Вы находитесь на странице: 1из 12

Magulang:

FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal


Mercado y Alejandra II):
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado.
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim.
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay si Francisco
Mercado noong
Enero 5, 1898.
TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos):
Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng
Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang ikalawang anak nina
Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-
aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado.
Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa tatay ni Jose Rizal na si
Francisco Mercado at tumira sila sa Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging
isang masipag at dedikadongina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa
Calamba, nakibahagi ang kanyang pamilya sa agrikultura. Bilang nanay ng
kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating taon dahil
pinagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba
pang mga pagpapahirap. Dahil sa malabong mga mata ni Teodora, napag-
isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng medisina. Namatay si Teodora Aquino
noong ika-16 ng Agosoto 1911 sa Calle San Fernando, Binondo, Maynila
dahil sa kaniyang kahinaan.

Mga Kapatid:
SATURNINA RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng.
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang
tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas.
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.

PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda): Si Paciano ay


ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9,
1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang
magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang
makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng
pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari
sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. Nag-aral si Paciano sa Colegio de San
Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at
sinuportahan ni Paciano ang Propaganda Movement for social refroms at ang
diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa
pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal,
naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army at naging military
commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American
War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano.
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis.

Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid na


Babae ng Bayani
Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”.
Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa
sa pag-aaral ni Rizal
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni
Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang pinakamatulungin sa
kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang na sina Don Francisco at
Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa
kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na si Josephine Bracken ay
pinatira niya sa kanyang tahanan sapagkat pinaghinalaan siya ng pamilya
Rizal na isang espiya ng mga paring
Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay nakapiit sa barkong
“Castilla” na nakadaong sa Cavite ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si
Jose Rizal sa kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa kanyang
tahanan.
Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan si Jose Rizal ay
inilibing na walang kahon at walang pangalan para pagkakilanlan kaya
nagbigay siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para lagyan ng
markang “RPJ” na siyang titik ng mga pangalan ni Jose Rizal. Pagkaraan ng
maraming taon ay hinukay ni Sisa at mga kaanak ang mga labi ni Jose Rizal.

Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa


Morong, Rizal. Dahil sa pinatira nila ang mga magulang ni Sisa at Jose sa
kanilang tahanan, sila ang pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot siya na
ibabalik sa pinanggalingan at sinira ang kanilang tahanan bukod pa sa kinuha
ng sapilitan ang kanilang mga ari-arian.

Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak. Ang anak nilang si


Antonio na ipinanganak noong 1878, na namatay noong 1928 ay
pinakasalang ang kanyang pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng
kapatid ni Sisa na si Paciano kay Severina Decena. Ang anak na babae ni
Sisa na si Angelica na dumalay kay Jose Rizal sa Dapitan ay sumapi sa
Katipunan pagkatapos na patayin ang kanyang amain na si Jose Rizal.

Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni Sisa ay ipinagtapat nila


na ang kanilang lolo Antonio ay anak ng prayleng si Leoncio Lopez, and kura
paroko ng Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal ng
katauhan ni Padre Florentino sa El Filibusterismo. Napag-alaman din na
pagkatapos ng kasal nina Narcisa at Antonino ay tumira sila sa simbahan ni
Padre Lopez at minana ni Antonino ang lahat ng aklat at pag-aari ng namatay
na pari.

Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.


OLYMPIA RIZAL

Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay


ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na
isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak
ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.

Lucia Rizal: Kahati sa mga Paghihirap ng Bayani


Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya
ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan
na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa
kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan
nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng
pamilya Rizal.

Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889. Hindi


siya binigyan ng isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya nangumpisal mula
nang ikasal kay Lucia. Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad
Una Profanacion” ay binatikos niya ang mga pari na tumangging ilibing sa
maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano dahil lamang sa siya ay
bayaw ni Jose Rizal.

Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa mga dumalo sa


pulong ng pamilya sa Hong Kong na isang reuniyon. Sinamahan niya si Jose
Rizal pabalik ng Maynila ng Hunyo ng sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang
ika-15 ng Hulyo 1892, si Jose Rizal ay ikinulong sa Fort Santiago at
ipinatapon sa Dapitan pagkatapos sa tahi-tahing kasinungalingan na may
mga babasahin laban sa mga pari na nakuha sa mga bagahe ni Lucia noong
nagbiyahe siya sakay ng barkong Don Juan.

Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina, Concepcion,


Patrocinio, Estanislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong
1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na
kinabibilangan nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng
ating watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral Salvador Natividad ng
Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging
mga estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na
kanyang itinatag sa Dapitan.

Maria Rizal

Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid


ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan,
Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na
gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.

Jose Rizal

Concepcion Rizal: Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani

Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak,


si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang
na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.

Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang


pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya.
Magkalaro sila at lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang
kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng
pagmamahal ng isang kapatid na babae.

Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose


Rizal at isinulat niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya
ng kapatid na babae at sa kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa
panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang minamahal.

Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga panahong


iyon. Mahigit na sampung mga pamangkin na babae at lalaki ni Jose Rizal
ang binawian ng mga buhay sa murang edad.
JOSEFA RIZAL

Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong


taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa
Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay
Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang
kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente
pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto.

Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit,


nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si
Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa
mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.

Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.


Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula ng Bayani
Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay
ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay
Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag
na tula ni Jose Rizal.

Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at


isinasalaysay niya na ang mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral.
Pinayuhan niya si Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang
magbasa ng buong puso. Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang
katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang
pag-aaral. Sinabi niya na kaunting tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay.
Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Jose Rizal nang
makatanggap siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam nito na nakapagtapos
ito ng Kolehiyo, dalawang taon at isa’t-kalahating buwan na ang nakakaraan.

Noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay


kasama si Jose Rizal sa “casa cuadrada” o “square house” (bahay
kuwadrado). Naitala na minsan ay pinag-isipan o pinagplanuhan ni Trining na
patakasin si Jose Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero 1896 ay
inanyayahan ni Jose Rizal si Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni
Jose Rizal ay kung sino ang mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil
ang pook na iyon ay halos parang walang tao at walang kabuhay-buhay.
Minsan ay sumulat si Trining kay Jose Rizal na nabasa nito ang sulat sa
kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si Trining kung nakakasundo nito si
Senyora Panggoy kung saan siya ay namamasukan. Sinabi ni Trining na
salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay nang tahimik.
Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama
hanggang sila’y namayapa at parehong hindi nag-asawa.

Bago namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang


ina sa kanyang piitan sa Fort Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose
Rizal ang isang lampana, isang regalo mula sa mga Pardo de Tavera at
ibinulong sa kanya sa wikang hindi naunawaan ng mga kawal na nakabantay
sa kanya na ang lutuan ay mayroong bagay na nakatago doon at iyon ay ang
kanyang huling tulang isinulat.

Tulad ni Josefa at dalawang pamangkin, sumapi sa Katipunan si


Trinidad matapos ang kamatayan ni Jose Rizal.

Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman,


limang buwan mula Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat
at dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa
pamilya Rizal.

SOLEDAD RIZAL

Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong


1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya
ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay
sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para
sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890.

Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang pamilya. Ang


kanyang napangasawa ay si Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin
ngunit sila’y nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga magulang. Di
sang-ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya ang paksang ito at nagsulat at
sinabi niya sa mensahe niya na isang kakahiyan sa pamilya Rizal ang
pagpapakasal ng kapitid kay Pantaleon.

Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil sa


kumakalat na balita na hindi raw totoong anak ni Teodora at Francisco si
Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni Teodora.

Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang anak na sina


Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang kanyang anak na si Amelia ay
napangasawa si Bernabe Malvar na anak ni Gen. Miguel Malvar.

Вам также может понравиться