Вы находитесь на странице: 1из 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon Grading Period: 3rd Quarter
SAN ROQUE DAU HIGH SCHOOL
Camaya St. , San Roque 1st, Lubao, Pampanga

BUWANANG PAGSUSULIT Name of Office: ARALING


PANLIPUNAN

Pangalan: _________________________ Taon at Seksyon: ____________ Petsa: ________ Iskor: ______


I. Punan ng tamang sagot ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

Gender Violence Against Women Babaylan Sex Gay Transsexual

Sexual Orientation Dekada 60 Asexual Diskriminasyon Anti-Homosexuality Act ‘14

RA 9262-VAWC Breast Ironing GABRIELA Foot binding Malala Yousafzai

Ladlad Transgender Heterosexual Homosexual Female Genital Mutilation(FGM)

Bisexual Lesbian Gender Identity Saudi Arabia

_______1. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng


babae sa lalaki.
_______2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki.
_______3. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, sekswal.
_______4. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
_______5. Ito ang mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian.
_______6. Ito ang mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian.
_______7. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki.
_______8. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki.
_______9. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
_______10. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.
_______11. Ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan.
_______12. Sila ang mga kabilang sa third sex na nagpapalit ng sex organ.
_______13. Ito ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang
priestess at shaman.
_______14. Ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa.
_______15. Ito ang political na Partido na kumakatawan sa mga ikatlong kasarian sa Pilipinas.
_______16. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benepisyong medikal.
_______17. Ito ang bansa na nagbabawal sa mga kakabaihan na magmaneho ng kotse ng walang-kaukulang
permiso sa mga lalaking kamag-anak.
_______18. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.
_______19. Tagapagtaguyod ng karapatan sa edukasyon para sa mga kababaihan sa Pakistan.
_______20. Ang batas na nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.
_______21. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot
ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
_______22. Ito ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal sekswal o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa
kanilang kalayaan.
_______23. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
_______24. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women.
_______25. Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa
sa mga lumalabag dito.

II. Bigyan ng kahulugan ang sumusunod ng Acronym.

26-33: LGBTTQIA
34-38: CEDAW
39-42: VAWC

III. Ibigay ang mga sumusunod.

43-45: Diskriminasyon sa mga babae


43.
44.
45

46-48: Diskriminasyon sa LGBT


46.
47.
48.

49-50. Diskriminasyon sa lalaki


49.
50.

Inihanda ni:

ALEX P. ESPEJO
Guro

One DepEd…One Pampanga


One DepEd…One Pampanga

Вам также может понравиться