Вы находитесь на странице: 1из 7

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan: Petsa: ___


Baitang/Pangkat: Iskor: /50

PANGALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang tanong. Ang


PAGBUBURA ay maikokonsiderang MALI.

I. PAKIKINIG

Narito ang isang pahayag sa akdang “Maaaring Lumipad ang Tao”.

1. Ano ang ibig sabihin ng “aliping hindi nakalipad”?

2. Ano ang kahulugan ng pahayag na “naalala nila noong sila ay malaya’t nakaupo sa paligid
ng kanilang lupang tinubuan”?

Hanapin sa Hanay B ang mga tamang sagot sa hanay A at isulat sa patlang.

Hanay A Hanay B
_____3. Kilala bilang dakilang guro sa a..Nobela
pagpapatawa.
_____4. Ang nagsalin sa Filipino ng b. Aprika
Mitolohiyang Liongo at Maaring Lumipad
ang Tao.
_____5. Ito ay nahahati sa bawat kabanata, c. Toby
Punong-puno masasalimuot na pangyayari.
_____6. Isang akdang tuluyan na d. Saadi
napapalooban ng mga kawili-wiling
pangyayari na kapupulutan ng aral.
_____7. Isang tanyag na manunulat ng e. Liongo
anekdota sa bansang Persia (Iran)
_____8. Siya ang tumulong kina Sarah para f.Anekdota
makalipad,
_____9. Ang pinagmulan ng mitolohiyang g.Roderic P. Urgelles
Liongo
_____10. Isinilang sa isa sa pitong bayang h.Pagsasaling-wika
nasa baybaying-dagat ng Kenya
_____11. Paraan ng pagsasalaysay na i.Mullah Nassreddin
ginagamitan ng letra at ortograpiya
_____12. Ito ay paglilipat sa j.Pasulat
pinagsasalinang wika na pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin.
k.Pagsasalaysay

II. PAGSASALITA
Piliin mula sa kahon ang mga wastong sagot at isulat ito sa patlang na nakalaan sa bawat
bilang.

a. Diwa b. Kapupulutan ng aral c. Gabay d. Salita

13. Ang anekdota ay isang kwento ng isang nakakawili at nakakatuwang pangyayarisa buhay ng
isang tao. Layon nito ay nakapagbatid ng isang magandang karanasan na __________.
14. Ang pagsasaling wika ay pagpapalit ng pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
na ________ at estilong nasa wikang isasalin.

Piliin at bilugan ang tamang sagot sa mga pahayag.

15. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin?
a. Panlapi b. Gramatika c. Pagpapakahulugan d. Pagsasaling-wika

16. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.


a. Pangangatuwiran b. Paglalarawan c. Paglalahad d. Pagsasalaysay

17. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng


maraming tao.
a. Tula b. Sanaysay c. Talumpati d. Balagtasan

18. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. Nobela b. Karilyo c. Dula d. Maikling kwento

19. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.


a. Idyoma b. Matatalinghagang pananalita c. Simbolismo d. Tayutay

20. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. Pandamdamin b. Malaya c. Blangko berso d. Tradisyonal

21. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalaunan ay naging tuluyan.
a. Epiko b. Anekdota c. Sanaysay d. Mitolohiya

22. Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.


a. Anekdota b. Talambuhay c. Alamat d. travelogue

23. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe, o paglalakbay sa ibang lugar.


a. Anekdota b. Talambuhay c. Alamat d. Tala ng Paglalakbay

III. PAGSUSURI

Basahin nang maayos ang mga pangyayari at ayusin mula 1 hanggang 6 ang
pagkakasunod-sunod ng epikong Liongo. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot.

___ 24. isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya.
___ 25. pinatay si Liongo ng kaniyang sariling anak.
___26. nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate.
___27. tumakas siya at nanirahan saWatwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan.
___ 28. ikinulong siya ni Ahmad at ikinadena.
___29. dahil sa kanyang pagkapanalo sa paligsahan ibinigay ng hari ng Gala ang kaniyang anak
na babae.
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sa patlang sa unahan ng bawat bilang, isulat
ang T kung ang diwa ng pahayag ay tama. Kung ang diwa ay mali, salungguhitan ang
maling salita at isulat ang tamang sagot.

