You are on page 1of 8

Isa sa pinakamadaling paraan ng paglalarawan sa proscso at mga sangkap ng

isang bagay ay sa pamamagitan ng mga modelo o representasyong biswal sapagkat


nagagawa nitong Simpleang isang komplikadong bagay, tulad ng komunikasyon.

Marami nang awtor at iskolar ang nagdisensyo ng iba't ibang modelo


ng komunikasyon. Bawat isang modelo ay may kapakinabangan sa sino
mang naglalayong maunawaan nang ganap ang komplikadong proseso ng
komunikasyon. Ilan sa mga modelong ito ay inilahad sa kabanatang ito. Pansinin
ang sumusunod na modclo:
Modelo ni Berto
(Modelong SMR)

Pinanggatingan Mensahe Tagatanggap


(Source) (Message) (Receiver)

Enkowding Dekowding

Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong ito.


Binibigyang-diin dito ang dircksyon ng proseso mula sa pinanggagalingan (S) tungo
sa tagatanggap (R). Ipinahihiwatig din dito na ang mensahc (M) o ang pagpapadala
at pagtanggap nit9 ay nakadepende sa enkowding at dekowding nito.

Modelo ni Atistotle ng Pag-eenkowd ng Mensahe

Pagtuklas ng kaalamang lohikal, emosyonal o etikal


(Discovery)

Pagsasaayos ng mga kaalaman sa paraang estratehikal


(Arrangement)

Pagbibihis ng ideya sa malinaw na


(Clothing) salita o pahayag

Paghahatid ng mensahe mula sa


(Delivery) pinanggalingan tungo
sa tagatanggap
Kaugnay naman ng sub-prosesong enkowding ang modelong ito ni Aristotle.
May aplikasyon ito sa ano mang anyo ng diskurso, pasalita man o pasulat. Batay
sa modelong ito, ang ano mang mensahe ay kailangang tuklasin, isaayos at
bihisan bago maihatid.
Modelo ni Schramm

Lawak ng Karanasan Lawak ng Karanasan

Pinanggaga\ingan SIGNAL Tagatanggap

Enkowding Dekowding

Sa modelo namang ito ni Schramm, ipiaphiwatig na bawat taong sangkot


sa isang sitwasyong pangkomunikasyon ay may kani-kaniyangfie/d ofexPerience
o lawak ng karanasan na maaaring makaaapekto sa bisa ng komunikasyon.
Samakatuwid, the more the sender and the receiver share a commonfield ofexperience,
the more tendencyfor their communication to be efective.

Modelong Kontekstwal-Kultural

Mensahe

nag-eenkowd nagdedekowd

pinanggagalingan Konteksto tagatanggap


Kultura

nagdedekowd nag-eenkowd

Pidbak
Mensahe/Pidbak na Nakapaloob sa Makabuluhang Konteksto
Ayon/Batay sa mga Kulturalna Ekspektasyon
Sa modelo namang ito, binigyang-diin ang konteksto at kultura bilang siyang
mga sentral na elemento sa siklikal na proseso ng komunikasyon. Sa madaling sabi,
malaki ang impluwensyang konteksto at kultura sa komunikasyon.Halimbawa,
iba ang magiging reaksyon ng mga tao kapag may sumigaw ng Fire! sa loob ng
sinehan kaysa sa gitna ng seremonya ng libing ng isang sundalo. Magkaiba kasi ang
konteksto ng dalawang sitwasyon. Samantala, hindi masama sa ating kultura ang
pagtatanong sa isang kakilalang nasalubong sa daan ng Saan ka Pupunta? Ngunit,
kung tatanungin mo ang isang Amerikano ng gayon, malamang na ang makuha
mong sagot ay ganito, Youdon't have any businessasking me where lam going!
Modelo ng Transaksyong Komunikasyon
Nililimitahan o hinuhubog ng
daluyan/tsanel ang mensahe
Sitwasyon
Mens•h• Tagatanggap
Pinanggagalingan ng Mensahe,
ng Mensahe, naapektuhan ng
apektado ng layunin, kaalaman,
kanyang layunin, Daluyan/Tsanel kasanayan at
kaalaman, atityud sa pag-
kasanayan, atityud iinterpret ng
at kredibilidad mensahe at
pagpapadala
ng pidbak
Pidbak

Inilarawan naman sa modelong ito ang komunikasyon bilang isang


transaksyon. Tinukoy din dito kung ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa
pinanggagalingan at tagatanggap ng mensahe at kung paano nililimitahan o
hinuhubog ng daluyan ang mensahe.
Interaktib na Modelo ng Komunikasyon
Mensahe
Daluyan/Tsanel

Tagatanggap
Pinanggagalingan

tagadekowd
tagaenkowd

Sagabal
Sagabal

Pidbak Daluyan/)Tsanel

Sagabal
Interaktib naman ang paglalarawansa modelong ito ng komunikasyon.
Ayon sa modelong ito, ang interaksyon ng pinanggalingan at tagatanggap ay
nakasalalay sa mensahe, daluyan, kaligiran, pidbak at mga sagabal.

