Вы находитесь на странице: 1из 16

Baking Pans

Common sizes are 9” x 5” or 8 1/2” x 4 1/2”. Keep in


mind that shiny pans reflect heat so baking time is
generally longer. You’ll also get lighter crusts than
breads baked in dark pans that absorb heat. Special
pans for French Breads and other specialty breads are
also available.

Dough Hook
The dough hook is used to knead dough with hand or
stationary mixers right in the bowl. Use the flat paddle
to mix the ingredients, and then switch to the dough
hook for the kneading step.

Food Processor
If you purchase one to mix dough, you’ll find many
other uses for it.
Measuring Spoons and Cups
Don’t “eyeball” the amount you need. Use
measuring spoons and cups for accuracy. Level off
dry ingredients with a knife or straight edge. Make
sure your measuring cup for liquids is placed on a
flat surface.

Mixing Bowl
Any sturdy, 4-quart capacity bowl is fine

Pastry Brush
This tool makes it easy to apply egg washes and thin
glazes, and ensures even application.
Plastic Wrap/Kitchen Towel
Keep on hand to cover the dough as it rises. Plastic
wrap should be sprayed with cooking spray on the
side of the wrap facing the dough.

Rolling Pin
If you don’t have a rolling pin, you can use a can or
other type of cylinder to roll out dough.

Rubber Spatula
Because it’s flexible, you can scrape dough from
the sides of the bowl without scratching it.
Ruler
Helpful when you need to measure dough after it
has been rolled.

Serrated Knife
It’s the best for cutting bread.

Thermometer
When you bake with yeast, it’s crucial that water
temperature is accurate. Water that is too hot can
kill your yeast. Look for a thermometer with a
stainless steel stem, and a dial OR digital readout.
Timer
Especially important to measure the resting time of
dough precisely.

Wire Cooling Rack


The steam that builds up in the pan can make bread
loaves soggy. A wire cooling rack helps bread cool
down when it’s just come out of the oven.

Wooden or Metal Spoon


A long handled spoon is required; either wood
or metal will do.
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30
Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod
ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang
kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani
ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani. Pinanganak si Rizal sa isang
mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-
asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng
diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas
sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid
sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng
karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at
Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit,
paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa
kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El
Filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga
wika.
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa
pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, isang lihim na samahan na
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang
Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng
pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa
sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling
dulugan. Ang Noli Me Tangere ay ang unang aklat na sinulat ni Dr. Jose Rizal habang
siya ay nag-aaral pa ng medisina sa Madrid noong 1884. Itinuloy nya ang pagsusulat nito
sa Paris, matapos ang kanyang pag-aaral, at natapos ang huling bahagi sa Berlin. Ang
pamagat na ito ay nangangahulugang "Huwag Mo Akong Salingin" o "Touch Me Not."
Tinutukoy niya rito ang mga mapang-aping dayuhan, partikular na ang mga prayleng
nanunungkulan, noong mga panahong iyon.
Ang pagsulat nito ay bunga ng pagbasa niya sa akda ni Harriet Beacher Stowe na
Uncle Tom's Cabin. Tumatalakay ito sa kalupitan at pang-aapi ng mga puting Amerikano
sa mga Negro. Inihalintulad niya ito sa mga dinaranas ng mga Pilipino sa mga Kastila.
Sinulat niya ang Noli Me Tangere upang isiwalat ang mga kamalian at kasamaang
ginagawa ng mga Kastila sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Sa bawat kabanata, naipakita
niya ang tunay na kalagayan ng ating lipunan sa ilalim ng mga Espanyol. Isinulat niya ito
sa wikang Kastila hindi dahil sa hindi nya mahal ang sarili nating wika, kundi upang
ipakitang hindi siya takot na kalabanin ang mga Espanyol. Pinili niya itong isulat sa
kanilang wika upang ito ay kanilang mabasa at agad maunawaan.
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari
ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas
na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sikwel
sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hírap habang sinusulat ito at,
tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887
habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at


pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa
kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya
ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ding iyon sa Gent. Isang
nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa
kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.

Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at


nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan.

Hindi maikakailang malaki ang naging kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa


pagpapausbong ng damdam ing nasyonalismo ng mga Pilipino noong kanyang panahon.
Sa pamamagitan ng kanyang pluma at angking talino, nagawa niyang maipagtanggol ang
Pilipinas laban sa mga mapang-alipustang banyaga. Ngunit hindi lamang damdaming
nasyonalismo ang nagawang paningasin ni Pepe – maging ang puso ng maraming dilag
ay nagawa rin niyang paliyabin sa pamamagitan ng kanyang nag-aapoy na pagmamahal
at angking karisma. Maliban sa inang si Teodora Alonzo at sa kanyang Inang Bayan,
maraming babae pa ang inibig ng ating pambansang bayani sa loob o labas man ng
bansa.
Mga Kababaihan ni RIZAL
1. Julia
Nakilala ni Rizal ang labing-apat na taong gulang na si Julia sa isang ilog sa Los
Baños noong siya’y labinlimang taong gulang pa lamang. Sabay silang nanguha noon ng
paru-paro sa tabing-ilog at doo’y pinagsaluhan nila ang kaunting panahon ng saya at
tuwa. Ang pakiramdam na ito’y naging panandalian lamang; isa lamang matamis na
pagtatangi ng isang binatilyo sa isang dalagita ang naganap sa kanilang pagsasama.
Ayon sa tala, hindi pa tuluyang nahulog ang puso ni Pepe kay Julia nang mga panahong
ito. Sa wikang Ingles, maaaring ito’y infatuation pa lamang.

2. Segunda Katigbak
Mula naman sa Lipa, Batangas si Segunda Katigbak na noon ay labinimageg-apat na
taong gulang nang makilala ni Rizal. Tuwing Huwebes at Linggo bumibisita noon si Rizal
sa Colegio de la Concordia kung saan namamalagi ang kapatid niyang si Olympia at si
Segunda. Sa panahong ito, tuluyan nang nahulog ang loob ni Rizal kay Segunda. Ngunit
sa kabila nito, pagkasawi muli sa pag-ibig ang naranasan ni Rizal. Si Segunda ay
nakatakda nang ikasal kay Manuel Luz kahit na hindi ito nais ni Segunda. Hindi nagawang
ipagtapat ni Rizal ang kanyang pag-ibig para kay Segunda. Tila baga siya’y nawalan ng
tapang at lakas ng loob noong mga panahong iyon, hanggang sa tuluyan nang mawala
si Segunda Katigbak.

3. Binibining L
Isang misteryosang dilag naman itong si Binibining L. Hindi malaman ng mga
historyador kung ano ang ibig sabihin ng L sa pangalan ng dilag na ito. Pagkatapos ng
pagkasawi kay Segunda, ibinaling ni Rizal ang kanyang atensyon sa dalagang ito.
Dalawang magkasunod na gabi bumisita itong si Rizal kay Bb. L. dahil na rin sa nadama
niyang sakit sa piling ni Segunda. Ngunit maagang natapos ang pagbisitang ito ni Rizal
sa pagtutol na rin ng kanyang ama.

4. Leonor Valenzuela
Nakilala naman ni Rizal itong si Leonor o Orang Valenzuela noong siya’y nag-aaral
pa sa Unibersidad ng Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan ni Rizal ang bahay ng mga
Valenzuela at palagi silang namamalagi ng kanyang mga kaibigan doon. Unti-unting
nahulog ang loob ni Orang kay Rizal dahil sa angking talino ni Jose. Binibigyan ni Rizal
si Orang noon ng mga liham na nakasulat sa tintang maaaninag lamang kung itatapat sa
lampara. Ngunit para kay Rizal, higit na mainam kung ituring niya lamang na kaibigan si
Orang kaysa ituring niya itong kasintahan. Ang desisyong ito ay bunsod na rin ng
espesiyal na pagtangi ni Rizal sa isa pang Leonor, si Leonor Rivera.

