Вы находитесь на странице: 1из 6

LESSON I.

MGA SITWASYONG PANGWIKA

Mass Media
Pangmasang media, pangmadlang media, o mass media ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang
pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.

Ang media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay maging tagapagbantay,
tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan.

Ang mass media ay isa ring malaking industriya. Kasama sa sangay ng mass media

•Ang pahayagan, radyo, at telebisyon. Sa sarbey na ginawa ng TNS Digital Life (2012) , ipinakita na marami pa ring Filipino ang nanonood ng telebisyon at
nakikinig ng radyo. Ang internet ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas.

•Samakatuwid, isa itong malaking negosyo. Kumikita ito sa tulong at sa pamamagitan ng mga patalastas. Ang mga patalastas sa telebisyon o radyo ay
ginagawa ng mga advertising agency para sa mga multinasyonal na kompanya o negosyong nangangailangan ng publisidad para mabili ang kanilang mga
produkto o serbisyo. Nagbabayad ang mga kompanyang ito para isingit o ilagay sa mga pahayagan, Internet blog at website, at programang pantelebisyon o
panradyo ang mga patalastas tungkol sa kanilang produkto o serbisyo.

Nakapaloob ang mass media sa siklo ng produksiyon, distribusyon at pagkonsumo ng menshe, produkto, at serbisyo sa lipunanang ating ginagalawan.
Nililikha tayo ng mass media kung kaya’t totoo ang sinabi ni Marshall McLuhan na ang midyum ang mismong mensahe. Ang midyum o mass media na
kinokonsumo natin ang nagtatakda ng ating pag-iral sa lipunan

Mahirap nang mahiwalay sa telebisyon, radyo, Internet, o cellphone lalo kung nasa siyudad tayo. Kung kaya’t tulad ng kaalaman, mensahe, o impormasyon,
hinuhubog na tayo mismo ng mass media.

Radyo – Ang Media ng Masa


•Ang mga programa sa radyo ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahil sa higi 6000 ang mga estasyon ng radyo (BBC
News, 2014).

•Pinakamurang kasangkapan sa bahay kumpara sa telebisyon o ibang media gadget

•Maaaring gamitin sa mga baryo na wala pang elektrisidad

•Sa resulta ng sarbey noong 2012 ng TNS Digital Life, umabot sa 36% ng populasyon sa Pilipinas ang nakikinig ng radyo, at 45% ng Internet, at 89% na
tumatangkilik sa telebisyon.

•Noong 1960, namayagpag ang radyo bilang numero unong mass media ng mga Pilipino

•Ang radyo ang pinagmumulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo, at serbisyong publiko sa mga tao.

•Mas mabilis din ang dating ng mga balita at pagbabalita kumpara sa telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at makakonekta sa himpilan ng
radio

Sitwasyong Pangwika sa Radyo Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nagungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng estasyon ng radyo sa AM at FM
ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito.May mga programa rin tulad ng Morning Rush na gumagamit ng Ingles sa pagbo-broadcast subalit
nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon sa probinsyang may programang gumagamit ng rehiyunal na wika.

Sitwasyong Pangwika sa Dyaryo. Sa mga dyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa
People’s Journal at Tempo na nakasulat sa wikang Ingles. Mas pormal ang wikang ginagamit sa broadsheet kaysa tabloid. Sa tabloid, nagtataglay ito ng
malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong makaakit sa mambabasa at ang nilalaman ay karaniwang sensyanal at litaw sa mga ito ang barayti
ng wika.

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon Ito ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito.
Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang mga manonood ng telebisyon saan mang sulok ng bansa. Ang wikang Filipino ang
nagungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa tulad ng wika ng teleserye, mga pangtanghaling palabas, magazine show, news and public affairs,
komentaryo, dokumentaryo, reality tv , mga programang pang showbiz, at programang edukasyon.

Panonood Bilang Pagbasa, Pagkatuto, at Pagkonsumo

•Ang panonood ay ikalimang kasanayang pangwika.


• Ito ang proseso ng pagbasa, pagkuha at pag-unawa ng mensahe mula sa palabasa.
•Isang uri ng pagbasa ang panonood dahi sa halip na tekstong naklimbag, ang tekstong audio-visual ang binibigyang-kahulugan at inuunawa ng manonood.
•Maaari ring basahin ang visual; kung ito’y susuriin o bibigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng kritika at teorya tulad ng ginagawa sa panunuring
pansining sa guhit, larawan, eskultura, disenyo, at arkitektura. Subalit ang mga visual na nabanggit ay hindi gumagalaw.
Mga Uri ng Palabas

A. Tanghalan/ Teatro - Ang panonood ay maaaaring panonood ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang mga tauhan, diyalogo/monologo; may
iskoring o musika; may tunggalian; tagpuan; at wakas. Ang palabas ay kuwentong napapanood sa pagtatanghal sa teatro.

