Вы находитесь на странице: 1из 12

Ang kabuhayan sa Pagdating ng

mga Amerikano
Ang mga pagbabago sa panlipunang
pamumuhay ng mga Pilipino noong
panahaon ng mga Amerikano ay nakatulong
sa pag-unlad ng bansa. Ayon sa mga
Amerikano, ang mga patakarang
pangkabuhayang kanilang inilunsad para sa
kaunlaran ay isa pa ring paghahanda para
raw sa diumanong nalalapit na pagsasarili
ng mga Pilipino
Ang Pilipinas ay iang bansang
agrikultural kaya ito ang isa sa mga
pinagtuunan ng pansin ng mga
Amerikanong malinang sa bansa. Dagdag
pa rito ang mga batas na kanilang pinairal
hinggil sa wastong paggamit at
pangangalaga sa mga likas yamang
pinagkukunan ng bansa
Itinuro sa mga magsasaka ang
makabagong paraan ng pagsasaka, pagpili ng
pananim na magiging mabunga, paggamit ng
pataba, pagpapatubig sa bukid, at ang
paggamit ng mga makinarya sa pagtatanim.
Binigyang-pansin rin ang paghahayupan
na kakabit ng pagsasaka.
Itinatag ang Bureau of Plant and
Industry, ang kauna-unahang ahensya ng
pamahalaang itinatag sa ilalim ng
pamamahala ng mga Amerikano gayundin
ang mga Bureau af Animal Industry upang
lalong mapabuti ang kalagayang pang-
agrikultural ng bansa. Mabilis na umunlad
ang produksiyon ng palay sa bansa…
Ang mga Pilipino ay lalong nagsipag at
nagsikap sa pagsasaka at paghahayupan.
Dahil dito ay binigyan sila ng karapatang
makakuha ng mga bahagi ng mga sakahan.
Pinairal ang Homestead Law na nagbigay ng
karapatan sa sinumang Pilipinong
makapagmay-ari ng hindi hihigit sa 24 na
ektaryang lupang pansakahan…
Ang lahat ng nagmamay-ari ay
inatasang magparehistro ng lupa at
binigyan ng titulo o Torrens Title bilang
katibayan o sertipiko ng pagmamay-ari.
Malayang Kalakalan
Ang kalakalan at komersiyo ay
napaunlad din ng mga Amerikano. Dahil
sa malayang kalakalan dumami at
lumaki ang halaga ng produksiyon, dati’y
hindi tinatanggap ng Estados Unidos ang
mga produkto ng Pilipinas na walang
buwis ngunit nabago ito noong 1909,
nang pagtibayin ang Payne-Aldrich Act.
Noong 1913 nabago ang batas na
ito nang pagtibayin ang Batas
Underwood-Simmons Act. Ang batas
na ito ay nag-aalis ng quota ng
pagluwas ng produktong tulad ng
abakada at tabako na naging dahilan
ng mas mataas na kita ng bansa
Ngunit, nagkaroon ng suliranin
ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng
malayang kalakalan. Nahilig ang mga
Pilipino sa mga produktong dayuhan o
stateside sa halip na tangkilikin ang
sariling produkto
Higit na binigyang pansina ang
mga produktong kailangan ng Estados
Unidos gaya ng asukal, niyog, tabako,
at abaka na naging dahilan upang
mapabayaan ang ibang likas na
yaman at produkto ng bansa.

Вам также может понравиться