Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Ang Wika – Ay maaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag angkin at gumamit ng mga kumplikadong Sistema pang
komunikasyon ;o espisipikong pag kakataon ng nasabing kumplikadong Sistemang pang komunikasyon.
WEBSTER; (1974) – ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sapagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.
HILL( sa tumangan et al: 2000) – Sa kanyang papel nga “what is language? Wika ang pangunahing at pinaka elaboreyt na anyo
ng simbolikong gawaing pan tao.
GLEASON (sa Tumangan et al 2000) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipilit at isinasaayos sa
paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
- Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.
- Halimbawa ang mga salitang balbal at pangkabataan.
- May mga salita naman na maaring mag bago ng kahulugan.
Page 2
C. ANTAS NG WIKA
1. Pormal – ito ang salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap,ginagamit ng higit na nakararami lalo na
ng mga nakapag aral ng wika.
a. Pambansa – ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pang wika
/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
b.Pampanitikan o pan retorika – ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Ito angmga salitang
Page e
karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining . madalas itong ginagamit ng mga
idyoma o tayutay.
2. Impormal – ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag usap o pakikipag talastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin – ito ang bokabolaryong dayalektal Gamitin ang mga ito sa mga particular na
pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito sa ibang lugar dahil
natural na nila itong naibubulalas . Makikilala rin ito sap ag kakaroon ng ibang tono o ang
tinatawag ng maramina punto.
b. Kolokyal - ito ang pang araw araw na salita na ginagamit sa mga pag kakataong impormal .
maaring may kagaspangan ng kaunti ang mga salitag ito ngunit maari rin itong maging
repinado ayun sa kung sino ang nag sasalita nito.ang pag papaikli ng isa ,dalawa o higit pang
salita lalo na sa mg pasalitang komunikasyon au mauri rin sa antas nito. Halimbawa;
nasa’n(nasaan)/pa’no (paano)/sa’kin (sa akin)/sa’yo (sa iyo)/kelan (kalian)meron(mayroon).
c. Balbal – ito ang tinatawag sa English na slang. Sa mga pangkat pangkat nag mumula ang mga
ito upang ang mga pangkat ay mga karoon ng sriling ‘code’s. mababang antas ng wika ito
.bagamat may mga dalubwikang nag mumungkahi ng higit pang mababang anta sang antas-
bulgar (halimbawa ditto ay ang pag mumura at salitang may kabastusan.
Refer to Pages 13 and 14 (table)
WIKANG PAMBANSA
WIKANG PANTURO
WIKANG OPISYAL
Ito ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang gagamitin/ginagamit sa mga opisyal na
komunikasyon ng gobyerno. Ito ang kadalasang ginagamit sa mg opisyal na dokumento na may
kinalaman sa korte , lehislatura at pangkalahatang pamamahala sa gobyerno, maging sa Sistema
ng ng edukasyon.
KONSTITUSYON 1987 – itinakda sa Pilipinas ang Filpino at English bilang mga opisyal na wika ng
bansa.
Probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng konstitusyon;
BILINGGUWALISMO
MULTILINGGUWALISMO
Ito ay tumutukoy sa pag kakaroon ng iisang porma o standard na anyo nito o kaya ay pag kakaroon
ng iba’t ibang porma o barayti.
Merriam Webster Dictionary – ayon sa kanya, ang salitang homogenous ay nag mula sa salitang
Greyigo na homogenes mula sa hom – na nangangahulugan ng kaangkan o kalahi.
Heterogenous- o pag kakaiba iba ng uri at katangian ng wika.
Page 4
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
Ito ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit
ng iisang uri barayti ng wika at nag kakaunawaan sa mga espisipikog patakaran o alintuntunin sa
pag gamit ng wika.
Nag kakasundo ang bawat miyembro sa kahulugan ng wika at interpretasyon nito maging ang
konstektong kultura na kaakibat nito.
Unang wika – ay tinatawag ding katutubong wika o sinusung wika (mother tounge) ay ang wikang
natutuhan at ginamit ng tao simula pag ka panganak hanggang panahon kung kelan lubos ng
nauunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing wika.
Mga gabay upang matukoy kung ang isng tao ay katutubong tagapag salita ng isang wika
1. Natutuhan ng indibiduwal ang wika sa murang edad
2. Ang indibiduwal ay may likas at instinktibong kaalaman at kamalayan ng wika.
3. May kakayahan na makabuo ng matatas at ispontanyong diskurso gamit ang wika.
4. Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng linguwistikong kumonidad
5. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibiduwal gamit ang salita ang wika.
6. May puntong dayalektal na taal sa katutubong wika.
Ikalawang wika - ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang
wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapag salita ngunit isang wikang
ginagamit din sa localidad ng taong nag sasalita.
Talakayin natin;
Dahil sa salita ng matuwid, ang bayan ay tumatatag, ngunit sa kasinungalingan ng masama, ang lungsod ay nawawasak;
- Kawikaan11;11
A. KAHALAGAHAN NG WIKA
Napakahalaga ng wika sa sangkatauhan. Kung walang wika, maaring matagal nang pumanaw ang
sangkatauhanat ang sibilisasyong ating tinatamasa sa ngayon . sa kabanatang ito,tinutukoy at
ipinaliwanang ang apat na pangunahing halaga ng wika ng tao.