B. Pelikula - Ito ay tinatawag ring motion picture o mga larawang gumagalaw. Ayon sa mga iskolar, magkarugtong ang kasaysayan ng teatro at pelikula.
Iisa ang kwento, nagkakaiba lang sa midyum ng palabas: teatro ang sa pagtatanghal, sinehan ang sa pelikula. Napapanood natin ang pelikula sa pinilakang-
tabing sa loob ng mga sinehan

C. Telebisyon - Ang telebisyon naman ang midyum samantalang ang mga programa sa telebisyon ang palabas.
1
Iba’t ibang uri ng palabas sa telebisyon:

1.Palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye, komediserye, telenovela, pelikula sa telebisyon, at iba pa,

2. Balita tungkol sa paligid, sa pamahalaan, sa mga artista, serbisyo-publiko at mga dokumentaryo.

3. Variety show tuwing tanghali at kung lInggo

4. Reality TV show o reality TV gameshow

D. You Tube - dahil sa makabagong teknolohiya ng internet, maaari na ring manood ng mga palabas sa YouTube(http://youtube.com) . Ang mga personal
na video ng mga tao’y maaaring i-upload sa Internet sa pamamagitan ng YouTube o maaari ring sa inag video site. Maaari ring mag-upload sa Facebook at
at iba pang social networkingsite

E. Internet - mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking na batay sa pakahulugan ng The Free Dictionary.com(2015) ay kilala rin bilang
malawakang daluyan ng impormasyon (information superhighway) at World wide Web. Ang internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang
teksbuk ang makatatapat dito .

F. BLOG - Ito ay galing sa dalawang salita, web at log. Ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang website na mituturing naman na isang blog dahil sa
tema at mga nilalaman nito-maaaring mga salita o teksto, litrato, video, link, o kung ano man ang naisin ng mga blogger. Blogger ang tawag sa tao o
grupong nangangalaga , nagpapatakbo at nagsisimula ng isang blog.

Mga Uri ng Blog

•Fashion Blog – ito ang isa sa mga pinaksikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago
sa mundo ng fashion o pnanamir. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy, at Liz Uy sa mga nagpapatakbo ng ganitong blog.

•Personal Blog – marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay. Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o
magbahagi lang ng mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano ay pwede.

•News blog – ang nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Isa na sa mga
mapagkakatiwalaang blogger mula sa ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maaari ring isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng
balita ukol sa kalusugan, isports, at teknolohiya.

•Humor blog – naglalayon ang mga blog na it na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga mambabasa. Aganda ang may ganitong uri ng blog upang mas
lumabas ang haling ng blogger na makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa, pinakasikat na marahil si Professional Heckler sa mga humor blogger
dito sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila nagpapatawa, gusto rin nilang maimulat tayo sa katotohanan gamit ng kanilang alam na paraan.

•Photo blog – ang blog na ito ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographics. Naging malaking parte na ng buhay ng kabataan ang mga
photo blog. Isa na marahil sa pinakasikat na pinagkukuhanan at pinagmumulan ng nasabing blog ang Tumblr, hindi man katulad ng ibang mga blog site,
maganda pa rin ang Tumblr dahil bukod sa napakarami ng mga gumagamit ay nakikita ang talento ng mga makabagong kabataan sa paggawa ng iba’t
ibang litrato na karaniwan ay naglalaman ng mga mensahe.

•Food blog – ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap o
kakaibang mga pagkain.

