Вы находитесь на странице: 1из 11

Mga Panuntunang Pangkalusugan

at Pangkaligtasan sa Pag aalaga ng


Hayop
Ang sumusunod na tuntuning pangkalusugan at
pangkaligtasan ay dapat bigyang pansin ng
isang nag- aalaga ng hayop:
1. PANATILIHING MALINIS AT TUYO ANG
TIRAHAN NG HAYOP. Makatutulong ito upang
maiwasan ang sakit at peste na maaaring
dumapo sa mga alaga. Kung laging basa at
madumi ang tirahan, ito ay pamamahayan ng
mikrobyo at maaaring makapagbigay ng sakit
sa mga hayop.
2. HANGGANG MAAARI AY I-QUARANTINE ANG
MGA BAGONG BILING KAMBING SA LOOB NG
ISANG BUWAN. Ang Quarantine ay pagbubukod ng
bagong biling hayop sa isang lugar na malayo sa
mga dati nang alaga upang obserbahan muna
kung ito ay malusog at walang nakakahawang
sakit. Ang paraang ito ay ginagawa upang
maiwasang mahawa ang ibang alaga kung sakali.
3. PULMONYA AT PARASITIKO ANG KARANIWANG
DAHILAN NG PAGKAMATAY NG MGA KAMBING.
Alamin ang uri ng parasitikong nakaaapekto sa
kalusugan ng alagang kambing. Makabubuting
kumonsulta sa isang Veterinaryo upang makatiyak
at makapagbigay ng tamang lunas o bakuna.
4. ITAGO NANG MAAYOS SA LUGAR NA MAY
KATAMTAMANG TEMPERATURA ANG MGA
GAMOT NA PAMBAKUNA. Alamin ang petsa ng
expiration nito bago gamitin dahil maaaring
magdulot ng peligro sa alaga kung mabigyan sila
ng expired na mga gamot. Ang mga natirang
gamot na pambakuna na hindi na maaaring
gamitin ay dapat nang ibaon o sunugin upang
hindi na aksidente pang magamit.
5. HUWAG BAKUNAHAN ANG HINDI
MALUSOG NA KAMBING. Ang hindi malusog
na kambing ay maaaring may mahinang
immune system at maaaring hindi nito
kayanin ang epekto ng bakuna kung kaya’t
dapat muna itong palakasin bago bigyan ng
bakuna.
6. ANG MGA BAGONG BAKUNANG KAMBING AY
DAPAT ILAGAY SA MALINIS AT TUYONG
KULUNGAN. Nangangailangan ng pahinga ang mga
bagong bakunang kambing upang mas madaling
matanggap ng kanilang katawan ang ibinigay na
bakuna kung kaya’t mainam na sila ay nasa tuyo at
malinis na kulungan at upang makaiwas na din sa
iba pang uri ng bakteriya o mikrobyo.
Mga Tanong

•1. Bakit binabakunahan ang mga


alagang hayop?
2. Ano ang Veterinario?
•3. Ano ang Quarantine?

Вам также может понравиться