Вы находитесь на странице: 1из 4

1922 百 閣 公 民 學 校

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


A.Y. 2018 - 2019

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Pagsulat (Akademik)

Pangalan: _______________________________________ Petsa: _________________ Iskor:


Guro: ___________________________ Taon at Pangkat: ____________________ Reyting: ___________

I. Pagpili
Isulat ang titik ng tamang salitang makabubuo sa mga sumusunod na pahayag.

_____ 1. Ang ________________ ay pangangalap ng impormasyon mula sa dalubhasa sa kanilang larangan na


may malawak na kaalaman sa ibig nating malaman.
a. kolum b. bionote c. karikatura d. pakikipanayam

_____ 2. Ang ________________ ay kilala rin bilang term paper, tuntunan ito upang bumuo pa ng mas
malawak na papel pananaliksik.
a. pamanahong papel c. reaksiyong papel
b. posisyong papel d. rebyu
_____ 3. Laman ng ________________ ang masusing pag-iisa-isa ng mga bahagi ng anumang nais na suriin.
a. pamanahong papel c. reaksiyong papel
b. posisyong papel d. rebyu

_____ 4. Laman ng ________________ ang opinion, saloobin, at pananaw na pinagyaman upang maging
matibay na paninindigan.
a. pamanahong papel c. reaksiyong papel
b. posisyong papel d. rebyu

_____ 5. Laman ng ________________ ang reaksiyon sa isang napapanahong isyu.


a. pamanahong papel c. reaksiyong papel
b. posisyong papel d. rebyu

_____ 6. Ang ________________ ay tumutukoy sa posibilidad na kahantungan ng pagsusuri o pagbibigay ng


desisyon batay sa nakuhang datos.
a. Sanaysay c. Konklusyon
b. Lakbay-Sanaysay d. Rekomendasyon

_____ 7. Ang ________________ ay sa bahagi ng pagbibigay ng mungkahi upang palawakin o ipagpatuloy ang
nilalamang pagsusuri.
a. Sanaysay c. Konklusyon
b. Lakbay-Sanaysay d. Rekomendasyon

_____ 8. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga taong sanay o may kasanayan sa pagsasalaysay o
pagkukuwento.
a. Replektibong Sanaysay c. Pictorial Essay
b. Lakbay-Sanaysay d. Sanaysay

_____ 9. Ang ________________ ay kuwento ng mga karanasan sa mga bagay na natutuhan o napagbulayan at
taglay nito ang mga personal na realisasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aral.
a. Artikulo sa Agham c. Pictorial Essay
b. Lakbay-Sanaysay d. Replektibong Sanaysay

_____ 10. Ang ________________ ay tumutukoy sa detalyeng pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa
lugar na pinuntahan.
a. Artikulo sa Agham c. Pictorial Essay
b. Lakbay-Sanaysay d. Replektibong Sanaysay
_____ 11. Ang ________________ ay naglalaman ng mga larawan ng iba’t ibang pagpapakahulugan kung
lalapatan ito ng iba’t ibang lente ng pagdiskurso.
a. Artikulo sa Agham c. Pictorial Essay
b. Brochure d. Fashion Article

_____ 12. Ang ________________ ay pagtatalakay sa paraang paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, o


pangangatwiran ng mga tekstong siyentipiko.
a. Artikulo sa Agham c. Poster
b. Brochure d. Fashion Article

_____ 13. Ang ________________ ay nais humikayat ng mga target na mamimili gamit ang bisa ng sanaysay o
artikulo na kadalasang damit, pabango, gadget, at iba pa ang laman nito.
a. Artikulo sa Agham c. Poster
b. Brochure d. Fashion Article

_____ 14. Ang ________________ ay naglalaman ng iba’t ibang impormasyon upang ipakilala ang isang
pagkain, tao, bagay, lugar, at iba pa.
a. Artikulo sa Agham c. Poster
b. Brochure d. Fashion Article

_____ 15. Ang ________________ ay anyong nakalimbag na kadalasang ginagamit sa pag-eendorso ng


produkto o serbisyo.
a. Artikulo sa Agham c. Poster
b. Brochure d. Fashion Article

II. Akademikong Literatura


Tukuyin ang akademikong sulatin na inilalarawan ng mga sumusunod na katangian. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

a. Posisyong papel b. Katunayan c. Opinyon

16. Tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa
ipinapalagay lamang na totoo.
17. Ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw.
18. Tutmutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo o dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa
nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama.

a. Replektibong Sanaysay b. Simula c. Katawan d. Wakas

19. Nagpapakita ng personal na pagbago ng isang mahalagang karanasan o pangyayari.


20. Banggitin muli ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
21. Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay nakaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilalahad sa
Panimula.
22. Ito ay dapat makapukaw ng atensiyon sa mga mambabasa.

a. Talumpati b. Pakikipanayam

23. nangangalap ng impormasyon sa pakikipag-usap sa isang dalubhasa


24. sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa pamamagitan ng pasalita
25. layuning manghikayat, magbahagi ng katotohanan, kaalaman, o impormasyon
II. Tama o Mali
Isulat ang TAMA sa kahon kung ang pahayag ay wasto. Isulat ang MALI kung di-wasto.

1. 26. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
27. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.
28. Ang pagbibigay ng opinyon at katotoohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang magagamit
sa pagsulat.
29. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ng isang tao ang mga katunayan o facts.
30. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi gaanong kailangan sa pagbuo ng
sulatin.
31. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan .
32. Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiisip, nararamdaman at pananaw hinggil sa
isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
33. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan
o pangyayari.
34. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, pangyayaring
nakikita o nasaksihan.
35. Mailalahad ito sa pagsulat ng isang journal at academic portfolio.
36. May apat na pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay-sanaysay
37. Ang paggawa ng travel blog kung saan ito ay maituturing na libangan at gayundin naman ay
maaaring pagkakitaan.
38. Ang lakbay-sanaysay ay binubuo ng tatlong konsepto
39. Madalas itinatala rin sa journal ang mga realisasyon o mga natutuhan sa proseso ng
paglalakbay-sanaysay
40. Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay o layunin.

III. Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Pagsunod-sunurin ang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. Lagyan ng bilang 1-7 ang bilog.

41. Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel.


42. Pagbuo ng thesis statement o pahayag tesis.
43. Pagpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.
44. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
45. Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
46. Pagsulat ng posisyong papel.
47. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.

IV. Pag-iisa-isa
Isa-isahin ang hinihingi sa bawat bilang.

Uri ng Ebidensya Balangkas ng Posisyong Papel


48. ____________________________ 50. ____________________________________
49. ____________________________ 51. ____________________________________
52. ____________________________________
53. ____________________________________
Uri ng Talumpati Batay sa Pagbigkas Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
54. _______________________________ 58. _______________________________
55. _______________________________ 59. _______________________________
56. _______________________________ 60. _______________________________
57. _______________________________ 61. _______________________________

Mga Uri ng Tagapakinig


62. _______________________________
63. _______________________________
64. _______________________________
65. _______________________________

V. Pagpapaliwanag
Sagutin ang tanong na nasa kahon sa paraang patalata.

Nabuong kasagutan 6 puntos


Wastong gamit ng balarila 4 puntos

Kabuuan: 10 puntos

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?

Inihanda ni:
G. Marvin D. Sumalbag
Guro sa Filipino

Вам также может понравиться