•Vlog- ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay,
eksperimento, o kung anumang personal na Gawain

•Educational blog – nakatutulong ang mga ganitong blog uang maliwanagan ang mga mag-aaral sa mga aralni na hindi nila maintindihan sa paaralan.
Napakarami na ng mga blogger na may mabubuting pudo upang ipaliwanag nang malinaw ang mga aralin. Kabilang na rito ang blig site na
AccountingCoach.co

Etikal na Pamantayan ng mga blogger(salin ni Danilo Arao)

•Maging Tapat at walang Kinikilingan - Ang mga blogger ay dapat na maging tapat at walang kinikilingan sa pangangalap, pag-uulat, at pagsusuri ng
impormasyon.
Ang blogger ay dapat na 1.Hindi nangongopya 2.Tinutukoy ang pinagmulan ng impormayon at ibinibigay ang hyperlink dito (kung posible). Ang
publiko ay may karapatang malaman
•Ang publiko ay may karapatang malaman kung ang impormasyong ibinibigay sa kanila ay mapagkakatiwalaan. Nakasisigurong ang mga weblog entry,
sipi, titulo, larawan, at iba pang laman ay hindi nagbibigay ng maling imresyon sa publiko.
•Hindi nagbabago ang nilalaman ng mga larawan nang hindi inaamin ang mga ito sa publiko. Anumang pagpapaganda ng larawan ay katanggap-tanggap
lang kung ito ay para sa teknikal na kalinawan (technical clarity). Ang mga montage at ilustrasyong binubuo ng mga larawan ay dapat na may kaukulang
titulo.
•Hindi maglalabas ng impormasyong hindi totoo– at kung maglalabas ng impormasyng hindi beripikado, maging malinaw na may pagdududa rito
•Nalalaman ang pagkakaiba –iba ng pagtataguyod ng isyu, pagbibigay ng komentaryo, at simpleng paglalahad ng datos. Kahit ang pagsulat ng
pagtataguyod ng isang isyu at pagbibigay ng komentaryo ay dapat na hindi nagbibigay ng maling impormasyon o konteksto.
Inihihiwalay ang pagbibigay ng datos at komentaryo sa mga patalastas at hindi mag-blog sa paraang hindi makita ang kaibahan ng dalawa.
Ang mga etikal na blogger ay nagbibigay-galang sa mga taong pinagkukunan ng impormasyon.
 Gumamit ng espesyal na sensibilidad kung tinatalakay ang mga isyung may kinalaman sa mga bata o kumukuha ng impormasyon mula sa mga taong
walang karanasan;
•Maging sensitibo kung humihiling ng panayam o kumukuha ng larawan ng mga taong apektado ng trahedya o nagdadalamhati. Magpakita ng pag-iintindi sa
mga taong maaaring sobrang maapektuhan ng anumang nilalaman ng•Kinikilalang pangangalap o pag-uulat ng impormasyon ay maaaring magresulta sa
pinsala o pagkabalisa. Ang pagkuha ng impormasyon ay hindi lisensya para maging arogante;

2
•Kinikilala na ang mga pribadong indibidwal ay may mas malaking karapatang huwag magbigay ng impormasyon tungkol sa kanila kumpara sa mga opisyal
ng gobyernoo iba pang nagnanais ng kapangyarihan, impluwensya , o atensyon . Tanging ang malaking pangangailangan ng publiko para sa impormasyon
ang nagbibigay-dahilan para panghimasukan ang pribadong buhay ng isang tao;
 Magpakita ng kagandahang-asal. Iwasan ang pagpatol sa kagila-gilalas na pampublikong pag-uusyoso. Maging maingat sa pagbibigay ng tunay na
pangalan ng mga batang suspek sa krimen, mga biktima ng panggagahasa at iab pang katulad na krimen, at iba pang mga suspek ng krimen bago ang
pormal na paghahain ng kaso.
•Magkaroon ng pananagutan
Ang mga blogger ay dapat na
1.Aminin ang anumang kamalian at mabilis na iwasto ang mga ito.
2.Ipaliwanag ang misyon ng bawat weblog at hikayatin ang publiko sa palitan ng kuro-kuro hinggil sa nilalaman nito at asal ng mga blogger;
3. ibunyag ang mga nagtutunggaling interes, pagiging miyembro ng anumang organisasyon, mga aktibidad, at personal na adyenda;
4. hindi pinapaboran ang mga naglalagay ng patalastas sa blog at iba pang grupo at nilalabanan ang anumang pamimilit na baguhin ang nilalaman ng blog
para maging pabor sa kanila. Pero kung sakaling gagawin ito, ibunyag ito nang buo sa mga mambabasa.
5. Maging maingat sa mga taong nais magbigay ng impormasyong kapalit ng ilang pabor. Kung tatanggapin ang kanilang impormasyon, kailangang ilahad
ang mga nasabing pabor.
6. Ilantad ang mga hindi etikal na gawi ng iba pang blogger; at
7. Sumusunod sa parehong mataas na pamantayang itinatakda para sa iba.

