Вы находитесь на странице: 1из 70

Copyright Page

This book was automatically created by FLAG on July 9th, 2013, based on
content retrieved from http://www.wattpad.com/story/971790.
The content in this book is copyrighted by BonitaBabyy or their authorised
agent(s). All rights are reserved except where explicitly stated otherwise.
This story was first published on February 8th, 2012, and was last updated on
October 10th, 2012.
Any and all feedback is greatly appreciated - please email any bugs, problems,
feature requests etc. to flag@erayd.net.
Table of Contents
Summary
1. TVFN 3: Once Upon A Bride
2. Chapter 1
3. Chapter 2
4. Chapter 3
5. Chapter 4
6. Chapter 5
7. Chapter 6
8. Chapter 7
9. Chapter 8
10. Chapter 9
11. Chapter 10
12. Chapter 11
13. Chapter 12
14. Chapter 13
15. Chapter 14
16. Chapter 15
17. Chapter 16
18. Chapter 17
19. Chapter 18
20. Chapter 19
21. Chapter 20
22. Chapter 21
23. Chapter 22
24. Chapter 23
25. Chapter 24
26. Chapter 25
27. Chapter 26
28. Chapter 27
- 3 -
29. Chapter 28
30. The Story Behind the Story (Special Chapter)
31. The Story Behind the Story Part 2 (Special Update)
- 4 -
Summary
LESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan,
walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag
magsasalita ng tapos.
- 5 -
TVFN 3: Once Upon A Bride
The Virgin's First Night 2: Once Upon A Bride
Prologue:
Love is not always like a fairytale.
There are people who give so much to those who don't love them back,
There are some who feel loved and find out in the end that they were fooled,
Or others just want to play the game and choose their playmate.
"Those SWEET LINES -- they are to blame for all the LIES!"
LESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang
nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago.
Until one day......
LESSON: Wag magsasalita ng tapos.
- 6 -
Chapter 1
Chapter 1
5 Years Earlier
"Sheila, mauna na kami mukhang may maghahatid naman na sayo." nguso ni
Brooke sa lalaking parating. Sya na naman?!! Talaga namang ang tatag ng fighting
spirit neto. Nagbuntong hininga na lang ako at tumango.
"Sige ah. Ingat ka. Sakto makakasabay ako umuwi kay Steven." mahinhin na tawa
ni Brooke.
"Jackie, sabay ka na samin para makatipid ka." yakap pa ni Brooke kay Jackie.
Kumpara kasi samin si Jackie ang pinaka praktikal palibhasa laki sa hirap.
"Gusto ko yang mga ganyan pero wag ngayon, kay Bianca na lang ako sasabay.
Guguluhin ko yung date nila ni Luigi! Hahaha!" hay nako sira-ulo talagang babae
na'to.
"Hay nako! Magboyfriend ka na kasi ng matino! Lagi ka na lang namin nakikita sa
bar na may kahalikan eh. Look at Sheila tignan mong ganyan yan pero malapit na
ding magka-lovelife. Hahaha. Napag-iiwanan ka na huy!" inirapan ko na lang si
Biancx kasi alam ko naman na nangangantyaw lang sya.
"Tse! Yayaman ba ko pag nagboyfriend ako? Okay na ko sa fling no. Tara na
talaga. Malapit na yung papabols ni mareng Sheila.'
"Lubayan mo ko Jacques ah!" at inaamba ko na sa kanya yung flying kick ko.
Nandito ko sa gym para magpractice dahil ako ang team leader ng taekwondo club.
Dati talaga hinihintay nila ko bigla lang umepal yung makulit kong 'manliligaw'.
"Oy oy subukan mo lang!" natawa naman kami sa reaksyon ni Jackie dahil
awtomatiko syang napaamba ng suntok sakin. Lagi kasi syang bugbog sarado sakin.
Hahaha.
"Makaalis na talaga! Oy Sheila Estevan! wag ka munang bibigay ah!" bago pa ko
makaapuhap ay mga nagsitakbuhan na sila palabas ng gym. Tsk. Parang di college
students kumilos ah?! Asa naman bumigay ako, hindi ako tanga para gawin yun.
- 7 -
"Hi honey." inakbayan nya ko at binigyan ng nakakalokong ngiti. Talagang
sinusubukan ako ng lalaking 'to ah bukod sa ang yabang na eh may pagka malikot
pa ang kamay.
"Honey your face!!" at agad kong kinuha yung kamay nya at pinilipit ito sanhi para
mapaupo sya sa sahig dahil doon agad ko syang dinaganan para hindi na sya
makapalag pa.
"Ano mang-aakbay ka pa ba ha?!"
'Woah! woah! Nakakatakot ka talaga!" binitawan ko na sya at tumayo sya naman
ay umupo lang para pagpagin ang nagusot nyang uniform.
"Bakit ba nangungulit ka na naman ha? Gusto mo bang ikaw ang pagpraktisan ko
ngayon? Ilang beses ko bang sasa--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng
tumayo sya at iniharang sa mga labi ko ang hintuturo niya.
"Hep! Hep! Kung babastedin mo naman ako pwes wala kang magagawa sa gusto
kong manligaw eh." marahas kong pinalis ang daliri nya sa labi ko at pagkatapos ay
hinarap sya ng nakapamewang.
"Hindi ka pa ba talaga nagsasawa? Para sabihin ko sayo King Romualde 21 times
na kitang nababasted!" pang 22 na ngayon if ever man na sasabihin nya na gusto
nyang manligaw. Duhh! Simula high school pa nagtangka manligaw sya pero lagi ko
syang tinataboy. Inaalagaan ko masyado ang puso ko sa kahit na anong makakasakit
sa akin, hindi naman ako manang or something nagkakagusto din naman ako pero
ayokong masaktan at magpakatanga sa pag-ibig tulad ng iba. Hangga't maaga
inilalayo ko na yung sarili ko na masaktan.
Nakakainggit naman talaga lalo na sina Brooke at Bianca na parehas masaya sa
lovelife nila samantalang ako NBSB. No Boyfriend Since Birth!! Nagkaka-crush
naman ako pero kapag lumalalim na yung feelings ko ako na mismo yung lumalayo
dahil natatakot ako sa sarili kong damdamin.
Si King Romualde simula high school ata classmate ko na sya buti nga
nagkahiwalay kami ngayong college dahila civil engineering sya samantalang ako
naman ay architecture pangarap ko kasi na if ever man na may taong
ipagkakatiwala ko yung puso ko gusto ko sya na ang una at huli. I know masyado
kong corny or lemme say na old fashion pero like duh! Lahat naman ng babae yun
ang pangarap eh.
Sa kaso ko ngayon oo nagkagusto ako kay King and oo hanggang ngayon gusto ko
- 8 -
pa sya pero iba si King eh. Masyado syang gwapo, lapitin ng mga babae at
masyadong bolero. Sabihin nga ng mga kunsintedorang mga kaibigan ko kung pano
ko magtitiwala sa kanya? Minsan na nga lang magmahal, minsan na nga lang
sumugal ayoko namang matalo agad. Pano ko magtitiwala sa kanya?
"Ano pa bang dapat kong patunayan na gusto nga kita ha Sheila?" nagulat ako ng
hawakan nya ko sa balikat at itinaas nya ang baba ko upang magkasalubong ang
mga mata namin.
"Mahal kita Sheila simula high school pa lang. Sa tingin mo ba magtatyaga ako ng
ganito katagal kung hindi ako seryoso sayo ha?" nakaramdam ako ng kuryente sa
mga titig nya sa akin pero agad ko yung iniiwas. Kilala ko si King at ayokong
magpadala sa mga ganong titig.
Ako si Sheila Estevan at pinapangako ko na walang lalaking
makakapagpalambot ng puso ko.
A/N: HAPPY VALENTINE'S DAY!!
Ang bitter ng Chapter 1!! Hahaha.
BONITABABYY
- 9 -
Chapter 2
A/N: Ayan may update ako kahit na konti lang comments ng Chapter 1.
Papromote naman po. Thank youuuuu.
Chapter 2
"Nakakahiya naman sayo Sheila. February 14 po ngayon hindi November 1.
Umuwi ka nga! Nakakawala ka ng Kilig Vibes alam mo yon?" inirapan ko na lang si
Jackie na nang-aalaska na naman sakin. And so what kung February 14 ngayon? Ano
bang meron? Sinong bayani ba may birthday ngayon? Holiday ba ngayon? Kung
ginawang holiday ang araw na'to edi sana natuwa pa ko atleast madadagdagan ng
oras yung paggawa ko sa plate ko.
"Ano bang masama sa suot ko? Saka sasayaw ba kayong tatlo at magkakamuka
kayo ng kulay ng damit?" lahat kasi ng makita ko sa school mga nakapula ako lang
ata naiba na nakakulay black na simpleng shirt at maong pants.
"Wala ka na talagang pag-asa Sheila." napailing na lang si Bianca at umalis na.
"Ano bang problema nyo? Haha." tanong ko sa kanila. Nakakatawa kasi mga itsura
nila akala mo awang awa na di mo malaman.
"Nakakaawa ka naman Sheila. Sige sayo na lang 'tong isa kong chocolate I'm sure
marami pang magbibigay sakin mamaya." napaawang na lang ako sa sinabi ni
Jackie.
"Eh baka gusto mong isampal ko sayo yang chocolate mo ha?!" pairap kong sabi at
iniwan ko na silang mga nagtatawanan. Baliw talaga mga yon'.
Habang naglalakad ako papunta sa architecture building ay hindi ko maiwasan na
mapatingin sa mga nakakasalubong ko. Mga pares pares na naman ngayong araw
na'to lahat na lang magkakahawak ng mga kamay o kaya yung iba mga nakaakbay
na naman. Malamang malakas na naman kita ng mga motel ngayon. Tsk. Bakit yun
pa iniintindi nila at hindi pag-aaral nila?
Pagpasok ko pa lang sa classroom nakita ko na yung mga kaklase ko na nakatingin
sakin. Porke't ba naka-black ako today dapat pagtinginan na ko ng ganito? Naupo na
ko sa upuan ko at nakakarindi lang yung mga tilian ng mga kaklase kong mga
babae.
- 10 -
"Grabe lang! Nakakakilig yung ginawa sakin ng boyfriend ko!! Akalain mo
pagpasok ko pa lang sa gate ng campus nandoon na sya and may hawak na 3 roses.
OMG!" naglagay na lang ako ng earphone sa tenga ko at nagsimulang magbasa ng
lectures namin kahapon baka biglang magpa quiz si Sir eh. Ano naman kung
binigyan sya ng 3 roses ng boyfriend nya? Parang mga ewan lang yung mga yun ah.
Dumating na yung prof namin at nagsimula na ding mag klase pero dahil nga ako
yung naka-black which is hindi ko alam kung bakit pansinin ako ngayon eh niloloko
ko ni prof. Nako pag ako talaga naasar uupakan ko na'to.
"Sayo ba Ms. Estevan walang magbibigay ng bulaklak sayo?" tanong ni Sir na
mukang mang-aasar lang.
"Wala po." sagot ko naman na medyo naiinis na.
"Wag kang mag-alala papadalan kita ng everlasting. Hahahaha." napailing na lang
ako ng sabay sabay silang nagtawanan. Nakakapikon na sila ah.
Natigil lang yung pagtatawanan namin ng biglang may isang lalaki na kumatok sa
pinto ng classroom namin na may hawak ng isang bouquet ng chocolates? As in
isang bouquet nga ng chocolates! Sino naman kayang maswerteng babaeng
papadalan ng ganun? Grabe lang ang bongga naman!! Mga napa 'wow' yung mga
kaklase kong mga babae yung mga lalaki naman napa 'angas' naman.
"Dito po ba si Ms. Sheila Estevan ng B.S Architecture?" nagulat ako ng malamang
ako pala yung hinahanap ni manong.
"Ako po yun kuya. Bakit ho?' nagtataka kong tanong habang yung mga kaklase ko
naman na kanina eh mga nang-aasar at nang-iinggit ngayon naman mga tumutulo na
ang laway sa inggit.
"Pinabibigay po ni Sir King Romualde." at nang maiabot na sakin ni manong yung
bouquet of chocolates ay mga nagsilapitan sakin yung mga kaklase ko na mga
inggitera't echusera.
"OMG!! Ang haba ng hair mo Sheila!!"
"Pabasa naman ng card oh!!"
Hindi ko pa man din nababasa yung card eh sila na yung nanguna at binasa ng
malakas yung nakasulat sa card.
- 11 -
"CAT ka ba? Isang CATulad mo kasi ang pangarap kong makasama eh."
I LOVE YOU SHEILA ESTEVAN.
BE MINE.
--KING
"Kyahhhhh!! Yung gwapong gwapong si King Romualde ng Engineering
department binigyan ka ng ganito. Ang swerte mo girl!!" yugyog pa sakin ng kaklase
ko na di ata makaget over. Dinaig pa ko kung makakilig. Deep inside gusto kong
mangiti parang napakahalaga ko naman ata para magbigay sya ng ganito. Ganito ba
yung kilig? Akala ko kasi pag umiihi lang nakakaramdam nun eh.
Pagkatapos ng maghapong klase eh dumiretso na ko papuntang gym para mag
training. hawak hawak ko yung bouquet ng chocolates na hindi ko alam pano
pagkakasyahin sa locker ko. Muka akong baliw na nakangiti habang naglalakad.
Bwisit naman oh.
Nagtaka ko ng madaming tao sa gym. May match ba kami ngayon?
Pagpasok ko nagulat ako sa nakita ko.
Thank you for this moment
I've gotta say how beautiful you are
Of all the hopes and dreams I could have prayed for
Here you are
If I could have one dance forever
I would take you by the hand
Tonight it's you and I together
I'm so glad I'm your man
And if I lived a thousand years
- 12 -
You know I never could explain
The way I lost my heart to you
that day
but if destiny decided I should look the other way
then the world would never know
the greatest story ever told
and did I tell you that I love you
tonight
I don't hear the music
When I'm looking in your eyes
But I feel the rhythm of your body
Close to mine
It's the way we touch, it soothes me
It's the way we'll always be
your kiss your pretty smile
you know i'd die for
oh baby
you're all i need
And if I lived a thousand years
You know I never could explain
The way I lost my heart to you
- 13 -
that day
but if destiny decided I should look the other way
then the world would never know
the greatest story ever told
and did I tell you that I love you
just how much i really need you
did I tell you that I love you
tonight
tonight
And if I lived a thousand years
You know I never could explain
The way I lost my heart to you
that day
but if destiny decided I should look the other way
then the world would never know
the greatest story ever told
and did I tell you that I love you
just how much I really need you
did I tell you that I love you tonight
Napatakip ako sa bibig ko ng lumapit sya sa akin at lumuhod kasabay non ang
pagtilian ng mga taong nakapaligid sa amin.
"Sheila, hindi ko alam kung ano pa yung kailangan kong patunayan para lang
- 14 -
maniwala kang seryoso ko sayo. Pangako aalagaan ko yang puso mo at hindi kita
sasaktan. Honey naman nakaka 21 na basted na ko maawa ka naman. I love you so
much Sheila Estevan."
"Baliw." I mouthed.
"Baliw na baliw sayo simula high school pa tayo."
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kung ganito ba naman si King pano ko na lang
maitatago yung feelings ko sa kanya.
"Will you be my girlfriend"
Minsan lang naman sumugal hindi ba? Bakit hindi ko kaya subukan? Kung
matututo siguro kong magtiwala baka mawala na din yung takot sa puso ko na
masaktan.
Tumingin ako sa paligid ko at nakita sina Bianca at Luigi na magkahawak ang mga
kamay at makikita mo kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Kung susugal man ako ngayon gusto kong itaya na lahat ng pagmamahal at tiwala
ko sa taong paglalaanan ko nito.
"YES"
to be continued....
A/N: Pahabol po sa VALENTINE'S :)
Nasa side po yung picture ng BOUQUET OF CHOCLATES pati yung SONG
VOTE COMMENT AND RECOMMEND
- 15 -
Chapter 3
LESSON: Boys should know how to RESPECT girls.
Chapter 3
King's POV
"Nakanangputsa naman King kayo na pala ni Sheila. Sa wakas!! Akala namin
habambuhay na kayong magliligawan eh. Hahaha." pang-aasar sakin ni Yexel saksi
kasi sya sa 21 beses kong pagkaka-basted kay Sheila.
"Dapat lang naman talaga pareng sagutin na yan ni Sheila no'. Tsk. Ano ba kasing
nakain mo at gustong gusto mo yung astig na babaeng yun? Maganda nga brutal
naman." sabi naman sakin ni Clive.
"Hindi nyo kasi naiintindihan mga pre. Iba si Sheila eh. Lahat ng babae
nagkakandarapa sakin pero tignan nyo maski lingon di nya magawa sakin. Gusto ko
yung mga suplada eh. Haha."
"Pero kamusta naman bang girlfriend? Sweet ba? Nambubugbog o ano? Maganda
nga pare brutal naman pero kung wild din lang sa kama pwede na." pangloloko ni
Yexel.
"Eh kung bangasan ko kaya yang mukha mo ha?!" sabay angat sa iniinom kong
redhorse.
Sigurado pagtatawanan ako ng mga 'to pag nalamang ni holding hands hindi pa
namin nagagawa ni Sheila. Ang langya!! Hindi sa mabagal ako pero si Sheila ang
may away. Anakng!! Nag boyfriend pa sya kung ayaw man lang pahawak ba yan!!
Parang naglalambing lang eh kung hinihipuan ko sana sya dun sya magalit. Tsk.
Wala ba talaga syang kaalam alam sa pakikipag relasyon? Naiisip ko nga minsan
parang ako lang magdadala ng relasyon namin kung ganun.
"Ano na pare? Naka puntos ka na ba? Hahaha. Ipupusta ko Davidson ko oh wala
pa yan! Hahaha" gagong Yexel na'to ah sige ipampusta mo yang Davidson mo na
matagal kong pinag iinitan.
"Tangna naman sandali lang kasi 3 weeks pa lang kaya kami ni Sheila."
- 16 -
"Sige, ipupusta ko din yung Corvette ZR1 ko oh! Kelangan makana mo yang syota
mo ha? Tadong 'to hina ng galawan." anakngputsa naloko ko Corvette at Davidson
tapos maikakakama ko pa si Sheila! Sobrang package deal naman ata yun!
Putarages napapaisip tuloy ako bigla pero ang gago ko naman ata para gawin yun
kay Sheila. Tsk.
Si Sheila yung tipo ng babae na pinapakasalan at sineseryoso. Tsk. Baka mamaya
mapikot ako bigla pag ginawa ko yun masyado pa namang maangas yun siguradong
wala akong kawala sa babaeng yun. Don't get me wrong mahal ko si Sheila ang
sakin lang naman baka mamaya pag ginalaw ko sya eh matali na lang sya sakin or
ako yung matali sa kanya, masyado pa ata kaming mga bata para seryosohin namin
'tong relasyon na'to pero hindi ko din naman sinasabi na hindi ako seryoso sa
kanya.
Ang gulo puta!!
Ang gentleman ko pa ng lagay na'to ah. Tsk. Davidson at Corvette? Seryoso?
What to do?!
"Ano na pare? May Davidson at Corvette ka na, maliligayahan ka pa. San ka pa
dude? Take your time naman pare."
"Pag di ko nagawa?" tanong ko sa kanila.
"Wala. Ang gusto lang namin mag trip." wow ah. Hanep ng trip nila talagang
ipupusta pa nila yung mga sasakyan nila.
"Tama si Clive pare, look ah mas challenge sayo ngayon na maikama yang syota
mo edi mas enjoy yun diba dahil may pagka pakipot yang syota mo."
"Pero hindi eh. Maling mali pre mahal ko yun."
"Edi isipin mo na lang wala tayong pustahan at gawin mo na lang dahil sa gusto
mo. Basta pare sige lang ng sige."
Bakit ba ang galing mag sales talk ng dalawang demonyong 'to? Hindi ibig sabihin
na inaya or gawin ko yun kay Sheila ay ibig ssabihin na hindi ko na sya nirerespeto
right? Hutana! Kelan pa ba naging issue sakin ang pre-marital sex? Sh*t!!
What to do?!!
- 17 -
Sheila's POV
"Hala wagas kang makangiti Sheila!! Napapano ba't gumaganyan aber? Katext mo
na naman si King hano? Ikaw ah ang landi mo na simula ng natuto kang lumandi."
angal ni Jackie habang tinuturuan ko sya sa pagsagot sa College Physics.
"Sagutan mo na nga lang yan at manahimik ka. LOVE ho 'to as in L-O-V-E!!! OMG
Jackie I'm so inloveeeeee!!" tili ko pa sabay yugyog kay Jackie.
Kasi naman bakit sobrang sweet ni King? Sobrang thoughtful at caring plus ang
gwapo pa!! bakit ngayon ko lang narealize lahat ng yan? Hahaha. Bakit ngayon ko
lang sya sinagot?!! Sana pala matagal na kong masaya. Nagwawala hormones ko sa
sobrang pagkainlove I mean yung feeling na sobrang inlove na inlove ka sa
boyfriend mo na gigil na gigil ka na sa pagmamahalan nyo. Hala ano ba 'tong
sinasabi ko. I'm sure sya na talaga!!
