Вы находитесь на странице: 1из 2

KABANATA I

RATIONALE
Sa panahon ngayon, maraming mga sitwasyong pangwika o mga modernong
pang-wika sa iba pang anyo ng kulturang popular ang nauuso sa mga kabataan. Sa
patuloy na paglago ng wikang Filipino kasabay sa makabagong panahon, maraming iba't
ibang malikhaing paggamit ng wika ang nagagawa dala ng impluwensiya ng social media.
Isa sa mga nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag sa wikang Filipino ay ang
hugot lines na tanyag sa mga kabataan. Sa patuloy na pagsulong ng mga iba't ibang
malikhaing hugot lines sa social media, may kasabay din itong mga magaganda at
masasamang epekto sa nakararaming kabataan na gumagamit ng social-media
applications at sa mga iba pang gumagamit ng internet.

Ayon kay Arra Bayan, ang salitang "hugot" ay isang paraan ng pagpapahayag ng
damdamin sa kontemporaryong ekspresyon gamit ang retorika sa paghahambing ng
isang karasanan sa tao, bagay, pangyayari, atbp. Ang mga Hugot lines ay isa sa mga
makabagong kalakaran sa Pilipinas, lalo na sa mga millennials. Dahil sa social media at
sa paulit-ulit na paggamit nito ng bawat Pilipino, bigla itong naging uso sa Pilipinas. at
nagdala ng malaking tama sa kulturang Pilipino.

Ginagamit ang hugot lines upang ipakita ang karamdaman ng mga kabataan, ito
ay mga salitang emosyonal at malalim na pinapahayag an gating damdamin, nagsisilbi
itong tulay sa pag-ugnay ng pakiramdam, ito rin ay nagpapalapit ng mga relasyon ng mga
pamilya at kaibigan. Ginagamit ito sa mga social media, tweeters at iba pang social media
accounts upang ipakita ang sariling opinion at kung sang-ayon ba ang mga tao, ito ay
shineshare at nililike. Hugot lines ang nagsisilbing pagtatanggol at pagpapabuti sa mga
pinagdaraanan ng mga Pilipino. Saraza, A.J.O. (2015)

Ang mga millenials ay mga kabataan na hindi nabubuhay pag walang internet,
mayabang at wala silang tiyak na trabaho kaya papalit palit sila ng mga trabahop, sa
henerasyon nila, uso na ang pagseselfie at OOTD o outfit of the day. GMA News Online
(2016)

Ayon kay Bayan, A. (2016), mga pelikula katulad ng one more chance, starting
over again and that thing called tadhana ay nagpatayo ng mga kultura ng mga hugot sa
mga Pilipino. Social media ang siyang nagbigay daan sa pagkauso ng mga hugot lines,
may mga hugot na nakakabigo sa mga tao at may iba naman na nakakadalamhati sa
mga damdamin pero nawawalan ang mahika nito kung mali ang tiyempo nang pagkasabi.
Ang mga hugot lines ay parang ebolusyon na unti-unting napapatunayan.

Ang Hugot line ay tinutukoy bilang mga pangungusap na nabuo mula sa


paghinuha ng mga sariling karanasan na kalimitang tungkol sa romansa o pag-ibig.
Ginagamit ito ng mga tao upang mailabas ang mga nararamdaman nila sapagkat ito ay
karaniwang nakatutulong sa pagpapahayag ng damdamin na paminsan rin ay
nakapaglilibang at nakapag-gagaan sa pakiramdam. Karaniwang ang mga "millennials"
ang mahilig na gumamit ng Hugot lines sa Pilipinas. Ang mga Millennials ay ang mga
taong nabibilang sa net Generation na tumutukoy sa henerasyon na kung saan
kinalakihan na ang paggamit ng cell phone, kompyuter at internet sa kanilang pang araw
araw na pamumuhay. Halos lahat na ng kabataan ng kasalukuyang henerasyon ay
marunong gumagamit ng internet.

Ang konsepto ng Hugot ay nagbigay malaking impluwensya sa panitikan mula sa


mga klasikong gawa. Sa paglipas ng oras, ang konsepto na ito ay nagbabago, mula sa
mga klasikong libro papunta sa world wide web. Sa taong, 2015 sumikat ang konseptong
hugot sa Pilipinas, lalo na sa mga millennials dahil sa kalakaran ng social media. Ang
mga Pilipino ang mismong gumawa ng Hugot at kilala din bilang pagiging sentimental,
mapagmahal at mahilig sila sa mga malungkot na kuwento, tulad sa mga kwentong
inilalarawan sa telenovela at mga pelikula. Bukod sa gayon, ang mga Hugot lines ay
naging isa sa maraming mga paraan upang mapagaan ng mga Pilipino ang damdamin.
Ang pagbubukod ay hindi lamang isangparaan upang mailabas ang pinipigilan na
damdamin at kaisipan. Maaari rin itong magamit sa pagiwas ng mabigat na stress at
nervous breakdown.

Sa kasalukuyan, ang mga Hugot lines ay naging isang malaking bahagi ng pang-
araw-araw na pag-uusap ng mga Pilipino sapagkat ito ay nagbibigay ng pagpalit ng
maraming nakakaaliw na pangungusap batay sa mga pagkakatulad na karanasan na
binabahagi sa isa't isa. Sa pamamagitan ng paggawa ng konseptong papel, nais na
ipaalam ng mga mananaliksik sa mga mambabasa ang mga positibo at negatibong
epekto dulot ng Hugot lines. Nais ding hikayatin ng mga mananaliksik ang mga
mambabasa na magkaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa mga

Вам также может понравиться