You are on page 1of 5

May isang munting batong nakabitin/ nakasabit sa isang manipis na lubid.

Ito ay ang ating mundo na


nagsisimula pa lamang. Si Tadhana, ang dakilang tagapagbantay ng munting bato, ay kasalukuyang
umiinom ng dagat mula sa kanyang sombrero. Kanyang pinaniniwalaan na upang lumaki,
kinakailangang diligan ang bato ng tubig. Sa tuwing itoy nangangailangan ng tubig, ito ay tumatalbog
mula sa lubid ng dalawang beses, at ngayon ay ginawa nito iyon. Nang didiligan na ni Tadhana ang
bato, napuna niya na ang tubig sa knayang sombrero ay paubos na kaya naman siyay lumusob sa loob
ng bato upang kumuha ng tubig sa walang-hanggang ipo-ipo sa puso ng dagat na si Lanta. Ng sinalok
na ni Tadhana ang kanyang sombrero hindi niya namalayan na hinagkan siya ng ipo-ipo at unti-unti
siyang nalunod. Dahan-dahan niyang imunulat ang kanyang mga mata ng maramdaman niyang siyay
hinihila ng isang di-malamang bagay. Animoy tumigil ang kanyang paligid ng itoy napagmasdan niya;
siya rin ay nagtaka sa damdaming kalian may hindi pa niya nararanasan.

Ang babae ay isang ka-akit akit na nilalang! Ang kanyang mga matay tila talang nag-niningning sa
madilim na gabi, at ang boses niyay niyebe sa malamig na kawalan.

Di tulad ni Tadhana na napaka-makapangyarihan, siyay isang hamak mortal lamang.

Iniahon ng dalaga ang makisig na binata sa may tabing dagat. Siyay nahiwagahan ditto sapagkat
ngayon niya lamang ito nasilayan at hindi niya matukoy kung saang lupalop ng mundo ito nagmula.
Lingid sa kaalaman niya na ang makisig na binatang nasa harapan niya ngayon ay ang immortal na
diyos na sa Tadhana.

Ikinwento ng dalaga na matagal na niyang inaasam na makaalis mula sa malungkoy na mundo sa puso
ni Lanta. Kanyang ipinaliwanag kay tadhana na ng kanyang makita ang sombrero nito, kanya itong
kinapitan sapagkat napagtanto ng dalaga na maaaring ito nalamang ang natatanging paraan upang
siyay makaalis sa lugar na kinagisnan.

Ako nga pala si ****. Masiglang pakilala nito sabay abot ng kamay kay Tadhana.

Ikinalulugod kong makilala ka. Ako naman si Tadhana. At saka kinamayan ng binate ang dalaga.

Sa munting pangyayaring iyon ay lumaki ang batong kanilang kinalalagyan.

Lumipas ang mahabang panahon at tuluyan nahulog ang loob ng dalawa sa isat-isa hanggang sa
naisipan nilang magpakasal. Ang buong baryo ni *** ay nagsaya sa kanilang kasalan.

Habang tumatagal, unti-unting nadama ni Tadhana ang pag-hina ng kapangyarihan niya.

Naku unti-unti na yata akong nagiging mortal. Mahinang sabi niya sa sarili.

Isang araw habang silay kumakain, biglang nagsalitasi ***.

Irog, maaari mo ba akong isama kung saan ka man nakatira? Parang awa mo na, matagal ko na ring
pinapangarap na makalaya rito. Pakiusap ni ***

Napa-isip si Tadhana. Kailan may hindi pa siya nakapag-kilala sa isang mortal, gayundin ang dalhin
ito sa kaniyang munting kaharian. Ngunit dahil sa kanyang nadarama, siyay pumayag.

Sige, ikay dadalhin ko sa aking munting kaharian at doon na tayo titira.

Gamit ang kanyang kapangyarihan, lumipad si tadhana at si **** palabas kay Lanta.
Nang silay makarating sa kaharian, gulat na gulat si ***. Ipinaliwanag naman ni Tadhana ang lahat.

