Вы находитесь на странице: 1из 6

Alamat Ng Gumamela

Mahilig sa mga bulaklak si Mela. Sa katunayan, ang paligid ng bakuran nila ay


punung-puno ng mga halamang namumulaklak. Siya ang nagtanim sa lahat ng iyon.
Araw-araw, makiKita ang napakaraming mga,paruparo, bubuyog at tutubi sa halaman
ni Mela. Katuwaan na ng mga bata at maging ng mga matatanda na panoorin ang mga
iyon habang palipat-lipat sa pagdapo sa mga bulaklak.
Dahil nalilibang sa paghahala-man, hindi na pansin ni Mela na nagkakaedad na siya.
Bagamat may mga manliligaw ay gusto pa niyang i buhos ang panahon sa
pagpaparami ng mga tanim kaysa usapin ng kanyang puso.
Isang araw, may bakasyunistang na ligaw sa ha lamanan ni Mela. Natuwa rin ito at
naaliw sa maramin mga tutubi, mga paruparo at mga bubuyog na masayang
nagliliparan sa mga bulaklak.
Nakipagakilala si Rommel, ang binatang taga Maynila kay Mela.
Mula noon, araw-araw nang panauhin ni Mela si Rommel at ikinainggit ito ng ibang
manligaw ni Mela. Isa na rito si Goyong, pinakamahigit niyang mangingibig. Minsan ay
hinarang ni Goyong si Rommel at pinagbantaan.
Ipinagkibit-balikat lang ni Rommel ang banta. Nagpatuloy siya sa pagdalaw kay Mela.
Ang totoo ay natutuhan na niyang mahalin si Mela.
Lalong nagalit si Goyong nang isang umaga ay makitang kasama ni Rommel si Mela
galing sa pagsisimba. Walang sabi-sabing inundaya nito ng saksak ang binata ngunit
hindi nito inasahan ang ginawa ni Mela. Biglang iniharang ng dalaga ang katawan kaya
siya ang tumang-gap ng saksak na para kay Rommel.
Agaw-buhay agad si Mela subalit bago nalagutan ng hininga ay inamin kay Rommel na
mahal niya ito.
Gayon na lang ang panggigipuspos ni Rommel. Matapos ilibing ang dalaga sa gitna ng
halamanan nito ay hindi na bumalik ng Maynila ang lalaki. Siya ang pumalit kay Mela
sa pag-aalaga ng mga halaman nito. Nais niyang ipadama sa pamamagitan noon na
mahal na mahal niya ang dalaga.
Isang araw ay napansin ni Rommel ang pagtubo ng isang ka-kaibang uri ng halaman sa
mismong puntod ni Mela. Nang lumaki iyon ay namulaklak ng kulay pula. Inisip ni
Rommel na iyon ang paraan ng dalga upang ipaalam ang kanyang pag-ibig sa binata.
Ang bulaklak ay tinawag niyang mela ngunit kalaunan ay naging gumamela.
BALAGTASAN

SIPAG O TALINO

LAKANDIWA:
Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan.
Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay.
Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay.
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan.

Paksang aking ilalatag, pakiwari'y mahalaga.


Pagkat nasasangkot dito'y bayan nating sinisinta.
Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga,
Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga.?

Kaya't inyong lakandiwa ay muling nag-aanyaya


ng dalawang mambibigkas na mahusa'y at kilala.
Ang hiling ko'y, salubungin ng palakpak ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

SIPAG:
Kapag baya'y umunlad. Ang pagko'y pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya'y urong-sulong.

Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain,


Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.

TALINO:
Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap,
at ni walang kayamanan, maaaring mailantad.
Pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad,
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.

Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan


Na kanilang tataglayin, habang sila'y nabubuhay.
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
Nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan.

LAKANDIWA:
Matapos maipahayag ang panig ng magtatalo,
Ngayo'y aming ihahanda, tayog ng inyong talino
Bawat isa'y papalaot sa napapanahong isyu
Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.
SIPAG:
Sa tuwing may magaganap na halalan sa’ting bayan,
Sinusuring kandidata, may nagawang kabutihan,
Kung anong kursong natapos ay hindi na inaalam.
Kakayahan n’ya at sipag, tanging pinag-uusapan,

Aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit,


Mga tao'y umaasa, lalo't sila’y nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait.
Kawawa lang itong bansa, mga luha ang kapalit.

TALINO:
Nalimutan ng kantalo, mga bayaning namatay,
Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan.
Kung di dahil sa talino, taglay nila nung araw,
Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan.

Mga naging presidente o senador at kongresman.


Lahat sila ang talino ay di natin matawaran.
Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan,
pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay.

SIPAG:
Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa,
Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala.
Utos ditto, utos doon, sila'y di gumagawa,
kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha.

Samantalang kung masipag itong mga punong halal,


Sa problema’t kalamidad, sila'y laging naririyan,
Hindi na kailangang tawagin sila kung saan,
Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng kasipagan.

TALINO:
Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,
Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi,
Pag mayroong kalamidad, manloloko'y nariyan lagi,
Kaya’t anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi.

Matataas na gusali, Super market, public mall,


Fly overs, sky ways, at ibat-ibang komunikasyon.
Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging puhon,
Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy-tuloy.

SIPAG:
SIPAG ANG KAILANGAN !!

TALINO:
TALINO ANG PUHUNAN !!
SIPAG:
Matalino nga, tamad naman!

TALINO:
Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.

SIPAG:
Sipag.!

TALINO:
Talino.!

LAKANDIWA:
Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.
Pagtatalo nitong dalwang mahuhusay na makata,
Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.
Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa,

Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Dyos,


Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob.
Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,
Kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.

Ang talino'y siyang utak sa balangkas ng paggawa.


Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!
The tambourine is a musical instrument in the percussion family consisting of a frame,
often of wood or plastic, with pairs of small metal jingles, called "zils". Classically the
term tambourine denotes an instrument with a drumhead, though some variants may
not have a head at all. Tambourines are often used with regular percussion sets. They
can be mounted, for example on a stand as part of a drum kit (and played with drum
sticks), or they can be held in the hands and played by tapping or hitting the
instrument.
Tambourines come in many shapes with the most common being circular. It is found in
many forms of music: Turkish folk music, Greek folk music, Italian folk music, classical
music, Persian music, samba, gospel music, pop music, androck music.
Playing
Tambourine rolls
There are several ways to achieve a tambourine roll. The easiest method is to rapidly
rotate the hand holding the tambourine back and forth, pivoting at the wrist.
Thumb roll
An advanced playing technique is known as the thumb roll. The finger or thumb is
moved over the skin or rim of the tambourine, producing a fast roll from the jingles on
the instrument. This takes more skill and experience to master. The thumb or middle
finger of the hand not holding the tambourine is run around the head of the instrument
approximately one centimeter from the rim with some pressure applied. If performed
correctly, the thumb should bounce along the head rapidly, producing the roll. Usually,
the end of the roll is articulated using the heel of the hand or another finger. In the
2000s, the thumb roll may be performed with the use of wax or resin applied to the
outside of the drum head. This resin allows the thumb or finger to bounce more rapidly
and forcefully across the head producing an even sound. A continuous roll can be
achieved by moving the thumb in a "figure of 8" pattern around the head.

Вам также может понравиться