"Jackie!!! Siguro pag iniwan ako ng King magpapakamatay na lang ko teh!!" kasi
naman ngayon lang ako nainlove grabe naman and alam ko di ako magagawang
iwan ni King dahil mahal nya ko.
"Nababaliw ka na ba? Hoy first boyfriend mo pa lang yan babae at hindi pa
katapusan ng mundo pag nawala sya. Tong babae na'to di nag-iisip. Bata ka pa
Sheila at madami pang darating dyan kaya enjoyin mo lang kung ano meron ka
ngayon. Katakot ka naman mainlove oo." natawa na lang ako sa sinabi nya. Ah
basta!! 101% nakataya kay King. Lahat lahat na ibibigay ko kahit na nakakafrustrate
minsan na hindi ko alam pano umakto bilang isang girlfriend.
Lahat bago sakin, yung holding hands na yan pati yung pag-akbay. Nagdudulot
kasi yun ng init at sandaling pagka kuryente sa balat ko. Normal ba yun?
Pinapabilis
din non ng husto yung tibok ng puso ko. Hay hindi ko talaga alam."
"Tandaan mo Sheila, sa isang relasyon hindi lang dapat yung isa yung
nagmamahal ng husto, hindi dapat na merong mas matimbang dapat yung
sakto lang. Yung pantay lang." sabi pa sakin ni Jackie pero hindi ko naman
masyadong inintindi. Ano bang alam ni Jackie sa pagmamahal eh wala naman syang
naging matinong boyfriend? Wala naman syang sineryoso so pano nya nasasabi yun
diba?
Ang mahalaga sakin ngayon ay si King at wala ng iba pa. Sya lang.
to be continued
- 18 -
Anyareee?! Bakit naputol yung update ko kanina? Ayan niretype ko tuloy!
Arghh! Wala pa naman 'to sa USB at talagang on the spot sa wattpad buti
mas maganda 'to kesa sa kanina. Mehehe.
VOTE AND COMMENT NAMAN PO.
Asan na yung mga 'naghihintay' 'excited' kuno sa story na'to?
BonitaBabyy
- 19 -
Chapter 4
Chapter 4
Sheila's POV
"Uy nakangiti ka na namang mag-isa dyan ha?" sita sakin ni Bianca habang
kumakain kami dito sa cafeteria.
"Okay lang yan Biancx parang hindi naman tayo ganyan kung minsan. Hahaha."
"Edi ako na OP!" nagtawanan kami nina Bianca at Brooke ng padabog na sumingit
si Jackie sa usapan.
Hindi ko mapigilan ngumiti eh kasi naman si King kung magpakilig araw-araw na
lang! Akala mo nga nagliligawan pa din kami hanggang ngayon. Lalo tuloy akong
naiinlove sa kanya, feeling ko nga habang lumilipas ang panahon mas minamahal ko
pa sya ng husto.
Monthsary namin today ni King and hindi ko pa alam kung ano yung plano namin
para sa araw na'to. Grabe lang sa bilis ng tibok ng puso ko, naexcite kasi ko dahil
ito
yung first monthsary namin. Lahat ata ng first naranasan ko na dahil kay King. Sya
ang first boyfriend, love, holding hands, hug. kiss and etc. etc. Hahaha. Pati
first
time ko din manood ng sine na ang kasama ay isang lalaki.
Lately napapansin ko kay King medyo yung smack kiss nya nagiging malalim na
halik na and dahil don medyo naconscious ako. Wala nga akong sweet bones sa
katawan yung paghalik pa kaya?! I admit nung first kiss namin ni King di ko alam
kung sasampalin ko ba sya o lulubog na lang sa kahihiyan. Hahaha. Ang bilis ng
pangyayari bigla bigla na lang nanghahalik, buti hindi umatake yung defensive move
ko kundi panigurado sabog lips nya. Hahaha.
"Tama na yan Sheila aba'y mahanginan ka mamaya, sige ka forever ka ng
nakangiti dyan." natatawang sabi sakin ni Bianca.
"Kasi naman ehhhhhhh." hindi ko alam kung napagkasunduan lang ba naming
tatlo nina Brooke o ano pero bigla na lang kami tumili na napatakip ng tenga si
Jackie sa lakasi niyon. Hahaha.
"Eew! Is that you? Di sayo bagay maging babeng babae. Kakasuya!" agad ko
- 20 -
namang inambaan ng sampal si Jackie. Hahaha.
"Joke lang kasi 'to naman eh." lakas lang makapikon ni Jacques talaga.
Anyways dahil inlove ako hindi ko na lang sya papatulan baka mamaya masira pa
yung mood ko si King pa yung mabugbog ko. Hahaha.
Maski ako hindi makapaniwala sa sarili ko eh.
After mag merienda sa cafeteria naghiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan.
Nagtext na din naman si King na magkita daw kami sa car park dahil alam na. It's a
date!!! San kaya kami pupunta today? Excited na ko! Kahit san lang kami mapunta
basta makasama ko lang si King okay na sakin.
"Love san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nakasakay na kami ng
sasakyan. Kinuha nya yung kamay ko at hinalikan na agad ko namang ikinapula.
Hindi naman na ko naiilang sa mga paglalambing nya pero yung pakiramdam ng
mainit nyang mga halik sa balat ko? Sobrang iba sa pakiramdam! Ang init kahit
aircon dito sa kotse nya.
"Sa bahay namin. Relax ka lang dyan." nangunot yung noo ko. Bahay nila? Ay oo
nga pala naka condo nga pala si King so ibig sabihin pupunta kami sa bahay mismo
ng parents nya?! Teka naman hindi pa ata ko handa na makilala yung parents nya
tapos medyo hindi pa ko nakapag-ayos gawa ng nahirapan ako sa paggawa ng plate
ko kanina.
"T-talaga? Eh bakit dun tayo pupunta? Nakakahiya naman sa parents mo." sabi ko
kay King na hindi ipinahalata na natataranta ako.
"Don't worry baby wala naman dun parents ko. Tayong dalawa lang dun atsaka
yung maids." ano daw?!! Mas lalo naman daw akong nataranta sa kaalamang
kaming dalawa lang. Pero san nga ba ko dapat mataranta? Wala naman akong dapat
ipag-alala dahil alam ko nirerespeto ko ni King. Nirerespeto nya ko! Huminga ako ng
malalim at sumandal sa upuan ko.
"Ano namang gagawin natin dun love?" tanong ko kay King na nakafocus na
ngayon sa pagmamaneho.
"Gusto ko lang ipakita sayo yung bahay kung san ako lumaki. Ayaw mo ba nun ha
baby?" ayoko talaga ng tinatawag na baby dahil ayoko na ginagawa akong bata pero
pagdating sa kanya feeling ko ang sarap sa pandinig nun.
- 21 -
"Ahh. Sige." pagkatapos non ay wala na uling naimik saming dalawa at kapwa
tumingin na lang ng diretso sa daan.
After ng ilang oras nakarating na kami dito sa Laguna. Medyo malayo din pala
'tong mansion nila King at infairness ang yaman nila!! Sobrang laki ng mansion nila
na tinalo pa yung bahay nila Brooke. Sayang naman 'tong bahay nila kung palaging
maids lang ang nakatira. Nalaman ko na bihira lang umuwi parents nya dahil nag
aaround the world ang mag ito. Kundi ka ba naman mayaman diba?
Pumasok kami sa mansion at agad naman akong binati at pinakilala ni King sa
mga tauhan sa loob ng bahay. Medyo nakaramdam lang ako ng lungkot kasi sa mga
katulong ako pinakilala imbes dun sa magulang nya. Hirap naman pag
nagpapakasarap sa buhay magulang nya hindi ko magawang makilala. Haha.
"Tara sa taas Sheila." agad nyang ikinawit yung kamay nya dun sa bewang ko at
iginiya nya papuntang hagdan.
Nagpunta kami sa second floor at hindi ko na kailangang hulaan dahil binuksan
nya yung isang kwarto. Napahanga ako dun sa kwarto nya dahila ang linis at bango
bango pa. Simple lang yung kwarto black and white lang yung kulay at wala
masyadong mga abubot.
Pumasok ako sa kwarto at naupo sa dulo ng kama nya at tahimik na inilibot ang
mga mata ko sa kabuuan ng kwarto nya. Sobrang manly nitong kwarto nya at amoy
na amoy ko yung familiar ng amoy. Napapikit ako sinamyo yung mabangong amoy
na yon na gustong gusto ko lalo na pag niyayakap nya.
Napadilat lang ang mga mata ko ng marinig ang pagsarado ng pinto at ang ...........
pag locked nito?!!
to be continued.......
Ang konti ng comments nung last chapter. :l kaya hindi na talaga ko
nagmamdali mag update ngayon.
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
bonitababyy@ymail.com
- 22 -
bonitababyy.tumblr.com
- 23 -
Chapter 5
Chapter 5
Sheila's POV
Bakit nya nilocked yung pinto? Kami na nga lang dalawa dito sa kwarto tapos
kelangan pang nakalocked?! Napalunok ako ng di oras kasi iba yung pakiramdam
ko. Inihanda ko na din yung self defense ko.
"B-bakit mo naman nilocked y-yung pinto love?" ano ba yan bakit ba ko nauutal! Di
naman ako dapat kabahan dahil alam kong walang gagawing masama sakin si King.
Umupo sa tabi ko si King at napaisod ako ng bahagya nang hawakan nya ako sa
bewang. Hindi ko alam kung papalag ba ko o hindi. Yung mga titig nya ay nanunuot
sa pagkatao ko para bang pati kaluluwa ko eh tinitignan na nya. Sobrang
nakakapaso yung mga hawak nya. Napalunok na lang ako ng madako yung mga
mata nya sa mga labi ko na animo natatakam doon. Oh my God!! Bakit ang init dito
sa kwarto ni King? Sira ba yung aircon?
"Hindi pa tayo nakakapagsolo kasi. Gusto lang talaga kitang makasama ng
matagal Sheila. I love you so much." nangiti naman ako sa sinabi nya. Ang sweet nya
talaga! Walang araw, oras o minuto na hindi nya sinasabi kung gaano nya ko
kamahal.
"I love you too King. Ngayon lang ako nagmahal. I'm so lucky to have you."
binigyan naman nya ko ng isang matamis na ngiti. Nagkatitigan kaming dalawa at
muli ay bumalik nya sa mga labi ko ang mga titig nya. Unti-unti ay inilapit na nya
ang sarili nya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero nadala na din ako sa mga
titig nya kaya naman napapikit na lang ako. Naramdaman ko yung mainit nyang
paghinga na nagdadala sakin ng ibang sensasyon. Napakapit ako sa bedsheet at
unti-unti akong narelax ng maramdaman ang malambot nyang labi na sumakop sa
mga labi ko.
Mabagal sa una at hindi ko pa alam kung paano makisabay sa galaw nya ngunit
habang tumatagal ay parang nagiging pamilyar na ko sa mga halik na yon. Nahigit
ko yung paghinga ko ng laliman pa nya yung halik kaya naman napakapit na din ako
sa batok nya at mas inilapit ang sarili ko sa kanya.
Napahiga ako sa kama ngunit hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin,
- 24 -
mahihiya nga ata ang hangin na makidaan sa amin dahil halos maglapat na ang mga
dibdib namin sa sobrang lapit sa isa't-isa. Sa pagitan ng mga halik ay miminsan ay
nagsasabi sya ng matatamis na salita na mas lalong nakakapagpadala sa akin.
Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal sa gaanong posisyon, nagpakawala
ako ng mahinang ungol ng simulan na nyang halikan ang leeg ko, nawawala na din
ako sa katinuan para hindi pigilan kung ano man ang ginagawa nya sa akin. Parang
nagdadala 'to ng isang masarap na pakiramdam sa akin. Mas lalo akong napaungol
ng ipasok nya ang kamay nya sa loob ng blusa ko.
"Oh god! I love you so much sweetie." sabi nya habang nakasubsob pa din ang
mukha nya sa leeg ko. Magsasalita na sana ako ng makarinig ng malakas na katok
mula sa pinto at dahil dun ay natauhan kaming dalawa. Napahiwalay sya sa akin at
nanlaki na lang ang mga mata namin ng maisip kung ano na nga ba ang posisyon
namin.
"Sorry Sheila. Ano ba 'tong ginagawa ko. Sorry talaga." natataranta nyang sabi
habang hinihila ko pabangon sa kama. Grabe akala mo kong ewan na napatulala.
"Huy Sheila. Nakakatakot ka naman baby baka mamaya manuntok ka na lang
bigla dyan ah? Sorry ah nadala lang ako. Hehe." iniangat ko yung ulo ko at nakitang
nagkakamot sya ng ulo.
"Lalabasin ko lang yung kumakatok ah. Ahmmm ayusin mo muna kaya sarili mo?"
napatingin naman ako sa sarili ko at nabigla ako sa itsura ko sa pagharap ko sa
salamin. Mukha akong nireyp. Haha. Gulo gulo yung buhok ko tapos swollen pa
yung lips ko. Inayos ko naman yung nagusot ko ng damit gawa ng errrrrrr!
Paghahalikan namin ni King? Ang pangit ng term!! Nung medyo okay naman na
yung itsura ko at disente ng tignan ay lumabas na din ako sa kwarto ni King na
hindi
pa bumabalik.
Pagbaba ko ng hagdan ay nagulat ako kung sino yung kausap ni King. Mga
magulang nya?!! e diba nasa ibang bansa mga yun? Shet! Ang ganda ng mama nya
tapos yung papa nya kamuka ni King!! Ang gwapo din!! Pagtanda siguro ni KIng
ganun din itsura nya. Hahaha.
Nahihiya akong lumapit sa tabi ni King at inakbayan naman nya ko.
"Grabe ma hindi ko ineexpect na uuwi kayo ngayon. Sana nagpasabi man lang
kayo." cool na sabi ni King sa mama nya. Nangunot naman yung noo ko ng tumaas
yung kilay ng mama nya at tinignan ako simula ulo hanggang paa. Aba aba naman
mukhang may pagkamaldita 'tong nanay ni King ah. Nginitian ko lang naman sya
- 25 -
pati na din sa papa ni King. Buti na lang yung papa nya nginitian din ako. Hindi
gusto 'tong tabas ng mukha ng mama ni King eh kahit sabihin mo pang maganda.
Yung itsura nung witch sa fairy tales? ganun itsura nya. I mean yung maganda pero
halatang maldita? Basta di ko gusto tabas ng mukha nya.
"So kailan ka pa natutong mag-uwi ng mga babae mo dito ha King?" mataray na
tanong ng mama nya kay King. I wonder kung normal lang ba nya yun dahil ngumiti
lang si King kahit tinarayan sya ng mama nya. Etong mama nya ha sa tuwing
tutukuyin ako kailangan tignan pa ko ng mapanglait. Ang ganda ko no!
"Ma hindi ko sya babae. She's my girlfriend." nakangiting sabi ni King at mas
hinigpitan pa ang pagkaka-akbay sa akin.
"Mukhang seryoso ka na this time hijo ah. Pakilala mo naman sya sa amin."
"Ay oo nga pala. Ma, Pa this is Sheila Estevan my girlfriend. Love parents ko."
pagpapakilala sa amin ni King. Kinamayan naman ako ng papa ni King pero itong
mama nya ay nakoooo tinaasan lang ako ng kilay. Ang bastos lang ha?! Diba yung
mga parents ayaw sa girlfriend ng anak nila? Pwes ako ayoko sa nanay ng boyfriend
ko!!
"Naku pasensya ka na hija medyo pagod lang sa byahe 'tong asawa ko. Hon. akyat
ka na kaya sa taas?"
"So ano nga pa lang trabaho ng parents mo?" tanong ni maldita. Teka
nagkabligtad na ba yung mundo at babae na iniinterogate ng magulang ng boyfriend
nya? Hays. Nalungkot naman ako sa tanong nya. Ulila na kasi ko since 4th year high
school at papa lang ni Brooke yung nagpapa-aral sakin. Hindi naman sa ang kapal
ng mukha ko pero kapalit naman ng pagpapa-aral sakin ni tito ay may dapat manatili
ako sa dean's lister. Bumawi na lang daw ako pagkagraduate ko. Hays.
"Ahmmmmm... Ano po kasi ......"
"Mahirap lang kayo? Anong kompanya pag-aari nyo?"
"Ma!!" singit ni King. Natahimik naman ako nun kasi kailangan pa ba nun para
magustuhan? Hindi lang pala sya maldita eh matapobre pa! Parang nakakabastos
naman ata. Halata namang ayaw nya sakin bakit hindi na lang nya ko diretsuhin.
"Let's go Sheila pagod lang siguro si mama. Ma, magpahinga ka na." at nagulat na
lang ako ng higitin ako patayo ni King at kinaladkad pabalik sa kwarto niya.
- 26 -
to be continued.......
Sorry sa super late update. HAPPY LEAP YEAR!!
COMMENTS naman kaseeee. Antagal ng flashback naiinip na ko. Chos!!
BONNY
- 27 -
Chapter 6
A/N: Nakakatamad mag-update lalo na pag 30 comments lang last chapter.
:/ Pasensya na po if matagal mag-update. Baka po mag ON HOLD muna ang
TVFN. Thank you sa mga masisipag mag comment dyan. Wala ako pake sa
votes gusto ko lang malaman reaction nyo sa chapter if maganda ba,
natuwa, kinilig or naasar ba kayo. :(
Chapter 6
Sheila's POV
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at going strong na pa din kami ngayon ni
King. May isang fail lang talaga sa relationship namin eh syempre sino pa ba edi
yung maldita nyang nanay. Hindi ko ba alam kung anong problema nun sakin. Ang
matapobre lang masyado buti pa yung asawa nya mabait sakin. Tsk.
Eto pa! Hindi talaga kami magkasundo kahit kailan lalo na pag bumibisita ko sa
kanila, andyan yung lalaitin nya yung damit ko kesyo baduy daw, di magka-rhyme
ang kulay at madami pang iba. Naku talaga! Pag di ako nakapagtimpi talaga sa
sosyal na matandang gurang na yun! Actually mga nasa early 50's pa lang naman
sya at mukhang alaga ng derma ang skin nya pero kahit na gurang pa din sya!!
Last but not the least ay yung sya din ang dahilan ng first away namin ni King.
Ipa-blind date ba naman ang boyfriend mo dun sa bet nyang girl for his son matuwa
ka kaya? Bastusan ba yun? Alam namang may girlfriend yung anak nya tapos
harapan kung ibugaw yung anak nya?!! Buti na lang napagalitan sya ni tito. Ay
nakoooo talaga!!
Anyways, kaya ko namang tiisin lahat para kay King. Mahal na mahal ko talaga si
King. Parang bukod kena Brooke isa sya sa pinakapahalagahan ko sa buhay ko at
hindi ko kakayaning mawala. Si King yung bumubuo sa kulang kulang na parte ng
buhay ko. Wala na kong pamilya at iilan lang naman ang mga kaibigan ko. Sya lang
kaisa-isang lalaking binigyan ko ng permiso na pumasok sa buhay ko. Itinaya ko na
din ang puso ko kung sakali mang masasaktan ako. Ganun ko sya kamahal.
Nandito kami ngayon ni King sa isang restaurant celebrating our 6th monthsary
pero ewan ko ba iba pakiramdam ko sa araw na'to parang may kakaiba eh. I mean
ang awkward lang. Ang tahamik kasi ni King na hindi ko alam if may problema ba
sya or what? Hindi naman kasi ko sanay na ganito sya.
- 28 -
"Love may problema ba tayo? Ang tahimik mo ata these past few days?" tanong ko
sa kanya sabay paghawak sa kamay nya. Madalas habang nag-uusap kami bigla na
lang matatahimik o kaya naman makikita ko na lang na malalim yung iniisip nya.
Ang layo sa nakilala kong King na magulo at laging nangungulit.
"Wala wag mo ko pansinin. May iniisip lang." sagot nya at binigyan ako ng isang
pekeng ngiti.
"Alam ko meron. Ano ba kasi yun ha? Pwede mo naman sabihin sakin eh." masuyo
kong sabi sa kanya.
Huminga sya ng malalim at tumingin sakin ng diretso. Nagtaka ko dahil parang
nag-aalangan sya sa sasabihin nya. Pinisil ko ang kamay nya para ipaalam sa kanya
na handa akong makinig or intindihin kung ano man yung sasabihin nya.
"Sheila, gusto akong ipadala ng mama sa America. Ayoko man pero kailangan eh.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa atin. Iniisip ko pa lang na mahihiwalay ako
sayo ng milya-milya eh hindi na ko makahinga."
