Вы находитесь на странице: 1из 1

Sa ating direhe ng paaralang ito, Bb. Cristle Dajan O.

Coloma, sa mga guro


na pinangungunahan ni Bb. Anniebeth Castillo, sa mga magulang, sa mga
bisita natin sa araw na ito at sa mga mag-aaral, magandang umaga sa inyong
lahat.

Ngayong araw na ito ay ating ipinagdiriwang ang kapaskuhan sa paaralang


ito na ating nakaugalian taon-taon at ngayong araw din na ito ay huling araw
na tayo ay magkakasama sa taong ito.

Ang kapaskuhan ay ating ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. Ito


ang pinaka-espesyal na araw na ipinagdiriwang sa halos lahat ng sulok ng
mundo. Lahat tayo ay masaya sa araw ng kapaskuhan sapagkat ito ay
mahalagang araw nung si Jesus ay isinilang sa sabsaban upang iligtas ang
sangkatauhan sa kasalanan ayon sa propesiya.

Sa ngayon, ating ipinagdiriwang ang kapaskuhan sa mga nakaugaliang


pamamaraan. Ang iba ay magkakaroon ng reunion kung saan lahat ng
magkakamag-anak ay magsalo-salo. Magluluto ng mga espesyal na pagkain
kagaya ng puto bumbong at bibingka. Hindi rin mawawala ang mga
tradisyonal na pagkain, kasama na dito ang hamon, keso de bola at chocolate.
Ang mga ito ay niluluto maging tuwing Noche Buena.

Sa kabila ng pagsunod sa mga tradisyon, misan nakakalimutan ng ilan sa atin


ang tunay na kahulugan ng pasko. Ang iba ay abala sa paghahanda ng iba’t
ibang pagkain at ang iba naman ay sa mga regalo. Ngunit di natin dapat
kalimutan ang tunay na diwa ng pasko. Ito ay panahon ng pagbibigayan,
pagmamahalan, at higit sa lahat pagpapasalamat sa ating mahal na
panginoon para sa lahat ng biyaya na pinagkaloob niya sa atin sa buong taon.
Wag nating kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na siyang dahilan kung
bakit tayo’y nandito at nagdiriwang ng kapaskuhan, nawa’y lagi tayong
magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap sa araw-araw. Hindi lang
dapat sa araw ng pasko ang pagmamahalan, datapwat isapuso natin na dapat
tayo’y palaging magbigayan at isantabi ang hindi pagkaka-unawaan.

Вам также может понравиться