You are on page 1of 2

“Bakit Mo Ako Pinabayaan?

Ang unang tatlong pangungusap mula sa ating Panginoon sa crus ay hindi na kataka-taka sa atin.
Matatandaan nyo na nanalangin Sya ng, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang
kanilang ginagawa” (Luke 23:24). Tinuruan Nya tayong magpatawad at pumarito Sya para bigyan tayo ng
kapatawaran. Nang magsalita Sya sa magnanakaw at sinabing, “Ngayon din ay kakasamahin kita sa
paraiso” (verse 43). Inaasahan na natin ang mga salitang ito dahil ang Panginoon ay pumarito upang
tayo ay magkaroon ng kapatawaran at isang araw ay pumunta sa langit. Nang mangusap Sya kay Maria
at kay apostol Juan, hindi na ito kataka-taka sa atin. Sinunod ng Panginoon ang Batas. Ang ika-limang
kautusan na nagsasabi sa atin na igalang ang ating ama at ina ay sinunod ng Panginoon sa kanyang
pamamalagi sa daigdig hanggang sa kamatayan. Hindi kataka-taka ang tatlong pangungusap na ito.

Isang Misteryo

Ngunit ang ika-apat na pangungusap ay isang misteryo. (read Matthew 27:45-49). May tatlong misteryo
na nababalot sa pangungusap na ito ng Panginoon sa crus. Kung mauunawaan natin ang tungkol sa mga
misteryong ito, sa tingin ko ay mas makikilala natin kung ano ang ginawa ni Jesu Kristo para sa atin.
Simulan natin sa isang malaking misteryo – ang kadiliman sa paligid ng crus. Mula tanghali hanggang ika-
tatlo ng hapon, nabalot ang daigdig ng kadiliman. Ito ay hindi karaniwang kadiliman. Hindi ito
sandstorm, hindi rin eclipse. Ang kadilimang ito ay hindi tulad ng naiisip ng tao. Ito ay isang di
karaniwang kadiliman na ipinadala ng Diyos Ama. Anong klaseng kadiliman ito? Bakit ito dumating?

Kadiliman ng Pakikiramay

Una, ito ay kadiliman ng pakikiramay. Ang Lumikha ay nag-aagaw buhay sa crus at lahat ng nilikha ay
naghihirap kasama ng Lumikha. Kung matatandaan natin noong unang magkasala ang unang lalaki at
babae, lahat ng sangnilikha ay apektado. Pinatawad sila ng Diyos ngunit hindi sila maialis sa
nakallulungkot na kabayaran ng kasalan. Dumating ang kamatayan sa tao at lahat ng nilikha ng Diyos ay
nagdurusa dahil sa kasalanan ng tao.

Lahat ng nilikha ng Diyos ay sumunod sa Kanya maliban sa tao. Ang mga nilikha ay naghihintay sa
Lumikha upang sila ay iligtas. Ang kadilimang ito ay ang pagdadalamhati ng tao at pakikiramay sa
Lumikha.

Kadiliman ng Kataimtiman

Pangalawa, ito ay kadiliman ng kataimtiman. Ang matuwid ay namatay para sa hindi matuwid. Ang banal
ay namatay para sa mga makasalanan. Ang kamatayan ng ating Panginoon ay isang taimtim, seryoso, at
banal na pangyayari. Ang kadiliman ng kataimtiman – ang Jesus ay namatay para sa ating mga
kasalanan.

Kadiliman ng Kalihiman

Pangatlo, ang kadilimanng ito ay simbolo ng pagkamalihim. Sa tatlong oras ng kadiliman, si Jesus ay
gumaganap ng isang mainam na Gawain na Siya lamang ang makapangyayari. Sa mga panahon yaon, si
Jesus ay ginaganap ang Gawain na ipinunta Niya dito sa daigdig. (read John 17:4) Ang gawaing ito ay
pagliligatas sa sanlibutan na Siya lamang mag-isa ang makagagawa kaya’t sinabi Niya, “Ama, Ama, bakit
Mo Ako pinabayaan?” Sapagkat sa sa mga sandaling yaon, si Jesus ay mag-isang gaganapin ang Gawain
na Siya lamang ang makagagawa. Ito ang isang malaking misteryo – ang kadiliman sa paligid ng crus.

Mas Malaking Misteryo

Ngunit mayroon pang mas malaking misteryo – ang kalungkutan sa crus. Iniwan Sya ng mga tao kahit na
kanyang mga disipulo. (read John 16:32) Ngunit sa crus, iniwan ng Diyos Ama si Jesus. Dito ang
kalungkutan ng Panginoon.

Bakit siya malungkot? Bakit siya pinabayaan o iniwan? Ito ang nagagawa ng kasalanan – ito ay
nakapaghihiwalay. Ang kasalanan ang nagpahiwalay sa tao at Diyos. Inihihiwalay din ng kasalanan ang
tao sa kanyang sarili. Kaya si Jesus ay pinabayaan upang hindi na tayo pabayaan ng Diyos. Dumaan siya
sa kadiliman upang magkaroon tayo ng liwanag. Humiwalay Siya para sa atin.

Pinakamalaking Misteryo

Ngunit ang pinakamalaking misteryo sa lahat ay ang kabulagan ng tao. Habang si Jesus ay nakapako sa
crus, naroon ang mga kawal, may mga tao rin. Ngunit sila ay mga bulag. Ang sabi nila, “tinawag Niya si
Elijah.” May nagsabi pa na “hintayin natin kung paparito si Elijah.

Hindi si Elijah ang tinatawag ni Jesus. Sinasambit niya ang nasasaad sa Psalm 22:1. Kung hindi sila mga
bulag sa kasulatan ng Diyos, malalaman nila na sinasabi sa Psa. 22:1 ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo
ako pinabayaan.” Naroon din at nabanggit ang kadiliman at liwanag ngunit ang mga tao ay hindi ito
nakilala sapagkat sila ay mga bulag sa kasulatan! Sa verse 7 at 8 ng Psalm 22, (read Psa. 22:7-8) Hindi
nakilala ng mga tao na ginaganap nila ang propesiya! Nabanggit na ito ngunit sila ay bulag sa kasulatan
at hindi nila ito nakilala!

Ang tao ay mga bulag sa kasulatan, bulag sa Tagapagligtas at bulag sa sarili nilang kasalanan. Muli, ang
malaking misteryo ay ang kadiliman sa crus, ang mas malaking misteryo ay ang kalungkutan sa crus at
ang pinakamalaking misteryo ay ang kabulagan ng mga tao. Mga kapatid, dalangin ko na sa araw na ito,
tayo ay hindi na mga bulag, at ating nakita ang pagpapasakit ni Jesus sa crus ng Kalbaryo para tubusin an
gating mga kasalanan.