"Dun ka na ba mag-aaral?" hindi ko alam kung san ko hinugot yung pagiging
kalmado ko nagyon pero deep inside nagngingitngit ang puso ko sa galit dahil alam
kong ang mama na naman nya ang may pasimuno nito. Talagang gagawin nya ang
lahat mahiwalay lang ako kay King. Porke't ulila na ko at pinag-aaral lang ng kung
sino eh ayaw na nya sakin? Buti nga nagsisikap ako para sa sarili ko hindi yung
tulad
ng iba na pariwara na ang buhay porke't wala ng magulang.
"Oo. Sheila hindi ko alam kung makakaya natin yun. Long distance relationship?
Alam ko kailangan mo ko dito eh."
"Ano ka ba! Wag mo kong intindihin. Tamang tama yun love para sa future mo din
yun. Mas maganda nga naman kung dun ka kukuha ng Engineering diba? Kakayanin
natin ang long distance relationship. Makakapaghintay ako." kahit alam kong
masasaktan ako at maiiwan pinilit ko pa ding ngumiti sa kanya kahit halatang peke
lang naman. Si King lang ang meron ako ngayon tapos mawawala pa? Pano naman
yung mga pangarap namin? Tinatanong ko din ngayon ang sarili ko kung kakayanin
ko yun.
Ilang taon ba syang mawawala? Isa? Dalawa? Ilang taon ba ko makakapaghintay?
Alam ko naman na kahit gaano pa nya ko kamahal may mga bagay pa din na mas
mahalaga kesa sa akin na dapat nyang unahin. Tulad na lang ng pamilya nya at ng
pag-aaral. Ang sakit lang kasi isipin na kung kailan natutunan ko ng magmahal saka
- 29 -
lang mawawala ng ganoon kadali.
"Pero hindi ako papayag na mahiwalay sayo Sheila. Mahal na mahal kita. Hindi
kayang iwan dito mamaya nyan maagaw ka pa sakin." natawa naman ako sa sinabi
nya.
"Ano ka ba! Pumunta ka na love. Wag mo kong intindihin dito sa Pilipinas. I'll wait
for you."
"No! May paraan pa naman eh. May choice pa tayo baby." sabi nya sa seryosong
tono. Naguluhan naman ako dun. Ano naman kaya eh kitang anino ko pa lang di na
matagalan ng mama nya saka di papayag yun na maiwan si King dito.
"What is it?"
"MARRY ME."
to be continued.....
Sorry sa lame update! nasasabawan na ko sa mga updates ko! Babawi ako
sa inyo!
Medyo matatagalan next update ko dahil mag-iipon ako ng chapters. Baka
ON HOLD muna 'to kasi naman wala din naman votes and comments. :/
Sa mga nag-add sakin sa bonitababyy@ymail.com di ko kayo ma-accept
dahil nasira FB account ko so pa-like na lang po ng page ko kung san active
ako.
http://www.facebook.com/bonnygel
http://www.facebook.com/bonnygel
http://www.facebook.com/bonnygel
Pa-like po! Thanks!
-BONITABABYY
- 30 -
Chapter 7
Lesson: "Having second thoughts are sometimes fine, just be sure that you
will not regret what will you choose in the end."
Chapter 7
"MARRY ME"
Umaalingawngaw pa din sa utak ko yung dalawang salita na yun ni King.
Marry? As in kasal?!! Pag-aasawa?!! Seryoso ba sya nun?!
Ni hindi nga pumasok sa isip ko ang pagkakaron ng boyfriend yung kasal pa kaya
na ganitong kaaga?!! Nahihibang na ata ako if ever man na pumayag ako sa gusto ni
King. For cryin' out loud 18 pa lang ako at 19 pa lang si King?! Hindi ko maisip
kung
ano mangyayari samin.
Ilang araw ko na ding iniisip yung sinabi ni King. Hays.
Hindi ko sya nasagot nung araw na yun dahil masyado kong nagulat at medyo
matagal pa bago nag sink-in sa utak ko yung gusto nyang mangyari. Simula non'
hindi pa ko kinakausap ni King. Namimiss ko na sya atsaka hindi ko sya matiis.
Argh!! Kausapin ko na lang daw siya if nakapag-decide na ko. Aba't nangonsensya
pa nga, isipin ko daw kung kaya ko daw ba syang mawala sa buhay ko kasi kung sya
daw ang tatanungin hindi nya kakayanin. Ay peste!!
Palabas na sana ko ng apartment ko ng may sumalubong sa akin sa pinto na isang
lalaki, delivery boy sa tingin ko.
"Ano hong kailangan nyo manong?" tanong ko kay manong habang nilolock ko
yung pinto ng apartment ko.
"May padala po sa inyo Ma'am, galing po kay Mr. King Romualde." agad kong
hinarap si manong pagkarinig pa lang nung pangalan ni King.
"A-ano po yun?" wala sa sariling inabot ko yung sobre na ibinigay ni manong at
mabilis itong binuksan.
"Passport?"
- 31 -
"Ano ba yang binabasa mo Sheila? Parang di ka ata mapakali dyan?" tanong sakin
ni Brooke habang pilit na sinisilip yung binabasa kong sulat. Actually eto yung
kasamang note sa passport na ipinadala ni King. Talagang paninindigan nya yung
pagpapakasal sakin para di lang kami magkahiwalay.
"Wala 'to. Reviewer lang."
"Ay finals na nga pala ngayon. Wag ka ng kabahan dahil I'm sure papasa ka na.
Natutuwa nga si daddy sayo kasi ang sipag mo daw talaga mag-aral. Haha."
nagbuntong hininga ko. Malaki ang utang na loob ko sa daddy ni Brooke dahil kung
wala si tito hindi ako makakatuntong ng college at hindi ko matutupad ang pangarap
ko na maging isang architect.
Ilang taon na lang gagraduate na ko parang hindi ko naman kaya atang i-give up
ng ganun ganun na lang yung studies ko at yung oppurtunity na binigay sakin ni
tito.
Nalilito ako! Kaya ko din bang i-give up ng ganun na lang si King? Handa nya kong
ipaglaban pero ako kaya ko ba?
Binasa ko ulit yung nakasulat sa papel na hawak ko ngayon.
Sheila, andyan na yung passport mo. Sana nakapag-decide ka na. Hahayaan mo na
lang bang mawala ako sa buhay mo? Pinapangako ko naman na hindi kita
papabayaan kahit ang pag-aaral mo. Kahit na mag trabaho pa ko para matustusan
ko lang ang pag-aaral mo gagawin ko. I love you so much! Ngayon lang ako
nagmahal ng ganito kaya sana wag mo kong biguin.
Ito lang kasi yung nakikita kong paraan para di mahiwalay sayo.
Hihintayin kita sa airport. Kung ano man yung magiging desisyon mo tatanggapin
ko.
Mahal na mahal talaga kita Sheila.
Minsan lang dumating ang pag-ibig na'to at hinding hindi ko kayang palampasin
yun. Pwede naman nating gawing pang habambuhay ang 'minsan'' hindi ba?
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko habang binabasa yung sulat ni King.
Naiipit ako sa dalawang desisyon. Kung matino akong tao hinding hindi ko
ipagpapalit ang pangarap ko sa pag-ibig pero kung hahayaan ko lang na mawala si
King sa buhay ko ngayon pa lang nagsisisi na ko.
- 32 -
Hindi naman masamang maging masaya hindi ba? Siguro naman oras ko ng
sumaya sa piling ni King. Ang totoo nyan hindi naman nakakatakot maiwang mag-isa
e pero sa dami ng tao na nakasama ko si King lang yun pumiling ipaglaban ako.
Ano nga ba ang pipiliin ko? Pwedeng both?
Minsan may mga bagay na hindi nga siguro pwedeng makuha ng sabay, dapat
matuto kang isakripisyo ang isang mahalagang bagay.
"What?!! Magpapakasal kayo ni King sa America? Are you crazy?!!" pasinghal na
sigaw sakin Ni Bianca.
"Hindi pa naman ako pumapayag eh." sabi ko sa kanila habang pinalilibutan nila
kong tatlo na galit na galit.
"Pero kino-consider mo pa din yung plano ni King? Baliw ka na kung papayag ka
Sheila! Oo mahal nyo yung isa't-isa pero ang bata nyo pa para magpakasal no. Ang
immature sobra!" akala mo nanay ko si Bianca kung magsalita eh. Hays. Hindi pa
naman ako pumapayag pero nakakaloka lang dahil bukas na yung flight!! Hindi pa
ko nakakapag-decide.
"Sabi na nga ba Sheila yang tipo mo pag nainlove sobra sobra. Baka may iba pang
paraan? Ipa-salvage kaya natin yung nanay ni King?" alam nyo yung seryoso pa si
Jackie nang cocomment sya. Ayy nakoooo! Mas nakakalito eh.
"Basta isipin mong mabuti Sheila kung ano yung mga consequences ng magiging
desisyon mo. Piliin mo yung desisyon na alam mong sa huli wala kang pagsisisihan.
Kung sa tingin mo kay King ka sasaya sige lang pero kung sa nag-aalangan ka wag
mo ng ituloy." malumanay na sabi ni Brooke sakin. Ang swete ko talaga sa mga
kaibigan ko sige idamay na natin si Jackie. Sila na yung naging pamilya ko simula
nung naulila ako. I'm glad nakilala ko sila bago yung malagim na aksidente na yon.
Ngayon na ang araw ng flight ni King at eto ko nakahiga sa kama habang
pinagmamasdan yung passport ko. Pag iniwan ko ang lahat ng bagay dito natatakot
ako na wala na kong balikan pa. Unang una tatalikuran ko ang mga kaibigan ko at
pangalawa ang mga pangarap ko.
"Kung sa tingin mo kay King ka sasaya sige lang pero kung sa nag-aalangan ka
wag mo ng ituloy."
- 33 -
Naalala ko yung sinabi ni Brooke.
Isa lang kasi yung sigurado ko ngayon eh. Yun ang makasama si King.
Sigurado akong di ko kakayaning mabuhay ng wala sya. Maintindihan naman nila
hindi ba?
Minsan lang naman akong nagmahal at hindi ko kayang palampasin ang minsan
na'to na pwedeng maging habambuhay.
I'm so sorry for disappointing you guys.
King's POV
Nandito ko ngayon sa departure area at umaasang may Sheila na uupo sa tabi ko.
Umaasa pa din ako kahit alam kong sa ugali ni Sheila ay alam kong pipiliin nya
ang mga pangarap nya kesa sa akin. Pero hindi ko pa din mapigilan yung sarili ko na
maghintay sa kanya.
Kahit kaunti umaasa ako na pipiliin ni Sheila na makasama ako.
Hinding hindi ko sya bibiguin sa oras na piliin nya ko. Mahal na mahal ko sya at
iniisip ko pa lang na maghihiwalay kami ng ilang milya parang mamamatay na ko.
Ngayon lang ako nagmahal ng ganito kaya handa kong gawin ang lahat para sa
kanya.
Hindi ko ba alam kay mama kung bakit ayaw nya kay Sheila to the point na
ipadala nya ko sa America. May ibang babae syang gusto para sa akin pero wala
akong magagawa eh. Si Sheila lang ang mahal ko at mamahalin.
15 minutes na lang at unti-unti ng mawala yung katiting na pag-asa sa buhay ko.
Siguro naisip ni Sheila na bakit nya sasayangin ang buhay nya sa isang katulad ko.
Oras na para umalis at hindi ko na kailangan pang magtaka. Sinabi ko sa sarili ko
na kahit ano pa man yung maging desisyon nya tatanggapin ko pero ang sakit lang
isipin na yung babaeng handa mong ipaglaban yung umayaw. Ang bakla lang pota!
Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at hindi ko alam na ganito pala kasakit ang
- 34 -
mabigo. Naalala ko tuloy yung mga babaeng sinaktan at binigo ko noon.
Papasok na sana ko sa Tarmac ng may maulinigan akong isang pamilyar na boses
at nangiti ako sa galak sa paglingon .
"HOY GAGO KA! WAG MO KONG IWAN! Gusto mo bang masaktan ha?!! Parang 2
minutes lang na-late mag-iiwan ka na agad?!!!" sigaw nya habang tuloy tuloy ang
pag-agos ng mga luha nya at hindi ko alam na marunong din pala kong umiyak.
Naiiyak ako sa sobrang saya. Akala ko hindi na nya ko sisiputin.
"2 minutes nga di mo matiis pano pa kaya yung limang taon!! GAGO KA TALAGA
KING PANO KITA HAHAYAAN UMALIS NYAN?!!" ngumiti ako at tinakbo na ang
ilang metrong pagitan namin at niyakap sya ng mahigpit.
'I'm sorry baby. Please come with me." at masuyo ko syang kinintalan ng halik sa
mga labi nya.
"Yes. Yes."
to be continued....
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
http://www.facebook.com/bonnygel
- 35 -
Chapter 8
LESSON: It is never wrong to be happy. Especially when you know it's
about time that you deserve to be.
Chapter 8
Sheila's POV
Walang pag-aalinlangan akong sumama kay King patungong Amercia. Hindi alam
ng mama nya na maski ako kasama. Sabi ni King tinulungan daw sya ng papa nya na
asikasuhin ang passport at visa ko para lang daw maisama ako sa America ni King.
Buti na lang pala at sumama ako dahil wala na daw pala talagang balak yung mama
nya na pabalikin pa sya dito at para mapaghiwalay kami.
Hindi ko ba alam kung ano ang ayaw ng mama ni King sakin. Pinapakisamahan ko
naman sya sa kabila ng pagpapakita nya ng disgusto nya sa akin. Masyado nga
siguro kong kaawa-awa dahil sino nga bang magulang ang magkakagusto sa isang
babae na pinag-aaral lang naman ng isang naawang negosyante at nag-iisa lang
naman sa buhay. Hindi ko naman sya masisisi pero hindi ba mahalaga na mahal ko
ang anak nya? Kesa naman sa mga taong yaman lang naman ang habol sa kanila.
Hindi kaya iniisip nya na kauri ko din ang mga yon?
Ilang oras na lang at lalapag na ang eroplano na sinasakyan namin ni King, hindi
ko alam kung anong buhay ang magkakaron kami sa pagtungtong namin sa America
pero kung ano mang buhay ang naghihintay sa amin haharapin ko yun basta kasama
ko lang si King. Hangga't nasa tabi ko sya hindi ako matatakot. Nandito na 'to eh
kailangan na lang panindigan.
Lumipas ang oras at lumapag na ang eroplano. Unti-unti na akong nilukuban ng
kaba. Biglang hinawakan ni King ang kamay ko at ngumiti, ngiting nagbibigay ng
assurance sa akin na hindi nya ako papabayaan. Huminga muna ko ng malalim bago
gumanti ng ngiti sa kanya, binigyan ko sya ng ngiti na nagsasabi na hindi ako
nagsisisi sa pagpili na makasama sya.
Minsan lang naman ako magmahal at minsan ding magpapakatanga. Bakit hindi
ko pa lubusin ng sa ganon masaktan man ako atleast alam ko na ang magmahal.
Kung hindi lang din naman si King pwes hinding hindi na ko susubok na magmahal
pa.
- 36 -
"Are you nervous?" King asked.
"Hindi. Basta alam kong nandito ka sa tabi ko wala akong dapat ikabahala."
hinalikan nya ko sa noo at iginiya na palabas ng eroplano.
"Si Marcella nga pala yung kababata ko ang susundo sa atin. Sya ang inutusan ni
mama na sumundo sa akin."
"Pero paano ako? Baka malaman ng mama mo na kasama mo ako." pinisil nya ang
kamay ko at hinalikan ito.
"Wag kang mag-alala papakiusapan ko na lang mamaya si Marcella. Mabait
naman yun. Akong bahala sayo love." nangiti lang ako ng kindatan ako ni King.
Tama wala akong dapat ikabahala.
Huminga ko ng malalim at ngumiti na lang at naglakad na kami papuntang arrival
area. Nagpalinga linga si King sa mga taong nakapaligid sa airport na mga
naghihintay din sa kaniya-kaniyang mahal sa buhay. Sino kaya sa daang tao na 'to si
Marcella? Kano kaya yun o Filipino din? Baka naman Spanish yun kasi ang ganda ng
pangalan nya.
"KINGGGGGGGG!! HONEYYYYYY!!" narinig kong may sumigaw ng pangalan ni
King bago pa ko makaapuhap ay bigla na lang may yumakap kay King na isang
babae at lalo akong nagulat ng harapan ko pang makita na halikan nito sa mga labi
ang nobyo ko. Agad akong nakaramdam ng pagngitngit sa puso ko. Tangn@! Akala
ko ba kababata lang ni King 'to eh bakit may halik pa na nalalaman. Ako lang may
karapatan sa mga labi ni King!!
"Hey! Hey!" pilit na itinutulak ni King yung malanding linta na nakakapit pa din sa
love ko. Ayaw pang bumitaw ng peste!!
"Namiss kita King!!" at aba! Pinutakte pa ng halik si King sa pisngi! Ako talaga
inaasar ng babaeng 'to ah. Agad akong pumagitna sa kanila at pilit na inihiwalay
yung linta sa love ko. Bwiset!
"Excuse me lang ha?! Masyado kayong PDA!!" pagka diin ko pa yung P-D-A.
Tinignan ko ng masama si King at agad naman syang nasindak. Dapat lang no oras
na lokohin nya ko eh sukdulang magpa deport ako no o kaya magpapa balikbayan
box na lang ako maiwan lang sya.
"Sino ka ba?! Alalay ni King?" tanong nung linta. Aba naman! Isa pang salita
nitong babae na'to pasasabugin ko lips nya. As in!! Napansin siguro ni King na
- 37 -
napipikon na ko kaya sumingit na sya. Nakakaimbyerna! Ito agad sasalubong sakin
pagdating ko sa America.
"Marcella sya si Sheila fiancee ko. Sheila si Marcella kababata ko." pagpapakilala
samin ni King. Agad kong inismiran si Marcella na halatang nagulat sa mga sinabi ni
King.
"WHAT?!! Are you kidding me?!! Ang sabi ng mama mo ako daw ang pakakasalan
mo kaya ka nagpunta dito! At ngayon may kasama kang girl at sasabihin mong
fiancee mo?!! I'm your fiancee King!" galit na sabi ni Marcella. Fiancee?!!
Nagpanting naman daw yung mga tenga ko sa mga narinig ko.
"Sorry ka naman. Ako na fiancee nya. Fiancee nya ko dahil sabi ni King hindi yung
sabi lang nung iba. Edi yung nanay nya yung pakasalan mo!" sabi ko sa kanya.
Nakakagigil lang eh.
"Damn you!"
"Same to you! Asshole!" ganti ko naman. Di naman ata ako papayag na gaganunin
no.
"Tama na yan pwede?! Alam mo Marcella hindi kita kayang pakasalan kasi
magkaibigan lang tayo. Ayoko sa fixed marriage na yan. Hindi naman sila ang
nakakaalam kung tayo ba sa isa't-isa dahil ang alam ko kami ni Sheila ang
tinadhana."
"Fvck! Kailan ka pa naging makata? If I know nakuha mo na ang gusto mo dyan sa
babaeng yan. Sex lang naman habol mo diba? Pwede kitang bigyan nun kahit
araw-araw pa." hanep naman ng bibig ng babaeng 'to. Sarap lang talaga paduguin.
"NO! Ang makasama lang sya ang gusto ko dahil mahal ko sya. Aalis na kami
Marcella. Thank you na lang sa pag-aabala ha? Pakisabi na lang kay mama na may
sarili akong utak para makapili ng papakasalan. C'mon Sheila aasikasuhin pa natin
ang kasal natin." seryosong sabi sakin ni King.
"Ciao!" at binigyan ko ng pang-asar na ngiti si Marcella bago talikuran ito.
Nagpunta kami sa isang hotel ni King para makapagpahinga hindi na daw kasi
kami pwedeng tumuloy sa condo unit nya dahil siguradong magsusumbong na si
Marcella sa mama nya. Bwisit na babaeng yun! Nakailang halik ba sya kay King?!!
- 38 -
Ayy bwiset!!! Tapos fiancee pa daw sya ni King?! In her fvcking dreams! Hala bakit
ba ang balahura ko na din magsalita. Nahawa na ata ko kay Jackie ng pagiging
balahura at taklesa.
"Magpahinga ka muna. Tatawagan ko lang yung kaibigan kong judge." paalam
sakin ni King at lumabas na sya ng hotel room. Humiga ako sa kama at niyakap ang
isang unan at tinitigan ang kisame. Iisa lang ang kinuha naming kwarto ni King
dahil
paraan na din daw para masanay kaming magkasama sa iisang silid since magiging
mag-asawa na din kami sa susunod na mga araw.
Napahawak akong bigla sa dibdib ko dahil bigla akong kinabahan. Parang hindi pa
ata ako handa. I mean sa first night. Lahat ng 'to bago pa lang sakin, para kong
isang inosenteng bata na naguguluhan pa sa mga bagay bagay. Itong pag-ibig na'to
hindi ko alam kung pano i-handle dahil ngayon ko lang naranasan magmahal.
