Вы находитесь на странице: 1из 41

4

Si ning

PY
Kagamitan ng Mag-aaral

O Yunit 2
C
E D

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng

mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,
EP

at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa

larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

D

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Musika at Sining – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
ISBN: ___________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang

PY
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)
Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

O
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD
Direktor III: Marilette R. Almayda, PhD
C
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Musika
D
Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. Parakikay
Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres
Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
E

Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares,

Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian
EP

Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena

Tagatala: Richilo L. Laceda
Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal

Sining
Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial
Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela
D

Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;

Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval

Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez
Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena
Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________

Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)
Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072
E–mail Address : imcsetd@yahoo.com

ii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paunang Salita

Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda

upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan
sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na
lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng
sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at
natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan
ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.

Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-

PY
laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin
at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na
magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.

Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa

O
maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral
upang magkaroon ng: C
• mapanuri at replektibong pag-iisip;
• mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;
• mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at
D
• mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
E

Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong

EP

upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral

ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education
Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
D

iii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
SINING

Yunit 2 – Pagpipinta
Aralin 1: Landscape ng Pamayanang Kultural................ 178
Aralin 2: Kasuotan at Palamuting Etniko........................ 182
Aralin 3: Kultura ng Pangkat-Etniko................................. 186
Aralin 4: Pista ng mga Pamayanang Kultural.................. 189
Aralin 5: Krokis ng Pamayanang Kultural....................... 192

PY
Aralin 6: Kulay ng Kapaligiran......................................... 196
Aralin 7: Myural ng Tanawin sa Pamayanang Kultural.... 200
Aralin 8: Malikhaing Pagpapahayag................................ 204

O
C
E D
EP
D

vi

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
PY
O
C
SINING
E D
EP
D

141

YUNIT II
O
PAGPIPINTA
C
E D
EP
D

177

YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 1 : Landscape ng Pamayanang
Kultural

Nagagawa ng pintor na maging malapit o malayo ang mga

bagay sa kaniyang likhang sining sa pamamagitan ng espasyo.
Ang espasyo, bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o agwat

PY
sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang sining. Para sa isang
pintor, ang anyong mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin ng
hugis ng mga bagay na kaniyang iginuhit.

O
Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay naipakikita
sa pamamagitan ng paglalagay ng foreground, middle ground,
C
at background. Ang mga bagay sa foreground ay kadalasang
malalaki at pinakamalapit sa tumitingin. Ang bagay naman na nasa
background ay nasa likod at kadalasan na maliit. Ang middleground
D
naman ay may katamtaman ang laki ng mga bagay na nasa pagitan
ng foreground at background.
E
EP
D

178

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Background
(tanawing likod)

Middle ground
(tanawing gitna)

PY
O
Foreground
(tanawing harap)
C
Sa pamamagitan ng foreground, middle ground,at background,
naipakikita ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan
E D
EP

Pagpipinta ng Tanawin sa Komunidad

(Landscape Painting)
D

Kagamitan: lapis, bondpaper, watercolor, basahan, at water

container

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Isipin ang larawan ng komunidad na iguguhit. Ito ay maaaring

sariling komunidad na kinabibilangan o ayon sa iyong
imahinasyon. Planuhin ang gawain ng mga tao, itsura ng
bahay, at tanawin sa komunidad na iguguhit.
179

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Unahing iguhit ang guhit-tagpuan (horizon) at mga bagay na
pinakamalaki at nasa harapan (foreground) tulad ng tao at
ang kanilang ginagawa.

3. Sunod na iguhit ang mga bagay sa middle ground o tanawing

gitna tulad ng mga tahanan at puno.

4. Pagkatapos, iguhit ang background o tanawing likod tulad ng

bundok o kapatagan at langit.

