Вы находитесь на странице: 1из 3

LEAN MARIE V.

DECENA TVL-ICT-12

KASALUKUYAN

Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan

Nakakagawa ng mali’t nawawala sa katinuan

Mga lalaking lahat ng babae gustong mahipuan

Alam kong alam niyo na mali iyan

Mag-aaral na madalas pa sa inuman kesa sa paaralan

Nakasaradong pintuan wala ng hintuan

Mga batang babae na kapag nasa inuman

nahipuan at nalibugan lahat nakakalimutan

at kapag nagbunga dahil sa kalibugan, TIYAK

meron nanamang pamilya ang walang wala sa lipunan

kapag ang hinaharap di maharap tatalikuran

lalaking nakikipagtalik kung kani-kanino

kapag nakabuntis di mo na makita maski na anino

ang obligasyon sa batay nakakalimutan

kawawang sanggol nakaranas agad ng kabiguan

di ko naman nais na pakialaman ang buhay mo

napansin ko lang kasi ang haba na ng sungay mo

puro damo bato damo bato

yan nalang lagi ang bukambibig mo

sabog ka lang pakiramdam mo astig ka ka pag nakasinde

akala mo naman hari wala namang silbe

ibenta mo na utak mo kung dimo rin lang ginagamit

tumatanda ka ng batugan , wala kang pakinabang


wala kang diskarte panay ka kasi yabang

may pangarap ka rin ba na gusto makamit

oh nag aanatay ka lang ng bagong usong pananamit

mas inuna mo pa ang bisyo kesa humanap ng piso

ano nalang ang mangyayari sayo

kung itutuloy mo pa rin ang pagiging ganito

habang buhay ka nalang bang magpapa-alipin sa kahirapan

tatlong libong piso para sa paboritong bisyo

mga tol paalala lang di na uso ang lagay

huwang niyong sisihin si duterte kapag ka nay namatay

para may pang walwal nanakawan pati magulang

sambit ng magulang

“ANAK BA’T KA BA GANYAN SAN BA KAMI NAGKULANG”

Wala ka ng pake kase bingi kana

Ang naririnig mo nalang ay “PARE SINDI KA PA”

At wag na wag mong sisishin kahirapan

Karanasan ng kabataan aking pinaghuhugutan

At saktong ito ang nangyayari sa kasalukuyan

Makiuso pag may uso,yan ay sakit na natin

Pero di yan tama dapat ang sarili ay hanapin

Ang pinaka mali sa lahat ng pagkakamali

Yung di mo alam na meron kang ginagawang mali

ituwid natin ang baluktot nating nakaraan

GAWING TAMA ANG ATING MGA MALING KARANASAN.

Ginoong Reymark Macarubbo

Guro

Вам также может понравиться