Вы находитесь на странице: 1из 1

The Four Stages of Breathing ( Choral Strategy no.

49 )

Gusto kong talakayin ngayon ang isang bagay na kung minsan ay hindi nabibigyan ng
pansin pero napakahalaga, ito ang PAGHINGA or BREATHING , kadalasan focus tayo sa
magandang boses , mataas na boses, buong boses pero alam nyo ba na ang BREATHING
ang pinaka mahalagang sangkap sa pagkanta?Bago pa natin pag aralan ang placement,
falsetto , head note etc. BREATHING muna dahil BREATHING is the power of singing,
Singing is impossible without Breathing at lalong mas gaganda ang iyong pagkanta
kung tama ang iyong paghinga, kaya naman ngayon nais kong ibahagi sa inyo ang FOUR
STAGES OF BREATHING , mahalaga na naiintindihan ito ng isang mang- aawit, eto na
sila.

Inhalation , suspension , exhalation at recovery.

Ang apat na ito ay napakahalaga pero nais kong mag focus sa suspension dahil ito
ang magbibigay ng power sa iyong singing , para sa akin kailangan mong ma - hold mo
ng mabuti ang iyong breath dahil ito ang magbibigay ng power sa iyong pagkanta ,
matutulungan ka nito para makapag sustain ng notes , makareach ng high notes
etc. , gawin mo ang simpleng breathing exercise na ito , i- relax ang iyong katawan
huminga ng natural ( hindi sana nataas ang balikat ) then hold the breath ( start
ka munang bumilang ng tatlo bago ang exhalation , then next gawin mong apat, lima,
anim hangang sa humaba ng humaba ang bilang ) then dahan dahan lang ang exhalation
wag mo itong biglain .

Sana nakatulong ang simpleng tip na ito mga choirmasters and choir members!

Salamat sa pagbasa!

Ray Santos

Вам также может понравиться