Вы находитесь на странице: 1из 5

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

SOUTH LA UNION CAMPUS


COLLEGE OF EDUCATION
AGOO, LA UNION
______________________________________________________________________________

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga katuturan, mga uri at mga bahagi ng sanaysay;
B. Nakikilala ang kultura ng Silangang Asyano batay sa tinalakay na sanaysay;
C. Naimumulat ang kamalayan ng bawat isa patungkol sa pagpapahalaga sa karapatan ng mga
kababaihan; at
D. Nakaguguhit ng mga simbolong sumasalamin sa karapatan ng mga kababaihan.

II. PAKSA
A. ARALIN: Panitikan: Ang Kababaihan ng Taiwan : Ngayon at Noong Nakalipas na 50 taon
na isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina.
B. SANGGUNIAN: Filipino 9, Modyul ng Mag-aaral, pp. 125-126
C. KAGAMITAN: Kagamitang Pampagtuturo, Rekord at Sipi ng aralin.
D. PAGPAPAHALAGA: Paggalang at Pagpapahalaga sa Karapatan ng mga Kababaihan.
E. PAMAMARAANG GINAMIT: UTS (Ugnayang Tanong-Sagot) at Pamaraang Pabuod.

III. PAMAMARAAN
I. ALAMIN/TUKLASIN
A. Panimulang Gawain
- Pagbati sa mga mag-aaral.
- Mananalangin
- Pagwasto sa atendans ng klase.
B. Pagganyak
Gawain 1: Rolling in the dip!
Panuto: Sikaping buuin ang mga piraso ng larawan, hanapin sa tabo ang mga salita at
tukuyin ang mga krosalita sa Loop the Word Challenge ang mga akmang kasagutan. Isulat sa
isang papel na ididikit sa pisara at saka bilugan sa Krosalita. Paramihan at pabilisan ang
dalawang grupo sa pagtukoy ng mga salita sa loob ng 3 minuto.

KABABAIHAN GAMPANIN
KASAMBAHAY BATAS

KARAPATAN

B H G A C B D J A K
A I C I D A C N P A
K B T K A B Q M R B
K A B A B A I H A N
T C E R U L O N G O
B U D A E E A B S K
G A M P A N I N T C
T S L A W T D T A D
Y R M T G E F N E H
A P B A T A S A G J
B O N N E Y R T H C
D N O C K W L A N M
C B P D C A A T I A
K M C A D Y G A U Y
K A S A M B A H A Y

LOOP THE WORD CHALLENGE


(KROSALITA)
1. Kababaihan
2. Gampanin
3. Kasambahay
4. Batas
5. Karapatan
Gawain 2: Kilala mo ba ako?
Pipiliin ng mga mag-aaral ang mga angkop na bunga para sa punong ukol sa
sanaysay. Mababatid ng guro ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral na maaring sumaklaw
sa mga katuturan, mga uri at mga bahagi ng sanaysay.
Gawain 3: Maglakbay tayo!
Bubuuin ng mga mag-aaral ang mga piraso ng larawang tumutukoy sa isang bansa sa
Silangang Asya, ang Taiwan. Maglalakbay sa kultura at panitikan ng naturang bansa.
III. LINANGIN/PAUNLARIN
- Pagtalakay sa Akdang Ang Kababaihan ng Taiwan : Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 taon
Gawain 4: Tayo ang mga bida ngayon!
- Masining na Pagbabasa ng guro kasama ang kanyang mag-aaral.
Gawain 5: Grapiko ng Talakayan
Matutugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Nagbago ba ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan noong nakalipas na 50 taon at
sa kasalukuyan? Bigyang-patoto ang iyong sagot.
2. Anong kongklusyon ang nabuo ng may-akda sa wakas ng akda?
Gawain 6: Kilatisin natin!
Matutugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang paksa ng nabasang sanaysay?
2. Ano ang layunin ng sumulat nito?
3. Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan:
a. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa
lipunan.
b. Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umunlad kung ihahambing sa 50 taon
ang nakalipas.
c. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa kasarian.
4. Ano ang masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay?
5. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang
Asya?
IV. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
- Pag-alam ng saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa akdang binasa.
- Pagtalakay sa mensaheng nais iparating ng akda.
Gawain 7: Unawain mo ako!
- Pagpaparinig ng isang rekord ng Tula para sa Kababaihan na aantig sa puso ng
mag-aaral.
1. Ano ang kalagayan ng karapatan ng kababaihan sa Pilipinas noon at sa
kasalukuyan?
2. May pagkakahalintulad ba ang kalagayan ng karapatan ng kababaihan sa
pagitan ng bansang Taiwan at Pilipinas? Ipaliwanag.
3. Paano mo pahahalagahan ang karapatan ng kababaihan?
V. PAGLALAHAT
Gawain 8: Tugunang Tanong Sagot
Panuto: Tugunan ang mga tanong at pahayag sa bawat hanay nang naaayon sa
naunawaan mo sa tekstong binasa. Isulat sa isang buong papel.