Masyado atang mabilis. Minamadali ko ata masyado ang lahat pero ito kasi yung
tadhana eh. Ito yung nangyayari. At tulad ng isang bata gusto ko din ng isang fairy
tale na may happy ending at si King ang aking Prince Charming.
Nasa ganoong kaisipan ako ng unti-unti akong lukubin ng antok at pagod kaya
naman nakatulog ako.
Nagising ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto. Ngayon pa lang nakauwi si King?
Napabangon ako sa kama at tumingin sa side table. Alas diyes na pala ng gabi, ang
tagal ko din pa lang nakatulog.
"Sorry if nagising kita ah." sabi sakin ni King at umupo sa gili ng kama.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya. Sa tanglaw ng lampshade ay nakita
ko ang pagsilay ng isang ngiti sa gwapo nyang mukha.
"Naayos ko na ang kasal natin. Bukas hahanap tayo ng wedding gown mo. Bukas
ng gabi ang kasal natin." lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Matulog ka na ulit baby. I love you so much." tumayo na sya pero agad ko syang
pinigilan sa braso nya.
"Teka san ka pala matutulog?"
"Wag kang mag-alala. Sa sofa ako matutulog. I respect you so much baby. Kung
hindi ka pa handa okay lang kaya ko namang maghintay. Ang mahalaga maikasal
- 39 -
ako sa pinakamamahal kong babae." dumukwang sya at hinalikan ako sa mga labi
bago nagtungo sa banyo.
Lesson: If you appreciate her, love her, and respect her, I can almost
guarantee YOU WON'T LOSE HER.
to be continued....
Ano ba yan! Nakadalawang LESSON ako sa isang update. BUSY WEEK ko
simula monday ah so baka Saturday ulit ang update.
Bet nyo ba yung LESSON kada Chapter? maglalagay pa ba ko every
chapter? Hahha. Chos.
VOTE AND COMMENT. UTANG NA LOOB. :))
http://www.facebook.com/bonnygel
- 40 -
Chapter 9
LESSON: No matter how strong you are, there's always someone who can
make you weak.
Chapter 9
Sheila's POV
Maaga kaming gumising ni King para humanap ng isusuot namin sa kasal namin
mamayang gabi. Nagpunta kami sa isang shop and namili ng wedding dress, alam
nyo yung rush wedding? Eto yun! Ni wala nga ata kaming bisita dahil nagtanan lang
naman kami atsaka asa namang imbitahan ko yung Marcella na yun kahit ba
kababata pa sya ni King eh.
Nakapili naman ako ng isang simpleng wedding dress para sa simpleng wedding
ceremony lang na gaganapin. Sana nandito sina Brooke, Bianca at Jackie. Medyo
nakaramdam ako ng lungkot at pag-iisa pag naiisip ko yun. Hindi naman kasi 'to
yung pinangarap kong kasal eh. Sabagay, matagal naman nang sira yung dream
wedding ko dahil matagal ng patay yung dapat na maghahatid sakin sa altar.
I miss my family and my friends. Sana naman pagkatapos ng kasal na'to eh hindi
na kumontra yung witch. Happily ever after na sana. Hindi naman na siguro
makakareklamo yung witch kasi hello kasal na ko sa anak nya at wala na syang
magagawa. Mag tiyaga sya habambuhay na ako ang manugang nya no'.
Sisiguraduhin kong sya ang mapapalayas ng bahay at hindi ako. Hahaha. Nahawa na
ata ako sa pagiging sira ulo ni Jackie at kung anu-ano na ang naiisip ko.
Anyways, kumain lang kami ng lunch ni King pagkatapos mamili ng damit na
susuotin namin mamaya. Ninong daw niya na jugde yung magkakasal sa amin at dito
na daw naka-base sa America yun pati ang pamilya nito. Bigatin naman pala mga
kamag-anak ni King pati na din yung mga taong nakapaligid sa kaniya, ako lang ata
yung nag-iisang busabos na masasampid sa pamilya nila. Wala akong magagawa
mahal ko si King eh.
Peste! Tuluyan na talagang lumambot ang puso ko simula ng mahalin ko si King,
nagawa ko ngang iwan yung buhay ko sa Pilipinas para lang sa kaniya eh. Mahal na
mahal ko talaga si King na hindi ko na ata kayang mabuhay kung mawawala sya
ngayon.
- 41 -
I can't quit now. I can't take one more sleepless night without him.
Nandito ako ngayon sa hotel at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kasal.
Nauna na muna si King dun sa venue which is sa function hall para asikasuhin yung
mga papeles para sa kasal namin samantalang ako naman eh naiwan muna dito sa
room namin para mag-ayos.
Oh my gosh!! Kinakabahan ako! Hindi sa kasal eh! Dun sa pagkayari ng kasal!!
Alam nyo na yun!! Hindi na talaga ko mapakali kanina pa ko palakad lakad dito sa
loob ng kwarto, kailangan ko ng makaka-usap!!
Mabilis kong dinampot yung telepono at bahala na kung lumaki man bill namin ni
King eh sandali lang naman akong gagamit eh. Tatawagan ko si Jackie since siya
yung pakawala sa aming magkakaibigan so I assume na hindi na siya virgin. Parang
ang imposible naman ata kung virgin pa siya ngayon eh jusko kung makipaglandian
sa lalaki akala mong mauubusan ng araw eh. Hahaha.
(Hello? Ang langya naman! Ang aga tumawag ah?!! Sino ba'to?) tanong ni Jackie
sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ang bastos niya.
"Gaga ako 'to si Sheila! Hoy Jacques!" sigaw ko sa real name nya. Yeah. Ja-kes ang
pronounciation dyan pero mas gusto nya yung Jackie. Syempre para makaganti
tinatawag ko siya sa Jacques.
(Oy! Mas gaga ka! Sang lupalop ka ng Earth? Kalandi mo tangna mo!!) tignan mo
'tong babaeng 'to! Pero sanayan lang kay Jacques kahit sa grupo kami ang madalas
na magtalo.
"Nasa America ko. Rumarampa sa Holywood may angal? Malamang sumama ko
kay King no." mataray kong sagot kay Jackie.
(Naks naman nag flylalu pala ang loka. So ano nga kailangan mo? Mang-iinggit ka
ganon? Hanapan mo ko ng matandang mayaman na gwapo na hot na madaling
mamatay pero nakakabuntis pa din ah.) ano daw?!! Puro kalokohan talaga 'to.
"Hay wala! Sige babye na nga!" at ibinaba ko na yung telepono. Bwisit! Wala
naman akong napala dun sa babaeng yun.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ko sa function hall para magpakasal.
Ano ba naman yan! Ang boring lang. Kami ni King at saka yung judge lang tapos
- 42 -
kumuha na lang ng ilang chamber maids at bell boy na mga pinoy para maging
witness / bisita namin sa kasal na'to. Feeling ko 'to laro lang 'tong ginagawa
namin.
Hays.
"I King Romualde take you Sheila Estevan to be my wedded wife. To have
and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for
poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part.
And hereto I pledge you my faithfulness."
"I Sheila Estevan take you King Romualde to be my wedded husband. To
have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for
poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part.
And hereto I pledge you my faithfulness."
Natapos ang kasal at ramdam ko at LOVE IS IN THE AIR as in langhap na langhap
namin ni King ang pagmamahal ng isa't-isa. Hahaha. Napag-usapan namin na
kumain muna sa isang restaurant para sa 'reception' namin.
"Alam na ni mama na kasal natin ngayon. Haha. Guess what? Nagpa book agad ng
flight papunta dito as if namang makaka-abot pa sya love. Hahaha." sabay kaming
tumawa ng malakas ni King at nag-toast ng aming wine.
"You're so mean. Hahaha." natigil ako sa pagtawa ng hinawakan nya ang kamay
ko at masuyo akong tinignan sa mga mata. Puno ng mga pangako yung makikita ko
sa mga mata ni King.
"Hindi na nya tayo mapaghihiwalay my dear wife." nangiti ako at kinilig dun sa
word na 'wife'. Napatitig ako sa mga singsing namin. Asawa ko na ngayon ang
kauna-unahang lalaking minahal ko. Eto naman yung pangarap ko eh.
"I love you." he mouthed habang mataman pa ding nakatitig sa akin ang mga mata
nya na nagdudulot ng kakaibang warmth sa puso ko.
"I love you too my dear husband." I said with full of sincerity.
Nagulat ako ng tumayo si King at lumapit sa akin, hindi pa din nya inaalis ang
mga mata nya sa akin at hinalikan ang kamay ko na hawak pa din nya.
"Can I have this dance Mrs. Sheila Romualde." tumango naman ako at nagpa-igiya
- 43 -
patungo sa dance floor.
Can't sleep tonight,
'Cause you're on my mind.
I guess I'm in love once again.
Gaze a star,
'Cause that's what you are.
You light up my life once again.
I'll take this chance for another romance in my
Life,
'Cause you're all that I need.
Sumandal ako sa dibdib ni King at ipinikit ang mga mata ko. At pinakinggan ang
tibok ng puso ng asawa ko. Nakakarelax. Parang samin lang umiikot ang mundo.
I can't help myself,
From falling in love,
With somebody like you,
'Cause your feelings are true.
Can't help myself,
From falling in love.
For I can't help myself...
From falling for you.
I used to be tough pero ang isang makulit lang pala na katulad ni King ang
makakapag palambot sa bato kong puso. And I admit ang mahalin si King ang
pinaka masayang pakiramdam na naranasan ko sa buhay ko.
- 44 -
All day I pray,
That forever you'll stay,
And won't let our love fade away.
Hear what I say,
Whatever comes away
We'll be together come what may.
Sana hindi na matapos 'tong kasiyahan na'to. At sana katulad ni Cinderella na may
evil witch ay nakamtam ko na din ang sinasabi nilang "and they live HAPPILY EVER
AFTER"
Nakatayo ako ngayon dito sa veranda ng kwarto namin at nakamasid sa
maliwanag na tanglaw ng buwan. Kasalukuyang nagsoshower ngayon ang asawa ko
na si King. Huminga ako ng malalim at nilalabanan ang kaba at excitement na
lumulukob sa akin.
This is our first night and my first TIME. Di ko alam kung ano pero inihahanda ko
na ang sarili ko para tuluyang ibigay ang lahat sa asawa ko. Mahal nya ko at mahal
ko sya wala naman sigurong masama tutal mag-asawa na kami.
Napapikit ako ng maramdaman ang masusuyong halik ni King sa leeg ko.
Nakaramdam ako ng masarap na kilabot sa bawat halik na ginagawa niya.
"You're so sweet my love." he said between his kisses.
Ibinaba niya ang strap ng negligee ko at sinimulang halikan ang balikat ko.
Hinawi nya ang buhok ko sa kabilang balikat upang halikan ang leeg ko.
Napasinghap na lamang ako ng marahang haplusin niya ang aking dibdib.
Napaharap na ko sa kanya at ilang sandali pa ay nagsalo na kami sa isang mariin
at marubdob na halik.
Iginiya niya ako papasok sa kuwarto na hindi pa din naghihiwalay ang mga labi
namin. Saglit lamang siyang humiwalay sa akin upang tuluyang hubarin ang suot
kong saplot. Nook ko lang din napansin na half naked pala si King. Muli niyang
- 45 -
inangkin ang mga labi ko at inihiga sa malambot na kama.
"I love you so much!" sabi nito sa pagitan ng paghalik sa leeg ko pababa sa dibdib
ko. I moaned dahil sa pleasure na nakakadarang.
'You are so beautiful. I'm so lucky to have you my love." impit akong napaungol ng
bumaba pa ng husto ang mga halik at haplos niya. Oh no! He touched me there!
"Sabihin mo sakin if nasasaktan ka. I'll stop." masuyo nyang sabi sa akin at
binigyan nya ako ng isang mariing halik. Ramdam ko ang paghihirap sa boses nya
dahil sa masidhing pangangailangan.
"Please. Don't stop." yun na lamang ang nasabi ko.
Dahan dahan niyang ibinaba ang sarili. I parted my legs and encircled it into his
waist. He thrust half way nanantiya kung masasaktan ako but I pushed my hips na
ikinagulat niya, agad naman syang nakabawi.
He thrust slowly and carefully.
He thrust deeper and harder.
After we made love ay hinalikan niya ako sa labi bago pinagdikit ang mga noo
namin. Kapwa kami naghahabol ng hininga.
"I love you." sabay naming bigkas sa isa'-isa at nagsalo sa isang matamis na
halik.
to be continued....
Yey! Ang haba ata nito? May Chapter 9.2 po ito kaso saka ko na ipopost.
One chapter at a time muna. :p gusto ko na tapusin ang pagkahaba habang
FLASHBACK na'to
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
COMMENT po silent readers. :( iilan lang nagcocomment
visit kayo sa page ko para malaman if kelan ang nex update:
http://www.facebook.com/bonnygel
- 46 -
Chapter 10
Chapter 10
Sheila's POV
Two weeks na kaming kasal ni King at dito na talaga kami nag stay sa America.
Kinabukasan makaraan ang kasal namin ay dumating ang mama ni King at ganoon
na lamang ang gulat niya ng malamang hindi kami nagpaawat sa pagpapakasal.
Wala na naman siyang magagawa eh kasal na kami ni King. Bwahahaha!
Ang kaso nga lang sadyang may pagka bruhilda 'tong si 'mama' ayaw ba namang
magpatawag ng mama at gusto ay Madam?!! Anong akala nya sakin isa sa mga
tauhan nila sa bahay?! Halerrr! Asawa kaya ako ng anak nya. In short MANUGANG
nya ko! Arghhh.
Eto pa ang nakakainis may mansion naman sana sila dito sa America atsaka ang
laki laki ng America bakit kailangan nyang makisiksik dito sa condo ni King?! Di
tuloy kami makapag solo ng love ko. Naman eh!! Pakialamera pa siya ha?! Hindi
naman nya alam yung gawaing bahay nakikiagaw pa ng eksena. Promise! Ang hirap
pag hindi mo kasundo yung mother-in-law mo sa tuwing maiiwan kaming dalawa
dito sa condo akala mo may World War III. Tsk.
Anyways, wala ngayon si King dahil may pasok siya ngayon, nagpapart time kasi
siya sa opisina nila kaya ang siste magkasama na naman kami nitong bruhilda kong
biyenan. Gustuhin ko mang i-close 'tong si Madam eh hindi ko talaga magawa dahil
first of all ayaw na ayaw niya sa akin so ayoko din sa kanya!
"Ma, ako na maghuhugas ng plato." oh diba ang bait kong manugang hindi ko
pinagtatrabaho yung biyenan ko. Haha. Baka magalusan magalit pa sakin tapos
pabayaran pa pagpapaderma niya. Hahaha.
"Anong akala mo sakin hindi marunong maghugas ng plato? Tatanga tanga."
napailing na lang ako. Sino kaya laki samin sa hirap? Ako pa tanga? Hindi ko na
lang
siya pinansin at pumasok na ko sa kuwarto namin ni King para mag-aral na lang.
Bahala siya sa buhay niya.
Ilang oras na din akong gumagawa ng sketch para sa project house ko actually
dream house ko yun para samin ni King, sana pag-umuwi kami sa Pilipinas
mapagawa na namin yun. Haha. Lumabas ako ng kuwarto para kumuha sana ng
- 47 -
inumin at naabutan ko si mama sa kusina na naghuhugas ng pinggan medyo
nangunot lang yung noo ko kasi naman binabanlawan lang niya yung mga baso at
hindi ginagamitan ng sabon. Kadiri naman. Hindi nga 'to maalam sa gawaing bahay
maulit na nga lang mamaya. Ayoko na siyang sitahin dahil malamang sisigawan na
naman niya ko at igigiit ang gusto niya. Nakakaloka!
Ilang araw na ang nakalipas at di ko na matagalan si mama!!!!!!! Lahat ng
ginagawa niya dito sa bahay inuulit ko lang!! Kailangan ko pang bumangon ng
hating gabi para lang ulitin yung mga gawaing bahay na palpak ang pagkakagawa.
Grabe lang! Kayaman at kasosyal na tao kadugyot naman. Psh. Kahit na basic lang
na gawaing bahay hindi pa kaya.
Kasalukuyan ako ngayong naghuhugas ng mga plato at baso ng bigla na lang
bumukas yung pinto ni mama, hindi na ko nakagalaw nun dahil caught in the act na
ko. Naku, sigurado giyera na naman po ito.
"Anong ibig sabihin nito?" mabagsik na tanong ni mama sa akin.
"Ahmm wala naman po ma, may konting dumi kasi yung mga baso." sagot ko.
Naningkit ang mga mata niya at nilapitan ako. Nagulat na lamang ako ng sinampal
niya ako.
"Ano po bang problema niyo?!" wala sa sariling nasigawan ko na lang siya. Ni
magulang ko nga di pa ko nasasampal siya pa kaya?!!
"Aba ang bastos mong bata ka ha?!! Palibhasa wala ka ng magulang kaya ka
ganyan! Pano ka bang lumaki ng ganyan ha?!! Para sabihin ko sayo Sheila hindi
orphanage or charity ang pamilya namin!!" below the belt na yun ah! At hindi
inangat ko na yung kamay ko para sampalin siya pero bigla na lang may humawak
ng braso ko ng mariin.
"OUCHHHH!" pagtingala ko si King na galit na galit.
"SHEILA!!" sigaw sakin ni King.
"B-bakit? Siya naman love yung nanguna eh!" mangiyak-ngiyak ko ng sabi kay
King. Ayokong umiyak dahil hindi ako iyakin na tao pero naman nasasaktan ako eh!!
"Yang asawa mo King pagsabihan mo ha? Bastos na bata!! Ayan na nga ba ang
sinasabi ko eh! Makalayas na nga!!" at padabog na bumalik si mama sa kuwarto
- 48 -
nito.
"Mag-uusap tayong dalawa mamaya Sheila." tiim bagang na sabi ni King. Bakit
ako pa yung may kasalanan? Yung mama na nga niya nang-insulto sakin. Napaiyak
na lang ako ng umalis si King para daluhan ang ina niya.
Napatayo na lang ako ng lumabas na yung mag-ina sa kuwarto at hinahabol ni
King si mama na may dalang maleta.
"Ma naman. Ipagpabukas mo na yan. Gabi na oh! Wag ka na kasing umalis."
"Ayoko na dito! Kung bakit kasi diyan pa sa pobreng bastos ka napunta? Kung kay
Marcella ka na lang sana." ismid sa akin ng ina ni King.
"Mabuti nga ho umalis na kayo dahil istorbo lang kayo samin." hindi na ko
nakapag-pigil nasagot ko na naman siya kaya naman lalong tumalim ang tingin sa
akin ng asawa ko. Ngayon lang kami nag-usap ng ganito.
"SHIELA ano ba!!" sigaw sakin ni King. Ngayon lang niya ko pinag-taasan ng
boses.
Hindi na nagpapigil si mama at umalis na ito at sinundan naman siya ni King.
Naiwan na naman akong umiiyak sa condo. Sinisira talaga ni mama ang relasyon
naming mag-asawa. Akala ko pa naman itong pagpapakasal na yung solusyon sa
lahat pero bakit parang mas lumala pa.
Bumalik si King ng bahay at galit na kinompronta ako. Hindi ko alam kung ano ba
yung kinakagalit niya pero nasasaktan ako dahil asawa niya ko at hindi
pinapakinggan ang side ko. Akala ko ba poprotektahan niya ko pero bakit
pinagtulungan pa nila ko kanina?
"Bakit mo naman ginanun si mama ha? Nanay ko pa din naman sya kahit ganun
yun Sheila!! At muntik mo pa talaga syang sampalin ha?! Alam kong matapang ka
Sheila pero wag naman sa nanay ko!!" sigaw sakin ni King. Hindi ko na din napigilan
kaya naman napasigaw na din ako sa galit.
"Siya na nga 'tong nang-insulto! Asawa mo ko King! Oo kaya kong harapin lahat
para sayo pero bakit kailangan tapakan yung pagkatao ko?!! Kahit mahirap lang ako
at walang magulang pero may PRIDE din naman ako!!" sigaw ko sa kanya habang
patuloy na tumutulo ang mga peste kong luha. Nasasaktan kasi ko dahil ngayon na
- 49 -
nga lang kami nag-away pero ganito pa kalala.
"Naisip mo ba Sheila na kapag nawala si mama edi mahihirapan tayong
suportahan ang isa't isa?!!"
"Eh bakit mo ko pinakasalan kung di mo pala kayang suportahan 'tong pagsasama
na'to?!! Hihingi ka lang din naman pala ng tulong sa magulang mo! You know what?
Ikaw pa din talaga yung King na immature na nakilala ko! Grow up!! May asawa ka
ng tao!!" sigaw ko sa kanya.
"Pasensya naman ha? Nadala lang siguro ko nun sa emosyon ko!! Kung nagsisisi
ka sa kasal na'to pwes ako din!!" nagulat ako sa sinabi niya at napamaang na
lamang. Nagsisisi siya?!! After lahat ng sacrifices ko ganun lang sasabihin niya?!!