The Shannon-Weaver Mathematical Model, 1949

Information Transmitter Receiver


Channel Destination
Source (Encoder) (Decoder)
Message Signal Received Message
Concepts: Signal
Entropy
Redundancy Noise
Noise Source
Channel Capacity

Matematikal naman ang ginawang lapit sa paglalarawan ng komunikasyon


nina Shannon at Weaver.Ipinahihiwatignila sa aodelong,åto na ang bisa ng
isang aktong pangkomunikasyon ay nakasalalay sa wastön@falkulasyon ng mga
salik na nakaaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiverat noise.

A Helical Model of Communication from Dance, 1967

Helix naman ang ginawang representasyonni Dance


sa modelong ito.
Inilalarawan sa modelong ito ang impluwensya ng mga
nagaganap na pagbabago,
partikular sa isang tao, sa komunikasyon. Ang
nakaraan, kung gayon, ang pinag-
uugatan ng mga pagbabago sa omunikasyon
sa kasalukuyan, samantalang ang
kasalukuyan naman ang batayan ng komunikasyon
sa infinite na hinaharao.
Ruesch and Bateson Functional Model, 1951

Lcvcl

I,evcl 3

7 F, Evoluoling
S Scndlng
C Chonncllng
Lcvcl 1
R Rccordlng
V Onc Person

Samantala, sa modelong ito nina Ruesch at Batespn,function o tungkulin ng


komunikasyon ang binigyang-diin. Ayon sa kanila, mailalarawan ang tungkulin ng
komunikasyon sa apat na antas, mula intrapersonal (antas 1), interpersonal (antas 2),
pangkatan (antas 3), hanggang kultural (antas 4). Mapapansin sa modelo na habang
tumataas ang antas ay mas dumarami ang taong sangkot sa apat na gawain: pagsusuri
(E), pagpapadala (S), pagtsatsanel (C) at pagrerekord (R).

Samakatwid, ang mga naunang modelo ay malalagom sa pamamagitan ng


kasunod na ilustrasyon:

