Вы находитесь на странице: 1из 1

Marco V.

Javier “Kahalagahan ng Musika bilang Sining” June 02, 2018

“Ang buhay na walang sining ay hindi kailanman maituturing na buhay. Ito ay nagbibigay ng kulay sa

mundong puno na karimlan.”

Ang sining ay nagbibigay ng baryasyon sa ating mundo. Ang ating buhay ay isang patotoo na mahalaga

ang sining. Ito ay isang paraan kung paano mo maipakikilala kung sino ka bilang isang tao. Ito ay isang

lunsarang ginagamit upang maipahayag ang nararamdaman ng isang tao.

Ang sining ay buhay at ang buhay ay sining.

Mula sa malikot na pag-iisip ng mga tao ay nakabuo tayo ng tinatawag na musika. Mula sa mga bagay

na makikita natin sa ating paligid ay nakabuo tayo ng mga tunog na kalaunay tinawag nating musika.

Simpleng kawayan, bato, dahon o buhok ng tao ay nagsilbing kasangkapan upang makabuo ng tunog

na tinawag nating instrumento. Sinong taong walang sining ang makaiisip na ang simpleng kawayan

ay maaring maging isang instrumento na may napakagandang ritmo na tinatawag nating flute o di kaya

nama’y pagdiriwang? Bahagi ng kulturang Pilipino panahon pa man ng mga indigenous sa ating bansa

ang anumang pagdiriwang. Tulad ng pagkapanalo o kay-aya, ritual o siyenga at anibersaryo o peshit

(CCP Encyclopedia of Philippine Art). Hindi mabubuo ang mga pagdiriwang na ito ng walang

musikang saliw na nabuo gamit ang pagkamalikhain ng ating mga ninuno. Sining ang naging kaagapay

ng ating mga ninuno upang maging masaya ang mga pagdiriwang tulad ng kasal. Noong panahon ng

ating mga ninuno tuwing may kasalan ay hindi nawawala ang mga mang-aawit na nagbibigay aliw sa

mga bisita at ang mga epikong nabuo mula sa pasaling-dila gamit ang sining ng pagkukwento nang

paawit. Ang mga mahahalagang bagay sa ating mundo noon at maging ngayon ay may kalakip ng

musika at sining. Anumang mga pangyayari sa ating buhay ay sinasaliwan natin ng mga musikang

nabuo sa pagiging malikhain nating mga tao.

Buksan natin ang ating kamalayan! Dalhin kaya natin ang ating sarili sa mundo na walang sining at

musika. Buhay pa kaya itong maituturing? Ikaw na ang bahalang humusga!

Вам также может понравиться