na

kumikilala sa kahalagahan ng pangangalaga at pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino

(LDRMS, 2010).

Kinilala ang karunungang-bayan bilang salamin ng kahapon at tulay sa pagbakas

sa mga nakagisnang kultura. Itinuring itong yaman ng ating panitikan na nagpasalin-salin

sa ibat ibang henerasyon. Ito ay mga unang tulang Pilipino na maaaring pasulat o

pasalita. Masasalamin dito ang mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng

mga tao. Masasabi nating dangal nating mga Pilipino ang karunungang bayan dahil kung

wala tayong karunungan patungkol sa ating bayan ay hindi tayo maituturing na isang

Pilipino. Ibig sabihin, hindi natin pinapahalagahan ang ating pagiging Pilipino kung wala

tayong alam kahit mga simpleng bagay lamang patungkol sa ating bansa. Nagsisilbi itong

instrumento upang mapagtibay ang pagpapahalaga sa mga kalinangat kabihasnan.

Idinidikta nito ang pagtataglay ng sariling tradisyon kaya naikikintal na kailangang

palaguin ng mga kasalukuyan ang mga binhi ng nakalipas.

Kaalinsabay ng mabilis na pagtakbo ng mga kamay ng orasan ang paglipana ng

mga pagbabagong nagaganap sa bawat pag-ikot ng ating mundo. Sa makabagong

panahon, sumibol na ang mga pagbabago sa nakasanayang kultura buhat ng mga naganap

na pananakop, modernisasyon at globalisasyon. Kaakibat ng mabilis na pagsulpot ng ibat

ibang imbensyon ay gayun din ang unti-unting pagkalimot sa mga karunungang-bayan.

Buhat nito, kakaunting mamayang Pilipino na lamang ang may kamalayan sa pagkakaiba

at pagkakahalintulad ng mga salawikain, kasabihan at kawikaan. Iilan na lamang ang


kumikilala sa kabuluhan nito sa ating pagkakakilanlan. Nagiging taliwas ito sa mabigat

na gampanin nating payabungin ang ating kultura.

Ang Salawikain ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batayan sa tuntunin ng

kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Ito'y isang sambit lang, patambis na nakasalalay

sa isang matandang paniniwala at pandaigdig na katotohanang malaon nang ginagamit

(Panitikan sa Pilipinas, 2006). Ang sawikain ay hango rin sa mga aral na nakuha sa pang

araw-araw na pamumuhay. Ang mga salita nito ay mas malalim. Habang ang sawikain

naman ay mga idyoma. Isa itong uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo gamit

ang sariling wika. Ang mga ito ay base rin sa pang araw-araw na pamumuhay at

pakikisamaluha sa kapwa. Ito ay maaaring isang parirala o pangungusap at ang

kahulugan ay lubos na naiiba mula sa mga literal na kahulugan ng mga salita na binubuo

ng idyoma o pansalitain na ekspresyon. Samantala, ang kawikaan naman ay kauri ng

sawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng mga aral sa buhay.

(Panitikang Filipino, 1989)

Sa pag-aaral na isinagawa ni Mata at Rufino (2004), binigyang-tuon ng pag-aaral

ang kaunting pagpapahalaga sa mga karunungang-bayan. Ang pananaliksik na may

pamagat na Foklor ng Ilang Baranggay sa Ozamiz: Isang Paglilikom ay naglalayong

mangolekta ng mga panitikang oral na makikita sa labing-isang baranggay sa lungsod ng

Ozamiz. Kabilang dito ang baranggay Annex, Guingona, Guimad, Lam-an, 50th Brgy.,

Molicay, Banadero, Maningcol, Pulot, Malaubang at Tabid. Nilikom ng mananaliksik at

tinipon ang mga nakolektang oral na literatura. Kabilang sa mga oral na literatura ang

kwentong bayan, kung saan napabilang ang anekdota, alamat na Etyolohikal at di-
Etyolohikal, ikalawa ang karunungang bayan na kinapapalooban ng palaisipan, bugtong,

salawikain, kasabihan, kawikaan, sawikain at iba pa; at panghuli ang Oyayi na

sumasakop sa awiting bayan,talindaw, kundiman at iba pa. Ang kwentong bayan ang

siyang may pinakamaraming bilang na binubuo ng dalawang daan at walumpu't limang

(285) samantalang nasa ikalawang ranggo ang karunungang bayan na may bilang na

pitumpu't tatlo (73) at nasa huling ranggo naman ang awiting bayan na may dalawampu't

walong (28) bilang. Malinaw na sumasalamin dito na ang kwentong bayan ang siyang

patuloy pang nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao at ang kwentong bayan ay kaunti

nalang at nanganganib na tuluyan nang mawala.

