Вы находитесь на странице: 1из 3

Republic of the Philippines

Department of Justice
NATIONAL PROSECUTION SERVICE
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Province of Cagayan
Tuguegarao City

JEMALYN R. TULAUAN,
Complainant,

-versus- NPS No. II-2SM-INV-18D-000113


FOR:
Violation of 10175

AVELINA BINARAO,
Respondent.
x-------------------------------------x

KONTRA SALAYSAY

Ako si, AVELINA BINARAO, nasa wastong taong gulang,


Filipino, may asawa at nakatira sa Gadu, Solana, Cagayan,
pagkatapos manumpa alinsunod at sa ilalim ng batas ay nagsasabi
na:

1. Ako ay respondent sa kasong Violation of 10175 na may docket


no. na NPS NO. II-2SM-INV-18D-00113 na kasalukuyang
iniimbestigahan sa kagalang galang na opisina ng Honorable
Prosecutor;

2. Ako ay nakatanggap ng SUBPOENA noong June 2, 2018 na may


kinalaman sa kasong ito at ako ay pinagsususmite ng aking
kontra-salaysay sa loob ng (10) sampung araw mula ng
pagkatanggap nito, subalit ako ay nag sumite ng aking mosyon
na humihingi ng karagdagang (10) sampung araw upang
isumite ang aking kontra salaysay;

3. Bilang pagsunod sa Subpoena, aking isinusumite ang aking


kontra salaysay sa mga alegasyun na nakapaloob sa complaint
ng nagsampa ng kaso;

4. Mariin kong pinapabulaanan ang mga alegasyun laban sa akin


ng complainant dahil ang mga ito ay pawang mga
kasinungalingan, walang basehan at gawa gawa lamang ng mga
nanghabla;

5. Ang katotohanan ay ang mga sumusunod;

a) Ako ay kinakasuhan ng Cyber libel dahil sa mga IPINOST


KO DAW SA FACEBOOK pero kung titignan ay wala
naman akong pinopost sa facebook lalo nang wala akong
facebook account at mas lalo pang hindi ko alam kung
paano gumamit ng computer o cellphone man para
gumamit ng facebook;

b) Kung babasahin ang mga paratang sa akin ay maliwanag


na ako ay walang kinalaman sa mga iyon lalo na at wala
naman siyang mailahad na mga saski na magpapatunay
sa kanyang mga paratang ;

c) Ayun nga sa decision ng katas-taang hukom:

“Words which are merely insulting are not


actionable as libel or slander per se, and mere
words of general abuse however opprobious, ill-
natured, or vexatious whether written or spoken,
do not constitute a basis for an action for
defamation in the absence of allegation for
special damages. The fact that the language is
offensive to the plaintiff does not make it
actionable by itself ( MVRS Pub. Inc. vs
Islamic Da’wah Council of the Phil. 444 Phil.
20; Binay vs. Sec. of Justice Sept. 8, 2006)

d) Maliwanag sa nasabing decision na sa kabuuan ang mga


pinaparatang sa akin ay walang konkretong basehan
upang ako ay makasuhan ng libel lalo na at hindi ko
ginawa ang pinaparatang na maliwanag naman na
naksaad sa kanyang complaint;

e) Ayun sa Revised Penal Code of the Philippines ang Libel ay


may mga elementong: (1) There must be a defamatory
imputation; (2) Publicity of the Libelous Matter; (3) The
Person libeled must be identified; (4) That there be
malice on the part of the accused;

f) Maliwanag sa inilalahad ng batas na mga elemento nang


naturang kaso na ikinakaso sa akin na ni isa dito ay wala
man lang naipakita sa kanyang complaint laban sa akin;
6. Ang lahat ng alegasyun ng complainants laban sa akin ay puro
kasinungalingan dahil di naman totoo ang lahat ng kanyang
akusasyun;

7. Bilang pagkonsidera sa aking pagka-inosente sa pangyayari at


sa complaint laban sa akin, aking hinihiling sa Honorable
Prosecutor na I-DISMISS na ang kaso laban sa akin sa
kakulangan ng ebidensya at merito alang alang sa ngalan ng
hustisya.

MALAYA AT KUSANG LOOB kong ginawa ang kontra salaysay


na ito at aking lalagdahan bilang patoo ngayong
___________________sa Tuguegarao City, Cagayan.

AVELINA BINARAO
Affiant/Respondent

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME this ___ day


of______, 2018 in Tuguegarao City, Cagayan. I HEREBY CERTIFY
that I have personally examined the affiant and I am satisfied that
she understood and voluntarily executed the contents of his Counter-
Affidavit.

Copy Furnished :

JEMALYN TULAUAN
Gadu, Solana, Cagayan

Вам также может понравиться