Вы находитесь на странице: 1из 7

Kabanata 3

METODO NG PANANALIKSIK

Ipinakikita sa kabanatang ito ang pag-aaral na naglalaman ng mga

pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap at pagsusuri ng mga

datos, paglalarawan sa mga respondente, instrumentong ginamit, ang paraan sa

pangangalap ng datos at ang uri, pormula at kompyutasyon ng estadistikang ginamit

sa pananaliksik.

PAMAMARAANG GAGAMITIN

Deskriptibo ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral na ito, na naglalarawan

at nagpapakahuluhagan sa kalagayan at ugnayang nabuo, epekto, mga

pagsasanay, paniniwala, mga gawaing nairal at ang mga nabuong kongklusyon.

Ayon kay Calmorin (2004), ang Deskriptibong pananaliksik ay nauukol sa

kasalukuyang pananaliksik, sa namamayaning kahhalagahan, sa pangyayari sa

paligid ayon sa gawi, kilos at katangian ng bawat tao.

POPULASYON

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga piling mag-aaral ng kursong

Accountancy, Business and Management (ABM), ika-labindalawang baitang sa

taong 2017-1018. Ang populasyon pipiliin ay kinabibilangan ng mga estudyanteng

kasama, kasali o nakikisalamuha sa mga organisasyong pansining.


KALAHOK MULA SA
ORGANISASYONG PANSINING IKA-LABINDALAWANG
BAITANG
Tanghalang Julyo Bente Tres Incorporadas
Mulat Documentary Guild
Teatro Komonikado
PUP Posh (coll. Business)
Power Impact Dancers
Kamangyang Artist Collective
COED-Chorale
COED Dance Troupe
Art Kom.
Animation Guild of the Philippines
Dulaang Katinig
Film Aficionados Circle
Power of Student Hoppers
Kamanyang
Molave Theatre Group
Quadro Photography Club
Musician for Peace

KABUUAN

PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng stratified random sampling kung saan

ang pagpili ng mga respondent para sa pananaliksik ay mahahati sa mga grupo,

batay sa organisasyong pansining na kanilang kinabibilangan. Binibigyang diin na sa

pagpili ng mga respondante ay magmumula sa listahan ng mga mag-aaral na

kalahok sa mga pansining na organisasyon sa paaralang Polytechnic University of


the Philippines Senior High School, kursong Accountancy, Business and

Management, ika-labindalawang baitang.

Ang stratified random sampling ay ang paghahati-hati ng populasyon sa mga

grupo na base sa kanilang katangian (Trost, 1986). Ang mga sumusunod na

organisasyong pansining ang mga grupong pagbabatayan ng pananaliksik:

1. Tanghalang Julyo Bente Tres 10. Animation Guild of the

Incorporadas Philippines

2. Mulat Documentary Guild 11. Dulaang Katinig

3. Teatro Komonikado 12. Film Aficionados Circle

4. PUP Posh (coll. Business) 13. Power of Student Hoppers

5. Power Impact Dancers 14. Kamanyang

6. Kamangyang Artist Collective 15. Molave Theatre Group

7. COED-Chorale 16. Quadro Photography Club

8. COED Dance Troupe 17. Musician for Peace

9. Art Kom.

DESKRIPSYON NG MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente ng isinasagwang pananaliksik ay binubuo ng mga

mag-aaral na mula sa ika-labindalawang baitang ng kursong Accountancy, Business

and Management (ABM) na kabilang sa mga organisasyong pansining ng

unibersidad. Maaring kabilang ang mga mag-aaral sa organisasyong pansining na

sayaw, teatro, musika, pagpinta, pagguhit at iba pa.


INSTRUMENTO

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan sa pangangalap ng mga

impormasyong kakailanganin upang masagot ang mga tanong sa na nakasaad sa

pag-aaral na ito. Ang unang bahagi ay nagpapakita o nagpapahayag ng profayl ng

mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng pangalan, edad, kasarian, strand at seksyon.

Ang ikalawang bahagi ng talatanungan ay ukol sa mga organisasyong pansining na

kinabibilangan ng mga mag-aaral.

Ang pwedeng kabilangan ng mga organisasyong ito ay tungkol sa pag-awit,

pagsayaw, teatro, pagguuhit, pagpinta, pagtugtog at iba pa na sakop ng makasining

na Gawain. Isa na rin dito ang dahilan ng kanilang paglahok sa naturang grupo. Ang

ikatlong bahagi naman ng talatanungan ay hinggil sa mga epekto ng paglahok ng

mga estudyante ukol sa intrapersonal na komunikasyon at panloob na pagkatao na

ang dahilan ay ang pagsali sa mga naturang organisasyong pansining.

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Dumaan sa proseso ng balidasyon ang mga instrumentong ginamit ng mga

mananaliksik bago ito ipasagot sa mga kalahok sa pag-aaral.

Sa mga datos na natipon at sa mga sagot ng mga estudyante sa mga

talatanungan/tseklis tungkol sa mga epekto ng paglahok sa mga organisasyong

pansining sa intrapersonal na komunikasyon ng mga mag-aaral.

Sa unang bahagi ng talatanungan ay hiningi ng mga mananaliksik ang iilan-

ilang mga datos patungkol sa kanilang pagkabilang sa mga organisasyon katulad ng

mga tanong na kung saan sila nabibilang na organisasyon, ano ang kanilang dahilan

sa paglahok sa napiling organisasyon, kung nakatulong ba sa kanila ang pagsali sa

naturang organisasyon at kung ano ang naging epekto nito sa kanila.


Sa ikalawang bahagi ng talatanungan ay minarkahan ng tsek ng mga

estudyante ang talatanungan batay sa:

MARKA INTERPRETASYON

5 Lubos na sumasang-ayon

4 Sumasang-ayon

3 Neutral

2 Hindi sumasang-ayon

1 Lubos na hindi sumasang-ayon

URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

Upang malapatan ng karampatang kahulugan ang mga nakalap na datos at

impormasyon sa isinagawang sarbey ay napagpasyahan ng mananaliksik na gamitin

ang sumusunod na pormyula:

Sa pananaliksik, gagamit ang mananaliksik ng pormulang Prekwensi at

Bahagdan upang malaman kung ilang bahagdan ang mga respondenteng

estudyante sa Ika-labindalawang Baitang ng Kursong Accountancy and Business

Management sa paaralang PUP Senior High School na kasali o lumalahok sa isang

organisyong pansining.

Bahagdan

Kung Saan:

% = Bahagdan

f = Bilang ng sumagot sa frikwensi ng tugon sa isang opsyon

N = Kabuuang bilang ng respondente


100 = konstant na halaga

Ang pormula sa pagkuha ng bahagdan ay:

𝑓
%= × 100
𝑁

Ang Bahagdan ay ginamit upang maipakita ang pinakamataas at

pinakamababang bahagdan kaugnay ng profayl ng mga estudyanteng respondent,

gayundin ang epekto ng organisayong pangsining sa intrapersonal na komunikasyon

kaugnay sa nilalaman ng mga paksang talakay sa pagbuo ng pag-iisip, kalooban at

pagkatao ng isang estudyante.

Ginamit ng mananaliksik ang bahagdan sa pagpapahalaga at pagbibigay ng

interpretasyon sa mga datos na nakalap


L. Calmorin, (2004), Methods of Research and Thesis Writing, Published by Rex

Printing Company Inc., Quezon City, Philippines

Вам также может понравиться