Nandiyan Na Pag-isipan Sariling Sikap

Ano ang kalagayan ng 1. Paano mo ihahambing Bumuo ng sariling


kababaihang Pilipino sa ang kalagayan ng Pilipina pananaw kung ano ang
ating lipunan sa sa babaeng Taiwanese? dapat na maging katayuan
kasalukuyan? 2. Ano ang mensaheng nais ng kababaihan sa lipunan.
ipabatid ng may-akda?
VI. ILIPAT
Gawain 9: Marka ng Pagpapahalaga!
Panuto: Magbibigay ng mga papel sa mga mag-aaral. Aatasang silang gumuhit ng mga
simbolong sumasalamin sa karapatan ng kababaihan sa loob ng 5 minuto. Ididikit ang lahat ng
mga simbolong nagawa sa pisara. Mamimili ang guro ng mga simbolong ipapaliwanag ng mag-
aaral na gumawa nito. Maipapakita rito ang namuong pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa
karapatan ng mga kababaihan mula sa akdang natalakay.
VII. Kasunduan
Gawain 10: Pagsipat sa Katotohanan
Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Magsasagawa ang mga mag-aaral ng
isang iskrip na may kaugnayan sa karapatan ng mga kababaihan. Isasadula ang mga nagawang
iskrip sa susunod na linggo.
Takdang-Aralin:
Basahin ang sanaysay na pinamagatang Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang
Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian. Magbigay ng repleksyon, opinyon at
interpretasyon sa nabasang sanaysay. Isulat sa isang buong papel.

ANALITIK RUBRIKS SA PAGGUHIT NG MGA SIMBOLO


(Marka ng Pagpapahalaga!)

Indikeytor Lubhang Kasiya-siya Nalilinang Nagsisimula


Kasiya-siya
(4) (3) (2) (1)
Nilalaman at Lubhang Akma sa Paksa Bahagyang May ilang
Kaugnayan sa nakaakma sa ang larawang umakma sa larawang
Paksa paksa ang naiguhit. paksa ang naiguhit ang
larawang naiguhit. larawang nagdulot ng
naiguhit. kalituhan.
Simbolong Lahat ng Karamihan sa Ang mga Iilan lamang ang
ginamit simbolong ginamit mga simbolong simbolong simbolong
ay malinaw, napili ay may ginamit ay nagamit sa
orihinal at kabuluhan sa makabuluhan sa larawan o
makabuluhan sa larawan o larawan o karikatura
larawan o karikatura. karikatura.
karikatura.
Kahusayan sa Napakahusay ng Mas mahusay Mahusay ang Medyo mahusay
Pagguhit at Pagkaguhit. Lahat ang pagkaguhit, pagkaguhit, may sa pagguhit.
Pagkamalikhain ng simbolo ay may 1-2 mga 3-4 mga salita at Lahat ng mga
napagsama-sama salita at simbolo simbolo ang salita at simbolo
nang maayos. ang hindi hindi ay pilit na
napagsama- napagsama- pinagsasama-
sama nang sama nang sama kahit na
maayos. maayos. hindi maayos.
Pagpapaliwanag May analohiya Maayos ang Naipaliwanag at Bahagyang
at Pagbibigay ang larawan sa paliwanag at kakikitaan ng naipaliwanag at
Kahulugan konseptong nais kakikitaan ng kaunting kinakitaan ng
iparating. paghahanda. paghahanda. kakulangan sa
paghahanda.
Kalinisan at Malinis ang Malinis ang Malinis ang Malinis ang
Anyo ng gawa pagkakagawa. karamihang bahagi ng ilang bahagi ng
Malinaw ang lahat bahagi ng larawan. larawan.
ng detalye. larawan. Maayos ang Maayos ang
Maayos ang mga detalye. ilang mga
karamihan sa detalye.
mga detalye.
Kabuuan
Mga Komento

ANALITIK RUBRIKS SA PAGSASADULA


(Pagsipat sa Katotohanan)

Indikeytor Lubhang Kasiya-siya Bahagyang


Kasiya-siya Kasiya-siya
(20) (15) (10)

Kasuotan Naaangkop ang May mga tauhang May ilang tauhang


mga kasuotang angkop ang hindi wasto ang
ginamit ng mga kasuotan. kasuotang ginamit.
tauhan.
Masining na Naaangkop ang Angkop ang mga May ilang hindi
kagamitan lahat ng kagamitan. kagamitan. angkop na
kagamitan.
Pagkaganap sa Makatotohanan at May ipinakitang May ilang tauhang
Tauhan kapani-paniwala pananalita, galaw hindi ipinakita ang
ang pagganap ng ng katawan at pananalita, galaw
mga tauhan mula ekspresyon ng ng katawan at
sa pananalita, mukha. ekspresyon ng
galawa ng katawan mukha.
at ekspresyon ng
mukha.
Kulturang Buong linaw na May naipakitang May ilang
pinalutang sa akda naipakita ang kultura ng bansang naipakitang
kultura ng bansang pinanggalingan ng kultura ng bansang
pinanggalingan ng akda. pinanggalingan ng
akda. akda.
Kabuuan
Mga Komento

Inihanda ni:
Giselle V. Gigante
BSE 4-1 Filipino

Pinagtibay ni:
Bb. Geneva Kimkiman

Вам также может понравиться