Вы находитесь на странице: 1из 42

Sa Papel na ito,

ano kaya ang


isusulat ko?
Tama kaya ang
gramatika at
wasto kaya ang
pagkakasunod-
sunod ng mga
ideya ko?
Ano ba ang
isusulat ko?
Ang dami
namang ideya
ang nasa isio
ko! Paano ko
ba isusulat ang
mga ito?
Naku hindi
naman ako
mahusay
magsulat tulad
ng iba. Hay
grabe na ito!
Batayang
Kaalaman sa
Pagsulat
1. Ang pagsulat ay masistemang
paggamit ng mga grapikong marka na
kumakatawan sa ispesipikong
lingguwistikong pahayag (Rogers,
2005)

2. Ang pagsulat ay sistema ng


permanente o malapermanenteng
pananda na kumakatawan sa mga
pahayag (Daniels & Bright, 1996).
3. Ito ay masistemang
proseso.

4. Ang pagsulat ay
nakadepende sa wika. Kung
walang wika, walang
pagsulat.
5. Arbitraryo ang mga
sistema ng pagsulat.

6. Ang pagsulat ay isang


paraan ng pagrerekord o
pagpreserba ng wika.
7. Komunikasyon ang isa sa mga
pangunahing layunin ng pagsulat
(Fischer, 2001).

8. Ang pagsulat ay simbolong


kumakatawan sa kultura at tao.

9. Ang pagsulat ay pundasyon ng


sibilisasyon (Goody, 1987).
Layunin ng Pagsulat
Ayon kay Royo (2001):
1. Mapabatid sa mga tao o
lipunan ang paniniwala,
kaalaman at karanasan ng taong
sumusulat .
2. Maipahayag ang kanyang
damdaminm mithiin, pangarap
at mga pagdaramdam.
Layunin ng Pagsulat
Ayon kay Mabilin (2012):
1. Personal o ekspresibo- kung saan
ang layunin ng pagsulat ay
nakabatay sa sariling pananaw,
karanasan, naiisip, o nadarama
ng manunulat.
2. Panlipunan o sosyal –layuning
makipag-ugnayan sa ibang tao o sa
lipunang ginagalawan.
Kahalagahan ng Pagsulat
1. Masasanay ang kakayahang
mag-organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng
mga mag-aaral sa
mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng
mga kaisipang isusulat batay
sa mga nakalap na
impormasyon
4. Mahihikayat at mapapaunlad
ang kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga
materyales at mahahalagang
datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Magdudulot ang mga ito ng
kasiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman at
pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-
ambag ng kaalaman sa
lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga
sa paggalang at pagkilala sa mga
gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa
pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
1. Wika – Ito ay nagsisilviong behikulo
upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon at iba pang nais ilahad
ng manunulat.
2. Paksa – Ito ay isang tiyak na tema o
paksa ng isusulat.
3. Layunin – Ito ang magsisilbing giya sa
paghabi ng datos o nilalaman ng
isusulat.
4. Pamamaraan ng Pagsulat – Ito ay
ang mga pamamaraan upang
mailahad ng manunulat ang
kaalaman at kaisipan ng manunulat
batay na rin sa layunin. Hal.
Pamamaraang Impormatibo,
Ekspresibo, Naratibo, deskriptibo at
argumentatibo
5. Kasanayang Pampag-isip – Sa pagsulat
dapat taglayin ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o hindi
mahalaga.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat - Dapat ding isaalang-alang
sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat
na kaalaman sa wika at retorika
partikular sa malaki/maliit na titik,
wastong pagbababaybay, paggamit ng
bantas at iba pa.
5. Kasanayang Pampag-isip – Sa pagsulat
dapat taglayin ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o hindi
mahalaga.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat - Dapat ding isaalang-alang
sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat
na kaalaman sa wika at retorika
partikular sa malaki/maliit na titik,
wastong pagbababaybay, paggamit ng
bantas at iba pa.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong
Sulatin. - Kakakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa uisang
maayos, organasido, obhetibo at
masining na pamamaraan mula sa
panimula hanggang wakas nito.
MGA URI NG PAGSULAT
1. Malikhaing Pagsulat – Pangunahing layunin
nito ay ang magbigay ng aliw, makapukaw
ng damdamin at makaantig sa imahinasyon
at isipan ng mambabasa. Hal. Maikling
kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay,
komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye,
musika at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat – Ginagawa ang
pagsulat na ito sa layuning pag-aralan ang
isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng
pag-aaral na kailangan para sa kalutasan ng
isang suliranin. Hal. Feasibility study
3. Propesyunal na Pagsulat – Ito ay may kinalaman sa
mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutunan sa akademya o paaralan. Hal.
Paggawa ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng
kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit para sa mga
guro.
4. Dyornalistik na Pagsulat – May kaugnayan sa
pamamahayag.Hal. Balitam editoryal, isports at iba
pa.
5. Reperensyal na Pagsulat - layunin nitong bigyang
pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng konseptong papel,
tesis at disertasyon.
6. . Akademikonong Pagsulat – Ito ay isang
intelektwal na pagsulat.
Mga Hulwaran sa
Akademikong
Pagsulat
1.Depinisyon
Pagbibigay ng katuturan sa
konsepto o termino. Halimbawa, ang
pormal na depinisyon ng salitang
“kalayaan,” mga salitang
kasingkahulugan nito, at etimolohiya
o pinanggalingan ng salitang ito
2.Enumerasyon
itinatala ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol
sa paksang tinatalakay. Ginagamit
ang mga signal na bilang panimula,
una, ikalawa, susunod, pagkatapos,
bilang pagwawakas, gayundin, sa
katunayan, halimbawa, at iba pa.
3.Pagsusunod-sunod ayon sa
Panahon
Pagsasaayos ng mga pangyayari
o proseso batay sa wastong
sequence. Halimbawa, kronolohiya
ng mga pangyayari sa Pilipinas mula
1896 hanggang 1898, o ang proseso
ng pagluluto ng adobo
4. Paghahambing at Pagtatambis
Paglalahad ng pakakatulad at
pagkakaiba ng mga tao (PNoy,
PDigong), lugar (Gabu at La Paz),
pangyayari (Pasko, Bagong Taon),
konsepto (pagmamahal,
pagseselos), at iba pa.
5. Sanhi at Bunga
Paglalahad ng mga dahilan ng
pangyayari o bagay at ang kaugnay
na epekto nito. Halimbawa, dahil sa
kawalan ng disiplina sa pagtatapon
ng basura ay lagging bumabaha sa
kalakhang Maynila
6.Problema at Solusyon