5. Kulayan mo ito ng watercolor at lagyan ng pamagat

PY
O
Naipakikita sa pagpipinta ng tanawin ng komunidad ang
C
tamang espasyo ng mga bagay sa larawan sa pamamagitan
ng pagguhit ng foreground, middle ground, at background.
E D
EP

Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang inyong naging pagganap

gamit ang rubrik na nasa kasunod na pahina .
D

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong

mahusay
(3) (2) (1)

1. Naiguhit at Naiguhit at Naiguhit ko Hindi ko

nakulayan ko nakulayan ko. ngunit hindi naiguhit.
ang tanawin ng nakulayan.
pamayanang
kultural.

180

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Naipakita ko Naipakita Hindi ko Hindi ko
sa larawan ko nang maayos na naipakita ang
ang wastong tama ang naipakita ang foreground,
espasyo sa foreground, foreground middle
pamamagitan middle middle ground at
ng foreground, ground at ground, at background.
middle ground at background. background.
background.

3. Nakilala ko Nakilala ko Hindi ko Hindi ko

PY
ang mga ang 3 gaanong nakilala ang
pamayanang pamayanang nakilala ang pamayanang
kultural sa kultural sa pamayanang kultural sa
bansa at ang bansa. kultural sa bansa.

O
mga natatanging bansa.
uri ng tahanan at
pamumuhay.
C
4. Naipagmalaki Naipagmalaki Hindi ko Hindi ko
D
ko ang likhang ko ang aking gaanong naipag-
sining sa likhang- naipagmalaki malaki.
E

pamamagitan ng sining. ang likhang-

eksibit. sining.
EP
D

181

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 2 : Pagpinta
Aralin Bilang 2 : Kasuotan at Palamuting
Etniko

Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paningin

kung maganda ang pagkakadisenyo ng mga elemento ng sining
tulad ng linya, hugis, at kulay.

PY
Ang paggamit ng overlapping technique ay nakatutulong
upang makatawag pansin ang isang disenyo. Ang overlap ay ang
pagpapatong-patong ng mga linya, hugis, at bagay sa larawan.

O
Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan at
maging makatotohanan ang sining.
C
Nakatutulong din ang pagpili ng kulay sa kagandahan ng
disenyo. Ang paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang
D
mapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang linya,
hugis, o bagay sa larawan.
E
EP
D

182

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kasuotan at Palamuting Etniko

Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, acry-color, brush,

lalagyan ng tubig, at basahan

PY
Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Mag-isip ng disenyo at tabas ng kasuotang maaring isuot

para sa nalalapit na pagdiriwang. Maaaring gumamit ng

O
simbolo ayon sa gawain o pamumuhay tulad ng pangingisda,
pagsasaka, pangangaso, o pangunguha ng prutas.
C
2. Igawa ng pattern sa manila paper at gupitin na parang
kasuotan.
E D
EP

a b
D

c d

183

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Lagyan ng disenyo ang pattern ayon sa napag-aralan sa
kasuotan ng pangkat-etniko. Gumamit ng ibat ibang hugis.
Maaaring lagyan ng mga disenyong kuwintas at iba pang
palawit.

PY
O
C
4. Pintahan gamit ang acry color. Gumamit ng natural o walang
halo na kulay para maging matingkad at dagdagan naman
ng puti kung gustong maging malamlam ang isang kulay.
D
Patuyuin.
E

5. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

EP

6. Humanda para sa isang pagtatanghal o munting parada sa

loob ng silid.
D

Ang paggamit ng pagpapatong-patong (overlap) ng mga

linya, hugis, at matitingkad na kulay ay nakatutulong upang
maging kaakit-akit ang kasuotan.

184

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Isuot ang kasuotang ginawa at sumali sa munting parada sa
loob ng silid-aralan.

Panuto: Suriin ang mga disenyo ng kasuotan ng kamag-aral.

PY
1. Ano anong matingkad na kulay ang magandang gamitin sa
mga kasuotan?

