Вы находитесь на странице: 1из 1

DELA CENA, Patricia Beatrice S.

Retorika at Panitikan ng Pilipinas (RPP)


Sec 74 – BSN 122 26 Setyembre 2018

“KUNG IBIG MO AKONG MAKILALA”


Ruth Elynia Mabanglo

Kung ibig mo akong makilala,


lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
ang titig kong dagat –
yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
ng kahapon ko’t bukas

Kung ibig mo akong makilala,


sunduin mo ako sa himlayang dilim
at sa madling pagsukol ng inunang hilahil,
ibangon ako at saka palayain

Isang pag-ibig na lipos ng lingap,


tahanang malaya sa pangamba at sumbat
may suhay ng tuwa’t ang kaluwalhatia’y
walang takda –
ialay mong lahat ito sa akin
kung mahal mo ako’t ibig kilalanin

Kung ibig mo akong kilalanin,


sisirin moa ko hanggang buto,
liparin moa ko hanggang utak,
umilanglang ka hanggang kaluluwa –
hubad ako roon; mula ulo hanggang paa.

Вам также может понравиться