Akoy isang immortal, ako ang nag-iisang anak ng dakilang ama at ako ang inatasan niyang
magbantay sa inyong munting mundo.

Kahit siyay nagulat, hindi parin nagbago ang tingin ni *** kay Tadhana.

Hindi ako natatako sa iyo. Ikaw parin ang Tadhanang nakilalat minahal ko, maging sino o ano ka
man.

Lumipas ang maraming taon. Walang ibang ginawa si Tadhana kundi pasiyahin si ***. Siyay gumawa
ng mga ibon, isda, mga halaman, bulaklak, at kung ano-ano pang mga bagay bilang regalo kay ***,
ngunit habang tumatagal, unti-unting nababawasan ang kasiyahan ni *** sa mga regalo ni Tadhana.

Para saan pa ang mga ginagawa mong ito? Hindi mo ba nakikita na masyado nang marami ang mga
iyan? Bakit hindi mo subukang gumawa ng bago? tanong ni *** sa kanyang asawa.

Ang bago ay mapanganib. Itoy makapangyarihan na bagay at baka hindi ko ito ma-kontrol. At isa
pa, wala nang iba pang bagong maiisip. Mas mabuti na sumunod nalang sa mga nakasanayan na.
simpleng sagot ni Tadhana.

Sumagot naman si ***, Ikay gumawa ng maraming magagandang bagay ngunit hindi mo ba nakikita na
parang napaka-lungkot ng kapaligiran? Parang ang lahat ay walang buhay.

Paano mo nasasabi iyan? Ginawa ko ang lahat ng ito para sa iyo ngunit hindi ka parin makuntento?
nasasaktang sabi ni Tadhana.

Si *** ay nasaktan at nadismaya sa mga sinabi ni Tadhana kayat siyay bumalik sa puso ni Lanta
patungo sa kanyang dating tahanan upang malayo kay Tadhana. Sa mahabang panahon, wala siyang
ibang ginawa kundi umiyak.

Si Tadhana naman ay walang nagawa kundi umiyak rin habang pinapanood si ***.

Ang mga luha ni Tadhana ay dahan-dahang pumapatak sa dagat at ang mga luha din ni *** ay
pumapatak doon.

Lingid sa kanilang isip na ang mga luha nilay naghalo sa dagat at dahil ditto, unti-unting lumaki muli
ang bato, at mula sa puso ng dagat kung saan nagtagpo ang mga luha ng kalungkutay umusbong ang
isang bagay na kakaiba.

Ang langit na tinitirahan ni Tadhana ay naging Bughaw, gayun din ang dagat na kinaroroonan ni ***.

Ang mundong dating walang kulay ay unti-unting nagkabuhay.

Si *** ay nabighani sa kanyang nakita. Sa wakas ay unti-unti naring nabubuo ang kanyang hiling. Ang
kakaibang bagay ay tiawag niyang Bughaw hango sa pangalan ng dagat kung saan una niyang nakita si
Tadhana.

Nilibot ni Tadhana ang langit habang si *** ang dagat. Silay nabighani sa ganda ng kakaibang
nangyari.

Nang muling sumilip si Tadhana mula sa mga ulap, siyay nakakita muli ng isang magandang dilag.
Bumaba si Tadhana mula sa langit at nagpakilala sa dalaga.

Magandang umaga, ako nga pala si Tadhana.

Magandang umaga din sa iyo, ako nga pala si Tama ng baryong oras o Tama ng Oras.

Ah, napakaganda naman ng pangalang mo ngunit mahaba. Maaari ba kitang tawaging Tamang Oras?

Sige, maaari. Walang problema.

At magkasabay nilang nilibot ang mundong may kulay.

