Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
(RENIEL LAYLAY)
Bata pa lang ako binalot na ako ng aking mga magulang ng pagmamahal pero bakit
habang ako ay tumatanda ay unti-unti na rin akong bibitawan. Hindi ko alam kung anong
nangyari, biglang nagbago ang lahat. Ang dating saya ay unti unting nawala. Palagi na lang
mataas ang expectations nila, alam niyo ba na hanggang dito lang ang kaya ko, sana naman
ay maintindihan niyo, sana naman ay maging sapat na sa inyo na hanggang dito lang ang
kaya ko. Tapos palagi na lang inaagaw ang mga kasiyahan ko, palagi na lang utos ng utos
alam naman na pagod ako, pwede bang pagpahingahin niyo muna ako, nakakatress na rin
kasi eh, nung bata pa naman kayo ay maluwag naman ang mga magulang nyu sa inyo ah,
masaya naman kayo nung kayo ay nasa high school pa ah, bakit ba hndi niyo kayang
ipadama sa akin ito, isa lang naman ang hiling ko, sana pagbigyan niyo naman ako. Siguro
nagtatampo kayo dahil hindi ako yung inaasahan niyo na anak, pasensya kung hindi ako
naging masipag, pasesya kung ako ay makulit, pasensya kung hindi ako yung pinapangarap
ninyong anak, eh ano naman ang magagawa ko, eto ako eh, sana tangapin niyo naman ako
bilang inyong anak.