Вы находитесь на странице: 1из 2

Mahal na Pangulo,

Ang liham na ito ay isang pakiusap sa inyomga na pakinggan ang boses ng iyong
mamamayan, higit sa lahat ang boses ng mga kapwa pilipino na dumadanas ng kahirapan.
Ninanais ng liham na ito na ipahayag ang kalagayan ng mga ilang Pilipino sa ating lipunan at
ipalagay sa inyo ang aming opinyon upang matulungan ang mga mahihirap.

Walang katapusang pangako ang aming naririnig sa iba't ibang pangulo na sila raw ay
gagawa ng aksyon upang masolusyunan ito ngunit ni minsan ay wala kaming naramdamang
pagbabago.

Kung ating papansinin ang mga mayayaman ang siyang mas higit ang bahagi sa mga
benepesyo at kayamanan ng bansa. Sila ang mas pinapahalagahan, VIP kung baga, kaysa sa mga
mahihirap. Bakit dahil higit ang kanilang maaring maiambag sa ekonomiya? Ang nais naming ay
mabawasan ang porsyento ng mga Pilipinong naghihikalos hindi ang madagdagan ito. Oo, may
mga programa na tumutulong sa mga tao tulad ng 4Ps subalit hindi naman ito napupunta sa mga
pamilyang talagang nangangailangan.

Mga batang nasa lansangan, walang makain, walang matirahan, at walang edukasyon.
Mga pamilyang nagsisiksikan sa ilalim ng tulay. Mga haligi ng tahanang double kayod, halos
mamatay sa pagod. Mga kabataang napapariwala, mas pipiliing gumawa ng krimen kaysa puasok
sa eskwelaan. Ang mga ito ang mukha ng kahirapan.

Hindi naming ikakaila na may mga trabahong binibigay ang gobyerno subalit kahit anong
kayod ng Pilipino kung ang pasahod ay mababa at ang mga bilihin ay matataas. Siguradong mas
tatas ang bahagdan ng kahirapan. Hihintayin pa ba nati ang panahon na kung saan maraming
mamamatay dahil sa gutom o ngayon palang ay gagawa na tayo ng aksyon?

Oo hindi madaling lutasin ang isang problemang may malawak na ugat subalit kaya itong
pigilan at bawasan. Papaano? Maaring gumawa ng proyekto na kung saan ay makakatulong sa
mahihirap, o di kaya ay suriin mabuti kung ang mga batas na pinapatupad ay makakabuti sa
nakakarami hindi nagiging pasakit o hadlang upang sila ay umunlad.
Ang kahirapan ang isa sa mabibigat na problema na aming pinapasan. Nawa'y
mapagbigyan niyo aming mga hinaing na mahihirap. Sana'y matulungan mo po kami, mahal
naming pangulo. Ang iyong mabilis na pagbibigay solusyon sa aming problema ay higit na
makakatulong sa pag unlad ng ating bansa. Maraming Salamat.

Lubos na gumagalang,

Estudyante ng Kingfisher

Вам также может понравиться