Вы находитесь на странице: 1из 3

Die Beautiful

(PELIKULA)

Buod:

Nagsimula ang kuwento sa isang transgender na si Patrick, mas nakilala sa pelikula


bilang Trisha Echevarria, nangangarap na maging isang beauty queen subalit tinututulan ng
kanyang ama na naging dahilan sa paglalayas nito. Matapos mawalay sa kanyang ama at kapatid
ay nanirahan si Trisha kasama ang matalik na kaibigang si Barbs at ang ina nito.
Lumipas ang panahon at nagkaroon na rin ng sariling bahay si Trisha kung saan pinalaki
niya ang kanyang anak-anakan na inampon niya mula sa ina nitong OFW na namatay sa sakit na
kanser. Ngunit bago pa man magtagpo ang dalawa ay maraming nakasalamuhang tao si Trisha
tulad ni Migs, ang natitipuhan nitong basketball player noong kolehiyo na siyang naging dahilan
upang magkatrauma siya.
Nagkaroon ito ng dalawang kasintahan. Una ay si Miko na isang dancer sa isang club na
ipinagpalit siya sa isang parlorista matapos nitong ipaayos ang ilong ng binate. Ang ikalawa
naman ay si Jesse, isang pamilyadong lalaki na kasama sa gumahasa sa kanya noong siya ay
kolehiyo, inakala ni Trisha na minahal siya nito ngunit itoý nakokonsensiya lamang sa kanyang
mga nagawa noon. Matapos ang tagpo na ito ay namatay si Jesse at lumayas ang kanyang anak
na si Shirley Mae na sumama sa kanyang nobyo.
Namatay rin ang bida matapos Manalo sa Binibining Gay Pilipinas dahil sa sakit na
Ruptured Brain Aneurism. Hiniling nito ang iba’t-ibang itsura sa kanyang isang linggong burol na
naging usap-usapan na dinalaw ng mga artista tulad nina Iza Calzado at Eugene Domingo.
Ganunpaman, dahil sa mga usap-usapang ito ay nalaman ng kanyang ama ang kanyang
pagkamatay. Binawi ito ngunit nabawi rin ng kanyang mga kaibigan sa tulong ng kanyang
kapatid. Ngunit sa kahuli-huling araw ng burol ay siya at ang ganda nya ang ipinakita ng kanyang
kaibigan.

Pagsusuri:
ELEMENTO 4 3 2 1
Iskrip 
Sinematograpiya 
Direksiyon 
Pagganap ng 
Artista
Produksiyon 
Musika 
Mensahe 
Paliwanag:

Napakaganda ng mensaheng makukuha mula sa pelikula maging ang mga disenyong


ginamit. Mula sa mga damit sa pag-rampa hanggang sa husay ng paggamit ng mga palamuti sa
mukha upang maging kahawig ang mga kilalang tao ay sadyang kahanga-hanga. Ang pag-arte ng
mga artista ay sadyang natural na tila ito ay hindi ginaganap sa isang pelikula na siyang
nagpapakita ng mahusay na pagmamahala ng director.
Sa kabilang kamay, ito ay mas gaganda kung papatawan ng mga nakakaluhang tugtugin
ang malulungkot na tagpo sa pelikula upang mas madama ng mga manunuod ang
nararamdaman ng tauhan. Bagamat maayos ang sinematograpiya at iskrip ay hindi ko
masasabing ito ay napakahusay sapagkat mas mauunawaan kung alin ang naunang naganap
kung ito ay nakaayos batay sa panahon kung kailan nagana pang pangyayari. Mula sa aking
pananaw, ito ay nakakalito sa ilang bahagi dahil mayroong mga tagpo na mayroon na siyang
anak at babalik mula sa panahon kung saan siya ay kolehiyo pa lamang at babalik muli sa
panahong may anak na siya. May mga ganap naman na ang kaniyang anak ay dalaga na at
babalik ulit sa panahong bata ito.
Sa kabuuan naman ay maganda itong panuorin dahil sa mensaheng ipinaparating nito.
Kung saan nais nitong iparating na dapat mong mahalin at tanggapin ang iyong sarili at mga tao
sa iyong paligid. Bukod dito, ang pagmamahal ay hindi nahihingi bagkus ay naibibigay lamang ng
bukal sa loob.

Sinag ng Karimlan
(DULA)

Buod:

Ang Sinag ng Karimlan ay tungkol sa apat na lalaking nasa pagamutan ng bilibid sa


Muntinlupa. Isa rito si Bok na dalawampu't siyam na taong gulang na labas masok na lamang sa
bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng kasintahan na maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan.
Si Mang Ernan naman na isang apatnapu’t limang taong gulang na manunulat, isa ring propesor
sa isang unibersidad sa maynila at naging kasapi rin sa iba't ibang samahan. At ang pinakabatang
bilanggo sa bilibid , si Tony, na may angking talino ngunit bata pa lang nang iwan ng kanyang
ama. Nakapagtapos siya ng elementary at naging balediktoryan. Dahil sa kahirapan natuto
siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya
ang kanayang ama at itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya nakilala
ang isang pari, si Padre Abene na gustong umampon sa kanya at gusto rin siyang pag-aralin.

Dumalaw ang ama ni Tony sa bilibid at nang magkaharap ang mag-ama ay hindi niya ito
tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang
pamilya. Nalaman ito ng kanyang kasamahan at nars na si Bb. Reyes kaya’t pinangaralan nila si
Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na
niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling
nabuo ang kanilang pamilya.
Pagsusuri:

ELEMENTO 4 3 2 1
Tagpuan 
Uri ng mga Tauhan 
Diyalogo 
Tunggalian 
Wakas 
Aral 
Implikasyon ng 
mga pangyayari sa
kasalukuyang
lipunan
Estilo ng 
pagsusulat

Paliwanag:

Mahusay ang pagsasalamin nito sa mga kasalukuyang kaganapan sa lipunan mula sa


kahirapan na nagiging ugat ng samu’t-saring suliranin. Nakikita rin sa dulang ito ang ilang
pangyayari na nagaganap sa ilang preso tulad ng hindi na pagbisita ng kanilang mga pamilya.
Kasama nito ang magandang paglalarawan ng tagpuan, tauhan, aral at wakas.

Ganunpaman, sa aking palagay, mas magiging nakakaaliw ang istorya kung mas
pararamihin o pahihirapan ang tunggaliang nagaganap sa kwento upang mas gumanda ang
kakintalan ng kuwento. Kung ikukumpara ang estilo ng pagsulat ng dulang ito mula sa ibang
akda ng mga kilala pang manunulat ay sadyang mas may ikagaganda pa ito

Ngunit sa kabuuan ay masasabi kong napakaganda ng dulang ito dulot ng aral na


mapupulot dito na gaano man kalaki ang pagkamuhi ng isang tao ay mahihigitan ito ng
pagmamahal at ang tunay na pagmamahal ay mapagpatawad.

Вам также может понравиться