5. Leonor Rivera
May mga nagsasabing kababata ni Rizal itong si Leonor. May mga nagsasabi ring
sila ay malayong magpinsan. Magkagayunman, noong mga bata pa sila ay hindi
gaanong napapansin ni Rizal si Leonor. Ngunit nang magdalaga ang dilag, napansin ni
Rizal na unti-unti nang bumubulaklak ang dati’y tila kampupot lamang na si Leonor. Nang
nagkaimagekamabutihan na ang dalawa, napagpasiyahan nila na Taimis ang itawag kay
Leonor Rivera upang makatakas sa mga matang maaaring kumondena sa kanilang
dalawa. Nang mga panahong ito, unti-unting umusbong si Rizal bilang manunulat at
nasyonalista. At noong 1882, inilihim ni Rizal kay Leonor ang kanyang pag-alis patungong
Europa, na lubha namang ikinasakit ng damdamin ng dalaga. Kung noong una’y
suportado ng mga magulang ni Leonor ang pag-iibigan ng dalawa, bigla nila itong
tinutulan dahil sa pagiging kilalang pilibustero ng binata ng mga panahong iyon. Marami
pa ang naganap na nagbunsod sa masakit na paghihiwalay ng dalawa. Dahil sa
pagharang ng mga magulang ni Leonor sa mga sulat ni Rizal para sa dalaga,
ipinagpalagay ni Leonor na kinalimutan na siya ni Rizal – na siyang nagtulak kay Leonor
upang magpakasal sa isang Ingles na pinili ng kanyang mga magulang, si Henry Kipping.
Tumagal ang relasyon nina Rizal at Leonor Rivera nang 11 taon.

6. Consuelo Ortiga y Perez


Anak si Consuelo ni Don Pablo Ortiga y Rey, alkalde ng Maynila noon. Nagkita sila ni
Rizal sa Madrid kung saan balot pa rin si Rizal ng pagdadalamhati dahil sa pagpapakasal
ni Leonor Rivera sa ibang lalaki. Sa Madrid, hindi lamang si Rizal ang humanga kay
Consuelo. Maging sina Eduardo de Lete, Antonio at Maximino Paterno ay nahulog din sa
kanya. Nagkaroon ng kasunduan sina Rizal at Lete upang malaman kung sino ang pipiliin
ni Consuelo sa kanilang dalawa. Sa pagtatapos ng kanilang kasunduan, si Lete ang
nakabihag ng puso ni Consuelo. Inihandog ni Rizal kay Consuelo ang tulang A la Señorita
C. O. y R., isa sa mga magagandang tulang naisulat ni Rizal. Sa kabila ng panibagong
pagkabigong ito, si Leonor pa rin ang nasa isip ni Rizal.

7. Usui Seiko
Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon patungong Europa noong 1888, kanyang
nakilala si Usui Seiko, 23 taong gulang. O-Sei-San ang tawag ni Rizal sa kanya. Mula si
O-Sei-San sa pamilya ng mga samurai. Muntik nang pakasalan ni Rizal si O-Sei-San
dahil sa magandang trabahong inilaan sa kanya roon. Ngunit nanaig ang damdaming
makabayan ni Rizal kaya’t hindi na ito naisakatuparan.

8. Gertrud Beckett
Nang makarating si Rizal sa London, namalagi siya sa tahanan ni Charles Beckett. Si
Gertrude o ‘Gettie’ ang panganay na anak ni Charles. Tuwing umaga, bilang kaugalian
na ng mga Ingles, hinahatiran ni Gettie si Rizal ng kanyang almusal. At dahil nga sa
angking kakaibang karisma ni Rizal, nahulog ang loob ni Gettie kay Rizal. Ngunit kagaya
ng nangyari sa kanilang ugnayan ni Consuelo, higit na pinili ni Rizal ang sariling bayan at
si Leonor.