______30. Sa pagsasaling wika ay dapat bigyang diin ang kahulugan o mensahe at hindi
ang bawat salita.
______31. Ang isang tagapagsalin ay nararapat na magkaroon ng sapat na kaalaman sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
______32. Hindi kailangang alam ng tagapagsalin ang paksa ng tekstong isinasalin.
______33. Sapat nang malaman ng tagapagsalin ang kultura ng isang bansang kaugnay
sa pagsasalin.
______34. Ang sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin ay kailangang matamo ng isang tagapagsalin.
______35. Ang isang mabuting salin ay kailangang maunawaan at tanggapin ng
pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.
______36. Ang mga idyoma ay kailangang isalin ng paliteral.
______37. Ang bawat salita sa isang wika ay may katumbas sa ibang wika.
______38. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y
nagiging bahagi ng parirala o pangungusap.
______39. Ang alinmang wika na nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.
______40. Si Saadi ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.

IV. PAGSUSULAT

1. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ni Mullah


Nasreddin at Saadi. (5puntos)

2. Ano ang kahulugan ng salitang KALAYAAN batay sa nabasang mitolohiya na Maaaring


Lumipad ang Tao. (5puntos)
BE HONEST! DAHIL ANG TEST AY PARANG LOVE, TAMA NA SANA, TUMINGIN PA SA
IBA! J - SIR MANUEL

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO GRADE 9

Answer key:

1. _
2. _

3. I

4. G

5. A

6. F

7. D

8. C

9. B

10. E

11. I

12. H

13. B

14. A

15. D

16. D
17. C

18. D

19. C

20. B

21. A

22. C

23. D

24. 1

25. 6

26. 2

27. 4

28. 3

29. 5

30. _

31. _

32. _

33. _

34. _

35. _

36. _

37. _

38. _

39. _

40. _

41. TO 45.

46 TO 50.

PAKIKINIG:
ANG MGA ALIPING HINDI NAKALIPAD AY NAGPATULOY SA PAGKUKUWENTO
SA KANILANG MGA ANAK. ANG PANGYAYARING ITO AY HINDI NILA
MALILIMUTAN. NAALALA NILA NOONG SILA AY MALAYA AT NAKAUPO SA
PALIGID NG KANILANG LUPANG TINUBUAN
KASANAYAN KAALAMAN PAG- PAGLALAPA PAGSUSU SYNTHESI PAGTATAY AYTEM NA
UNAWA T RI S A KINABIBIKLANG
AN
I. PAKIKINIG

NAUUNAWAAN ANG MGA 2 1, 2


PAHAYAG NA
NAPAKINGGAN
NALALAMAN ANG MGA 10 3 - 12
SIMPLENG KAHULUGAN NG
MGA SALITA
II. PAGSASALITA
NAILALAPAT ANG 2 13 - 14
KANILANG KAALAMAN SA
PAGBUO NG TAMANG
KAHULUGAN NG SALITA
NAUUNAWAAN ANG MGA 9 15 - 23
PAHAYAG SA
PAMAMAGITAN NG PAGPILI
NG TAMAN SAGOT SA MGA
PAGPIPILIAN.
III. PAGSUSURI
NASUSURI ANG KALAMAN 6 24-29
SA PAGKAKASUNOD-
SUNOD NG KWENTO NI
LIONGO
NASUSURI KUNG ANG MGA 11 30 - 40
PAHAYAG AY MAPUPUNAN
NG MGA TAMAN SAGOT AT
MAKIKITA ANG
PAGKAKAINTINDI
IV. PAGSULAT
NAKAKASULAT AT 10 41 - 50
NAIHAHAMBING ANG MGA
KATANGIAN NG
DALAWANG TAONG
KASANGKOT AT
MALALAMAN ANG MGA
ARAL NA NAPULOT SA MGA
TALAKAYAN
KABUUANG AYTEM 19 2 2 11 6 10 50
aytem aytem aytem aytem aytem aytem aytem

Вам также может понравиться