1. Instrumento ng komunikasyon;
Ang wika , pasalita mna o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sap ag papahayag
nga damdamin at kaisipan.
Sa micro -level - ang dalawang tao ay nag kakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong
pag gamit ng wika.
Sa macro-level – ang mga bansa ay nakakapag ugnayan dahil sa mga wika. Iba iba man ang
wika ng mga bansa,nakahanap pa rin sila ng komong wikang kanilang wikang
kinakasangkapan upnag mag karoon ng unawaan.
2. Nag iingat at nag papalaganap ng kaalaman;
Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang
lahi dahil sa wika. Halimbawa; ang nobela ni Rizal ay naisulat daang taon na ang
nakararaan ngunit patuloy itong napapakinabangan ng ating panahon dahil may wikang
nag kanlong dito at nag iingat hanggang sa kasalukuyan. Ang mahahalagang imbensyon
nga ibat ibang bansa na hanggang ngayon ay napapakinabangan natin katulad nga pag
kakatuklas at naisulat ni Benjamin Franklon ng koryente.
3. Nag bubukold ng bansa.
Pinag isa ng ating mga ninunong katipunero ng wikang tagalog, ang kanilang opisyal na
wika sa knilang pakikipag laban sa mga kastila.
Mga Propagandista ay ng wikang kastila, na nagging wika nila sap ag papahayag ng mga
makabayang diwa sa “la solidaridad”.
Page 5
Ano mang wika, kung gayon ay maaring maging wika ng pang aalipin,ngunit maari rin
itong gamitin upang pag buklurin ang isang bansa sa layuning pag papalaya.
4. Lumilinang ng malikhaing pag iisip.
Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na
ating naririnig ang nag didikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon ,
at kung gayoy nalilinang ang
ating malikhaing pag iisip .
Dahil sa imahinasyong ito, kay raming nabubuo, nalilikha o naiimbentong
pinakikinabangan ng sankatauhan.
Natutukoy ang mga piang daanang pangyayari / kaganapan tungo sap ag ka buo at pag unlad ng wikang pambansa.
Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sap ag unlad ng wikang pambansa.
Nakapag bibigay ng opinyon o pananaw kaugnay ng napakinggang pag talakay sa wikang pambansa.
Nasusuriang mga pananaw ng ibat ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang --------- na yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa.
“ Mahalaga ang tunay na pag papaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng
sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag unlad at pag buo ng nasyon.”
Wilfredo Villacorta
1935 – Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nag tadhana ng tungkol sa wikang pambansa “ … ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pag pag papaunlad at pag papatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika “ (seksyon 3, Artikulo XIV).
1936 – ( Oktubre 27) - Itinagubilin ng pangulong Manuel L. Quizon sa kanyang mensahe sa Asembleya Nasyonal ang
paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas sa
;ayuning makapag paunlad at makapag patibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
1936 – ( Nobyembre 13) – Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
ANG MGA NAGING TUNGKULIN AT GAWAIN NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA AY ANG SUMUSUNOD:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino manlamang.
2. Pag gawa ng pag hahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto.
3. Pagsuri at pag tiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino.
4. Pag pili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa ;
a. Ang pinaka maunlad at mayaman na panitikan
b. Ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinaka maraming Pilipino.
1937 (Enero 12) – Hinirang ni pangulong MANUEL L. QUEZON ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang
Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1 , Batas Komonwelt Blg. 333. Ang mga nahirang na kagawad ay ang
mga sumusunod;
- Jaime C. Veyra ( Visayang Samar ) Tagapangulo
- Cecilio Lopez ( tagalog ) Kalihim at punong tagapag paganap
- Santiago A. Fonacier( Ilokano) Kagawad
- Felimon Sotto ( visayang Cebu) kagawad
- FelixSalas- Rodriguez ( Visayang Hiligaynon) kagawad
- Casimiro F. Perfecto ( Bikol) kagawad
- Hadji Butu ( Muslim ) kagawad
1937 ( Hunyo 18) - pinag tibay ang batas ng komonwelt Blg. 333, na nag sususog sa ilang seksyon ng Batas ng
Komonwelt Blg. 333 na nag sususog sa ilang seksyon ng Batas ng Komonwelt Blg. 184.
1937 (Nobyembre 9 ) – Bunga ng ginawang pag aaral at alinsunod sa Wikang Pambansa ay nag patibay ng isang
resolusyon na nooy ipinapahayag na ang Tagalog ay siyang halos lobos nan aka tutugon sa mga hinihingi ng Batas ng
Komonwelt Blg . 184, kaya’t itinatagubilin niyon sa pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayain bilang saligan ng wikang
pambansa.
Page 9
1937 ( Disyembre 30 ) - Bilang pag- alinsunod sa tadhana ng batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng
kautusang Tagapag paganap Blg. 134 ay ipinahayag ng pangulong Quezon ang wikang pambansa ng Pilipnas na batay
sa tagalog.
Tagalog ang ginawang saligan ng wikang pambansa sa kadahilanang ito’y nahahawig sa maraming wikain ng bansa.
Sa madaling salita , hindi magiging mahirap ang tagalog sa mga hindi tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng
Pilipino ; 59.6% sa Kapampangan ; 48.2 % sa Cebuano ; 46.6 % sa Hiligaynon; 39.5 % sa Bicol ; at iba pa.
…..good luck…