Nililibot din ni *** ang mundong may Bughaw. Lahat ay may Bughawang langit, ang dagat, ang batis,
ang mata ng mga ibong lumilipad pati narin ang ibang batoy may halong Bughaw. Halos lahat ay may
kulay, hanggang sa napunta siya sa hardin ng mga rosas.

Napunta si Tadhana at si Tamang Oras sa gubat. Naglakad-lakad sila hanggang tumigil si Tama at
humarap kay Tadhana. Laking gulat nalang ni Tadhana ng biglang lumapat ang labi ni Tamang oras sa
kanyang labi.

Nang tumingin si *** sa kabilang banda ng hardin, hindi niya sinasadyang Makita si Tadhana na may
kasamang isang dalaga at unti-unting nawasak ang kanyang puso.

Mula sa sakit at lungkot ay umusbong ang isang damdamin sa puso ni ***.

Ang kanyang mga kamay ay tumiklop at tumatag. Ang kanyang katawan nanginginig sa galit na
nadarama.

Ang dugo mula sa nawasak na puso ni *** ay unti-unting nagka-kulay at mula rito ay umusbong ang
bagong kulay.

Unti-unting nagbago ang kalangitan. May malalakas na tunog na bumalot sa buong kamunduhan. Nang
nagbaba ng tingin si Tadhana, nagulat siya ng Makita si ***.

Napatingin si Tadhana sa langit at napansing nag-iba ito, nabuo ang isang kulay na hindi
maipaliwanag. Ito ang kulay ng dugo na nagmula sa nawasak na puso ni *** at ang kulay ng galit mula
sa kanyang mata.

Ang mundoy binalot ng bagong kulay. Ang mga bulkan ay sumabog at ang inilabas nito ay binalot din
ng bagong kulay. Kahit ang kalahati ng dagat ay binalot ng bagong kulay.

Muli, ang mundo ay umalog at lumaki.

Sa galit ni ***, kanyang pinakiusapan ang kalikasan. Si Tamang Oras ay pinalubutan ng mga baging at
siyay hinila ng mga ito patungo sa bulkan.

Hindi malaman ni Tadhana ang kanyang gagawin.

***, Hindi ko sinasadyang saktan ka malumanay na sabi niya kay ***.

Siyay kumuha ng isang rosas mula sa hardin ng pula at iniabot ito kay ***.
Itong rosas na ito ang simbolo ng aking pagmamahal sayo. Iniabot niya ito kay *** at unti-unting
nagtigil ang pagsabog ng mga bulkan. Unti-unti ring bumalik sa Bughaw ang kalangitan.

Nang tinanggap ni *** ang rosas, itoy unti-unting nagkakulay. Katulad ng dugo ng puso ni ***.

Tatawagin kong pula ang kulay na ito, alang-alang sa hardin na itoang hardin ng pula. Sapagkat
dito nagdugo ang aking puso na humantong sa galit at nagbigay buhay sa kulay na ito. At dahil din
dito mo pinatunayan na akoy iyong mahal. Ang hardin ng pulay ay nakasaksi ng galit at pagmamahal,
gayundin, ang kulay na pula ay sisimbolo hindi lamang sa galitngunit pati sa aking katapangan na
ikay ipaglaban at sa iyong pagmamahal sa akin.

Ang mag-asaway bumalik nang muli sa kanilang kaharian sa langit. Silay namuhay ng maligaya. Ang
mundoy binalot ng pulat bughaw at na-kontento na si *** sapagkat kahit papanoy nagkakulay at
nagkabuhay na ang mundong datiy putit itim.

Isang araw, nang namamasyal si Tadhana, nasilayan niya ang araw. Siyay namangha dito kayat
kumuha siya ng piraso nito at ginawa itong kuwintas. Kanyang sinurpresa si *** at iniregalo ang
kwintas sa kanya.