9. Nelly Boustead
Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa Europa, hindi rin nagtagal ang relasyon
ni Rizal kay Nelly Boustead, isang Pranses. Hindi pumayag si Rizal sa pakiusap ni Nelly
na maging isang Protestante. Hindi rin nais ng ina ni Nelly na magkaroon ng manugang
na doktor na hindi binabayaran ng sapat ng kanyang mga kliyente. Naghiwalay ang
dalawa ngunit nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

10. Suzanne Jacoby


Nagtungong Brussels sa Belgium si Rizal noong 1889 dahil sa maluhong pamumuhay
sa Paris. Namalagi siya sa tahanan ng dalawang magkapatid na sina Marie at Suzanne
Jacoby. At katulad dati, nahulog ang loob ni Suzanne sa kanya. Ngunit noong Hulyo
1890, umalis si Rizal patungong Madrid at naiwan si Suzanne na nagdadalamhati.

11. Josephine Bracken


Nagkakilala sina Josephine at Rizal nang dalhin ng una ang kinilalang ama kay Rizal
upang ipagamot noong Pebrero 1895. Dito na nagsimula animageg kanilang malalim na
pagtitinginan. Bagaman tutol ang kinilalang ama, hindi nagawang pigilan ng tadhana ang
pag-iibigan nina Josephine at Rizal. Marami ang nagduda sa katapatan ni Josephine kay
Rizal. May mga nagsasabing kasabwat siya ng mga prayleng noon ay kalaban ni Rizal.
Hindi rin naging maluwat para sa ibang kapatid ni Rizal ang kanilang relasyon dahil hindi
raw kapantay ni Josephine ang katalinuhan ni Rizal. Isang hindi magandang pangyayari
ang naganap noong katapusan ng 1895 - nalaglag ang dinadalang anak ni Josephine.
Bunsod nito, nagpasya na lamang sina Rizal at Josephine na mag-ampon ng batang
babaeng nagngangalang Maria Luisa, na kaagad naman nilang ibinalik sa mga tunay
nitong magulang. Si Josephine ang naging kahuli-hulihang babae sa buhay ni Rizal bago
ang kanyang pagkamatay sa Bagumbayan.

Pag-ibig ang nagtulak kay Rizal upang sumulat ng mga nobelang makapagmumulat
sa ating mga kababayan. Pag-ibig din ang kanyang naging sandala’t katuwang sa
kanyang paglaki sa Calamba hanggang siya’y mapadpad sa Biñan at Maynila upang
mag-aral. Pag-ibig din ang kanyang natagpuan nang siya’y lumibot sa daigdig – sa
London, Belgium, Espanya, Pransya, Hapon, at iba pa. At pag-ibig din ang nagpabalik at
sumalubong sa kanya sa Perlas ng Silanganan.
Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Hahamakin ninuman, maging ng ating
pambansang bayani, ang lahat para sa bagay na ito – ito ma’y pag-ibig sa ina, kapatid,
kapwa, o maging sa bayan. Sina Concepcion, Julia, Segunda, Bb. L., Orang, Leonor,
Consuelo, O-Sei-San, Gertrude, Nelly, Suzanne, Josephine, at maging si Teodora Alonzo
at ang Pilipinas ang nagpatunay na kahit si Rizal, na kahit ang isang bayani ay umibig,
nagmahal, umasa at nasaktan din. Naging malaking bahagi sila ng buhay ni Jose Rizal
at hindi maikakailang ilan sila sa mga naging inspirasyon ng ating pambansang bayani
upang higit na maging matatag, kapaki-pakinabang, at huwarang Pilipino – sa puso, isip,
salita, panulat, at gawa.

Вам также может понравиться