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

FLIPTOP. Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma
bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay
siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Sa balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang nasusulat na iskrip
kaya’t ang mga salitang ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti ng wika. Karaniwang gumagamit ng mga salitang nanglalait
upang makakuha ng puntos.

PICK-UP LINES. May nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas
maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspeto ng buhay. Sinasabing nagsimula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnananais mapansin,
magpakilig, magpangiti at magpaibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing
ito’y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, cheesy at masasabi ring corny. Madalas marinig sa usapan ng magkakaibigan o
nagkakaibigan. Nakikita sa facebook, twitter o sa iba pang social ,media networking.

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text message o text ay
isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, higit kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa
araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital of the World.” Higit itong popular kaysa pagtawag sa telepono o cellphone dahil bukod sa mura
kaysa tumawag sa telepono may mga pagkakataong mas komportable ang taong magparating ng maikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ng harapan
o sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Sa text ay hindi mo makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe.
Sa pagpindot din ng keypad ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang taong iedit ang sarili niyang sasabihin at piliin ang mas angkop na pahayag o salita
kaysa sa kung aktuwal niya itong sinabi sa harapan man o sa telepono.

Ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text?. Sa pagpapadala ng mensahe madalas na gumagamit ng code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at
Filipino. Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para madali o mas mabilis itong mabuo.160 characters lang kasi ang karaniwang
kasya sa isang mensahe. Walang sinusunod na rules o alintuntunin sa pagpapaikli ng mga salita gayundin kung Ingles o sa Filipino ang gamit basta’t
maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, madali at kahi’t papaanoy naiintindihang paraan.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT SA INTERNET Mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala ni isang
social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr at iba pa. Maging ang mga nakakatanda ay kabilang na rin sa mga netizen
na umaarangkada ang social life sa panmamagitan ng social media. Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng
komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o ng mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isa’t isa o matagal ng hindi nagkikita. Madaling
makabalita sa mga nangyayayri sa buhay sa pamamagitan ng mga post na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga
ito. Tulad din ng sa text , karaniwan ang code switching o pagpapalit palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o
paggamit ng daglat sa mga post o komento. Gayunpaman di tulad ng text na pribado o iisang tao lamabng ang inaasahan g makabasa, sa social media ay
mapapansing mas pinag-iisipan ang mga salita o pahayag bago ipost dahil maraming tao ang makakabasa nito. Sa post o komento ay madalas makita ang
edited na ang ibig sabihin may binago o inayos sa post o komento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat. Sa internet bagama’t marami nang
website ang mapagkukunan ng mga impormasyo o kaalamang nakasulat sa wikang Filipino o tagalog ay nanatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito.
Napakalawak at napakarami kasi ang mga taong konektado sa Internet na umaabot sa mahigit 3 bilyon sa buong mundo. Sa Pilipinas, nasa 39.470 milyong
katao ang konektado sa internet sa taong 2015 at dumarami ito ng 10% taon-taon. Bagamat nasa 39.43% na ito ng buong populasyon ng Pilipinas ay nasa
1.35% lamang ito ng kabuuang bilang ng mga taong konektado sa Internet sa buong mundo. Ang pangunahing wika sa mga website, at sa iba pang
impormasyong mababasa, maririnig at mapapanood sa Internet ay nanatiling Ingles. Mababasa sa Internet ang mga dokumentongnakasulat bsa Filipino
tulad ng pampamahalaan tulad ng bsaligang batas, mga kautiusang pampamahalaan mula sa iba’t ibang kagawaran, mga impormasyon mula sa ibat ibang
sangay ng pamahalaan, maraming akdang pampanitikan, mga awiting nakasulat sa wikang Filipino maging ang mga lumang awiting bayan na karaniwang
laganap lamang dati sa paraang pasalita, mga resipe, rebyu ng mga pelikulang Tagalog, mga balita mula sa iba’t ibang pahayagang online, diksyunaryong
Filipino, mga impormasyong pangwika, video ng mga broadcast at samu’t saring sulatin sa wikang Filipino tulad ng bnlog, komento at marami pang iba.
Masasabing ang mga babasahing nasusulat sa wikang Filipino ay hindi kasindami ng mga babasahing nasususlat sa wikang Ingles at maaaring hindi pa ito
sapat sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ng bmga mag-aaral na naghahanap ng mga imporamasyong at babasahing nakasulat sa ating
sariling wika.

