Вы находитесь на странице: 1из 10

Kabanata XXV

Tawanan at Iyakan

Buod

Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si
Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan
at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!”

Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit.

Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa
halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim
ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng
panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol
si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-habag daw
na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon
kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa
raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat
ialay ang pansit.

Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga
kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson.
Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama
natin.

May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun.
Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng
panginoon ng Heneral!”

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante?

Sagot
Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang ipagdiwang ang
pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol sa kaluwalhatian para kay Don
Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam.

2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinu-sinoang mga kilala ninyo?

Sagot
Una’y labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya naging
labinlima. Labing-anim sana sila nguni’t di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig, Tadeo, at Pecson.

3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: “...ang langit ay ipinipinid sa
mayayaman, kaya’t sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na alaga ng Manunubos
ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga lalang upang gampanan ang inyong mga kasalanan...” Paano
pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman?

Sagot
Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga
prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa
lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa simbahan.
Kabanata XXVI
Mga Paskil

Buod

Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang
kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya
kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli.

Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon.


Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na
mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.

Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung
nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si
Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng
kasukatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman
dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Dito’y may ibang mga
kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko.

Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga
estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na
mapanghimagsik.

May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una:
Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.

Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw estudyante ang
papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral.

Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y itiwalag nila di kayo
makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa
mga paskil.

Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.

Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa
kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wal ng klase.

Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong


kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili, na sinabi kong isang
quijoterias ang lahat

Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila.

Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban.

Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo


tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang
pangyayari na ang kabataan ay mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay,
ang mga pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon?

May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon?


Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon.
Nguni’t di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon
tayo dumako dahil naroon ang karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating
kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay
sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani.

Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay


Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit
bahay ni Makaraig.

Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya: Naparito ako upang
makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig. Nagkatinginan ang dalawang tanod.

Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio.
Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin ..

Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni
Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabuti’t ng maibalita ko sa
inyo ang ukol sa hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo.

Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makarai. Sinabi ni


Makaraig na ma-aasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng madodoktor ay
aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital.

2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina.


Licienciatura lamang ang pinagkaloob. Ngunit sila’y nakapanggagamot din.

3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga


karanasan noong bat pa siya. Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago?

Tugon
Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang
ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon.

2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin?

Tugon
Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil
sa kapahamakang inabot dalawang araw na.

3. Sino ang nakakita ng mga paskil?

Tugon

Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor
(Sibyla) at ipinadala sa pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong
laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na may kagagawan niyon.

4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy


bangkay na ?
Tugon

Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang


lalong makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang mga uwak at buwitre
(vulture).

5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati?

Tugon
Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala ang ulo sa
takot sa mga pangyayari.

6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil?

a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi


kaagad makakikilos ang mga kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag
sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga manong. Di rin ng mga tulisan o
Penitente kaya. Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo natagpuan, maaari
pang si Simoun. Ngunit isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin.

b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga
estudyante kundi ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang
may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di nilagdaan ni
Placido.

7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan?

Tugon
Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang malamang
pinaghuhuhuli na ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila
maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong wala pang gulo at ngayon
nagkakagulo ay saka nakikisama si Basilio, sa akala ni Makaraig.

Kabanata XXVII
Ang Prayle at ang Estudyante

Buod

Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito


ng binata.

Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinata-nong ng kura kung
kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan .
Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari.
May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang
mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita
nang tapatan o harapan.

Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa


maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pai ang ibinubunga
ng gayong paratang. “Baliw ang sino mang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip
sapagka’t siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani Isagani.

Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman


sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani.

Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya ang katedratiko.
“Nguni’t di tayo maguusap dito ng ukol sa ating sarili kaya’t ipinakikiusap ko sa aking
katedratiko na ibahin na ang paksa.”

Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga nguni’t di raw gaya ng katedratiko ang
ibang prayleng Domoniko. At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng mga
prayle. “Binabawasan hangga’t maaari ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpatay sa
sigla at sigasig ng magaaral. Walang inihahasiksa amin kundi mga kaisipang luma, mga
lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Parang mga bilanggong gobyerno ang
mga estudyante. Salat na salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo
sa pagkaing inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain”. At sinabi ni Isagani na parang
may sabuwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan
ang mga ito.

Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang


mga paratang ni Isagani.