"Nagsisisi ka?" mahina kong tanong sa kanya. Para kong nanghina sa mga narinig
ko sa kanya. Ang sakit lang marinig yun galing sa kanya. Nangako pa man din siya
na siya na daw bahala sa akin at mamumuhay kami ng masaya at habambuhay?!
Binigay ko sa kanya ang lahat lahat! Iniwan ko ang meron ako sa Pilipinas para sa
kanya tapos ganito lang?!!
THOSE SWEET LINES----they are to blame for all the LIES!
Hindi niya ko sinagot at umalis siya ng condo habang ako naman ay napaupo na
lamang sa sahig dahil sa panghihina. Napahagulgol na lang ako habang naiisip ang
mga posibleng pwedeng manyari.
Simula ng gabing iyon ay hindi pa umuuwi si King at ni isang tawag ay wala man
lang akong natatanggap sa kanya. Ano na bang mangyayari sa pagsasama namin?
Hanggang dito na lang ba ang lahat? Paano naman ang mga pangako niya?
Katatapos lang ng klase ko at pabalik na sana ko ng condo namin ng makita ko si
King sa isang restaurant. Napatutop na lang ako sa bibig ko ng makitang kasama
niya si Marcela at masaya silang dalawa, hindi lang masay kundi sweet pa. Damn!!
All this time niloloko lang pala niya ko?!! Pumasok ako sa loob at tumapat sa
kanila
bahagya lamang nagulat si King pero bumalik din ang cold composure nito, ayokong
umiyak sa harapan nilang dalawa dahil pagtatawanan lang nila ko.
"Anong ibig sabihin nito King?" I said in a firm voice.
"Di ba obvious? Nag-ddate kami ni Marcela. Umuwi ka na nga." sabi nito without
- 50 -
looking on my eyes.
"Nababaliw ka na ba? Kasal ka na kaya bakit may date ka pang nalalaman?!! Kung
may problema tayo pag-usapan natin wag namang ganito King." ano ba Sheila bakit
nagsusumamo sa kanya.
"Sinayang ko yung buhay binata ko Sheila. Tama ka nga nagsisisi ako na
pinakasalan kita. Masaya ka na?!!" napaurong ako sa sinabi niya at napatakbo sa
labas at doon umiyak ng umiyak. Ayoko na! Suko na ko!
Ilang araw akong nagmukmok sa condo at kinuha na din lahat ni King ang mga
damit niya. Ano pa bang saysay ng kasal na'to? Pinagmamasdan ko sa harap ko ang
mag papeles na nagkalat. Divorce papers at ticket ang andoon. Oras na pirmahan ko
yung divorce papers mawawala na ang lalaking pinakamamahal ko at uuwi ako sa
Pilipinas na sugatan ang puso.
Iniisip ko pa lang lahat ng iniwan ko sa Pilipinas para kay King parang nasayang
ang lahat. May babalikan pa ba ko? Tatanggapin pa kaya ako nina Brooke? Muli ay
napaiyak na naman ako sa mga isipin na iyon.
Mas nasasaktan ako sa pangloloko na ginawa sakin ni King, ang sakit lang na
matapos kong ibigay lahat ng meron ako ay basta na lamang nya kong iiwan ng
ganito. Pagod na din naman ako. Hinding hindi na ulit ako magpapakababa para sa
isang tao. Kung kailangan kong maging bato para di na masaktan gagawin ko.
Hinding hindi ko na ulit ilalaan ang sarili ko para sa iba, kung may mamahalin man
ako yun ay ang sarili ko.
Ibinigay kong lahat at walang natira sa akin, wala na din akong maibibigay pa sa
iba.
Pinahid ko ang mga luha ko at pinirmahan ang mga papeles.
Ito na yung huling beses na iiyakan kita King Romualde.
END OF FLASHBACK
LESSON: Sometimes love can be a mistake
-----> pic ni Sheila
- 51 -
A/N: Happy Anniversary samin ni Wattpad! Ayan may update na ko at
tapos na ang FLASHBACK. Ano kayang merons a PRESENT TIME?!!
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
--BonitaBabyy
- 52 -
Chapter 11
Chapter 11
After 5 years
Sheila's POV
"SHEILAAAAAA!!" bungad sakin ni Jackie ng pumasok siya sa opisina ko. Ano na
naman kayang kailangan nito sakin kung kelan naman nag-eenjoy na ko sa pag
sketch ng new designs ko.
"What do you need this time Jacques?!!" I snapped.
"Ay sorry naman ah. Busy ka pala? Haler! Binyag ng anak ni Bianca." I sighed. Oo
nga pala nakalimutan ko ngayon nga pala yung binyag nung panganay ni Biancx,
masyado akong busy nitong mga nakaraan kaya di ko na naalala. Wala pa man din
akong nabibiling regalo.
"Nakalimutan ko." I said in a cold voice at tumayo na para ligpitin yung mga gamit
ko sa lamesa then nilagay ito sa drawing tube ko.
"Hey! Don't tell me sa binyag mo pa babasahin yang blueprint mo?" tanong nito
sakin. Nagkibit balikat lang ako at iginiya ko na siya palabas ng opisina.
"Halimaw ka! Iwan mo muna kaya yang trabaho mo? Alam mo may naaalis sa
trabaho dahil sa sobrang kasipagan."
"Talaga lang ha? Kailangan ko ng mabasa yon para walang masabi yung
Engineering department sakin." sabi ko na lang at nagtuloy-tuloy sa basement para
sumakay sa kotse ko. Kasunod ko pa din si Jackie na napapasabunot na lang sa ulo.
"Alam mo ang labo mo eh. Dapat nakikipagtulungan ka sa kanila pero ang lagay
nakikipag-kompetensya ka pa sa engineering department kaya di kayo magkasundo
sa design. Napapatagal pa trabaho tuloy." reklamo nito sa akin.
Ayoko lang namang may masabi ang engineering department sakin. Ang gusto ko
perpekto lahat ng designs ko, yung walang makikitang butas na pwedeng sabihin
sakin. Gusto ko perpekto ang lahat.
- 53 -
"Wag mo kong pakialaman Jacques." hindi na ko kumibo ulit at hinayaan na lang
syang dumaldal ng dumaldal.
Hangga't maaari ayoko ng ganito. Ayokong pumupunta sa mga party or magrelax
man lang dahil habang narerelax ako nararamdaman ko lang lahat ng sakit. Iba pag
nagtatrabaho ako namamanhid ako at walang masamang ala-ala ang may ispasyo sa
isip ko.
Sabi nga ni Bianca ako daw ang female version ni Lyndon, anong magagawa ko
dito ko lang nadidivert ang lahat.
Limang taon akong nabuhay ng ganito, limang taon kong pinilit bumalik sa dati
ang buhay ko pero sa tuwing may nagpapa-alala sakin lahat ng kabiguan ko gustong
gusto kong kamuhian ang sarili ko. Naging hangal ako. Limang taon akong naging
miserable ng dahil sa kanya. Nung bumalik ako sa Pilipinas hindi ko alam kung pano
magsisimula muli pero andyan pa din ang mga kaibigan ko, tinulungan nila kong
makabangon ulit. Binigyan ako ng pangalawang pagkakataon ni Tito kaya naman
mas lalo kong pinagbuti ang pag-aaral ko.
Naging bato ako, gaya ng pangako ko hindi ko na ulit hinayaan may makapasok na
lalaki sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng katulad nila na sasaktan lang naman ako.
Nandito na kami ni Jackie sa reception ng binyag ng anak ni Bianca at nakita
namin si Brooke na official photographer ng event kasama ang asawa nitong si Yvo
na karga ang panganay nilang anak na si Yvette. Lumapit ako agad sa kanila at
kinarga si Yvette na isang taong gulang na ngayon.
"Helo baby!" agad kong hinagkan sa pisngi si Yvette at tumawa lang siya.
"Sayo muna yan Sheila ha? Pupuntahan ko lang si Lyndon at Luigi." tumango lang
ako sa sinabi ni Yvo. Akalain mo naging barkada pa silang tatlo?
"Hello ninang Sheila." pag talikod ko nakita ko na si Bianca karga ang anak nito
na si Brian Landon na super cute.
"Wow! Ang cute naman ng inaanak ko." sa panahon ngayon mga bata na lang
nakakapagpagaan ng loob ko. Siguro dahil 5 years ago pinangarap ko din ang
magkaanak. Akala ko kasi ayun na pero hindi pa pala. I sighed with the thought.
"Hey! Natulala ka na dyan. Haha. Buti naman nakapunta ka? Sabi ni Jackie di mo
- 54 -
daw maiwan trabaho mo? Masama yan." tumawa lang ako at pinisil ang pisngi ng
anak niya. Ang saya na ni Bianca ngayon and I'm happy for her. Basta ako kuntento
na sa kung ano man ang meron ako ngayon. Sapat na yung mahal ko ang sarili ko,
hindi ko na kailangan ng magmamahal pa sakin.
"Anyways, punta muna ko sa iba ha? Madaming ka-officemate dito si Lyndon mga
gwapo, try mo makipagkilala ha?" inirapan ko na lang si Bianca at tinalikuran na
ito.
Naupo ako sa sofa at kinadong si Yvette nasan na kaya nanay nitong batang 'to.
"Sheila!" speaking of the angel. Naupo sa tabi ko si Brooke at kinuha ang anak
niya para kargahin.
"Asan si daddy mo baby? Hmmm. bango mo pa din ah." natawa ko dahil kausap ng
kausap si Brooke sa anak nya tapos tawa lang ng tawa si Yvette.
"As if sagutin ka niyan Brooke"
"May kasalanan ka pala sakin! Nagreklamo yung isang kliyente natin at
na-hospital pa talaga ha? bakit mo naman ginanun si Mr. Villareal? Parang inaya ka
lang ihatid sa condo mo eh." reklamo ni Brooke sakin. Naalala ko nga pala yung
kliyente ko last week na binugbog ko at sinugod sa hospital. Napangiwi na lang ako
dahil sigurado mababawasan na naman suweldo ko nito.
"Bastos eh! Akala mo kung sinong close!" inirapan lang ako ni Brooke at
bumuntong hininga.
"Ano ka ba naman! Ang bait nga nun eh. Buti nga ihahatid ka pa kesa mapano ka.
Hay nako! Mag-asawa ka na nga!" tumayo ito at pinuntahan si Jackie para ipakarga
yung anak nito samantalang ako napasandal na lang sa sofa.
Wala na kong balak na mag-asawa pa. Tama na yung minsan. Dalang dala na ko!
Umalis na lang ako sa party at bumalik sa opisina buti pa ang trabaho hindi ako
iiwan.
Sa panahon ngayon, sarili mo lang talaga ang magmamahal sayo ng totoo.
Lesson: Relationships are overrated these days. You can't find anyone
worth your time.
to be continued....
- 55 -
A/N: Masaya ko dahil madaming lumabas na silent readers last chapter.
Pahapyaw palang to kaya lame. :) sarehhhhh.
VOTE COMMENT AND RECOMMEND
--BonitaBabyy
- 56 -
Chapter 12
Lesson: The past can hurt. But you can either run from it, or learn from it.
Chapter 12
Sheila's POV
Hindi na ko nagpaalam pa na aalis na ko sa party dahil siguradong sasabihin na
naman nila na ang KJ ko. Hindi talaga ko nag-eenjoy sa mga ganung party mas gusto
ko pa yung nagtatrabaho. Ayokong nababakante ang oras ko.
Umuwi muna ko sa condo ko para makapagpahinga buti na lang naiuwi ko yung
ilang templates at blueprints para naman matapos ko na yung isang project ko. Ang
totoo nyan 2 maximum projects lang sa isang architect pero dahil masipag nga daw
ako ginagawa ko yung lima. Nabawasan nga lang ako ng isa dahil siguradong mag
pupull out na si Mr. Villanueva dahil sa pambugbog ko sa kanya. Wala naman akong
kinakatakot kahit mawalan ako ng kliyente eh dahil malaki naman ang naipapasok
kong pera sa kompanya.
Nag shower muna ko at pagkatapos at nahiga sa kama kahit basa pa yung buhok
ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Pinagmasdan ko yung loob ng
kwarto ko walang kabuhay buhay.
Niyakap ko na lang yung isang unan ko at napaisip. Naalala ko yung mga
panahong kakarating ko lang dito sa Pilipinas. Yung mga panahon na gigising ako sa
umaga at iiyak na lang sa tuwing naaalala ko kung gano niya ko sinaktan, kung
gaano niya ko binalewala sa kabila ng lahat.
Ang hirap kasi yung gigising ka sa umaga tapos maiisip mo na wala na ang lahat
lahat. Ssa tuwing humihiga ako sa kama nararamdaman ko lalo yung sakit, kitang
kita ko kasi yung empty space. Yung space na dapat na nasakanya. Masama nga
sigurong umasa. Bakit ba tuwing matatapos na lang ang araw saka ko pa siya
naiisip? Nakapag move on na naman ako.
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko nga ba iniisip yun ngayon? Balewala
naman na sakin siguro kung magtagpo pa yung mga landas namin. Ilang taon din
bago natuyo ang mga luha ko dahil sakanya. Ilang taon akong nabuhay na wala siya
at kakayanin ko yun sa susunod pang mga taon.
- 57 -
Bumangon ako at nagbihis na magkikita nga pala kami ni Luigi ngayon.
Nandito ako ngayon sa isang restaurant dahil magkikita kami ni Luigi. Naging
mas mabuti pa kaming magkaibigan noong namatay yung girlfriend nyang si Ate
Allison.
"Sabi ko naman sayo susunduin kita diba? Bigla ka na lang nawala kanina sa
party." sabi nito na humahangos pa. Tumawa lang ako at inabutan siya ng tubig.
"Nakita ko naman na yung mga inaanak ko kaya okay na yun. Order na tayo?"
naupo na siya sa tapat ko at tinawag yung waiter at umorder na. Habang wala pa
yung order ay nagkwentuhan lang kami.
"So nakita mo na yung template na pinadala ko sayo?" tanong ko sa kanya.
Napailing na lang sya at sumandal sa upuan niya.
"Hanggang ngayon ba naman trabaho pa din Sheila? Alam mo iiwan talaga kita
dito kapag ganyan." natawa na lang ako at natahimik sandali ng dumating yung
order namin.
"Kamusta na lang lovelife mo?" tanong sakin ni Louie.
"As if namang may lovelife ako no? Hahaha. Di uso sakin yun." natatawa kong sabi
sakanya.
"Sus. Di ka pa din makalimot? Antagal na nun ah. Hahaha." tinignan ko siya ng
masama kaya naman nag behave siya.
"Baliw! Talagang wala lang akong type ngayon. Nadala na din kasi ko. Hahaha.
Eto namang ex mong si Biancx ang daming nirereto sakin."
"Mabuti na din yun kesa nagpapakamatay ka sa trabaho no. Ang ganda mo pa
naman." nangiti na lang ako sa sinabi niya. Hilig talaga ni Louie na mamblola, ako
naman marunong pa palang kiligin. Hahaha. Inaamin ko kinikilig talaga ko kay Louie
sa tuwing magkasama kami pero hindi naman sa gusto ko siya.
"Sus. Bolero! Kumain ka na nga." sabi ko habang natatawa pa din ako.
Pagkatapos naming kumain ni Louie ay naglakad lakad kami sa baywalk. Actually
hindi ko nga alm kung bakit magkahawak yung kamay naming dalawa eh. Siguro
- 58 -
dahil close lang talaga kami. Ano ba naman, simula college magkakilala na kami.
Gamit ko yung coat nya since malamig ang panahon ngayon. Magpapasko na din
pala. Ramdam ko na yung lamig, pati puso ko ramdam na din kung gaano kalamig
ang panahon. Nasasaktan na naman kasi siya eh. I feel so cold physicallya and
emotionally.
"Bakit walang stars ngayon?" tumingala ako sa langit at tinanong siya.
"Kasi katabi ko yung star." napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakatitig lang
siya sakin. Bahagya akong nakaramdam ng pagtibok ng puso ko.
"Ladies and Gentlemen welcome aboard Philipine Airlines flight number 092711.
Please make sure that all carry-on items are stowed either in an overhead
compartment or completely beneath the seat in front of you. If you have problems
with the proper stowage of your items, please let a flight attendant know and we
will
be happy to help you. Seat back and relax."
"Excited na kong umuwi honey." yakap sakin ni Marcella habang ako naman
tahimik lang na nakamasid sa himpapawid.
5 years ago sinaktan ko ang damdamin ng kaisa-isang babaeng minahal ko ng
husto. Huli na ang lahat ng marealize ko ang kahalagahan niya. Sinaktan at
binalewala ko siya, ano pa bang halaga para habulin ko pa siya. Tama na yung sakit
na ibinigay ko sa kanya.
Naging gago ako ng mga panahon na yon, dala ng kabataan hindi ko alam kung
paano ihahandle ang lahat. Ang pag-aaral, obligasyon, pagiging anak at PART TIME
JOB. Siguro nga hindi pa yun yung right time at nagmadali akong masyado. Aaminin
ko naman na nagkamali ako. Maitatama ko pa ba?
A/N: Lame update na naman! Enrollement ko na bukas. Ayoko pa pumasok
ng school kahit taghirap na ko. HAHAHA.
VOTE COMMENT AND RECOMMEND
Bonny
- 59 -
Chapter 13
Chapter 13
Sheila's POV
"Kasi nasa tabi ko na yung star."
Utang na loob! Gusto ko ng matulog! Kanina pa umaalingawngaw sa isip ko yung
sinabi na yun ni Luigi. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ay peste! Ganito rin ang naramdaman ko kay ano eh. Nagtalukbong ako ng kumot at
impit na tumili dahil sa frustration na nararamdaman ko.
Bakit ba sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal saka naman
dumarating yung mga lalaki sa buhay ko. Hindi naman sa kinokonsider ko na gusto
ko si Louie pero parang ganun na nga. Hala! Ang gulo.
Umupo na lang ako sa kama at sumandal sa headboard.
Nagitla ako ng tumunog yung cellphone ko na nasa sidetable. Sino naman kayang
matinong tao ang tatawag sa ganitong oras?!
Inabot ko yung cellphone at nagulat na yung taong iniisip ko ngayon yung nasa
caller I.D, huminga muna ko ng malalim bago ito sinagot.
"Hey."
(Hey. Nagising ba kita?) he said gently.
"No. Actually nagpapaantok pa lang ako." sabi ko.
(Uh? Akala ko nagtatrabaho ka pa eh. Haha. Magpahinga ka lang huh?" shit! Bakit
ang sweet ng boses nya? Akala mo siya boyfriend na nag-aalala. Kinikilig ako eh!
"Hala? Grabe ka naman. Natutulog din naman ako. Ikaw din. Goodnight." ibababa
ko na sana yung phone..
(Wait! Ahmm. Gusto mo mag lunch bukas?)
"I'm not sure if may free time ako. I'll text you tomorrow. Bye."
- 60 -
(Okay. Sweetdreams my lady.) bago pa ko maka-react eh napatay na niya yung
phone at ako eh naiwan na nakanganga.
Ibinalik ko na yung phone sa may sidetable at humiga sa kama ng nakangiti.
Pumikit at natulog ng mahimbing.
Maaga akong nagising dahil may appointment ako sa new client ko. Agad akong
naligo at nagbihis. Isang semi-formal corporate attire lang naman ang suot ko.
Usual
ko na ding suot 'to. Dinaig ko pa ang office girl o ang outfit ng isang lawyer.
Haha.
Mas bagay kasi sa personality ko. Tough and sophisticated.
Ganito na lang araw-araw gigising ng maaga, traffic, coffee at trabaho. Buong
araw ko yun lang naman ang nangyayari minsan lang ako marelax kapag nagkikita
kaming magkakaibigan o pag lumalabas kami ni Louie. Nakakasawa na din pero
wala akong magagawa dito lang naman umiikot ang mundo ko. Sabagay sa
dalawang bagay lang naman umiikot ang mundo ko sa trabaho at sa sarili ko.
Dumating ako sa opisina at sumalubong sa akin ang sekretarya ko na si Roxy para
ibigay yung schedules ko. Nginitian ko lang siya matapos ibigay yung schedules pati
na din yung coffee ko. Hindi kasi ako nagbebreakfast eh.
"Ma'am mukhang blooming kayo ngayon ah? Dahil po ba kay Sir Luigi?" nang
inangat ko yung ulo ko eh nakita ko yung panunukso ng sekretarya ko at napailing
na lang.
"Darating na mamaya yung bagong client kaya pumunta ka na sa pwesto mo.
Inform mo na lang ako."
Inilabas ko na yung templates ko mula sa drawing tube at nagsimula ng magsukat
at magline sa sketch paper. Isang townhouse yung ginagawa ko ngayon magiging
bahay daw nung kliyente ko pagkatapos ng kasal nila ng fiancee niya. Infairness
parang dreamhouse ko din yung gusto nilang type tapos sa gawing Batangas din nila
gusto itayo 'tong townhouse. Hindi ko pa pala napupuntahan yung place kasama
nung engineer para makita if match yung itatayong townhouse dun sa lupa.
