Вы находитесь на странице: 1из 3

Precious Shamille Cunanan

9-Galatians

Mama

"Anak, Bangon na, Kakain na" sabi ni Mama

"Sandali lang po, Ma" sagot ko habang kinukusot ko pa ang mata ko bago nagising
ng tuluyan ang diwa ko at nanginig ako sa takot.

Yun ang eksaktong mga salitang sinabi sakin ni Mama bago siya mamatay.

Repleksyon

"Tanggalin mo nga 'yang salamin mo Kaye, kumakain ka pa oh" Sabi ni Carl, Crush ko
na kababata ko, hindi man lang ba niya napansin na nagpapaganda ako para sa
kanya?

"Oo na Carl, tara selfie na lang tayo" pagloloko ko sa kanya at itinaas ko ang salamin
at magkukunwaring mag-seselfie pero imbis na matawa ay natakot ako ng makita
kong wala ang repleksyon ni Carl sa salamin.

Double

"Ate may tao sa ilalim ng lamesa, ayaw ko siya" sabi ng kapatid ko pero nung
tumingin ako sa ilalim........

"Ate, may tao sa upuan, natatakot ako" sabi ng kapatid ko.........

2 mins
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kusina, it's 3:30 am, hanggang sa
unti-unti narinig ko na lang ang sigaw ko at naramdaman kong tumutulo na ang
dugo ko.

Nagising ako, it's only 3:28 am, at nakita ko ang pintuan ng bahay na bumubukas.

Himawil

Binuksan ko ang ilaw, namatay ito.

Nagtago ako sa Kusina pero namatay ako.

OKA

Kaunting sigaw, kaunting halakhak ang naririnig ko sa kusina.

Maya't-maya'y iiyak tsaka kakalampag. Natatakot na ko, sino ba yon?

5 Seconds

Unang segundo, tumatakbo ako.

Pangalawang segundo, hinahabol ako.

Pangatlong segundo, Kusina ang napuntahan ko.

Pang-apat na segundo, May tao na sa likod ko.

Pang-limang segundo, Natumba ako.

Limang segundo, nawala buhay ko.

Ulo

"Ano ba! Ang bobo mo! Sana mamatay ka na lang!" sigaw niya.... Matagal na kaming
magkagalit pero ngayon lang ako hindi nakapag-timpi at bigla na lang nandilim ang
pangin ko....
Huli ko na lang nakita ang sarili ko sa kusina at hawak ang ulo niya habang tumutulo
pa ang mga dugo at luha mula dito...

Mata

Habang nagluluto ako, namatay ang ilaw, may kumalabit sa paanan ko, tinignan ko.....

Isang duguang babae na may mahabang buhok at walang mata ang nasa pagitan ng
mga paa ko......

Hinablot niya ko at huli ko na lang naramdaman na wala na ang mga mata ko.

Sino?

"Anak, baba na diyan, kakain na" sigaw ni mama sakin galing sa kusina, sabi ko sa
kanya huwag niya kong tawagin kasi busy pa ko.....

"Opo Ma" sigaw ko pabalik tsaka na ko bumaba pero nung nasa may siwang na ko
ng hagdanan.......

"Bakit ka ba sumisigaw diyan tsaka bakit ka bumaba, diba sabi mo busy ka?" Sabi ni
Mama habang nagbabasa ng libro sa sala

Salamin

Nandito ako sa harap ng salamin namin sa kusina nakikipag- Jack en poy sa sarili ko
kasi wala akong makalaro.....

"Una bato, Pangalawa'y ano--" Papel ang nilagay ko pero nang tumingin ako sa
salamin......

Gunting ang nakalagay......

Вам также может понравиться