O
2. Ano anong mga linya at hugis ang nakatatawag pansin na
disenyo?
C
3. Tukuyin ang mga overlap na hugis sa disenyo ng kasuotan.
E D
EP
D

185

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 3 : Kultura ng Pangkat-Etniko

Ang sining ng pagpipinta ay nakatutulong upang maipahayag

ang pagiging malikhain sa pagpapakita ng value sa pagkulay. Sa
watercolor painting, maaaring makalikha ng ibang epekto sa likhang
sining.

PY
Ang value ay sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan
at kadiliman nito. Ang bahagi ng larawan na maliwanag ay may
mapusyaw na kulay subalit ang malalayong bagay at di-naabot ng

O
sinag ng araw ay may madilim na kulay. C
Sa pamamagitan ng value sa pagkulay, nagiging
makatotohanan at maganda ang larawan.
E D
EP
D

186

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Value Sa Pagkulay

Kagamitan: lapis, watercolor, lalagyan ng tubig, brush, bondpaper

at basahan
1. Umisip ng disenyo mula sa napag-usapan o nakitang larawan
sa Luzon, Visayas, at Mindanao ng komunidad na nais mong

PY
iguhit. Ito ay maaaring gawain sa araw-araw o tradisyon na
ginagawa sa inyong lugar.
2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis.

O
3. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa
mesang paggagawaan.
C
4. Isawsaw ang brush sa watercolor at ipang-kulay ayon sa kulay
ng bagay. Ulit-ulitin ang pagpipinta hanggang makuha ang
nais na value.
D
5. Dagdagan ng kulay kung nais na maging madilim ang kulay at
tubig at puti naman kung gustong maging mapusyaw.
E

6. Patuyuin.
EP

7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

D

Sa watercolor painting, naipakikita ang tamang value

sa pagkulay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tubig.
Ang pagpahid ng watercolor na may kakaunting tubig ay
nakapagpapalabas ng madilim na kulay. Maaari namang
dagdagan ng tubig upang maipakita ang mapusyaw na kulay.
Sa pamamagitan ng value, nagiging makatotohanan ang
dating ng larawan.

187

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang antas ng iyong
naisagawa batay sa rubrik at pamantayan na nasa ibaba.

Napakahusay Mahusay Hindi

gaanong
PAMANTAYAN

PY
mahusay

(3) (2) (1)

O
1. Naiguhit at nakulayan
ko ba ang larawan
ng kultura sa sariling
C
komunidad?

2. Naipakita ko ba sa
D
aking larawan ang
kapusyawan at
E

kadiliman ng kulay?
EP

3. Nasiyahan ba ako
sa paggamit ng
watercolor bilang
midyum sa paggawa
D

ng likhang- sining?

4. Naipagmalaki
ko ba ang aking
likhang-sining sa
pamamagitan ng
watercolor painting?

188

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 4 : Pista ng mga Pamayanang
Kultural
Ang mga Filipino ay sadyang masayahin. Napagbubuklod buklod
tayo dahil sa mga selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahon
ng pagtatanim at pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samang
nagsasaya, nagbabatian, at gumagawa upang maisakatuparan ang
layunin ng kanilang pagdiriwang.

Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng

PY
pista. Madalas itong isang parangal sa patron ng bayan at gina-
gawa isang beses sa isang taon. Ang mahahalagang bahagi ng
pagdiriwang ay ang misa at prusisyon. Tuwing pista nagkakasama
ang magkakaibigan at magkakamag-anak. Lahat ay nagsasaya

O
dahil sa mga palaro at masasayang tugtugin ng banda ng musikong
umiikot sa buong bayan. Nagsasalo-salo rin sila sa masaganang
C
pagkain.
E D

Nagagawa ng pintor na maipakita sa kaniyang likhang-sining

ang damdamin ng isang tao. Alam din niya kung paano ilalarawan
EP

ang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya o maligaya,

malungkot o payapa.

Sa paggamit ng kulay tulad ng dilaw, kahel, at pula,

D

naipahihiwatig ng pintor ang tamang damdamin na nagpapakita ng

saya. Tingnan ang larawan sa susunod na pahina.