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa
mga pag-aari o pinamumuhunana ng mga dayuhan at tinatawag na multinbational companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing
(BPO) o mga call cente lalo na iyong nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay mga dayuhang customer. Ang mga dokumentong tulad ng
memo, kautusan, kontrata at iba ay gumagamit din ng wikang Ingles. Ang mga web site ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat
gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nalathala. Gayunpaman, nanatiling Filipino at iba’t ibang
barayti nito ang wika sa mga pagawaan, o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke, at maging sa mga direct selling. Ito rin

3
ang wikang ginagamit sa mga komersyal o patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin
ang kanilang serbisyo ng mga mangangalakal. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang maaabot ng mga impormasyong ito kung ang wikang
nauunawaan ng nakararami ang gagamitin.

SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN Sa bisa ng Atas tagapagpaganap Blg., serye ng 1988 na “ nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensya at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya,” naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan.
Ito angmalaking kontribusyon ni dating pangulong Corazon aquino wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang mga
pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika.

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON Sa itinadhana ng kasalukuyang K to 12 basic Education Curriculum, sa mababang paaralan ( K hanggang
Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang wikang Filipino at Ingles naman ay itinutyro bilang
hiwalay na asignaturang pangwika. Sa mas mataas na antas naman ay nanatiling bilinguwal kung saan gingamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo.

REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA IBA’T IBANG SITWASYON Ang mga barayti ng wika ay nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon tulad
ng sosyolek , ang paggamit ng iba’t ibang rehistro ng wika o jargon o mga terminong kaugnay ng trabaho o ibat ibang thanapbuhay o larangan. Kapag
naririnig ang mga terminong ito ay matutukoy o masasabi mo na ang mga larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan nito.

LESSON II. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


Sa pag-aaral ng wika, may dalawang kakayahang dapat bigyan ng tuon, ang komunikatibo at lingguwistiko.

Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa paglalapat nga kaalamang lampas sa gramatika o balarila. Mahalaga rito ang mabisang paggamit ng wika
para sa ganap na pagkakaunawaan(Garcia, et al.,2008)

•Lingguwistika ang tawag sa maagham na pag-aaral ng wika. Pinag-aaralan dito at sinusuri ang estruktura, katangian, pag-unlad, at iba pang bagay na may
kaugnayan sa isang wika. (Lachica,2001:2) Kinapapalooban ito ng pagsusuri ng bawat tunog (ponema), titik, yunit ng salita (morpema), salita (leksikon),
pangungusap (sinataks), at pagpapahayag(diskors).

•Sang-ayon kina Canale at Swain (1980), para daw masabi na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika, kailangang tinataglay niya
ang kakayahang panlinggwistika at gramatika (Tiongan,2011).

•Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang ito, ipinapakikita ng
isang tao ang kaniyang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning pangrgramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturop mng wika ay
magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan
nang lubos ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence at hindi lamang kakayahang linggwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay maituturing na isa nang mabisang komnyunikeytor.
Nagmula sa lingguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong 1966.Nilinang nila ng kasamahan niyang si
John J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksyon sa kakayahang lingguwistika na ipinakilala naman ni Noam Chomsky noong 1965.

Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na
gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin. Simula nang maipakilala ito, maraming pag-aaral at mga mungkahi
na ang inilabas ng mga dalubwika patungkol dito. Sa pagtamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isinaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porama o kayarian (gramatika) ng wikang ginagamit sa teksto (Higgs at Clifford 1992) Naniniwala si Dr. Fe Otanes
(2002) na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang dulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay,
makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan ng lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.

Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura. Ito’y ang wika kung paanong ginamit at hindi lang
basta ang wika at mga tuntunin nito (Shuy 2009). Binigyang diin ni Dr. Hynes sa kanyang mga katrabaho ang pag-uugnay ng kultura sa wika. Itoy
kakaibang pananaw sa panahong yaon subalit hindi siya nagpatinag sa paniniwalang sa pagpapahayag ng mga tao’y gumagamit sila nang higit pang wika.

A. KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
Sa paliwanag ni Savignon 1997, ito ay ang kakayahang gramatikal sa kanyang pinakaestriktibong kahulugan ayon sa paggamit ni Chomsky (1965)
Tumutukoy sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap. Nahahanay din ito sa kakayahang umunawa sa morpolohikal, ponolohikal at sintaktik
na kakayahan ng wika at kakayahang magamit ang mga ito sa pagbuo ng mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap at gayon din sa pagbibigay ng
interpretasyon o kahulugan sa mga ito.