Bahagya na lamang ang pagpapahalagang nailalaan sa mga karunungang-bayan sa

kasalukuyan na salungat sa pagiging palasak nito sa ating kultura noong panahon bago

dumating ang mga Kastila. Kaakibat nito ang unti-unting pagbaba ng antas ng kamalayan

ng mga Pilipino hinggil sa kabuluhang naidudulot nito maging ang wastong pagkilala sa

pagkakaiba at pagkakahalintulad ng mga karunungang-bayang gaya ng salawikain,

sawikain at kawikaan. Ang ilan sa mga dahilan ng pagbaba ng kamalayan sa

karunungang-bayan ay ang kawalan ng interes, mahinang pundasyon ng pagkatuto,

mababang oportunidad na matuto, mababang kapasidad ng pagkatuto at ang edukasyong

natamo ng mga magulang.

Bilang lunas sa patuloy na pagbaba ng antas ng kamalayan ng mga Pilipino ukol sa

mga karunungang-bayan, inihahandog ng mga mananaliksik ang GABAY (Gintong-Aral

sa Bayan Alay) App na pupukaw sa interes ng mga Pilipino na muling yakapin ang
pagkilala sa mga naturang yaman ng ating kultura. Isang malikhaing paraan upang

buhaying muli ang mga bakas ng kahapon.

Sa makabagong panahon, naglipana na ang ibat ibang teknolohiyang

kinasasadlakan ng sangkatauhan. Habang lumilipas ang panahon, pabata nang pabata ang

may kabatiran sa paggamit ng mga bagong imbensyon. Tinatayang aabot na sa

siyamnaput apat na (94) milyong Pilipino ang gumagamit ng cellphone sa kasalukuyan

(GMA Investigative Documentaries, 2013). Kaya ang GABAY (Gintong-Aral sa Bayan

Alay) App ay magiging tanglaw ng mga Pilipino ukol sa kabatiran ng karunungang-

bayan. Inilahad ni Thorndike (1903) na ang Law of Exercise ay palagiang koneksyon

ng stimulus at ng tugon. Ang madalas na paggamit ng app ang siyang mag-uudyok sa

malaking posibilidad ng pagkatuto at pagkilala sa karunungang-bayan.

Ang karunungang-bayan ay naglalarawan sa pamahalaan, lipunan,

pananampalataya at mga karanasang may kaugnayan sa ibat ibang damdamin. Inilaan

ang GABAY (Gintong-Aral sa Bayan Alay) App sa paglinang ng kamalayan sa

karunungang-bayan. Isang malikhaing paraan upang buhaying muli ang mga bakas ng

kahapon at payabunging muli ang mga binhi ng ating kultura. Mahalagang halukayin ito

upang malinang ang kalinangang Pilipino, mabatid ang ating minanang yaman,

matalunton ang kaisipan sa panitikan at taglay na katalinuhan ng lahing pinagmulan.

Maunawaan natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay

sa mga impluwensya ng ibang kabihasnan at maihatid ang mga kagandahang-asal na

iniaalay ng mga karunungang-bayan sa susunod na henerasyon.


II. Mga Katanungan sa Kilos-saliksik

Paglalahad ng suliranin

Natiyak sa pag-aaral na ito ang kabisaan ng GABAY App tungo sa paglinang ng

kamalayan sa karunungang-bayan sa baitang 8 sa Don Mariano Marcos Memorial State

University Laboratory High School, South La Union Campus, Agoo, La Union, taong

panuruan 2017-2018.

Tinangka nitong tugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng kamalayan sa karunungang-bayan ng mga mag-aaral sa

baitang 8 batay sa pre-test?

a. Controlled
b. Eksperimental

2. Ano ang antas ng kamalayan sa karunungang-bayan ng mga mag-aaral sa

baitang 8 batay sa post-test?

a. Controlled
b. Eksperimental

3. May makabuluhang pagkakaiba ba ang antas ng kamalayan sa karunungang-

bayan ng mga mag-aaral batay sa pre-test at post-test ng dalawang pangkat?

4. Gaano kabisa ang GABAY App sa paglinang ng kamalayan sa karunungang-

bayan ng mga mag-aaral sa baitang 8 batay sa post-test?

5. Ano ang maaaring ipanukalang gawain batay sa resulta ng pag-aaral?

III. Panukalang Inobasyon o Interbensyon


Logo ng Gabay App

Bilang lunas sa patuloy na pagbaba ng antas ng kamalayan ng mga Pilipino ukol

sa mga karunungang-bayan, inihahandog ng mga mananaliksik ang GABAY (Gintong-

Aral sa Bayan Alay) App na pupukaw sa interes ng mga Pilipino na muling yakapin ang

pagkilala sa mga naturang yaman ng ating kultura. Isang malikhaing paraan upang

buhaying muli ang mga bakas ng kahapon.