Paglalahad ng mga suliranin at


pagbibigay ng mga posibleng lunas
sa mga ito. Halimbawa, edukasyon
ang sagot sa kahirapan.
7. Kalakasan at Kahinaan

Paglalahad ng positibo at
negatibong katangian ng isa o higit
pang bagay, sitwasyon, o
pangyayari. Halimbawa, mga
kalakasan at kahinaan ng mga
programang K-12 sa sistema ng
edukasyon sa Pilipinas.
Halimbawa ng Akademikong Sulatin

ABSTRAK
Ang pananaliksik-papel na ito ay
naglalayon na maipakita ang impresyon ng
mga estudyante ng unang taon ng College
of Nursing ng UST sa mga taong nagpi-PDA
(Public Displays of Affection) sa loob ng
paaralan. Ito ay sa dahilang nais ng grupo
na maipahatid sa mga mambabasa kung
ano ang tumatakbo sa isipan ng ibang tao
sa PDA.
Sa ganitong paraan ay mabigyan ng
karampatang aksyon ang mga
problema sa PDA. Upang makalap ang
mga kinakailangang impormasyon, ang
grupo ay nagsagawa ng sarbey sa mga
estudyante sa unang taon ng UST
College of Nursing. Mula dito,
nahinuha ng grupo na hindi maganda
ang tingin ng mga nasabing
respondente sa mga taong nagpi-PDA.
Ngunit, karamihan sa kanila ay walang
reaksyon sa pagbibigay ng parusa sa
mga ito.
1.Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa
binasang abstrak?
2.Ano ang layunin ng abstrak na ito?
3.Ano-anong bahagi ang makikita mo
rito?
4.Ano ang kalakasan at kahinaan ng
abstrak na ito?
Digong binati si Trump
MANILA, Philippines – Nagpaabot na ng pagbati si Pangulong
Rodrigo Duterte kay US president-elect Donald Trump matapos
manalo ito sa US presidential elections laban kay Democratic party
candidate Hillary Clinton.
“President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm
congratulations to Mr. Donald Trump on his recent electoral
victory as President of the United States of America. The United
States presidential elections is a testament to the enduring
traditions of its democratic system and the American way of life.
The two-party system gives American voters freedom of choice
based on party platforms, not just on personalities,” pahayag ni
Presidential Communications Sec. Martin Andanar na kasama ni
Pangulong Duterte sa biyahe sa Thailand at Malaysia.
Hangad anya ni Duterte ang tagumpay ni
Trump sa kanyang pamumuno sa Estados
Unidos.
Umaasa rin ito na magkaroon ng magandang
relasyon ang US at Pilipinas sa ilalim ng
administrasyon ng bagong halal na Pangulo.
Magugunita na inilarawan ni Duterte si
Trump sa interview niya kamakailan sa Al-
Jazeera television na isang ‘good presidential
candidate’.
1.Anong uri ng akademikong
sulatin ito?
2.Ano ang paksa ng sulatin?
3.Ano ang layunin nito?
4.Ano ang mga detalyeng inilahad
tungkol sa paksa?
Ang islogang “Think before you
click “ ay isang islogan ng kilalang
estasyon ng telebisyon sa Pilipinas
ay nagsusulong sa responsableng
pagpapahayag partikular sa
Facebook, Twitter o iba pang social
media. Nagbibigay ito ng babala
na anuman ang iyong ipahayag o
i-post nang pasulat ay hindi na mababawi
pa at magagamit na matibay na ebidensya
laban sa iyo.
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral
ngayon ng Akademikong Pagsulat ay
magbigay ka ng mga paraang
magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-
aaral kung paano maging responsible
makapagbigay inspirasyon sa ating mga
isinusulat o ipino-post sa ating social
media account.

Вам также может понравиться