Sakop na kasi lahat ng Crisostomo Real State ang lahat. Simula sa pagdedesign ng
bahay, lupa, pagpapatayo, interior design at pagbebenta nito. Kumbaga 'completos
recados' na. Hahaha.
Napatigil ako sa pagtatapos ng template ng tumunog yung intercom ko.
- 61 -
"Roxy?"
"Ma'am nandito na po si Ma'am Lopez. Eh Ma'am." nangunot yung noo ko nung
bumulong ito.
"Mukang bold star itey." sabi ni Roxy na pabulong. Napaka sitsit talaga nito.
Tumawa lang ako at nagbigay ng command na papasukin na yung kliyente.
Kasalukuyan akong nakafocus sa template ko ng pumasok yung kliyente at ganun
na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang kliyente ko. Napatuwid ako ng upo. I
managed my tough composure at sarkastikong ngumiti sa kanya.
"Look who's here? Marcella?" I said in a sarcastic tone. Nakita ko din sa mukha
niya ang saglit na pagkabigla at ginantihan ako ng kaparehas na ngiti. Unti-unti
nabuhay na naman ang galit sa puso ko. Siya ang sumira ng buhay ko.
"Sheila? Long time no see. Hindi ko akalain na ikaw pala ang architect na nakuha
ko." tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at muling ngumiti.
"You're looking good." sabi niya at naupo sa katapat kong swivel chair. Naupo na
din ako swivel chair ko at umupo ng elegante.
"Ikaw din nagbago. Medyo naging haggard ang itsura mo. Gumagamit ka ba ng
anti-aging cream? Sa tingin ko kailangan mo yon." I said.
"Fvck you Sheila." she hissed.
"I don't give a fvck Marcella. Stupid." tinaasan ko lang siya ng kilay at inabot sa
kanya yung template na design ng bahay niya. If alam ko lang na siya yung kliyente
ko sana bahay kubo na lang ginawa ko.
"Wow! You're great! Siguradong magugustuhan 'to ng fiancee ko. Ito talaga yung
plano namin ni King na design." binigyan niya ko ng mapang-asar na ngiti pero
walang epekto sakin yun. Bahagya lang akong nagulat pero hindi ko yun ipinakita.
Pinatay nila ni King yung puso ko. Sa loob ng limang taon naging bato ako. Anong
aasahan nilang maging reaksyon ko?
"Oh talaga? Bakit ngayon pa lang kayo ikakasal? Sa landi mong yan?" tinaasan ko
siya ng kilay. Dahil may class ako kaya hindi ko pa hinihila yung buhok niya at
binibigyan ng upper cut yung mukha niya. Pasalamat siya may poise ako.
- 62 -
"You?!! Hindi ako malandi. Pinagsawaan ka lang talaga ni King!" she snarled.
"Really? Kung pinagsawaan niya ko edi malamang pagsawaan ka niya. Laspag."
sabi ko ngumiti na mapanloko.
"Tatawagan ka na lang ng sekretarya ko para sa inspection ng site." sabi ko sa
walang ganang sabi at inayos na yung templates sa drawing tube.
"No. Fiancee ko na ang makikipag-cooperate sainyo. Siya na din ang magiging
engineer ng sarili naming townhouse. Ang sweet diba? Gusto niya talaga siya ang
nakatutok sa paggawa sa bahay namin." tumayo na siya at tumalikod sa akin bago
umalis.
"Ciao." she waved goodbye.
Naiwan na lang akong tahimik sa loob ng opisina ko. Okay! Masakit! Peste! Oo
masakit. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng kliyente yung malandi pa na yun?!! I
mean silang dalawa?!! Halo-halo yung nararamdaman ko. Lagi na lang ba dapat
ipamukha sakin yung betrayal na ginawa nila sakin?!! Alam ko lumaki ako sa hirap
pero pride lang ang meron ako. Tinapakan pa nila!! I hate him! I really hate him!!
Galit ako sa panloloko niya, sa pagpaasa sakin, sa pambabalewala!!
Binalik ko lang yung composure ko nung pumasok si Jackie sa loob ng opisina ko.
"SHEILAAA!!"
"What do you need?!!" sigaw ko. Bigla na lang tinaas ni Jackie yung kamay niya.
"Bad mood teh? Babalita ko lang na nakabenta ko today. Oh diba?!!" naupo siya sa
swivel chair at uminom sa kape ko. Bigla na lang niya kinuha yung envelope sa
lamesa ko.
"Wow naman!! OMG!! Ang laki ng laman ng passbook mo!! Infairness ang yaman
talagang mag sustento ng ex-husband mo!!" nanlalaki yung mata ni jackie habang
binibilang yung zeroes ng passbook ko. Never ko namang ginalaw yung pera galing
sakanya. Dahil isasampal ko sa kanya lahat ng yan pag nagkita kami.
"Pota!! Ang daming zero!!" bulalas ni Jackie.
"You know what kung wala kang gagawin dito umuwi ka na lang." mataray kong
sabi sakanya at bumalik na sa pagtatrabaho.
- 63 -
"Eto naman! Ang sungit mo talaga. Parang chichika lang naman sayo ng kaunti.
Kamusta naman date niyo ni Luigi the Great?!!" tanong sakin ni Jackie na mukhang
excited.
"Hindi yun date. Umalis ka na madami pa kong gagawin." hindi ko na ulit siya
sinagot nag simula na siyang dumaldal. Masyado akong madaming iniisip. Ano
kayang magiging reaksyon sa pagkikita namin. Dafuq! At makakatrabaho ko pa pala
siya?!!
Muli kong tinignan yung template at pinagmasdan yung design. Life was so
unfair! Ako pa talaga ang napili para mag-design ng wedding house ng ex-husband
ko at ng fiancee niya. Damn! Naihilamos ko yung mga palad ko sa mukha ko. Ito
yung pangarap ko para samin. Ako ang magdedesign at siya naman ang bahala sa
paggawa niyon. Magkatulong naming itatayo ang dreamhouse namin.
Dammit Sheila! I cursed myself. Kahit kailan hindi na mangyayari yang iniisip mo.
Magka-iba na kayo ng buhay ngayon. Hindi na siya ang lalaking minahal mo 5 years
ago. Hindi na siya ang lalaking pinangarap mong makasama habang buhay. Ikaw
lang mag-isa ang nangarap at umasa.
Iba na ang sitwasyon ngayon. Siya lang ang lalaking nagturo sayo na maging
manhid ulit.
Hindi ka niya minahal.
to be continued....
LESSON: Love means exposing yourself to the pain of being hurt. Deeply
HURT by someone you love.
-----> KING ROMUALDE
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
Feel free na mag criticize.
BonitaBabyy
- 64 -
Chapter 14
Chapter 14
Sheila's POV
Tinatanaw ko ngayon ang malawak na lupain dito sa Batangas. Maganda ang view
mula dito sa kinatatayuan ko, tanaw mo ang dagat pati na din ang sariwang hangin
na dumidikit sa katawan.
Nakapamewang ako habang tinatanaw ang lupain na siyang pagtatayuan ng isang
townhouse, iba ang ayos ko ngayon kumpara sa mga nakaraan. Nakasuot ako ng
isang puting haltered top na humahapit sa magandang hubog ng katawan ko at
bahagyang malalim ang V-neck nito upang bahagyang ilantad ang aking dibdib at
isang skinny jeans. Nagsuot din ako ng red stilletos. Kumapara sa opisina ito ang
karaniwan kong suot kapag may inspection sa site.
"Hi. Sexy" kindat sakin ni Luigi habang papalapit ito sa akin.
"Loko." bahagya kong siniko si Louie at tumawa.
Masaya kaming nagtatawanan ng may kotseng huminto sa di kalayuan ng site.
Nahigit ko ang hininga ko ng makita kung sino ang bumaba mula sa kotse.
Makakalimutan ko ba naman ang aristokratong mukha na iyon, ang matangos na
ilong nito at ang mga matang nanunuot sa pagkatao ko sa tuwing tinititigan ko. Ang
mga matang tumunaw sa puso ko.
Wala pa din nagbago sa kanya. Napakapit ako sa braso ni Luigi sa tensyong
nararamdaman ko. Hindi ako maaaring manghina ngayon. Matagal ko ng
pinaghandaan ang ganitong sitwasyon. Itinaas ko ang ulo ko upang salubungin siya.
Damn! Bakit lalo ata syang gumwapo?!!
Nakasuot siya ng isang puting polo at maong. Dala nito sa kamay ang blue print
na siyang disensyo ng townhouse para sa project na ito. At shit lang dahil sa kanya
pa mismong bahay 'tong project ko. Nakakaasar lang.
Huminga ako ng malalim at pinatili ang composure ko. Damn you King! Hindi na
ko ang babaeng hahabulin ka.
"Engr. King Romualde?" tanong ni Luigi sa kaharap namin.
- 65 -
"Yes.? nakita kong lumipat sa akin ang tingin ni King at mababakas dito ang
pagkagulat. Walang emosyon ko lang siyang tinitigan at ibinalik muli ang tingin kay
Luigi.
"Ako nga pala si Engr. Luigi Cueva at ang kasama ko naman ay si Ms. Sheila
Estevan kami ang makakasama mo sa project na ito." iniabot ni Luigi ang kamay
niya kay King at tinanggap naman nito iyon. At nang iniabot sa akin ni King ang
kamay niya ay tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Nice to meet you Engr. Romualde." I said in a cold voice. Ibinaba na din niya ang
kamay nya at tinignan ako ng masama. Aba! Ang kapal naman ng mukha niya para
tignan ako ng masama.
"Natutuwa akong makatrabaho kayo. Balita ko magagaling daw ang architects at
engineers ng Crisostomo Real States." sabi ni King habang nakatingin pa din sa
akin.
"Hindi lang yun bali-balita dahil totoo yun." komento ko sa walang ganang
pakikipag-usap sa kanya. Galit ako sa kanya. Galit ako dahil naging parte siya ng
buhay ko. Kung nagsisisi siya na naging asawa niya ko pwes mas lalo akong
nagsisisi dahil minsan sa buhay ko hinayaan ko ang isang tulad niya na saktan ako
ng husto.
"I know." sinimulan na niyang ilabas yung equipment at sukatin ang lupa kung
angkop ba yung sukat ng lupa sa blue print na ginawa ko gayun din si Luigi.
"Mukang masyadong malambot itong lupa para sa project na ito. Kahit matibay
ang materyales ay mukhang guguho din kapag lumindol lang ng bahagya." inagaw
ko sa kanya yung blueprint at tinignan ng huston ang istilo ng bahay na itatayo sa
lupa. Hindi ako maaaring magkamali sa pagsusukat at isa pa maganda ang lupa na
napili ko para sa townhouse na ito.
"Sang-ayon ako sayo King. Mukhang hindi maganda kung dito natin itatayo ang
townhouse. Delikado." sabi ni Luigi ng makalapit ito sa tabi ko. Tinignan ko lang
ng
masama si Luigi at huminga ng malalim.
"Pero dito lang nababagay ang townhouse na'to?!! Tignan nyo ulit mabuti yung
lupa. Mahal at dekalidad ang materyales na gagamitin kaya walang problema kung
dito natin 'to itatayo. Bukod dito sa burol ampangit naman kung sa kapatagan natin
ito itatayo?!!" paangil kong sabi habang nakatingin ng masama kay King. Ito na nga
ba ang sinasabi ko pag pinagsama kami magcaclash lang kami. Kaya naman pala
hindi kami tumagal. Peste bakit ba dinadamay ko pa 'tong nakaraan namin sa
- 66 -
trabaho.
"Pero delikado 'to Sheila maaaring gumuho lang." sabi ni Luigi.
"Inaral ko 'tong mabuti kaya alam kong hindi ito guguho. Maaari naman nating
tambakan yung lupa hindi ba?"
"Bakit mas magaling ka pa sa engineer Ms. Sheila? Ako ang nag-iinvest dito kaya
malulugi ako kung guguho lamang ang bahay na itatayo natin. Maaari naman sa
ibang lugar maiintindihan ko naman yon. Kaligtasan ng kliyente ang nakataya dito."
mariing sabi ni King.
"Tama na guys, sige Sheila pag-aaralan namin ulit 'to" masuyo na lang akong
tumango at ngumiti kay Sheila paglipat ng tingin ko kay King ay inirapan ko lang
siya. Damn him!!
Maglalunch na ng umalis kami sa site. Napagpasyahan namin kumain ni Luigin sa
isang restaurant at peste lang dahil epal si King na nakikisama pa sa amin. Kumain
siyang mag-isa niya no!!
"Kayo bang dalawa?" out of the blue question ni King habang naglalakad kaming
tatlo papasok sa loob ng restaurant.
"Hindi pa." nakita kong sumilay ang ngiti sa mga labi ni Luigi at hinawakan bigla
ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko ito pinahalata. Pagtingin ko
kay King ay ewan!! Galit? Imposible!!
King's POV
Nagulat talaga ko ng makita ko si Sheila sa site. Hindi ko akalain na siya pala
yung nakuhang architect ni Marcella. Fvck!! Hindi ko pa alam kung pano siya
haharapin. Nagagalit pa din ako pero at the same time gusto ko siyang yakapin dahil
ang tagal ko na din hindi nakikita. Walang araw ang lumipas na hindi siya ang laman
ng isip ko. Kung ano na bang nangyari sa kanya at kung may nahanap na ba siyang
bago. Iniisipm ko pa lang na meron nasasaktan na ko. Tanging abogado lang niya
ang nakakausap ko hinggil sa sustento na pinapadala ko sa kanya.
Nagagalit ako sa kanya dahil ipinagpalit niya ko sa pera, pinadalhan niya ko ng
divorce paper!! Handa na ko noong makipag-ayos at nagsisisi talaga ko sa ginawa ko
sa kanya tungkol kay Marcella pero fvck pinagpalit niya ko sa 100,000 dollars?!! I
- 67 -
can't believe it. Hindi man lang siya nakipagkita sakin?!!
Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko para sa aming dalawa nagawa pa niya kong
ipagpalit sa pera? Bakit hindi na niya ba natiis yung buhay namin sa America?!!
Nagdoble ako ng trabaho matustusan lang parehas yung pag-aaral naming dalawa.
Nagtatrabaho ko sa kompanya at sa isang convenience store para lang maibigay
lahat ng pinangako ko sa kanya.
Buti na lang nariyan si Marcella para sa akin nung mga panahon na muntikan ko
ng sirain yung buhay ko dahil sa sobrang pagkabigo. Nagising na lang ako isang
araw na wala na si Sheila. Hindi man lang siya nagpaalam na uuwi na siya sa
Pilipinas. Tinangka ko siyang sundan pero huli na ang lahat. Ano pa bang dahilan
para habulin siya kung siya naman ang sumuko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ni Sheila. Nagbalik na naman siya sa
dati niyang ugali. Mailap sa mga lalaki, mataray at higit sa lahat matapang. Parang
apoy ang mga mata niya sa tuwing tumitingin sa akin. Parang ayaw na ayaw niya
yung presensya ko.
Nakakabwisit pa lagi niyang sinasalungat yung opinyon ko tapos pag si Luigi
naman ang nag komento tango lang siya ng tango. Ano bang problema niya?!! Tsk.
Sila na kaya? Napapansin ko ang sweet nila saka ngumingiti sa kanya si Sheila. Pag
sa akin naman nakasimangot ay hindi pala poker face?! Hindi ko siya mabasa. Hindi
ko alam kung galit ba siya o kung ano.
"Kayo bang dalawa?" itinanong ko sa kanila habang masaya silang nag-uusap.
Napatigil naman sila sa tanong at nagulat ako ng hawakan ni Luigi yung kamay
nung ex-wife ko.
"Hindi pa." aba nag ngitian pa sila?!! Edi nanliligaw 'tong mokong na'to kay
Sheila?!! Naikuyom ko na lang bigla yung kamao ko. Nakaramdam ako ng kirot.
Nyeta! Nagseselos ako!
Iniisip ko pa lang na nasa ibang bisig si Sheila hindi ko na mapigilan ang sarili
ko
na magalit at magselos. Kahit na ganito ang sitwasyon aaminin ko mahal ko pa din
siya. Damuho naman! Sa kanya lang ako umibig ng ganito eh. Kahit kailan hindi siya
nawala sa puso ko.
Hindi ko mapigilan mapaisip minsan kung kami pa kaya ni Sheila siguro masaya
kami at may anak na siguro kami. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hanggang
pangarap na lang siguro yon'. Malabo na ata ang second chance. Limang taon akong
nagalit sa kanya. Madaming bagay akong gustong sabihin sa kanya pero tulad noong
- 68 -
una ko siyang nakilala. Natatameme pa din ako sa personality niya.
Nakaka-intimidate.
Sheila's POV
Kasalukuyan kaming kumakain dito sa restaurant, tahimik lang kaming tatlo
habang kumakain. Katapat ko 'tong pagmumukha ng ex-husband ko.
Nakakaimbyerna lang. Maya't maya pa kami nagkakahulihan ng tingin. Wag nga
siya makatingin tingin dahil ang gwapo niya. Buti na lang talaga medyo kinakausap
ako nitong si Louie. Nagulat akon ng nilagyan ni Louie ng tempura yung plato at
ngitian ko lang sya bilang thank you.
Isusubo ko na sana yung tempura ng biglang hinawakan ni King yung kamay ko at
ibinaba ito. Shit! Kahit light touch lang yun parang may ilang boltahe ng kuryente
ang dumaan sa ugat ko. Nababaliw na ata ako.
"Ano bang problema mo?!" paangil kong tanong sa kanya.
"May hipon sa loob yan. Hindi ka kumakain ng hipon diba?" sabi ni King. Nag
smirk lang ako at itinaas yung tinidor ko.
"Iba na ngayon King. Nagbago na ko." tinaasan ko lang siya ng kilay at isinubo
yung tempura. Anong akala niya makalipas ang limang taon yung Sheila na sinaktan
niya ay magiging ganun pa din?!!
"Teka magkakilala ba talaga kayo noon pa?" nagtatakang tanong ni Luigi. Ito na
nga ba ang ayaw ko. Higher year kasi samin si Luigi kaya naman hindi niya kilala
saka busy siya dati kay Bianca so malabo sigurong mapansin niya yung relasyon
namin NOON nitong si King.
"Ahmm batchmate ko siya." sagot ko.
"Ex-wife ko siya." sagot ni King. Damn!! Napalingon ako kay King at tinignan siya
ng masama.
"Totoo naman diba? Ex-wife." inemphasize pa talaga niya?!! Tinignan naman kami
ni Louie ng nagtataka.
"Totoo ba Sheila? Siya yung ex-husband mo?" tanong nito habang nagtataka.
- 69 -
Padabog kong ibinaba yung table napkin sa table at tumayo.
"I'll explain it later." sabi ko kay Louie at hinarap si King.
"Let's talk!!" galit kong sabi kay King.
Agad naman siyang sumunod sa akin sa labas ng restaurant. Hinarap ko siya at
namewang.
"Ano bang problema mo at kailangan mo pang sabihin na ex-husband kita?!!"
"Bakit ayaw mong malaman ng manliligaw mo na kinasal ka na dati? Magseselos
ba siya."
"Alam na niya dati pa yun. Bakit kailangan mo pang sabihin?!!" nafufrustrate kong
tanong sa kanya habang siya naman ay cool pa din kahit mapapansin mo din ang
inis.
"Alam na pala niya. Gusto ko lang. Totoo naman kasi. Ano bang masama na
sabihin kong dati mo kong asawa?" tanong niya. Napapikit akong mariin.
"Hindi ba nagsisisi ka na pinakasalan mo ko? Pwes ganun din ako! At kinahihiya
ko malaman nila yun!!" tatalikod na sana ko ng bigla niya kong hinila sa braso
paharap sa kanya.
"Pero pwede naman tayong maging magkaibigan. Ako nga nakalimutan ko na yun
eh. Lahat ng galit ko pilit kong kinalimutan. Maging civil naman tayo. Maging mag
kaibigan." kinalimutan na niya?!! Oo nga naman dapat ng kalimutan yung pinaka
tangang desisyon na ginawa ko. Pero maging magkaibigan?!! Niloloko ba niya ko.
Mariin akong pumikit at dumilat at tinignan siya ng masama.
"HOW ABOUT I TEAR YOUR LIFE APART AND BREAK YOUR HEART INTO A
MILLION PIECES THEN I WILL ASK YOU WHY WE CAN'T BE FRIENDS?!!" I
shouted then binawi ko ang braso ko at tumalikod na sa kanya.
Pinawi ko yung mga luhang tumulo mula sa mga mata ko. Bakit ba iniiyakan ko
siya ngayon?!! Nakamove on na ko!!
to be continued...
LESSON: Ang pagmomove on parang MARATHON hindi ka mananalo kung
lingon ka ng lingon.
- 70 -
A/N: Ansabe ng tarayan ni King at Sheila. HAHAHAHA.