Sa makabagong panahon, naglipana na ang ibat ibang teknolohiyang

kinasasadlakan ng sangkatauhan. Kaya ang GABAY (Gintong-Aral sa Bayan Alay)

App ay magiging tanglaw ng mga Pilipino ukol sa kabatiran ng karunungang-bayan.

Inaasahang mapapalago pa ang yaman ng nakaraang repleksyon ng mga

karunungang-bayan. Ang naturang app ay naglalaman ng ibat ibang kategorya sa

pagtataya ng kahusayan sa pagkilala ng pagkakaiba at pagkakahalintulad ng mga

karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain at kawikaan sa bawat rehiyon ng

Pilipinas. Kasabay ng pagbibigay-aliw ng naturang app ay ang unti-unting pagtaas ng

interes sa pagtuklas ng karunungang-bayan. Magpapatuloy sa pagsasalin-salin nito

hanggang sa palaganapin at tangkilin ng mga Pilipino. Mistulang naglalakbay ang mga

mag-aaral dahil sa mga magagandang tanawing ginamit na background ng naturang

app. Nabubusog ang mga mata sa pagtalunton sa mga nakabibighani at natatanging pook

na handog ng bawat rehiyon sa bansa.

Ang karunungang-bayan ay naglalarawan sa pamahalaan, lipunan,

pananampalataya at mga karanasang may kaugnayan sa ibat ibang damdamin. Inilaan

ang GABAY (Gintong-Aral sa Bayan Alay) App sa paglinang ng kamalayan sa

karunungang-bayan. Isang malikhaing paraan upang buhaying muli ang mga bakas ng

kahapon at payabunging muli ang mga binhi ng ating kultura. Mahalagang halukayin ito

upang malinang ang kalinangang Pilipino, mabatid ang ating minanang yaman,

matalunton ang kaisipan sa panitikan at taglay na katalinuhan ng lahing pinagmulan.

Maunawaan natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay


sa mga impluwensya ng ibang kabihasnan at maihatid ang mga kagandahang-asal na

iniaalay ng mga karunungang-bayan sa susunod na henerasyon.

IV. Mga Metodo sa Kilos-saliksik

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay nakapokus sa presentasyon ng disenyo ng pag-

aaral, mga respondanteng nakilahok sa pananaliksik bilang mga pinaghanguan ng datos,

paraan ng pangungulekta ng datos at pag-aanalisa sa datos ng pananaliksik.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Natiyak sa pag-aaral na ito ang kabisaan ng GABAY App sa paglinang ng

kamalayan ng karunungang-bayan sa baitang 8 sa Don Mariano Marcos Memorial State

University Laboratory High School, South La Union Campus, Agoo, La Union, taong

panuruan 2017-2018.

Binubuo ito ng tatlumput limang (35) mag-aaral sa bawat pangkat, ang

eksperimental at controlled na pangkat. Quasi-experimental na pananaliksik ang ginamit

ng mga mananaliksik sa paglikom ng mga datos na kakailanganin sa pag-aaral.

Sa pagsukat ng kabisaan ng GABAY App, binigyan ng pagsusulit ang mga

respondante bago at matapos ipagamit ang naturang app. Sa controlled na pangkat ang

mga mananaliksik ay pinanatili na lamang ang kaalaman ng mga mag-aaral samantalang

sa eksperimental na pangkat ay ginamitan ito ng GABAY App. Ang mga datos na

nalikom ay sinuri at binigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng nararapat na

estadistika.

B. Mga Pinaghanguan ng Datos


Sa Talahanayan 1, ipinakita ang pagbabaha-bahagi ng bilang ng mga

respondanteng mag-aaral sa controlled at eksperimental na pangkat.

TALAHANAYAN 1

Mga Respondante

Respondante Bilang Bahagdan (%)


Controlled na Pangkat 35 50
Eksperimental na 35 50

Pangkat
Kabuuan 70 100

Ang mga respondante ay binubuo ng pitumpong (70) mag-aaral. Tatlumput

limang (35) mag-aaral sa bawat pangkat mula sa baitang 8 sa Don Mariano Marcos

Memorial State University Laboratory High School, South La Union Campus, Agoo, La

Union.

C. Paraan ng Pangungulekta ng Datos

Ang instrumento sa pag-aaral na ito ay ang pagbibigay ng isang pagsusulit para sa

pre-test at post-test. Ang pagsusulit ay binubuo ng dalawampung (20) aytem na nakatuon

sa pagtukoy ng mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain at kawikaan.

