Вы находитесь на странице: 1из 2

CONALUM NATIONAL HIGH SCHOOL

Conalum, Inopacan, Leyte

IKATLONG MARKAHANG PASULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: __________________


Baitang at Seksyon: _____________________________ Iskor: ___________________

I. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot. (2
puntos bawat aytem)
1. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.
a. Pakikipagkapwa b. Pakikipagkaibigan c. Pakikipagmabutihan
2. Ito ay hindi isang damdamin, bagkus isang pasiya dahil ito ay nangangailanan ng malinaw na hangarin.
a. Pakikipagkapwa b. Pakikipagkaibigan c. Pakikipagmabutihan
3. Ito ay hindi basta-basta mahahanap, dumadaan ito sa isang mahaba at masalimuot na proseso.
a. Kaibigan b. Kapwa c. Kakilala
4. Isang Griyegong pilosopo na nagbigay ng makabuluhang pananaw sa pakikipagkaibigan.
a. Greeley b. Aristotle c. Sto. Tomas de Aquino
5. Ito ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalakasan ng tao at ito rin amg matibay na pundasyon
ng isang lipunan.
a. Pakikipagkapwa b. Pagmamahal c. Pakikipagkaibigan
6. Isang sosyolohista na nagsabi na "ang mabuting pakikipagkaibigan ay matibay na pundasyun at mabisang
sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan."
a. Andrew Greeley b. Aristotle c. Sto. Tomas de Aquino
7. Sino ang nagsabi na ang pagkakaibigan ay maituturing na isang birtud?
a. Andrew Greeley b. Joy Carol c. Sto. Tomas de Aquino
8. Ito ang uri ng pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito. Kilala ito sa
linyang "Kaibigan kita dahil kailangan kita".
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kasiyahan
c. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
9. Ito ay nabubuo batay sa pagkagusto at paggalang sa isa't isa. Ito ang uri ng pagkakaibigang
pangmatagalan.
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kasiyahan
c. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
10. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya
kang kasama o kausap.
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kasiyahan c. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
11.Siya ang sumulat sa The Fabric of Friendship na tumutukoy sa maraming bagay na naidudulot ng
pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.
a. Andrew Greeley b. Joy Carol c. George Washington
12. Sino ang nagsabi na "ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matinding lagsubok bago
ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan"?
a. Andrew Greeley b. Joy Carol c. George Washington
13. Ito ang isa pang mahalagang sangkap na kailangan upang ganap na makamit ang tunay at wagas na
pagkakaibigan.
a. Pagmamahal b. Pag-aaruga c. Pagpapatawad
14. Ito ang nangangahulugan ng kaisahan ng pag-iisip ng magkakaibigan.
a. Harmony b. Influence c. Reciprocity
15. Ito ang kakayahang maibalik ang ibinibigay ng kapwa na siyang kailangan upang magkaroon ng kaisahan
sa puso ng magkakaibigan.
a. Harmony
b. Influence
c. Reciprocity

II. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod.


Mga sangkap sa Pagkakaibigan
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan:


7.
8.
9.

Batayan ng Kabutihan at Pagmamahal:


10.

Binabati kita at iyong natapos ang pagsagot!


Galingan mo hanggang sa susunod na markahan!
God Bless.
-Maam Dhaling 

Вам также может понравиться