Kaalamang ponolohikal Ito ay tumutukoy sa pamilyaridad sa tunog ng wika na makatutulong din sa pagkilala sa mga salita na
bumubuo sa isang wika
Kaalamang Morpolohikal - Kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang proseso na ipinapahintulot sa isang
partikular na wika. Sa kaso ng Filipino, halimbawa ay ang paglalapi na maaaring maging pag-uunlapi, paggigitlapi, paghuhulapi,
paglalaping kabilaan at paglalaping laguhan.
Kaalamang Sintaktika Kakayahang makabuo ng mga makabuluhang pahayag mula sa pag-uugnay sa mga salita na nakabubuo ng
mga parirala, mga sugnay at mga pangungusap.

Mahalagang Uri ng Ponema sa Filipino


1. Ponemang Segmental – tumutukoy sa mga indibidwal na tunog ng wikang Filipino. Ang mga tunog na ito ay nirerepresenta ng
mga simbolong ponemiko na halos katulad din ng titik A. Patinig b. Katinig c. Diptonggo d. Klaster e.
Digrapo f. Pares-minimal
4
a. Patinig a, e,i,o,u
/ / o tunog na schwa. Prominteng tunog sa wikang Ilokano.
Halimbawa:
/a/: aliw paso bira
/e/: eroplano sentimyento ate
/i/: ilog prito lalaki
/o/: orihinal propesor hilo
/u/: ulap duhat guru

B. Mga Katinig - 19 ang katinig sa Filipino. Kinabibilangan ito ng mga ponemang /b,d,f,g,h,j,k,l,m,n,ñ, p r s t y z.
- Makikita ito sa inisyal, midyal at pinal na posiyon ng mga salita.

C. Mga Diptonggo May mga tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at malapatinig na /w/ at /y/. Ang sikwens ng mga tunog
na ito ay tinawag na diptonggo. Kabilang ang mga ponemang /aw/,/iw/, /ay/, /iy/,/oy/, at /uy/.
Halimbawa: awtor, baliw, aybol, eywan, kami’y,
langoy, kasuy- kasuyan
*Nagkakaroon lamang ng diptonggo kung ang isang patinig at isang malapatinig ay magkasunod sa isang pantig.

D. Mga Digrapo sa Filipino Sikwens ng dalawang katinig ngunit may iisang tunog lamang. Sa Filipino karaniwang maririnig ito sa mga salitang hiram
ngunit maging sa mga salitang taal ay maririnig na rin ito dahil sa simplikasyon.
/ts/ : tsismis
/sh/: shabu peshen (Ibaloy)

E. Mga Klaster sa Filipino Magkasunod na katinig sa isang pantig at maririnig pa rin ang indibidwal na ponemang katinig. Kadalasang may klaster na
hiram sa banyagang wika. /pw,py,pr,pl,tw,tr,ts,kw,ky,kr,kl,bw,by,br,bl,dw,dy,gw,gy,gr, gl,mw, nw, ny, lw, ly, rw, ry, sw, sy, hw, hy, wt, wn, wl, yp, yt, yk, yb,
yd, ym, yn, yl, ys, rt, rk,rd, rn, rs, ls,sk, nt, ks (Santiago 2003)

Mga Klaster sa Filipino Mga ghalimbawa:


pwede braso laybrari pyesa blusa aplayd Prito dwelo beysbol plano drama fayl
twalya gwantes tsart troso grado record kwento globo nars krus brawn-awt disk
klase teyp element bwenas deyt keyk

F. Mga Pares-Minimal sa Filipino Ito ay pares ng mga salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkapareho ang kapaligiran maliban sa isang
ponema halimbawa:
/p/ at /b/: apo:abo /t/ at /d/: tayo: dayo /k/ at /g/: baka: baga
/m/ at /n/: mana: nana /h/ at /s/: habi:sabi /l/ at /r/: ilog:irog

2. MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL Ito ay ang mga kaakibat na tunog upang maintindihan ang pahayag. Ang mga suprasegmental na tunog
ang diin, hinto at tono.
A. DIIN- tumutukoy sa empasis ng salita o pahayag.
Halimbawa: tulugan – isang pandiwang nagsasaad ng pang-iiwan sa kasama sa pamagitan ng pagtulog.
tulugan - pangngalan, na tumutukoy sa lugar o bagay na tunutulugan.
Si Maria ay maganda – nais bigyang diin na si Maria at hindi ang ibang babae ang maganda.
Si Maria ay maganda. - Binigyang diin ang kagandahan ni Maria at hindi ang kanyang ibang katangian
b. HINTO – maaaring mahaba o bahagyang paghinto sa mga pahayag. Mahalaga ang paghinto sapagkat nabibigyang pagkakataon ang
nakikinig o nagbabasa na maunawaan ang pahayag samantalang nabibigyang oras naman ng tagapagsalita na pag-isipan ang kanyang
sinasabi. Nakapagpapabago din ito ng kahulugan .
Halimbawa: Hindi ako ang pumatay! ( Pahayag ito ng pagtanggi ng isang akusado sa korte.)
Hindi, ako ang pumatay! ( Pag-amin )
C. TONO – ito ay tumutukoy sa damdamin ng pahayag. Halimbawa: Dumating na ang Pangulo.
Dumating na ang Pangulo?

BAHAGI NG PANANALITA: MGA SALITANG PANGNILALAMAN

A..MGA NOMINAL
1. PANGNGALAN- Nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, pook konsepto, at mga pangyayari.(Camiella, Baras,bansa, nasyonalismo etc.
2. PANGHALIP – Pamalit o panghalili sa pangngalan. Panao o Personal ( ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila) Pamatlig o demonstratibo ( ito, iyan,
iyon, nito, niyan, noon, dito, doon, diyan. Pananong o interogatibo ( sino, kanino, ano, saan, ilan) Panaklaw o indefinite ( sino man, kanino
man, ano man, alin man, gaano man, paano man.)
B. PANDIWA – nagsasaad ng kilos. Ang mga pandiwang Filipino ay may tatlong aspekto: (a) perspektibo o tapos na sumulat (B) imperpektibo o
ginanaganap pa sumusulat at (C) kontemplatibo o gaganapin pa lamang susulat. Mahalaga ding malaman ang pokus ng pandiwa o ang relasyon ng
pandiwa ng berbal na panaguri sa kanyang paksa o simuno. ( Aktor, layon, bebepaktibo, direksyonal, lokatibo, instrumental, kosatibo at resiprokal)
C. MGA PANURING
A. PANG-URI - mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Ito ay may kaantasan (a) lantay: dakila (b) pahambing: simbango (c)
pasukdol: napakahirap.
B. PANG-ABAY – Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ito ay nauuri sa (a) pamanahon:
bukas (b) panlunan: sa ibabaw ng mesa (c) pamaraan: patalikod (d) panggaano: katamtamang kumain
\
BAHAGI NG PANANLITA: MGA SALITANG PANGKAYARIAN

5
A. MGA PANG-UGNAY
1. PANGATNIG - ito ay mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. ( at pati, subalit, ngunit, dahil, bagaman, datapwat )
2. PANG-ANGKOP - ito ay ang mga nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. (na, ng, g)
B. MGA PANANDA
1. PANTUKOY – mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip. ( si, sina, ang, ang mga)
2. PANGAWING - mga salitang nagkakawing ng paksa at simuno. ( ay)