Pasensya na hindi ako masyadong maalam pagdating sa architecture ar
engineering. Nursing po kasi ako. Basta nagtanong tanong naman po ako
eh.
May theme song 'tong Once Upon A Bride
Nasa side bar. ----->
Madalas kong tugtugan pag gumagawa ng Update.
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
--BonitaBabyy
- 71 -
Chapter 15
Chapter 15
Sheila's POV
Padabog akong naglakad palayo sa kanya at tinuyo muna ang mga luha ko bago
muling pumasok sa ng restaurant. Nung tinanong niya ko if pwede ba kaming
maging magkaibigan ulit parang biglang nag-init yung ulo ko. For the record
kailanman hindi ko siya tinuring na kaibigan! Mabilis yung mga pangyayari eh.
Isang araw nakita ko na lang yung sarili ko na mahal ko na pala si King tapos sa
isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak habang pinipirmahan yung
mga papeles na nagtatapos sa ugnayan naming dalawa bilang mag-asawa.
Kinalimutan na daw niya lahat ng yun? Pwes ako hindi! Hinding hindi ko
malilimutan yung araw na sinaktan niya ko ng husto. Wala pang lalaki ang minahal
ko ng ganun at wala ding lalaki na nanakit sakin ng ganun. Ghad! Gusto ko na
magwala sa sama ng loob pero ayokong hayaan ang sarili ko na magpadala ng
emosyon ng dahil kay King. Ang gusto ko maging manhid para sa kanya. Wala akong
pakialam kung masagasaan ko man siya o ang pamilya niya.
Nasaktan ako ng husto eh! Ipinagkatiwala ko sa kanya ang lahat pero ano?
Naalala ko na naman kung gaano ko umiyak nung may taga-korte na nagpunta sa
bahay namin ni King sa America upang ibigay yung divorce papers. Hindi ko alam
kung ano yung pakiramdam, hindi ko ma-explain kung gaano kasakit yung
naramdaman ko.
Pumasok na ko sa loob ng restaurant at tumabi kay Luigi at nginitian siya.
"Mukang may dapat kang i-kwento sakin." pabiro niyang sabi sakin habang
hinihimas yung baba niya natawa lang ako sa itsura niya at muling nagseryoso.
"Sa tingin ko nga dapat akong mag kwento. Tara na nga! Mukang di na babalik
yung gagong yun." tumayo na ko at inaya siya samantalang siya ay naglabas ng ilang
libong piso at iniwan sa table namin.
"Nahahawa ka ng magsalita kay Jackie ah. Haha." sabi niya habang papunta kami
sa kotse niya.
Habang nasa daan ay kwinento ko na kay Luigi yung tungkol sa amin ni King at
- 72 -
tumawa lang ng tumawa ang loko. As if namang joke yung kwento ko. Nagmumura
na nga ako at kung anu-ano na tawag ko kay King siya naman tawa lang ng tawa.
Alam niya kasi na hiwalay ako sa asawa pero never naman siyang nagtanong kung
sino yun.
"Hahaha!! Kaya naman pala ganun ka umasta kasi bitter ka sa asawa mo.
Hahaha!!" mamatay matay na ata 'tong si Louie kakatawa eh. Ano bang nakakatawa
sa inasta ko? Di ako bitter no!
"Grabe naman makatawa 'to! Mamaya nyan mabangga pa tayo eh." pagalit kong
sabi kay Louie kaya natahimik siya bigla kaso anakng tumawa na naman!!
"Aminin mo hindi ka pa nakakamove-on sa dati mong asawa. Hahaha. Halatain!"
sabi ni Louie.
"Naka move-on na ko no! After 5 years?!! Imposibleng siya pa din hanggang
ngayon. Ang akin lang talaga Louie eh bakit ganun siya umasta sakin? Parang siya
pa yung galit. Ako dapat diba?" sabi ko.
"Ibig sabihin niyan mahal nyo pa ang isa't isa at parehas pa din kayong apektado
sa nakaraan niyo. Kung talagang naka move on ka na dapat wala ka ng
nararamdaman na bitterness para kay King." seryosong sabi ni Louie. Natameme na
naman ako. Ano ba talaga meaning ng "NAKA MOVE ON NA KO?" hindi ko kasi
alam dahil si King lang naman naging boyfriend ko.
"No way!!" I said.
"Sabi mo lang yan. Parang samin ni Bianca, hindi naging maganda break-up namin
diba? Pero tignan mo okay na kaming dalawa ngayon. Masasabi mo lang na
naka-move on ka na kung sa tuwing naiisip mo yung nakaraan ninyo eh hindi ka na
nasasaktan." tinamaan ako sa sinabi ni Luigi at muling napahawak sa dibdib ko. Eto
na naman yung pamilyar na damdamin. Yung damdamin na ayoko ng maramdaman
ulit.
"Sa nakikita ko sayo Sheila hindi ka pa gano nakaka-move on. Kailangan niyo
siguro ng closure."
Closure? Ayoko! Dahil ang totoo takot ako sa katotohanan. Takot ako sa mga
bagay na hindi ko pa alam. Takot na kong masaktan pa ulit, masaktan pa lalo. Sapat
na yung lahat ng nalaman ko. Una, hindi siya sigurado sa pagmamahal niya sakin.
Pangalawa, pinagsisisihan niya na pinakasalan niya ko at Pangatlo, harapan niya
kong ginago.
- 73 -
Sapat na yun para hindi ko siya pagkatiwalaan muli kahit isang kaibigan lang.
Natatakot din ako sa mga damdamin na maaaring bumalik. Hindi ako sigurado sa
sarili ko.
Habang nakaharap sa laptop ay mabusisi kong pinag-aaralan yung mga designs.
Ako din kasi ang tumatayong building supervisor ng kompanya. Ang gusto ko kasi
kung ano yung designs ko yun din mismo ang gagawin ng mga engineers, kaya
madalas ko makagalit yung Engineering Department dahil lagi silang may
adjustments sa designs ko. I know, selfish ako para isipin lang yung designs ko
imbes na yung quality ng house. Ang akin lang talaga design ko yun at dapat ganun
din kalabasan nun. Ano pa essence ng pagiging architect? Like Duh!
Habang busy sa trabaho ay tumunog ang intercom ko kaya naman sinagot ko ito.
"Bakit?" tanong ko sa sekretarya ko.
(Ma'am andito po si Engr. Romualde.) nahigit ko ang hininga ko sandali at
bumalik sa dati kong composure. Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita.
"Let him in" I said.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ko at iniluwa nag gwapong si King.
Shit bakit pinupuri ko na naman siya? Pero hindi nga bakit ang gwapo niya ngayon.
Blue Polo ang suot niya na inilihis hanggang siko ang sleeves nito. Ghad! He's
hot!!
Naipiling ko ang ulo ko at tumayo upang salubungin siya. Sumandal ako sa lamesa
ko at humalukipkip.
"What do you need Mr. Romulade? May tanong ka ba about sa project?" itinaas ko
yung kilay ko at tinignan lang siya ng walang kagana gana.
"Paupuin mo muna kaya ako pwede? Ang init sa labas." nakita ko ngang tagatak
yung pawis ng lokong 'to at dahil mabait ako bahala siya sa buhay niya.
"Masasayang yung oras kung uupo ka pa at magpapalamig dito kaya sabihin mo
na kung ano yung problema sa project." tinignan lang niya ko ng masama at inilabas
yung blueprint na ginawa niya para sa house project. Nakakainis naman kasi!
Nakikialam pa kasi siya sa pagpapatayo ng bahay niya bakit hindi na lang iasa sa
team ko. Gusto ko mura lang yung materyales para ang unang guguhuan ay sila ni
Marcella.
- 74 -
"Kung painumin mo man lang kaya ako ng tubig? Ganyan ka talaga sa mga
kliyente mo?" tanong niya na medyo naaasar. Edi mamatay ka diyan sa uhaw!
Kinuha ko sa kanya yung blueprint at naupo dun sa upuan ko.
"Sana bago pumasok dito nanghingi ka na ng tubig sa sekretarya ko diba? Hindi
restaurant 'tong opisina ko kaya bakit naman ako mag-aalok ng tubig o kahit ano
pang inumin?" pagtataray ko. Okay. Nagsinungaling ako. Ang bait ko kaya sa mga
kliyente ko. Haha. Pagagalitan na naman ako ni Boss Brooke nito.
"Bwisit." bulong niya pero siyempre matalas pandinig ko.
"Mas bwisit ka naman." sabi ko din pero sa blueprint lang nakatutok yung mga
mata ko. Muli kong iniangat yung ulo ko at tinignan siya ng nagtataka.
"Ano bang tinatayo mo diyan? Maupo ka nga." itinago ko ang ngiti ko ng padabog
siyang naupo. Kawawa naman mukang hapong hapo. Bakit ba kasi ang init sa labas
ngayon. Sus. Bakit nga ba naaawa ako dito. Naawa ba siya sakin dati nung umiyak
ako? Hindi naman diba? na-dehydrate na ko at lahat kakaiyak tapos wala man lang
siya para aluin ako. Mamatay talaga siya sa uhaw.
"Ano bang problema mo?" tanong niya sakin na medyo naaasar na.
"Wala. Baka ikaw ang may problema?" tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Hay ewan." bulong na naman niya sarili niya.
"Oh ano na ngang kailangan mo dito? Sinasayang mo ata oras ko eh." ang harsh
ko alam ko. Iba ang harsh sa bitter pwede?!!
"Ang baba nung kisame gusto ko sana taasan." sabi niya habang tinuturo yung
part ng design. Ito mahirap pag same kayo ng field ng kliyente mo ang daming arte!
Ang daming reklamo! Nakakaimbyerna. Sa tingin ba niya hindi ko pinag-isipan 'tong
design ko?!!
"Bakit naman natin tataasan ang kisame? Kung may rooftop sana 'tong townhouse
mo okay lang taasan. Okay na yan. Sakto nga lang eh." sabi ko habang binabalik sa
kanya yung blueprint.
"Bahay ko 'to kaya ayos lang ang adjusments." sabi niya na medyo naaasar na. Eto
na naman po. Nagkokontratahan.
"Eh ako nga architect kaya dapat ako masunod. Alam mo humanap ka na lang ng
- 75 -
ibang architect kung talagang madami kang reklamo. Madami pa kong kliyente kaya
please!! Kung ayaw mo ng design ko edi maghanap ka ng iba. Punyeta!" ayan
nahahawa na talaga ko kay Jackie. Nakakaasar lang kasi eh!
"Okay. I'm sorry! Gusto ko lang talaga maging perfect 'tong bahay. Para sa
babaeng pinakamamahal ko 'to." bakit ganun? Parang may tumurok sa puso ko.
Hala! Ano ba 'tong nararamdaman ko. Para kay Marcella talaga 'tong bahay na 'to?
Naks! Ganda lang ni Marcella ha?
Tangina!!
I AM NOT JEALOUS?!!
to be continued...
A/N: SORRY FOR EXPLICIT WORDS. HINDI USO CENSORED DITO. BE
OPEN MINDED.
WALANG LESSON SA UPDATE NGAYON. WALA AKONG MAISIP EH.
HAHAHA.
SORRY. LAME UPDATE.
EVEN IF I LOVE YOU STILL - Theme song ng ONCE UPON A BRIDE
VOTE. COMMENT. RECOMMEND
- 76 -
Chapter 16
Chapter 16
Sheila's POV
"Okay. I'm sorry! Gusto ko lang talaga maging perfect 'tong bahay. Para sa
babaeng pinakamamahal ko 'to." bakit ganun? Parang may tumurok sa puso ko.
Hala! Ano ba 'tong nararamdaman ko. Para kay Marcella talaga 'tong bahay na 'to?
Naks! Ganda lang ni Marcella ha?
Natahimik ako saglit sa sinabi niya. Hindi ko mahanap kung ano ba yung isasagot
dun. Nakakabwisit naman! Ano naman kung para kay Marcella yun diba?!!
"Gusto ko din namang maging satisfied ang client ko sa trabaho ko lalo na sa
designs ko." sabi ko.
"Bakit hindi na lang tayo magkasundo? Tulungan mo kong makahanap ng matibay
na materyales na hindi makakasira sa naiisip mong design ng bahay? What do you
think?" he asked calmly.
Napataas yung kilay ko kasi ngayon lang kami nag-usap ng 'civil'. Sabagay
trabaho lang naman 'to pero pesonalan. Ayoko na ngang matawag na bitter ni Luigi
kaya papayag na lang ako. Tumango lang ako sa kanya at nakita kong sumilay ang
isang ngiti sa kanya. Actually it's a grin. Okay? Masaya siya? May binabalak ata
'tong King na'to. Arghh!! Basta gagawin ko lang ang trabaho ko. Pumikit ako ng
mariin para makapag concentrate. Bakit ba kasi ang gwapo niya lalo na pag
nakangiti?!!
"Good. Mainam na yun para mas maging maganda yung trabaho natin." sabi niya
at lumawak pa yung pagkakangiti sa akin. Ngumiti lang ako ng peke pero siyempre
ano ko baliw? Bakit naman ako papayag na maging okay kaming dalawa?!
Bwahahaha. Papahirapan ko pa din siya no.
"Pwes simulan na nating magtrabaho ngayon." tumayo at kinuha na yung bag ko
pati na din yung drawing tube.
"H-ha?! Trabaho na agad? Ni hindi pa nga tayo kumakain ng lunch eh." napatayo
siya sa upuan at hinarap ako na palabas na sa pintuan. Hinarap ko siya at nagkibit
balikat.
- 77 -
"So?" patay malisya kong tanong sa kanya. Ang totoo niyan nag early lunch na ko
kaya wala akong pakialam sa aknya kung hindi pa siya kumakain.
"Wala ka bang balak na kumain man lang?!" nagulat ako ng bigla niya akong
hawakan sa wrist at iginiya palabas ng opisina ko. Nagpapatangay lang ako sa kanya
dahil nakatuon yung atensyon ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Bakit ganito
yung pairamdam?!! Ramdam ko yung init ng katawan niya. Naalala ko yung mga
kamay na yun! Walang pinalampas na parte ng katawan ko ang nahawakan nun.
Ilang saglit pa ay natauhan din ako kaya naman napatigil ako sa paglalakad at
mabilis na binawi ang kamay ko. Natigilan din siya sa ginawa ko. Hinarap ko lang
siya na may galit sa mga mata ko.
"Ayokong kumain naiiintindihan mo? Magtatrabaho na tayo!" I snapped at
tinalikuran na siya upang dumiretso sa car park. Natigil na naman ako ng hawakan
niya ko sa braso at iniharap sa kanya. Buti na lang at medyo malapit na kami sa car
park kaya walang masyadong nakakakita sa amin. Nagsukatan lamang kami ng
tingin at sa huli siya ang unang yumuko. Nagbuntong hininga siya bago nagsalita.
"Bakit ba?! Ikaw lang naman ang inaalala ko ah?" bahagya akong natigilan ng
haplusin niya yung mukha ko.
"Pumayat ka alam mo ba yon? Twing kelan ka lang ba kumakain ha?" tinapik ko ng
malakas yung kamay niya paalis sa mukha ko.
"Wala kang pakialam at wag kang makialam sa buhay ko. Kung ayokong kumain
ayoko! Naiintindihan mo ba yon?! Sanay akong mamuhay mag-isa!" mariin kong sabi
sa kanya. At tinalikuran na siya. Napatawa ako ng sarkastiko.
Nag-aalala siya sakin ngayon? Pero bakit noon hindi? Dumiretso na ko sa loob ng
kotse ko at pinaandar na ang engine. Mabilis kong pinaandar yung kotse ko palabas
ng car park. Bahala siyang sumunod sa akin.
King's POV
Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang aasahan ko? Siya si Sheila eh.
Napailing na lang ako at sinundan siya sa car park buti na lang at hindi
nagkakalayo
yung kotse namin. Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Tsk. Kita mo
yung babae na yon ang bilis magmaneho. Hindi ba siya natatakot na maaksidente?!
Ako kinakabahan sa kanya eh.
Naalala ko na naman yung pagtatalo namin kanina, akala ko naman
- 78 -
makakapag-usap na kami ng maayos pero lalo pa ata nagalit sa akin. Argh!
Nag-aalala lang naman ako. Nasabi sakin ni Luigi na lagi daw talagang wala sa oras
yung kain ni Sheila. Mayaman naman siya ah? Bakit kailangan pa niyang
magpakamatay ng ganito sa pagtatrabaho? Yung 100,000 dollars nga na hiningi niya
noong divorce namin eh sapat na para mamuhay siya na parang prinsesa tapos
ngayon nagpapakamatay sa kakatrabaho.
Lalo siyang gumanda sa paglipas ng panahon at ganun pa din ang hubog ng
katawan niya. Balingkinitan ngunit sexy. Mas lalo nga lang sumeryoso yung mukha
niya. Namimiss ko na tuloy yung mga ngiti sa labi niya. Nakikita ko naman ngayon
pero hindi naman niya sakin ibinibugay eh.
Mas binilisan ko pa yung pagpapatakbo ko sa kotse dahil sobrang bilis ng takbo ni
Sheila lalo na ng lumagpas kami SLEX. Shit! Gusto ba niyang maaksidente?!!
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng bumagal na yung takbo niya, hindi
ko alam yung lugar na ito pero medyo liblib kasi yung lugar eh. Papasok sa isang
kanto tapos puro bukid na yung paligid.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Naalala ko yung galit na galit na mga mata ni
Sheila. Mukhang malaki galit sakin ng babaeng yun ah. Dito ba niya ko balak
i-salvage? Kinabahan naman ako bigla. Napalunok na lang ako ng tumigil sa isang
burol si Sheila kaya naman inihinto ko na din yung kotse ko.
Nakakatakot naman yung aura ni Sheila. Sus. Lagi naman akong takot sa kanya,
kami pa nga lang natatakot na ko sakanya pag nagkakatampuhan kami. Kaya nga
kahit hindi ako yung may kasalanan ako pa din yung nagsosorry para lang
magkabati kami. Kilala ko kasi siya na ma-pride hinding hindi siya ang magsosorry
kahit na siya pa ang may kasalanan.
"Hindi mo gusto yung lupa sa Batangas diba? Isa 'to sa property ng Crisostomo
Real State. Ito yung second choice ko para sa house project. Pwede mong i-check."
nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko dito niya ko babarilin o kaya ihuhulog
sa burol eh. Pero bakit naman niya ko papatatayin?!! Sira ulo ko din eh.
"Hehe. Akala ko dito mo isasalvage." napakamot ako sa batok ko at natawa.
Naningkit yung mga mata niya at humalukipkip. Ang suplada niya talaga pero ayos
lang yun naman kasi nagustuhan ko sa kanya noon pa lang.
"Alam mo kung papatayin man kita hindi lang kita basta basta ihuhulog sa bangin.
Pwede naman kitang balatan ng buhay tapos pagulungin sa asin idonate ang
katawan mo kay Lolong. Mas maganda yun diba?" taena talaga! Ang brutal talaga
- 79 -
nito. Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas. Yung tawang matagal ko ng hindi
nakikita. Kailan ko nga ba huling narinig yung tawa na yun. Yung tawang
nakakawala ng lahat ng problema. Pinagmasdan ko lang siya habang masaya pa din
siyang tumatawa. Ang ganda niya lalo kapag tumatawa.
"Hahahahaha!! Namutla ka King!! Muka kang tanga!! Hahahahaha!!"
Namamangha lang akong napangiti habang tinitignan siya habang tumatawa.
Malayo sa seryosong office girl na si Sheila. Bigla na lang akong nakaramdam ng
lungkot. Naalala ko noon, pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng lalaki dahil
ako lang ang nakakakita ng tunay na si Sheila. Ako ang kasama niya sa bawat tawa't
halakhak niya noon, sa pag-iyak niya sa tuwing namimiss niya yung magulang niya
at ang kasama niya sa mga pangarap niya. Paanong sa isang iglap naghiwalay na
lang yung landas ng mga pangarap namin.
Sheila's POV
Hahahahaha!! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa dahil sa reaksyon ni King. Akala
ata eh may balak akong patayin siya dito sa isang isolated place. Actually naisip
ko
na yan before pero hindi ko naman ginawa. Hahahaha!! Lalo pang namutla nung
niloko ko!! Hahahaha.
Hay grabe! Ang tagal ko na din atang di nakakatawa ng ganito. Sobrang epic lang
kasi. Hahahha.
Napatigil ako ng maramdaman na mataman lang akong tinitignan ni King.
Napatahimik ako sa pagtawa. Unti unti siyang lumapit sa akin at tinitigan ako sa
mga mata. Bigla na lamang bumilis yung tibok ng puso ko at animo may mga
kuryente na dumadaloy sa mga ugat ko.
Bago pa ko nakapag-isip ay inilagay na niya ang kamay niya sa batok ko at
inangkin ang mga labi ko.
to be continued...
LESSON: There's no point saying sorry all the time. When its not your
fault, don't apologize; when it is, make up for it.