189

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
PY
Larawan ng Pista

O
Kagamitan: manila paper, acrylic paint o acry-color, brush, lapis,
marker, water container, basahan, lumang dyaryo, at
bondpaper
C
Mga Hakbang Sa Paggawa:
D

1. Bumuo ng pangkat na may 5-6 na kasapi.

E

2. Planuhin ang iguguhit na selebrasyon sa isang bondpaper

EP

upang mapaghati-hati ang gawain ng pangkat.

3. Ang nabuong disenyo sa bondpaper ng bawat pangkat ay

ilipat sa manila paper sa pamamagitan ng lapis.
D

4. Kulayan ang larawan sa pamamagitan ng acrylic paint. Gumamit

ng mga masasayang kulay tulad ng dilaw, dalandan, pula at
iba pa upang maipakita ang masayang damdamin.

5. Patuyuin.

6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

190

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Naipakikita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan
ng paggamit ng kulay. Ang mga kulay tulad ng dilaw, kahel,
pula, at iba pang kulay ay ginagamit sa mga masasayang
pagdiriwang o selebrasyon tulad ng pista.

PY
Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang antas ng iyong naisagawa

O
batay sa rubrik na nasa ibaba.
C Kapansin- Hindi Hindi
PAMANTAYAN pansin gaanong kapansin-
kapansin- pansin
D
pansin
(3) (2) (1)
1. Naiguhit at nakulayan ko ang
E

myural ng isang pag-diriwang o

selebrasyon.
EP

2. Naipakita ko sa larawan ang

damdamin ipinahihiwatig sa
pamamagitan ng kulay.
D

3. Nakilala ko ang mga

selebrasyon o pagdiriwang ng
ilang pamayanang kultural sa
bansa.
4. Naipagmalaki ko ang myural
na nilikha.
5. Nagampanan ko ang aking
tungkulin bilang bahagi ng
aking pangkat.

191

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 5 : Krokis ng Pamayanang Kultural

Ang mga bagay sa ating kapaligiran ay may iba’t ibang hugis,

laki, at kulay gaya ng bundok, dagat, gusali, at iba pang likas at di-
likas na istruktura. May mga bagay na malapit at mayroon ding mga
bagay na malayo. Ang mga malalayong bagay ay nagiging maliit sa

PY
paningin habang ang mga bagay naman na malalapit ay mas malaki
sa paningin kung ikukumpara mo sa mga bagay sa malalayo. Sa
sining, tinatawag itong ilusyon ng espasyo.

O
Sa paggawa ng krokis o pagguhit ng landscape o tanawin
ng isang pamayanan na itinatampok ang kapaligiran bilang paksa,
C
kailangang isaalang-alang ang espasyo, balanse, at proporsyon
upang maging mas makatotohanan ang larawang iguguhit.
E D
EP
D

192

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagguhit ng Isang Pamayanang Kultural

Kagamitan: papel o bond paper, lapis at pambura, at ruler

Mga Hakbang Sa Paggawa:

PY
1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin sa pagguguhit.

2. Maglagay ng mga palatandaan sa mga dakong paglalagyan

O
ng paksa sa background, middle ground, at foreground.
C
3. Siguraduhing nasusunod ang mga pamantayan sa pagguhit
gamit ang balanse sa larawan.
D
4. Bigyan din ng pansin ang proporsyon ng mga bagay-bagay
na iguguhit para higit na maging makatotohanan ang dibuho.
E

5. Mag-isip ng kawili-wiling tanawin sa inyong lugar na makikita

EP

sa mga pamayanang kultural na nais mong iguhit.

6. Lagyan ng pamagat ang natapos na likhang-sining.

D

7. Maghanda sa pag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa inyong

nabuong guhit.

8. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

193

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa pagguhit, kailangang bigyan ng pansin ang tamang
laki ng mga bagay-bagay at paglalagay ng foreground, middle
ground, at background upang magkaroon ng balanse at
proporsyon ang dibuho. Ang pigura ng tao ay mas maliit kung
ikukumpara mo ito sa bahay at gayon din sa mga puno kung
titingnan sa aktwal na larawan.