Isinagawa ang dry-run sa mga mag-aaral sa baiting 8 na hindi kasama sa aktwal

na mga respondante sa Don Mariano Marcos Memorial State University Laboratory High

School upang matiyak ang kaangkupan ng pagsusulit.


Pagkatapos ng dry-run, gumawa ng pinal na sipi ng pagsusulit ang mga

mananaliksik upang maging istandard ang pagsusulit na pinakainstrumento sa paglikom

ng mga datos at kasagutan sa pag-aaral na ito.

Nagbigay ang mga mananaliksik ng pagsusulit sa mga respondante bago at

matapos ipagamit ang GABAY App. Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paggawa ng

liham pahintulot upang maipabatid at pagtibayin ang isinasagawang pag-aaral. Nakipag-

ugnayan ang mga mananaliksik sa punong guro upang humingi ng pahintulot na

makapagsagawa ng pananaliksik.

Sa pagsusulit na ibinigay ng mga mananaliksik sa mga respondante, nakalap ang

mga hinihinging datos tungkol sa kabisaan ng GABAY App. Personal na pinamahalaan

ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng pagsusulit. Pagkatapos nito, ang resulta ng

pagsusulit ay inalisa sa tulong ng estadistika.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na

mangalap ng impormasyon sa ibat ibang hanguan sa silid-aklatan tulad ng mga libro,

dyornal at pahayagan maging ang mga kaugnay na pag-aaral mula sa websayt at

disertasyon.

D. Pag-aanalisa sa Datos

Ang mga nakalap na datos at kasagutan ay isinailalim sa ibat ibang estadistika

upang masuri, maanalisa at mabigyan ng interpretasyon. Gumamit ng frequency count,

mean at T-test.

Pormula ng Weighted Mean:


x = f x

Kung saan : x = Weighted mean

fx = kabuuang bilang ng frequency at iskor

N = bilang ng baryabol

Ginamit ang frequency count upang malaman ang bilang ng mga mag-aaral na

nakakuha ng bawat iskor.

Ginamit ang mean (x) upang malaman ang kabisaan ng GABAY App sa paglinang

ng kamalayan sa karunungang-bayan.

TALAHANAYAN 2

Iskala Palarawang antas


90-pataas Napakahusay
85-89 Higit na mahusay
80-84 Mahusay
75-79 Bahagyang mahusay
74-pababa Hindi mahusay

Ginamit din ang T-test upang alamin ang pagkakaiba ng resulta ng pagsusulit ng

mga mag-aaral gamit ang GABAY App at ang resulta ng pagsusulit na hindi gamit ang

GABAY App.
V. Bibliyograpiya

Mga Libro

Aquino, Gaudencio V. (2001). "Folk narratives from our forefather" ( volume

2) . Mandaluyong City: Rex Book Store.

Dorson, Richard M. (1983). " Folklore" New York: Mac Millan Education. Vol.

10.

Hornedo, Florentino H. (1992). An Essay on Philippine 'Ethnic

Literature. Manila, Cultural Center of the Philippines.

Kahayon, Alicia H. et. al. (1989). Panitikang Filipino (Kasaysayan at Pag-

unlad). Lungsod ng Navotas: Navotas Press.

Lor, Josefina F. (2005). Kritisismo ng panitikan. Manila: Rex Book Store.

Rubin, Ligaya T. et.al. (2006). Panitikan sa Pilipinas. Lungsod ng Quezon: Rex

Bookstore.

Velkley, Richard (2002). Being after Rousseau: Philosophy and Culture in

Question. The University of Chicago Press.

Elektroniko

GMA Investigative Documentaries (2006). Cellphone Subscribers sa Pilipinas.

Nakuha noong Nobyembre 2, 2017 sa

https://web.facebook.com/gmanews/posts/10151480920296977?_rdc=1&_rdr.
Harper, Douglas (2001). The meaning of culture. Nakuha noong Agosto 30,

2017 sa https://www.etymonline.com/word/culture.

Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd Division of Negros Occidental (2010). Mga batas para sa pangangalaga ng

ating kultura. Nakuha noong Nobyembre 6, 2017 sa

http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/HEKASI_4_MISOSA__41_MGA_BATAS_S.

PDF.

Mata, Rolieta N. at Rufino, Roselyn (2004). Foklor Ng Ilang Baranggay Ng

Lungsod Ng Ozamiz: Isang Panimulang Paglilikom. Nakuha noong Nobyembre 4,2017

sa http://local.lsu.edu.ph/institutional_research_office/publications/vol.15no.6/5.html.

Thorndike, Edward (1903). Thorndikes law of exercise. Nakuha noong

Nobyembre 10, 2017 sa https://www.britannica.com/science/Thorndikes-law-of-exercise.

Вам также может понравиться