Вы находитесь на странице: 1из 20

ARTS Aralin 3: Mga Disenyo ng Kultural na

Pamayanan ng Mindanao
Marami sa katutubong disenyo sa bansa ay
malikhaing gawa ng kultural na pamayanan sa
Mindanao.
Ilan sa kanilang mga gawa ay ang mga damit,
banig, hikaw, kuwintas, maliliit na kampanilya,
placemat, table runner, wall décor at marami
pang iba. Lahat ng ito ay ginagamitan ng iba’t –
ibang hugis, kulay at linya.
Mga Pangkat –Etniko sa Mindanao
1. Maranao- Nakatira sa paligid ng Lawa ng
Lanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod
ng Marawi at Lungsod ng Iligan.
- gawang ukit, damit at banig,
- kagamitang gawa sa tanso
2. T’boli – matatagpuan sa Cotabato
- T’nalak mula sa hibla ng abaka
- Nagpapahid ng pulot – pukyutan sa mukha
- Nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas , maliliit
na kampanilya at binurdahang damit
3. Yakan – pangunahing pangkat ng Muslim sa
Basilan
- kilala sa paglalala ng pinya at abaka
- gumagamit din sila ng mga dagta ng dahon , ugat
at sanga, bilang pangkulay,
- nagtitina ng mga hibla ng na may iba’t – ibang
kulay tulad ng table runner, placemat at wall
décor at iba pa.
Tandaan:
Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan
sa Mindanao ay makikita sa kanilang mga
kagamitab at kasuotan na ginagamitan ng
iba’t – ibang linya, kulay at hugis. Ang mga
ito ay hango sa kalikasan at sa kapaligiran
tulad ng hayop, dahon, bundok, araw at
bituin.
ARTS Aralin 4: Mga Katutubong Disenyo
Ang mga disenyong etniko ay gawa ng
iba’t ibang uri ng pangkat - etniko sa mga kultural
na pamayanan sa bansa. Ang kanilang talino at
kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa
paggawa ng mga kagamitang pantahanan, gaya ng
palayok, mangkok, at banga sa mga hinabing tela,
kumot, at banig. Magaganda rin ang kanilang mga
palamuti sa katawan tulad ng alahas, kwintas, at
hikaw. Ang mga bagay sa kapaligiran at maging sa
kalikasan ay ang mga pangunahing pinaggagayahan
ng kanilang mga disenyo tulad ng araw, buwan,
bituin, dahon, bulaklak, dagat, hayop, at mga tao.

Tandaan:
Ang mga disenyong etniko o dibuho ay
may katangitanging kagandahan. Dapat natin
ipagmalaki at panatilihin ang mga ito upang
lalong makilala ang ating bansa.
Aralin 5: Mga Katutubong Disenyo sa
Kasuotan at Kagamitan
Likas sa mga Pilipino ang natin sa ating
mga ninuno. Sa ilang salinlahi ay nakikita ang mga
masining na likha ng mga katutubo.
Kaakit – akit ang mga disenyong gawa ng
mga pangkat – etniko. Ang kanilang talino at
kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila
sapaggawa ng mga kagamitang pantahanan,
palamuti sa katawan, kasuotan at iba pa.
Tandaan:
Bawat bata ay may angking talent sa
pagdidisenyo at nakagagawa ng kakaibang
likhang – sining gamit ang iba’t – ibang
katutubong disenyo ng mga pangkat – etniko sa
bansa.
ARTS Aralin 6: Kagawian ng Iba’t ibang
Pamayanang Kultural
Ang mga sinaunang kagamitan at
kasuotan ng mga pangkat - etniko ay bahagi ng
pang-araw araw na buhay sa kanilang
pamayanang kultural. Ang kanilang paniniwala ay
makikita sa mga masining na dibuho ng kanilang
kasuotan, palamuti sa katawan, at mga
kagamitan. Ito ay yaman ng ating bansa.
Ang mga pamayanang kultural sa ating
bansa ay may kakaibang kaugalian na kanilang
nakagisnan. Halimbawa ay kapag may namatay
na mahal sa buhay, sila ay nag-aalay ng mga
pagkain upang hilingin sa diyos ng kamatayan na
samahan ang kaluluwa sa pagtawid sa kabilang
buhay. Inilalagak ang labi nito sa Manunggul Jar
na kakikitaan ng masining at kakaibang disenyo.
Naniniwala sila na ang mga nakikita sa
kapaligiran tulad ng bundok, mga halaman, mga
hayop, at anumang makikita sa kalikasan ay mga
sagrado at may espirito kaya madalas ang
kanilang pag-aayuno at pag-aalay upang sila ay
mapangalagaan laban sa anumang masasamang
espirito.
Makikita na ang kanilang kasuotan ay
kakikitaan ng mga disenyong etniko na
nagtataglay ng mga maninipis at makakapal na
linya, mga mapupusyaw na kulay, at mga
dibuhong kanilang pinagyaman.

Tandaan:
May iba’t ibang nakagisnang kaugalian
ang ating pamayanang kultural na makikita pa
rin sa kasalukuyang panahon. Ito ay dapat
ingatan at magamit sa mga likhang sining.
ARTS Aralin 7 : Masining na Disenyo ng
Pamayanang Kultural
Ang mga masining na disenyo na gawa ng
mga pamayanang kultural ay isa sa mga
pamanang sining sa lahing Pilipino.
Ang mga disenyo noong mga unang
panahon ay ginawang basehan ng mga disenyo
sa kasalukuyang panahon. Ito ay isa sa mga
nagsilbing paraan para maisalin ang mga
kaalaman ng sinaunang Pilipino.

Tandaan:
Ang disenyo sa mga kagamitang ginagawa sa
pamayanang kultural ay may kakaibang istilo at
tunay na yaman ng lahi. Makikita ito hanggang
sa kasalukuyang panahon at dapat itong
ipagmalaki.
ART Aralin 8 : Crayon Resist ng Disenyong-Etniko
Ang mga pangkat-etniko ay may mga
pamamaraan sa kanilang pamumuhay na nakikitaan ng
pagiging malikhain. Makikita sa mga kagamitan at mga
palamuti ang iba’t ibang disenyo na kanilang
pinagyaman.
Ang mga napag-aralan nang disenyong etniko
o pattern ay maaaring gamitin sa paggawa ng isang
likha. May iba’t ibang paraan din sa paglikha gamit ang
krayola. Isa ang paraang crayon resist na maaaring
gamitin sa gagawing likha.
Sa araling ito ay gagawa tayo ng likhang-sining gamit
ang mga disenyong etniko sa pamamagitan ng crayon
resist.

TANDAAN:
Ang pagpapahalaga sa iniambag ng pangkat-etniko
sa mundo ng sining ay tunay na yaman ng ating bansa.
Isa sa mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga
ay ang paggamit ng kanilang disenyo sa iba’t ibang
obra.

Вам также может понравиться