“Hindi, Padre,” ganti ni Isagani. “Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga
kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto
pagka’t baling araw ay magpapahayag kami ng paglaya. Ito’y pagtanggi na ang bilanggo
ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at,
gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging amin iyan ang
dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan”.

“Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,” anang Pari.


“Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa
layunin niyon”.

Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. “Kung ano kami ay kayo ang may gawa.
Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga
alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mgawalang dakilang
asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa
loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang
manggagawa ng palayok kundi mga sira siya’y napakatanga marahil.”

“O masama at marumi ang putik na ginagamit?”

“Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang
putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang hangal, kundi
manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y
patuloy pa sa pagtangap kabayaran….. at di lamang hangal , mandaraya at magnanakaw
kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng
magiging kapakipakinabang.”

Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyon—
pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura: “Kinapopootan ng bayan
ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo…
Kami’y napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at sa pamahalaan . Kung ano ang utos sa
amin ay siya naming sinusunod. Ang nag-uutos sa pagpapaputok ay masasabung siya na
ring naglalagay ng balas a kanyon”.

Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan.


Nangatwiran ang katedratiko. “Ang ibig kong sabihi’y may mga batas na mabuti ang
layon nguni’t masama ang ibinubunga. Upang maiwasan ang isang pagdaraya ay
nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng mga mamamayan.
Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pag-aralan ng mga tao kung paano ito
madaraya. Nguni’t nalalayo tayo tayo sa paksa… Kaya sasabihin kong ang masamang
ugali ninyo ay di dapat isisi sa amin ni sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag n
gaming kapisanan. Ang naghahangad magpatotoo ng lahat ay wala isa mang
napatutunayan. Ang mga kapisanan ay nawalan ng pg-iingatdahil sa umaapaw na
kasaganaan”.

“Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang
kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong
matindi ang nais na ito rito dahil ito’y hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay
humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na
rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng
karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at
kamangmangan. Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo an
gaming kahihiyan”.

Mga Tanong at Sagot

1.Ano ang ibg sabihin ni Isaganina walang ginagawa ang mga prayle kundi
magrasyon ng kaisipang luma?

Sagot
Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle — bukod sa kakatiting pa.
Batid ito ng kabataan dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambing-
hambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa panahon.

2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan


sa pagtuturo sa mga Pilipino?

Sagot
Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man
ginagawa ng Dominiko ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila
nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden
sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante.

3. Ang kahuluganng kasabihang latin na “Vox populi ,vox dei” ? Ipaliwanag.

Sagot
Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay
ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay
paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala.

4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang
pamumuna sa mga prayle ayon kay Isagani?

Sagot
Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagka’t pag-uusigin.
Kabanata XVI
Si Sisa

Buod

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego
pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay
gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang
kanyang tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga
kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong
hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa
madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki.
Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng
kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong
bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing
siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya
ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang
ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa
niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at
nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.

Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel.
Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na
gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang
beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin
ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang
dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng
bahay.

Kabanata XVII
Si Basilio

Buod

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga
guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat
nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa
hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na
naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas
ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay
sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw
ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng
sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad
lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio.
Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang
pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na
magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama.
Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si
Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao.
Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang
napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang
balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid
sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na
kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya
kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa


pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga


tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na
napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap

Buod

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan.
Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin
niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator?
Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng
‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa
purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay
katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap
ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa
kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang
halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad
ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa
kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit
hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin
ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang
hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay
nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng
makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga
guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa
ng alila.

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang
paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa
ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro

Buod

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa atbi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –
ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang
tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa
pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na
katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga
bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay
ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa
ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at
guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan
ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang
wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang
matutuhan ay tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit
nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang
kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng
wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes.

Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa
pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo
saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya
saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa
pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay
guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang
pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa.
Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango
sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga
araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag
niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa
tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Buod

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga
may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang
pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian
sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga
liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila
ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi
at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga
paghahanda sa piyesta.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na
nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil
dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya
ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob
ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya
ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000.
Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang
kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng
komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang
ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang
pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon,
tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-
ayon na lamang ang dalawang pangkat.

Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang


lakarin ang isang mahalagang bagay.

Вам также может понравиться