Вы находитесь на странице: 1из 1

I.

Tukuyin kung ito bay, Sukat, Tugmang Ganap, Tugmang Di Ganap, Pagtutulad, Metapora, Personipikayson,
Pagmamalabis, Pagpapalit Saklaw, Pagtwag, Pagtanggi and bawat taludtud na ipinapahayag.

1. Organong sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian
2. Aling pag-ibig pa ang hihihgit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
3. Pinipintuho kong bayan ay paalam
Lupang iniirog sa sa sikat ng araw.
4. Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibon na dapat pakawalan upang pagnabalik, ito’y sadyang na sa iyo
nakalan.
5. Lumuha pati ang ang langit sa kanyang naging kasawian.
6. Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.
7. Pag-ibig tingnan mo ginawa mo sa puso kung sugatan.
8. Hindi ko sinabing matigas ka subalit nadarama kung pinatigas na ng panahon ang iyong puso at
damdamin.
9. Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na nya maibalik ang nawalang buhay ng kanyang ama.
10. Ninais na ng binatang hingin na ang kamay ng dalaga.
II. Alamin kung anung Teorya ng pinagmulan ng wika ang ipinapahiwatig sa bawat pangungusap.
BOW-WOW TARARA-BOOM-DE-AY TATA
YUM-YUM TORE NG BABEL COO COO
POOH-POOH YOO HE YO

1. Ayun sa teoryang ito ginagaya ng tao ang tunog ng kalikasan.


2. Pinag-uugnay ng teryang ito ang tunog at kilos ng pangangatawan.
3. Ayun sa teroyang ito ang tao ay lumilikha ng ng tunog na may kahulugan upang maipahayag ang
ang tindi ng damdamin.
4. Ang wika ng tao ay nag –ugat sa mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan
5. Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon ng panahon kungsaan ang wika ay iisa
lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan
ang Panginoon.
6. Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang puwersang pisikal.
7. Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y nagsalita.
8. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-
bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng
mga matatanda

III. Alamin ang mga Kaalamang-Bayan na ipinapahayag sa bawat pangungusap.

1. Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang Layunin ay manlibak, manukso o mang-
uyam.
2. Ang layuninnito ang pukawin ang pasiglahin ang kaisipan ng mga taong makatipon-tipon ang
isang lugar.
3. Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
4. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalrawan.
5. Ang pinakamatandang sining ng kulturang Pilipino.
6. Ang pinagmulan ng iba pang mg asining tulad ng awit, sayaw at dula.

Вам также может понравиться