Вы находитесь на странице: 1из 1

Mahal na mahal kita

Sa tingin ko’y tila // pawang kalumbayan


Ang inihahandog ng lahat ng bagay,
Pati ng mabangong mga bulaklakan
Ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
Akala ko tuloy itong Daigdigan
Ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
Ang dulot mo’y lason.

Sa mga mata ko // ay pawang ligaya


Ang inihahandog ng bawa’t makita,
Pati ng libingang malayo’t ulila
Wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
Sa aking akala’y tila maliit pa
Itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
Nagwagi ang layon.

Sino baga kaya // ang makatatatap


Ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
Na inaamihan at hinahabagat;
Itong Daigdigan ay isang palanas
Na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
Mahirap mataya.

Вам также может понравиться