PY
O
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
C
tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay

D
sa laki at taas ng mga ito.
E

A. krokis B. hugis C. laki D. proporsyon

EP

2. Kapag ang mga bagay na iyong iguguhit ay ibig mong

magmukhang malayo sa paningin, ano ang dapat mong gawin?

A. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit nito kumpara sa mga

D

bagay na dapat makita sa malapit.

B. Gawing malaki ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay
na dapat makita sa malapit.
C. Iguhit ito sa pinakamababang bahagi ng papel.
D. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel.

194

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Ano ang tawag sa larawan na ang karaniwang paksa ay mga
bundok, burol, at puno?

A. espasyo B. kulay C. landscape d. proporsyon

4. Bakit kailangang isaalang-alang ang proporsyon at espasyo

sa pagguhit?

A. Upang maging makulay ang larawang iginuhit.

B. Upang maging kakaiba ang larawang iginuhit.

PY
C. Upang maging mas makatotohanan ang larawang iginuhit.
D. Upang maging malamlam ang kulay ng larawang iginuhit.

O
C
E D
EP
D

195

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 6 : Kulay ng Kapaligiran

Kulay ang nagbibigay ng buhay sa mga bagay sa paligid. Ito

ay maaaring mapusyaw at maaari ring matingkad. Kapag ginamit
ang kulay sa isang obra o likhang-sining, nakapagpapahiwatig ito
ng iba’t ibang kahulugan.

PY
Ang mga maiinit na kulay tulad ng pula, kahel, at dilaw ay
nagpapahiwatig ng kasiyahan at kagalakan. Ang mga kulay na
malalamig tulad ng bughaw at lila ay nagpapagaan ng pakiramdam.

O
Nagagawang malamlam ang isang kulay kung ito ay hahaluan
C
ng kulay na komplementaryo subalit nagiging mapusyaw ang kulay
kung hahaluan ng puti.
E D
EP
D

196

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagkukulay ng mga Naiguhit na mga Bagay sa Paligid na
Naglalarawan ng mga Iba’t Ibang Pamayanang Kultural

Kagamitan: oslo paper, brush krayola, o watercolor

(Maaaring gumamit ng anumang natural na pangkulay

PY
gaya ng katas ng dahon, bulaklak, o balat ng prutas)

Mga Hakbang Sa Paggawa:

O
1. Planuhin ang mga kulay na gagamitin sa krokis ayon sa
kahulugan na gustong ipahiwatig.
C
2. Gumamit ng matitingkad na kulay para sa mga detalye na
gustong bigyang-diin at mapupusyaw naman na kulay para
D
sa mga iba pang detalye.
E

3. Takpan ng lumang dyaryo ang mesang gagamitin sa

pagpipinta.
EP

4. Simulan ang pagkukulay sa idinitalyeng larawan.

5. Kung gagamit ng watercolor, patuyuin ang papel bago ipaskil.

D

6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

197

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
• Mahalaga ang tamang paggamit ng mga kulay. Gumamit
ng matitingkad na kulay sa mga bagay na bibigyang diin
at mapupusyaw sa mga maliwanag na bahagi.

• Ang mga kulay ay nagpapahiwatig ng damdamin at

kahulugan sa mga dibuho.

PY
O
C
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong
naisagawa sa buong aralin.
D
Nakasunod Nakasunod Hindi
sa sa nakasunod
E

pamantayan pamantayan sa
PAMANTAYAN
nang higit sa subalit pamantayan
EP

inaasahan may ilang

pagkukulang
(3) (2) (1)
D

1. Nalaman ko ang
ibig ipakahulugan
ng mga kulay na
ginamit ko sa aking
krokis.

198

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Nakulayan ko ang
larawan ng mga
bagay sa paligid
na nagpapakita
ng mapusyaw at
matingkad na kulay.

3. Nagamit ko nang
maayos ang kulay
bilang mahalagang

PY
elemento ng sining.