Mensahe
Tagatanggap
Nagpapadala ng M. nsahe
ng mensa e

Daluyan/ Tsanel
ng Mensahe

Tugon/Pidbak
Nagpapadala ng
Tagatanggap ng Tugon/Pidbak
Tugon/ñiffbak

Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon


Mapapansin sa ilustrasyong ito ang anim na batayang sangkap o elemento ng
proseso ng komunikasyon: 1) Nagpapadala ng Mensahe, 2) Mensahe, 3) Daluyan
o Tsanel ng Mensahe, 4) Tagatanggap ng Mensahe, 5) Tugon o Pidbak at ang
6) Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon.
1. Ang Nagpapadala ng Mensahe. Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng
mga taong pinagmumulan ng mensahe. Siya o Sila ang tumutukoy sa
mensaheng pinapadala. Sa madaling salita, siya o Sila ang nag-e-encode ng
mensahe. Kapag may nakasalubong ka at binati mo siya ng Magandang
umaga, ikaw ang nagpapadala ng mensahe. Ang bisa sa pagpapadala ng
mensahe ay naiimpluwensyahan ng layunin, kaalaman, kakayahan, pag-
uugali, persepsyon o pananaw at kredibilidad ng nagpapadala ng mensahe.
2. Ang Mensahe. Nabanggit na sa nakalipas na pagtalakay na ang mensahe
ay may dalawang aspeto: a) mensaheng pangnilalaman o panlinggwistika
at b) mensaheng relasyonal o mensaheng di-berbal. Sa nauna nating
halimbawa, ang mensaheng parhgnilalaman ay maganda at umaga na
kapwa may kahulugang pangnilalaman.,Ngunit sa pamamagitan ng
paraan ng pagbigkas ng pagbating iyon, sa kumpas ng kamay, ekspresyon
ng mukha at paraan ng pagbibigay-diin sa salita ay maaaring mahiwatigan
kung tunay sa kalooban mo ang pagbati, o kung natatakot ka lamang sa
magiging reaksyon niya kung hindi mo siya babatiin, o kung sarkastiko
ang iyong pagbati, o 'di kaya'ykung nakasanayanmo lamang na batiin
ang sinumang makasalubong mo sa daan. Alinman sa mga iyon ay mga
mensaheng relasyonal o mensaheng 'di-berbal na kaakibat ng mensaheng
pangnilalaman na iyong ipinadala.
3. Ang Daluyan/Tsanel ng Mensahe. May dalawangkategoryang mga
daluyan ng mensahe. Ang una ay ang daluyang sensori o tuwirang paggamit
ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Ang ikalawa naman
ay ang daluyang institusyonal. Ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
sulat, telegrama, mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail,fax
machine, cellularphoneat beeperay mga halimbawa ng daluyang institusyonal.
Ang halimbawa natin sa naunang pahina ay gumamit ng daluyang sensori
dahil tuwirang sinabi ang Magandang umaga.
Bawat daluyang institusyonal ay nangangailangan ng isa o higit
pang daluyang sensori. Halimbawa, sa pakikipag-usap sa telepono, hindi
maaaring hindi mo pindutin ang mga numero, hawakan ang awditibo
(pandama) at pakinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya
(pandinig).
Ang bisa ng isang komunikasyon ay nakasalalay rin sa matalinong
pagpili ng daluyan. Halimbawa, may mga pagkakataong daluyang sensori
ang angkop katulad ng sa pagtatapat ng pag-ibig o pagbibigay ng panuto.
Hindi naman maaaring sumulat sa bumbero kapag nasusunog ang bahay
mo. Kailangan mong sumigaw upang humingi ng saklolo at tumawag sa
telepono upang humingi ng tulong sa mga tagapatay ng sunog.
4 . Ang Tagatanggap ng Mensahe. Sa ating halimbawa, ang pinagsabihan
ng Magandang umaga ang siyang tagatanggap ng mensahe. Siya ang
magbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Sa madaling
salita, siya ang magde-decode.Katulad ng nagpapadala ng mensahe, ang
kawastuhan ng pagde-decodeniya sa mensahe ay maaaring maapektuhan
ng kanyang layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, pananaw o
persepsyon at kredibilidad.
5. Ang Tugon o Pidbak. Ang pagbibìgayng (ugon o pidbak ay isang
mahalagang paraan ng pagkontrol sa mga•à-aga$alsa komunikasyon. Ito
ay maaaring mauri sa tatlo: a) Tuwirang Tugon, T 'Di tuwirang Tugon at
c) Naantalang Tugon.
Tuwiran ang isang tugon kapag ito'y ipinadala at natanggap
agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe. Kapag ang
nakasalubong sa una nating halimbawa ay agad sumagot ng Magandang
umaga rin, ang tugon niya ay tuwiran. Samantala, ang tugon ay 'di-tuwiran
kapag ito'y ipinahayag sa pamamagitan ng anyong 'di berbal. Halimbawa
nito ay pagngiti, pagtango o pagkaway ng kamay. Ang naantalang tugon
naman, katulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ay iyong mga tugon
na nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap. Isang
halimbawa nito ay ang pagtugon sa pamamagitan ng sulat.
Kapag sumagot ka sa klase at natanggap mo ang reaksyong ito sa
iyong guro, ano'ng uri ng tugon ang iyong natanggap?
a. Sinabi niyang Magaling!
b. Nginitian ka niya.
c. Binigyan ka niya ng mataas na marka sa katapusan ng semestre.

Dapat tandaan na sa sandaling ang isang tao ay nagpapadala ng tugon


o pidbak, siya ay nagiging tagapagpadalana ng mensahe at ang dating
tagapagpadala ng mensahe ay nagiging tagatanggap na. May reversalng
roleso tungkulin.
6. Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon. Ito ang tinatawag sa
Ingles na communicationnoiseoflter. Bawat proseso ng komunikasyon ay
maaaring magkaroon ng potensyal na sagabal. Ito ang mga bagay-bagay
na maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon o sa komunikasyon
mismo. Maaari itong matagpuan sa tagapagdala ng mensahe, sa mensahe
mismo, sa daluyan ng mensahe o di kaya'y sa tagatanggap nito. Ito ay mauuri
sa apat: a) Semantikong Sagabal, b) Pisikal na Sagabal, c) Pisyolohikal na
Sagabal at d) Sikolohikal na Sagabal,

Ang mga semantikong sagabal ay matatagpuan sa salita o pangungusap


mismo. Halimbawa nito ay mga salita o pangungusap na may dalawa o
higit pang kahulugan.

Ang mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning

teknikal na kaugnay ng soundsysfem,hindi mahusay na pag-iilaw at hindi


komportablengupuan ay mga halimbawa ng pisikal na sagabal.

Ang mga pisyolohikalna sagabal áfiyong matatagpuan sa katawan


ng nagpapadalao tagatanggapng mensahetulad ng kapansanan sa
paningin, pandinig o pagsasalita.Ang pagkakasakit ay isa ring halimbawa
ng pisyolohikal na sagabal.

Ang mga halimbawanaman ng mga sikolohikal na


sagabal ay
ang biases,prejudices,pagkakaiba-ibang mga
kinalakhang paligid at
pagkakaiba-iba ng mga nakagawiangkultura na
maaaring magbunga ng
misinterpretasyonsa kahulugan ng mga mensahe.