Вы находитесь на странице: 1из 1

Noong unang panahon may isang mangangahoy na napadpad sa isang kagubatan sa bundok.

Namangha sya sa ganda ng makakakita sya ng mga puno na may maputing bulaklak na may
malapad na talulot.
Nakita rin nya na may bunga rin ito at dahil sa gutom hindi nya na pigilan na
kainin kahit na ito'y ma asim-asim.
dahil wala naman syang naramdamang masama sa katawan ng kainin nya ang bunga ay
pumitas sya nito at dinala sa kanyang pamilya.
Pagdating sa kanilang lugar ay doon nya nalaman na Katmon pala ang pangalan ng
puno.
Sabi sabi din na isa pala itong halamang gamot at tumutubo lamang ito sa kagubatan
sa kabundukan.
Nang matuklasan ng lalaki na marami pala itong benipisyo sa tao ay naisipan nyang
bumalik sa kagubatan at kumuha pa sya ulit ng mga bunga at binenta nya ito.
Maraming mga tao ang bumili dahil ang katas ng bunga nito ay karaniwang kinakatasan
upang mainom at maipanggamot sa may karamdaman gaya ng ubo at lagnat.
Kumita ng malaki ang mangangahoy dahil sa puno ng Katmon. Dahil sa tako na baka may
makaangkin ng lupang kinatitirikan ng puno ay doon na sila lumipat at inangkin ang
lugar.
Hanggang sa marami na ring mga kamag anak nya ang tumira na rin doon at pinarami pa
nila ng mga puno ng katmon dahil pinagkikitaan na rin nila ito.
Sa kalaunan ay pinangalanan nila ang lugar na Katmon dahil malaking tulong ang puno
sa kanilang buhay.

Вам также может понравиться