PAGBUO NG MGA SALITA


1. PAGLALAPI - Tumutukoy ang prosesong ito sa paggamit ng panlapi upang makabuo ng mga bagong salita.
(a) pag-uunlapi o pagkakabit ng panlapi sa unahan ng salita: nagtapos
(b) paggigitlapi – pagkakabit ng panlapi sa gitna ng salita: tinapos
(c) paghuhulapi- pagkakabit ng panlapi sa hulihan ng salita: tapusin
(d) paglalaping kabilaan o paglalagay ng panlapi sa unahan at hulihan ng salita: nagpuntahan
(e) paglalaping laguhan o paglalagay ng panlapi sa unahan, gitna at hulihan.
nagsumigawan
2. PAG-UULIT – pag-uulit ng salita o bahagi ng salita. (a) di – ganap: sasayaw, uuwi (b) ganap : bahay-bahayan , ang bilis-bilis ( c) haluang pag-uulit:
sasayaw- sayaw, pipikit-pikit
3. PAGTATAMBAL – tumutukoy sa pagbubuo ng bagong salita mula sa dalawang magkaibang salita.
a. pagtatambal na walang linker : hampaslupa, pataygutom, bahaghari
b. May linker: dalagang-bukid, dugong-bughaw
PAGPAPALITAN NG PONEMA/GRAPEMA
PAGPAPALITAN NG D AT R
A. Kapag napangunahan ang d ng isang pantig o salita na nagtatapos sa a. Halimabawa: ang d ng dito ay nagiging r sa narito o naririto. Ngunit
nanatili ang d kapag andito o nandito.
B. Nagaganap sa pang-abay na din, rin, daw at raw. Nagiging rin/raw ang din/daw kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o
malapatinig na w at y. Halimbawa:
masaya rin ngunit malungkot din Uupo raw ngunit aalis daw okey raw ngunit bawal daw ikaw raw ngunit pinsan daw
PAGBABAYBAY: Base sa 2014 Ortograpiyang Filipino ng Pilipinas
1. Ginagamit ang walong titik sa modernisadong alpabeto: c. f. j.ñ, q, v, x,z sa pagpapanatili ng kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa
katutubong wika ng Pilipinas
alifuffug ( Itawes) –ipuipo feyu (kalinga) – pipa na yari sa bukawe o tambo kazzing (Itawes) – kambing
2. Gagamitin din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita na salita mula Espanyol, Ingles at iba pang wikang banyaga.
wifi, selfie, cellphone, visa
3. Gagamitin din ang mga ito sa panghihiram ng mga pangngalang pantangi,. Katawagang siyentipiko, akademiko at teknikal, at mga salitang mahirap na
dagliang baguhin dahil sa bigkas. Cecille, Leevon, New Zealand, video resolution, sulfuric acid, mental oxide, cauliflower, bouquet
4. Maaaring ang ispeling ay batay sa prinsipyong kung anung bigkas siyang baybay nito maliban kapag
a. Nagiging katawa-tawa ang anyo nito sa Filipino
b. Nagiging mahirap basahin ang bagong anyo kaysa sa orihinal
c. Nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon o pampulitika ng pinagmulan
d. Higit na popular ang anyo sa orihinal
e. Lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig na salita sa Filipino.

KAALAMANG SINTAKTIK Tumutukoy sa pagbubuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap na may kabuluhan.
Ang pangungusap na Fiipino ay may dalawang bahagi ang simuno o ang paksa ng pangungusap at ang panaguri na nagsasabi tungkol sa paksa. May
dalawang ayos ito
a. Karaniwang ayos: Naipadala ni Camiella ang sulat. (Panaguri: naipadala ni Camiella at ang simuno a: ang sulat)
b. Di-Karaniwang –ayos: Ang sulat ay naipadala ni Camiella. ( Paksa: ang sulat, Pangawing: ay at ang panaguri: naipadala ni Camiella
Magagamit ng indibidwal ang pangungusap ayon sa layunin: pautos, pasalaysay, patanong at pakiusap.
Magagamit ang pangungusap ayon sa kompleksidad ng pangungusap o pagbubuo ng ibat ibang estruktura ng pangungusap tulad ng (a) payak (b)
tambalan (c) hugnayan (d) langkapan
May mga pangungusap na walang paksa ngunit buo ang diwa.
a. Pormularyong Panlipunan- Magandang umaga b. Eksistensyal - Wala na. c. Penominal – Bumabagyo.
d. Pamanahon – Tag-init na naman. e. Pahanga – Napakaganda. f. Pautos – Kunin mo.
g. Pakiusap – Pakidala. h. Sambitla – Aray! i. Pagyaya – Tara na
j. Modal – Gusto ko rin.
Palagitlingan Ginagamit ang gitling kapag
•Ang salita ay inuulit
•Ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na nilalapian ay nagsisimula sa patinig
•May katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsasama
Halimbawa: bulaklak – parang (bulaklak-parang)
Ang isang panlapi ay inilalapi sa uanahan ng isang ngalang pantangi.
•Ang panlaping ika- ay ginagawang unlapi sa mga tambilang.
•Binabaybay ang yunit ng praksyon
• halimbawa: isang-katlo tatlong-kapat
•Nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal.
• halimbawa: tawang-aso dalagang-bukid
Gamit ng Kudlit
•Ako at ikaw - ako’t ikaw •Mayaman at mahirap - mayama’t mahirap •Bayan at lungsod – baya’t lungsod
Mga Madalas na pagkakamali sa Gramatikang Filipino

•Nang •Ng •Subukin at subukan •Pahirin •Pahiran •Oprahin / operahan •Din,rin ,raw, daw •May •Mayroon
•Kung at kong •Kita at kata •Sila at nila sina at nina •Pinto at pintuan

Вам также может понравиться