4. Naipabatid ko

O
ang mensahe ng
aking ginawa sa
pamamagitan ng
paggamit ng mga
C
kulay.
D
5. Naipagmalaki
ko ang aking
E

ginawang dibuho.
EP
D

199

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 7 : Myural ng Tanawin sa
Pamayanang Kultural

Paggawa ng myural ang tawag sa paraan ng pagpipinta sa

dingding o walls.

PY
Maraming Pilipinong pintor ang tanyag sa larangang ito ng
sining. Ilan sa kanila ay ang mga Pambansang Alagad ng Sining na
sina Carlos “Botong” Francisco na gumawa ng myural sa Bulwagan
sa Lungsod ng Maynila, Juan Luna sa kaniyang obra na Spoliarium,

O
at Vicente S. Manansala, modernong Pilipinong pintor na may-ari
ng obrang Stations of the Cross na nasa UP Diliman chapel.
C
Itinatampok din nila sa kanilang obra ang kawili-wiling
pagdiriwang ng pistang bayan, payak na pamumuhay sa kabukiran,
D
kabundukan, at larawan ng patuloy na umuunlad na pamayanang
kultural.
E

Sa pamamagitan ng mga obrang ito, nalalaman natin ang

angking yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi.
EP
D

200

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paggawa ng Myural

Kagamitan: mga iginuhit na larawan, pandikit, marking pen, at lapis

Mga Hakbang Sa Paggawa:

PY
1. Ihanda ang mga likhang-sining na ginawa sa mga nakaraang
aralin 1-7.

O
2. Ilatag sa sahig ang mga likhang-sining ng pangkat at ipaanyo
nang maayos bago idikit sa dingding upang makabuo ng isang
myural.
C
3. Kung ang lahat ay naihanda na, maaari nang simulan ang
pagdidikit sa itinalagang lugar ng guro para sa inyong pangkat.
D

4. Lagyan ng pamagat ang mga ginawa at maaaring dagdagan

E

ng iba pang detalye o disenyong mas lalong magpapaganda

sa ginagawang myural.
EP

5. Maghanda para sa pag-uulat.

D

201

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
• Ang myural ay isang malaking larawan na nakapinta o
nakalagay sa dinding o pader. Ang likhang - sining na ito
ay maaaring gawin ng isang tao o pagtulungang gawin ng
marami.

• Mahalaga ang pagtutulungan at kooperasyon sa pagsasagawa

PY
ng anumang proyekto.

O
C
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong
naisagawa sa buong aralin.
D

Nakasunod Nakasunod Hindi

E

sa sa nakasunod
pamantayan pamantayan sa
EP

PAMANTAYAN nang higit subalit may pamantayan

sa ilang
inaasahan pagkukulang
(3) (2) (1)
D

1. Nagawa ko nang
maayos ang myural.

2. Nakipagtulungan
ako sa paggawa ng
myural.

202

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Naipahayag ko ang
aking damdamin
at kaisipan batay
sa mga elemento
na ginamit ko sa
larawan.

4. Nagawa ko ang
aking likhang-
sining nang buong

PY
kagalakan.
5. Naipagmalaki ko
ang aking ginawa.

O
C
E D
EP
D

203

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 8 : Malikhaing Pagpapahayag

Sadyang katangi-tangi ang kapuluan ng Pilipinas. Nag-

uumapaw sa makukulay na kultura at kaugaliang nagpapatingkad
sa tatak-Pilipino.

PY
Sa pagpunta natin sa iba’t ibang lugar sa bansa, hindi natin
maiiwasang mamangha sa angking kagandahan ng mga likas
at di-likas na tanawin. Ito ang nagbibigay sa atin ng kakaibang

O
karanasan. Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao, maging ang
kulay ng paligid, ang awit ng mga ibon, at ang malamig na simoy
C
ng hanging dulot ng mga puno at halaman ay ilan lamang sa mga
bagay na nagpapaalala sa atin ng mayamang karanasan sa lugar
na ating pinupuntahan.
E D
EP

Panuto: Magpangkat-pangkat ayon sa ibibigay ng guro.

