Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Kwento/Nilalaman
Si Peter ay isang bakla na ang tunay na pangalan ay Perdro ay lumayas sa kanyang tahanan
dahil siya ay pinahihirapan at pinagmamalupitan. Natagpuan siya ng isang mabait na Seniora at
inampon siya. Habang siya ay lumalaki ay sa halip na kabutinhan ang kanyang ipinapakita ay
naging masama ang kanyang pakikitungo sa mga tao at maging sa mga hayop. Dahil dito naisipan
ng Dyosa ng mga kabayo na isumpa si Peter na mgaing isang kabayo tuwing siya ay gagawa ng
masama para matuto siyang makitungo ng mabuti sa mga tao at hayop. Sabay pa dito na namatay
ang kabayo nina Erickson kaya doon siya pumupunta tuwing siy ay nagiging kabayo. Sa
kinatagalan unti-unti na ring natututo si Peter na makitungo sa mga tao at hayop ng mabuti. Sa
kasamaang palad ay may utang ang kanilang kompanya ng 100,000,000.00 milyong piso. Para
mabayaran ito ay sumali si Peter sa karera ng mga kabayo at siya ang tatakbo bilang petra at si
Erickson ang kanyang hinete. Dahil siya ay nagiging mabuti ay siya ay hindi na nagiging kabayo
kaya tinawag niya ang Dyosa ng mga kabayo para hilingin na siya ay maging isang kabayo. Nanalo
sila sa karera. Naging taong muli si Peter dahil sa halik ni Erickson at tuluyan nang nawala ang
sumpa.
B. Karakter
Ang pangunahing karakter ay si Peter na ginampanan ni Vice Ganda na sa una ay masama
ang ugali ngunit sa huli ay naging mabuti dahil sa natuto siya sa parusang sa kanya ay binigay.
Ang tatay ni Peter na nagngangalang Paldo na sa una ay naging masama rin dahil pinagmalupitan
niya si Peter ngunit sa huli ay nalaman ang kanyang mga pagkakamali at naging mabuti. Ang mga
tauhan sa hacienda ay masama ngunit sa huli ay naging mabait rin.
C. Sinematograpiya
Maayos ang daloy at pagkakakuha ng kwento. Angkop ang mga gumanap dahil naipakita
nila ng maayos ang mga dapat na ugali at emosyon sa kwento. Maganda ang mga napiling musika
sa mga piling eksena. Magaling at maganda ang pagkakagawa at pagkaka-edit.
D. Tagpuan
Sa isang magulong lugar kung saan nakuha ni Peter ang ugali ng pagiging masama sa
ibang tao at sa mga hayop. Sa masyon ni Donya Biday kung saan si Peter ay nagsimulang nagbago.
Sa kompanya na pinamana ni Donya Biday na kung saan si Peter ang nasusunod. Sa isang lugar
kung saan nagana pang karerahan ng kabayo at kung saan nawala ang sumpa.