Si *** ay likas na nasiyahan sa regalo ng asawa. Nang isuot ito ni Tadhana sa kanya, unti-unti itong
nagkakulaykakaibang kulay. NAmangha ang mag-asawa dito. Ang kulay ay umusbong mula sa
kasiyahan at tuwa ni ***. Nang sumilip sila sa mundong ibaba, nakita nilang mas nagkabuhay ang
mundo sapagkat itoy nakulayan ng kasiyahan ni ***.

Dilaw mahinang bigkas ni ***.

Ano iyon, mahal? tanong naman ni Tadhana.

Dilaw ang itawag natin sa kulay na iyan dahil iDILAWan nito ang ating mundo.

Baka ang ibig mong sabihin ay inilawan mahal


Ay,nagbago na? Di bale, mas maganda ang dilaw.

Napatawa naman si Tadhana.Habang pinapanood nila ang pagbuhay ng kulay dilaw sa mundo, nagulat
sila ng unti-unti, ang araw ay nagging dilaw din.

Habang nagiging dilaw ang araw, nadama ni *** na unti-unting umiinit ang kanyang kwintas kayat
naalis niya ito at itoy nalaglag sa mundong ibaba.

Nagsimulang lumaki ng lumaki ang mundo at unti-unting umalog.

***! Saan ka pupunta? nag-aalalang tanong ni Tadhana.

Aking kukunin ang iyong regalo sa akin! sagot naman ni *** habang naghahandang tumalon.

Hwag na! Mukhang may nangyayari sa mundong ibaba!

Hindi maaari! Iyong kuwintas na iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng napakagandang kulay!

Igagawa nalang ulit kita ng bago!


Hindi mahal, yun ang kuwintas na gusto ko, iyon lamang at wala ng iba. Kung ayaw mong kunin para
sa akin, ako nalang! sabi ni *** bago siya tumalon pababa sa mundo.

Waang nagawa si Tadhana kundi manoon na lamang. Siyay kinakabahan. Nakita niyang nakuha na ni
*** ang kuwintas at tumingin ito sa kanya. Eksakto naman tumigil na ang pag-alog ng mundo.

Tadhana! Nakuha ko na ang kasiyahan ko!

O sige ***, bumalik ka na rito.

Habang lumilipad pataas si *** biglang umalog ng napakalakas ang mundo.

Bilisan mo mahal ko! sigaw ni Tadhana sabay abot ng kamay ni ***.

Nang maaabot na ni *** ang naka-lahad na kamay ni Tadhana, biglang nangyari ang isang bagay na
habang buhay na magbabago sa ating mundo at sa puso ni Tadhana.

Nang nagtama ang kanilang kamay, bawat piraso ng mundong kinalalagyan ni *** ay sumabog. Si
Tadhana ay sadyang nasaktan. Sa isang iglap lang, nawala ang kanyang ***.

Si Tadhana ay umiyak ng umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog siya dahil sa pagod.

Kinabukasan, pag-gising ni tadhana, nagulat siya sa kanyang nakita.

Ang bagong mundoy napuno ng kulayhindi lang ng pula, dilaw, at bughawkundi pati ng ibat ibang
kulay!

Ang pagsabog na nangyari ay nagbunga sa balance at paghahalo ng mga kulay na nagbigay-buhay sa


mundo.

Mahal ko, kung ikay naririto pa, sanay nasilayan mo ang bagong mundong ito. ALam kong lubos
kang masisihayan at mamahalin mo ito ng wagas. Napapaluhang sabi ni tadhana.

Paano magiging makulay ang buhay ko kung wala ka na? dagdag pa niya.

Ngunit may napagtanto siya. Nadarama niya ang asawa sa mga kulay na ito. Ang dami ng kulay na
rumesulta sa pagsabog ay hindi lang dahil sa tatlong kulay na naghalo-halo.

Itoy nagmula sa kalooban ng kanyang asawa. Ang makulay na kalooban nito ang nagbigay kulay hindi
lang sa kanyang malungkot na mundo ngunit pati narin sa bagong mundong tinitirhan natin ngayon.