D

I – Pangkat Luzon
II – Pangkat Visayas
III – Pangkat Mindanao

Kagamitan: mga ipinintang larawan sa mga nakaraang aralin, maliit

na bola o kahit anong bagay sa silid na magaan at
madaling hawakan

204

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Ilatag sa sahig ang mga likhang-sining na ginawa sa

nakaraang aralin. Umupo sa ayos na pabilog na pinaliligiran
ang mga likhang-sining.

2. Ang lider ng pangkat ang siyang unang may hawak ng bola

at ipapasa pakanan kasabay ang awit na iparirinig ng guro.

3. Kapag itinigil na ng guro ang awit ay tatayo sa gitna ang

huling may hawak ng bola. Malikhain niyang ibabahagi

PY
ang karanasan patungkol sa larawan o likhang-sining at
sa karanasan sa pamayanang kultural na nasa ipinintang
landscape.

O
4. Uulitin ito hanggang sa ang lahat ay mabigyan ng
pagkakataon na makapagbahagi.
C
E D

• Napananatili natin ang ganda at yaman ang ating pamayanan

EP

kung ito ay ating iingatan at pahahalagahan.

• Mayaman ang mga Pilipino sa kultura at tradisyon.

Mapagyayabong pa natin ito kung mananatiling buhay sa
D

puso at isipan natin ang katangi-tanging kultura at tradisyon

na sadyang tatak-Pilipino.

205

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon na tumutugon sa puntos
na nais mong ibigay sa iyong bagong pagganap sa aralin.

Nakasunod Nakasunod Hindi

sa sa nakasunod
pamantayan pamantayan sa

PY
PAMANTAYAN
nang higit subalit may pamantayan
sa ilang
inaasahan pagkukulang
(3) (2) (1)
1. Ganap kong
naibahagi sa aking
O
C
mga kamag-aral
ang natatangi kong
karanasan tungkol
D
sa aking likhang-
sining.
E

2. Natapos ko ang
EP

gawain nang may

pagtutulungan at
kooperasyon sa
mga kapuwa ko
D

kasapi ng pangkat.

3. Naipagmalaki ko
ang aking ginawa.
4. May natutuhan
ako sa gawain
na maaari kong
ibahagi sa aking
kapuwa.

206

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GLOSSARY
SINING

acrylic paint isang uri ng pintura na ginagamitan ng tubig

Background tanawin pinakamalyo sa tumitingin, likod
Bookmark ginagamit na pananda sa isang pahina ng libro
pabalat sa takip sa libro na may iba’t ibang disenyo o kulay
libro

PY
border design disenyo sa paligid ng papel
banana stalk bahagi ng halamang saging na ginagamit na
pangdisenyo sa gawaing-sining

O
Bloke nagsisilbing pampatigas sa gilid na bahagi ng
papel
cardboard
C
isang uri ng matigas na papel na ginagamit sa
gawaing-sining
container lalagyan ng tubig o anumang bagay
D
construction isang uri ng papel na ginagamit sa gawaing-sining
paper na may iba’t ibang kulay
E

cotton buds ginagamit na panlinis sa tainga

EP

Chlorine nakalalasong kemikal na ginagamit na panlinis o

pang alis ng mantsa sa damit

coin purse lagayan ng barya

D

Disenyo ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang

makabuo ng dibuho
disenyong disenyong nakaayos na ginagamitan ng linya
radial
disposable kutsarang yari sa plastik
spoon

271

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Espasyo bahagi ng isang buong lugar na nasusukat
elemento isang mahalagang sangkap o bahagi ng sining

Foreground Tanawing pinakamalapit sa tumitingin, harap

itanghal ipakita sa marami sa pamamagitan ng paglagay
sa harap o pagpaskil
Istilo pamamaraan
jewelry pouch lagayan ng iba’t ibang palamuti tulad ng singsing,
hikaw at kuwintas

PY
kalikasan natural na makikita sa kapaligiran na gawa ng
Diyos
kultural kaugnayan sa isang partikular na grupo ng mga
tao at kanilang mga gawi, paniniwala, at tradisyon

O
kontribusyon mahalagang naiambag upang matapos ang isang
gawain o proyekto
Luwad Molde
C
Myural malaking larawan na ipininta na kadalasan
makikita sa mga dingding o pader
D
Middleground tanawin sa gitna, pagitan ng foreground at
background motif na iba’t-ibang uri ng disenyo
E

mula sa mga pangkat-etniko

malong isang uri ng kasuotan nagmula sa ating mga
EP

pangkat-etniko
Overlap pagpapatong-patong ng mga hugis
Oil pastel isang uri ng pangkulay ginagamit sa gawaing-
D

sining
Palamuti Dekorasyon
Pista pagdiriwang sa isang lugar
Prinsipyo sinusunod na pamantayan sa sining

pangkat- grupo ng mga sinaunang tao

etniko

272

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pattern proseso ng sining na ginagawao ginagamit nang
paulit-ulit
placemat ginagamit na patungan ng mga pinggan,
kubyertos, at baso sa hapag kainan
Paglalala ng Masining na paglalala at pagtitiklop ng mga piraso
Banig ng materyales upang makalikha ng kahanga-
hangang disenyo ng banig-plorera na lalagyan ng
bulaklak
retaso pinagtabasang piraso ng tela

PY
recycled paper papel na gamit na
Table runner isang mahabang tela na inilalagay sa mesa para
dekorasyon
Tina-tali ang Tina-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay

O
ay karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit,
papatong na pagtiklop, o paglukot ng tela o isang
C
damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band)
na sinusundan ng pagbabad o paglubog sa timpla
na may kulay
D
T’boli mga taong nakatira sa pamayanang kultural na
matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng
T’nalak mula sa hibla ng abaka
E

T'nalak ay isang tradisyonal na tela ng ginagawa ng mga

EP

T’boli sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Ito

tradisyonal na tela ay hinabing-kamay na gawa sa
Abaka fibers na ayon sa kaugalian ay may tatlong
pangunahing mga kulay, pula, itim at ang orihinal
na kulay ng dahon Abaka
D

Value sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan

at kadiliman nito
wall décor palamuti sa dingding

water color isang uri ng pangkula na ginagamitan ng tubig at

brotcha o brush

273

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing

PY
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang

O
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
C
Do a Little Thing
Early to Bed
D
Gising Na
Hear the Rain
E

Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
EP

Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
D

Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play

274

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay

PY
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!

O
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
C
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
D
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
E

We’re on the Upward Trail

Will You Dance With Me?
EP

Mga Awit sa Pakikinig

Ading
Are You Sleeping Lazy Juan?
Bahay Kubo
Blue Danube Waltz
D

Hallelujah Chorus
Happy Birthday
It Came Upon the Midnight Clear
Mindanao Sketches
My Heart Will Go on
Philippine Tongatong
Pop Goes the Weasel
Row, Row, Row Your Boat
Somewhere Over the Rainbow
Star Wars- Opening Theme
Tayo’y Umawit
275

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
APPENDIX

Sining
Discovery in Art 3 Elementary Worktext, pp. 109-110
Gawad ng Manlilikha ng Bayan, Pambansang Komisyon para sa
Kultura at mga Sining, Republika ng Pilipinas, 2004.
Modern Teacher Magazine, Sept. 2011, Vol.60.
Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan 4, pahina 21-24

PY
Sining 4, pahina 11-12
Sining 4, pahina 78-79,
Sining 5, pahina 104-105

O
http://www.ehow.com/about_6669221_history-tie_dye.html
http://ecozeal.com/blog/the-history-and-art-of-tie-dyeing
C
E D
EP
D

280

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Вам также может понравиться