SORRY SA SABAW NA UPDATE!! HAHAHA. NAGUSTUHAN NIYO?
COMMENT NA!!
BONITABABYY
- 80 -
Chapter 17
Chapter 17
Sheila's POV
Napatigil ako ng maramdaman na mataman lang akong tinitignan ni King.
Napatahimik ako sa pagtawa. Unti unti siyang lumapit sa akin at tinitigan ako sa
mga mata. Bigla na lamang bumilis yung tibok ng puso ko at animo may mga
kuryente na dumadaloy sa mga ugat ko.
Bago pa ko nakapag-isip ay inilagay na niya ang kamay niya sa batok ko at
inangkin ang mga labi ko.
Napapikit ako at sinubukang pumalag ngunit traydor ang katawan ko kahit na
umaayaw ang isip ko. Ilang taon ko na din bang hindi naramdaman 'to. Naiinis ako.
Bakit sa isang dampi lang ng labi niya ay nawawala lahat ng galit at hinanakit ko
sa
kanya? Bakit ba namimiss ko itong mga haplos niya at mga halik.
Lumalim ang pinagsasaluhan naming halik at napakapit na ko sa batok niya. Halos
mapugto ang mga hininga namin. Akala mo bumabawi kami sa ilang taon na
pagkakahiwalay. Ito yung pinakakinamumuhian kong pakiramdam. Yung kahit na
galit ako pero oras na nasa mga bisig ako ni King nagiging mahina at feeling ko
hindi ako nag-iisa. Eto na naman, pinaparamdam na naman niyang nasa tabi ko siya
lagi at hindi niya ko iiwan ngunit kabaligtaran naman lahat ng yun.
Naramdaman ko na lang yung mainit na likido na dumadaloy sa pisngi ko na
siyang naging dahilan kaya napabitaw sa akin si King. Bakas sa mukha niya ang
pagkalito at pag-aalala. Habang ako ay yumuko lang. Ewan ko ba. Nasasaktan na
naman ako. Hindi ba talaga kaya ng isang tao na maging manhid na lang?
Napakaimposible ba na hindi masaktan ang isang tao?
"What's wrong?" tinangka niya kong lapitan ngunit lumayo ako. Frustrated na
lamang niyang binaba ang mga kamay niya. Ngayon pa niya papahirin ang mga luha
ko? Ngayon pa kung kailan huli na ang lahat?! Tinatagan ko ang sarili ko. Kung may
isang bagay akong kakamuhian sa sarili ko ay ang sitwasyon na umiiyak ako ngayon
sa harapan ni King. Pinahid ko ang mga luha ko at hinarap siya.
"Wala kang karapatan na halikan ako!! Akala ko ba magtatrabaho tayo as civil and
professional?!! Pinapaalala ko lang sayo Mr. King Romualde na ikakasal ka na."
- 81 -
mahinahon ngunit mariin kong sabi sa kanya. Agad naman siyang yumuko at
huminga ng malalim.
"Look I'm sorry. Nadala lang talaga ko. Namiss kasi kita." peste! Bakit ang sincere
ng pagkakasabi niya?!! Eto na naman ako at humihinahon sa mga sinasabi niya. Ako
na naman ang talo sa laban na'to oras na magpakita ko ng kahinahaan.
"Namiss? Bakit mo naman ako mamimiss? Tandaan mo tapos na ang lahat sa atin
King. Kaya tigilan mo ko sa mga drama mong yan. Sawang sawa na ko sa mga salita
mo." malamig kong sbai sa kanya at tinalikuran na siya patungo sa kotse ko. Muli
akong humarap sa kanya bago sumakay sa loob sa kanya.
"And one more thing King Romualde. Hindi na ko ang babaeng mapaglalaruan
mo." sumakay na ko sa kotse at pinaharurot ito. Napa busina na lamang ako ng
mariin dahil sa sobrang pagka-asar.
Yung pakiramdam na akala nila manhid na ako pero ang totoo ang sakit
sakit pa din.
Hindi ko na naman napigilan ang mga traydor kong luha.
Maaga akong nagising. Hindi kasi ko nakatulog. Aaminin ko magdamag na naman
akong umiyak. After 5 years ngayon lang ulit ako umiyak at ang nakakaasar noon ay
siya na naman ang dahilan kung bakit umiyak na naman ako. Nakakasawa na din eh.
Ginawa ko na naman yung routine ko at pumasok na sa opisina.
"Roxy? I need my coffee. Now." sabi ko sa intercom sa sekretarya ko.
Ilang saglit lang ay pumasok na si Roxy sa opisina ko at iniabot yung kape ko. Like
what I've said before hindi ako nagbbreakfast. Wala na kong panahon na kumain ng
breakfast at nasanay na din naman na siguro yung sikmura ko sa dalas na malipasan
ng gutom.
"Ma'am may bisita nga po pala kayo." sabi ni Roxy habang inilalapag yung kape sa
table ko. Napaangat yung ulo ko sa kanya at nagtatakang tinignan siya.
"Ang aga naman ata?" tinignan ko yung wristwatch ko at 8:45 pa lang ng umaga.
"Bibisita lang daw po sainyo Ma'am hindi daw po siya magtatagal." sabi ni Roxy.
- 82 -
"Sino daw?"
"Si Madam Emily Romualde daw po." nagulat ako pangalang binanggit niya. Yung
babaeng sumira at tumapak sa pagkatao ko. Sino pa ba? Edi si Emily Romualde ang
ex mother-in-law ko.
"Oh talaga? Mukang namiss niya ko. Papasukin mo." I said sarcastically.
"A-ah sige po Ma'am." sumandal ako sa swivel chair ko at hinintay ang unexpected
guest ko.
Pumasok siya at nakangiti na mapang-asar. Kaninong mukha ko ba nakita yung
ganitong ngiti? Tumayo ako at hinarap siya. Ngumiti din ako na mapang-asar. Wala
pa din pinagbago 'tong bruhilda na'to. Laking Vicky Belo pa din. Banat na banat ang
face. Shit!
"Sheila. How are you?" sarkastiko niyang sabi habanag iniikot ang mga mata nito
sa loob ng opisina ko.
"I'm good. Kayo po Madam?"
"Mabuti naman. Mukang mayaman ka na ah? Sino naman ang D.O.M mo ngayon?"
nawala yung mga ngiti ko sa labi at sinaniban na ng masamang aura. Hindi ko na
hahayaan na makatanggap pa ng kahit anong pang iinsulto mula sa kanya. Hindi na
ngayon.
"Oo nga eh. Mayaman na talaga ko. Pero mukang mas mayaman kayo sakin
Madam. Napapabanat nyo pa din kasi yang mga kulubot sa mukha niyo. Magkano po
ba ang ginagastos nyo dyan monthly?" I said sarcastically. Hindi naman sa walang
galang ako sa matatanda pero hindi lang siya karapat dapat na irespeto.
"What?!" natawa ako ng palihim ng hawakan nito ang mukha nito.
"Kailan pa po yung last botox session niyo? Mukang nawawalan na ng effect." muli
na naman akong nangiti ng mag ngitngit na siya sa inis sa akin.
"Wala ka pa din pinagbago Sheila. Wala ka pa ding kwenta at masama ang ugali."
"Thanks. Kayo din wala pa ding pinagbago. Kontrabida ka pa din sa buhay ko.
Kaya kung ako sayo Madam umalis ka na kung ayaw mong lapnusin ko ng umuusok
na kape yang pinagkagastusan niyong mukha." tiim bagang kong sabi. Sa totoo lang
nanggigil na ko sa inis eh.
- 83 -
Tatalikod na sana siya upang lumabas ng opisina ko ngunit,
"SANDALI!!!" pigil ko sa kanya at lumapit.
"Nakalimutan ko sa inyo 'to ibigay 5 years ago."
*PAK!
Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal at tinitigan lang siya na puno ng
galit. Nagulat ata siya sa ginawa ko at hinawakan lamang ang namumulang pisngi
nito.
"Noon ko pa sana sainyo yan ibinigay. Ciao." I said at tumalikod na para maupo sa
swivel chair.
to be continued....
Ansabe ng update? COMMENT! :)
PARTING TIME TUGTUGAN KO NGAYON.
OKAY! ITONG STORY NA'TO ANG BITTER!! HAHAHAHA.
VOTE COMMENT AND RECOMMEND
BONITABABYY
- 84 -
Chapter 18
Chapter 18
Sheila's POV
Pagkatapos ng eksena namin kanina ng mama ni King ay muli na naman akong
nanghina. Ang galing mong umarteng matapang Sheila pero ang totoo naman
mahina ka talaga. Umiiyak na naman ako ngayon. Binuksan ko yung drawer ko at
inilibas ang isang picture. Hinimas himas ko iyon habang patuloy pa din ang
pag-iyak. Tangina! Ang sakit pa din talaga eh! Lalo na pag nakikita ko yung mama ni
King. Kasalanan niyang lahat 'to eh. Kinuha na nga niya si King pati ba naman yung
kaisa-isang kayamanan ko inilayo pa niya sa akin.
Sariwa pa din sakin yung ala-ala kahit limang taon na ang nakakaraan. At kahit
kailan hindi maghihilom yung sugat na ibinigay nila sa akin. Parang pinatay na din
nila yung puso ko sa ginawa niya.
FLASHBACK
Labag man sa loob ko pinirmahan ko yung divorce papers. Ano pa bang laban ko?
Ayaw na sakin ng asawa ko este ayaw na pala samin ngasawa ko. Hinipo ko yung
impis ko pang puson. I'm 2 weeks pregnant. Hindi ko na naman mapigilan ang
mapaiyak sa isipin na lalaking walang ama ang dinadala ko. Hindi ko pa man
nasasabi sa kanya na magkaka-anak kami eh hiwalay na kami. Sinubukan ko namang
sabihin pero nauuna talaga yung galit niya.
Masyadong ng maraming masasakit na salita yung natanggap ko, napapagod din
naman ako.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsimulang mag-impake ng mga damit ko.
Wala naman ng dahilan siguro para manatili pa ko sa lugar na'to. Hindi naman na ko
parte ng buhay niya. May bago na nga siya diba?
Matapos mag-impake ay kinuha ko na yung passport ko sa lamesa, naiwan doon
ang divorce papers na pirmado ko na pati na din yung spare key nitong bahay.
Masakit mang iwan ang lahat lalo na si King pero wala na kong magagawa. Hindi
nga lang siguro ganito ang nababagay sa akin. Muli kong hinawakan ang impis kong
puson at huminga ng malalim.
- 85 -
"Hindi ko naman kailangan matakot. Hindi na naman ako nag-iisa. Diba baby? Di
mo iiwan si mommy diba? Tayo lang ang magkakasama sa susunod pang mga taon.
Mabubuhay naman tayo kahit wala ang daddy mo eh." lumabas na ko ng condo unit
at hinila ang maleta ko patungo sa elevator.
Malamig sa labas ng building pero dahil kakarampot lang naman yung pera ko ay
pinili ko na lamang maglakad patungo sa bus station kahit na malamig ang simoy ng
hangin.
Muli na namang bumalik sa akin yung ala-ala nung makita ko si King at Marcella
sa isang restaurant, yung masasakit na salita at ang pakikipag hiwalay niya sa
akin.
Nasa malalim akong pag-iisip ng makarinig ako ng malakas na busina mula sa kanan
ko. Napahiyaw ako ng makita ang parating na kotse. Nakakasilaw yung liwanag.
Nakakabingi ang busina. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko paalis sa gitna ng
kalsada. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Maingay dito sa ambulansya, gising ako alam ko yun. Nakikita ko ang mga nurses
na nagkakagulo. Madaming dugo ang kamay ko. Kahit na hirap sa pagsasalita ay
pinilit kong magsalita.
"S-save my b-baby. Please! S-save my baby." I begged.
"We will try our best to save the both of you." sabi ng nurse.
Gising pa din ako ng makarating kami sa hospital. Pinipilit ko ang sarili ko na
huwag mapapikit kahit napakabigat na ng mga talukap ko.
Nakita kong may kausap na pamilyar na babae ang doctor. Pinilit kong idilat ang
mga mata ko at nakita si mama.
"M-ma. M-ma." mahina kong sabi.
"We have to choose between the mother and the fetus. The mother is in the state
of grave condition, she might die if we do not remove the fetus." kahit na nahihilo
na
ko ay naintindihan ko pa din ang mga sinasabi ng doctor. Nakita kong tumango si
mama at inabot ang isang papel.
"N-no! Not m-my baby!" pinilit kong sumigaw kahit na namamaos na ako.
"I'll sign the waiver." determinadong sabi ni mama sa doctor. Umiyak na ko ng
umiyak at hinablot ang laylayan ng damit ni mama kahit mamantsahan pa ng dugo
ang damit nito. Hindi nila pwedeng gawin 'to sakin. Ang anak ko na lang ang
natitira
- 86 -
sakin. Wala akong pakealam kahit magmakaawa ako. Hindi maaari ang anak ko.
"Ma! Parang awa mo na! Wag ang anak ko!" pilit niyang inaalis ang mga kamay ko
sa damit niya ngunit hindi ako natitinag.
"Wag naman ang apo niyo! Siya na lang ang meron ako. Please! I'm begging
you!!" tuluyan ng naalis ang mga kamay ko sa damit niya.
"Sheila! Hindi ka makakapagsimula kung may anak pa kayo ni King! Ano
gagamitin mo ang anak mo para makapaghuthot sa pamilya ko?!! Para sayo din 'to."
halos madurog ang puso ko ng makitang pinirmahan na niya ang waiver.
Patuloy pa din ako sa pagmamakaawa habang ipinapasok na ako sa operating
room.
"NOOOOOOOOO!!!!"
At nagdilim na ang lahat sa akin.
END OF FLASHBACK
Pinahid ko ang mga luha ko at ipinasok muli sa kahon ang kaisa-isang ala-ala ko
sa isang anghel na minsan na naging akin. Hindi ko man siya nakita pero hindi
mawawala yung pagmamahal ko sa kaniya bilang isang ina.
Masisisi ba nila ko kung ganito na lamang katindi ang galit ko para sa ina ni King?
Buti pa siya sinaktan ko lang pisikal. Sakin ba naisip niya kung gaano kasakit yung
ginawa niya?! Ina din naman siya ah. Hindi ko naman kailangan 'tong pesteng
karangyaan na 'to. Makasama ko lang talaga yung anak ko kahit magpakalayo layo
na ko.
Nawala ako sa pag-iisip sa nakaraan ng tumunog ang intercom ko.
"A-ano yun Roxy?" tanong ko sa sekretarya ko.
"Nandito po si Ma'am Brooke."
"Sige papasukin mo after 5 minutes. Mag-aayos lang ako." ibinaba ko na yung
intercom at nag-ayos ng sarili. Pinahid ko din ang mga luha ko.
"Hi mare!" bungad ni Brooke pagpasok sa opisina. Sinubukan kong ngumiti at
umarte na okay lang ako. Sus. Sanay naman na ko na umarte ng ganito.
- 87 -
"Hello!" nag beso kaming dalawa at umupo siya sa sofa kung saan talaga ko
tumatanggap ng bisita.
"Gusto mong mag bar?� napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Bar? Si
Brooke nagbabar?
"Hindi ba magagalit sayo yang asawa mo? Sino mag-aalaga kay Yvette?" tanong ko
sa kanya na naghahamon.
"Papaalagaan ko kay Jackie ng may magawa naman sa buhay yun. Hahaha. Tara?"
masayang sabi ni Brooke. Eh hindi nga? Hindi lang talaga ko makapaniwala na si
Brooke pa nag-aaya ngayon. Haha. Naalala ko nung una kaming nagkakilala,
mag-isa lang siya sa Coffee Shop dahil hinihintay niya si Bianca na nasa bar.
Hahaha.
"Hmmm. Sige." kinuha ko na yung shoulder bag ko at inaya siya sa parking lot.
"Yang corporate attire mo isusuot mo?" nagtatakang tanong ni Brooke.
"Yes." I said at sumakay na kami sa kotse papunta dun sa isang bar sa Malate.
Nang makapasok sa loob ng bar ay umupo kaming dalawa doon sa counter.
Hinubad ko yung coat ko at humantad sa mga naglalaway na kalalakihan ang
maganda kong likod. Naka backless lang kasi ako. Marami akong narinig na pumito
at sinabing 'Damn hot!'. Okay. I know right. Haha.
"Naks naman!" sabi ni Brooke at tumawa lang. Kinawayan na niya yung bartender.
"OHHH?!!" nagulat ako ng tinuro niya yung bartender. Nag ngitian silang dalawa.
Siniko ko si Brooke kasi baka mamaya magselos si Yvo.
"Long time no see Brooke!" sabi nung gwapong bartender. Parang nakita ko na
ata 'to hindi ko lang maalala eh. Anyway magkakilala pala sila ni Brooke. Madalas
kaya si Brooke dito?
"Dito ka pala nagtatrabaho? Grabe! Haha." wow! Nakaka OP naman.
"Actually sa akin 'tong bar na'to. Order lang kayo. Treat ko na." tumikhim ako
para naman malaman ni Brooke yung existence ko.
- 88 -
"Ay siya nga pala Stan. This is Sheila my friend. Single and ready to mingle.
Hahaha." tinignan ko ng masama si Brooke at nagkibit balikat lang siya.
"Hahaha! Gusto mo ulit subukan yung 13 Hell Shots?" ngumiti ng nakakaloko si
Brooke at nagulat ako ng tinuro niya ko.
"Itatry niya ang 13 Hell Shots." sabi ni Brooke.
"What?!! Hell no!" I said.
"Masaya yun mare. Try mo lang. Game on!" masiglang sabi ni Brooke
"But?!" nginitian lang ako ni Brooke at tumango kay Stan.
"Okay! Game on!" sabi ni Stan at naghilera ng labing tatlong martini glass sa
harapan ko.
"Ang mechanics ng larong 'to ay dapat maubos mo ang 13 Hell Shots. No time
limit sa larong 'to. Sa ika-labintatlong shot ay dapat nakakatayo ka pa din. Para
mag
game over kailangan mo lang itaas ang baso mo. Deal?" sabi ni Stan. Alam ko
nagbabar ako pero hindi naman yung ganitong lasingan. Ano ko tomador?!! Siniko
ako ni Brooke kaya naman napatango na lang ako. May magagawa pa ba ko eh
napilit na ko ni Brooke.
Maraming ng nakapaligid sa akin gayundin si Brooke na nasa tabi ko. Sino ba
nakaimbento ng pesteng Hell Shots na'to?!! Napasubo pa ko!! May meeting pa ko
bukas eh. Ano ba yan!!
"1st shot. Margarita" agad kong ininom yung glass. Margarita lang naman eh.
"Nice one. 2nd shot. Grasshopper" anuraw? Never heard yun ah. Ininom ko na
lang din. Ang lakas ng hiyawan nung mga tao sa paligid.
"3rd shot. Black Russian" san ba nakukuha yung mga pangalan na yun? Inom. Ang
init sa lalamunan! Akala mo dinaanan ng asido yung esophagus ko. Naku!
Sasabunutan talaga kita Brooke pag kaya ko pang tumayo sa 13th shot.
"4th shot. Gladiator." Anak ng teteng! Di ko kilala mga alak na 'to ah?!! Medyo
nahihilo na ko. Ba yan! Pang 4th pa lang 'to?!!
- 89 -
"Last shot. THE SEX ON THE BEACH!" ang lakas na ng mga hiyawan ng mga tao.
Hindi ko na sila marinig masyado dahil nahihilo na ko, blurred na din yung paningin
ko. Kaya ko 'to! Last shot na lang ba naman. Iinumin ko na sana yung last shot ng
biglang may umagaw nung glass ko kaya naman na out of balance ako. Napasandal
ako sa lalaking umagaw ng shot glass, kahit nanlalabo ang mga paningin ko ay alam
kong si King yun.
"Mine." ininom niya yung last shot ko at ibinaba ito sa counter. Naghiyawan yung
mga tao. Naramdaman ko ang katawan ko na nasa mga bisig ni King hanggang sa
unti-unti ng dumilim ang paligid ko dahil sa labis na hilo.
to be continued...
Ansabeh ng extra na naman ang 13 HELL SHOTS?!! HAHAHA.
Bakit sagad sa langit ang galit ni Sheila kay Emily? Nasagot ko ba? :)
Sabi ko nga po sa status ko sa FB page ko ay magkakaroon po ako ng
quota. Hindi naman po sa demanding gusto ko lang talaga malaman yung
feedback niyo sa story. Kailangan ko po kasi yun para malaman if effective
writer ako, hindi naman po kasi ako nagrerely sa dami ng votes. Pwede
niyong sabihin if may nakikitaan kayo ng loopholes sa story na'to. Hindi
naman po ito obligado lalo na sa mobile readers naiintindihan ko po kayo.
Salamat po.
100 comments per chapter.
Thank you! Sorry na din po. :'(
BONNY
- 90 -
Chapter 19
Chapter 19
King's POV
Nag-aya si Marcella na mag bar kaming dalawa dahil nababato na daw siya sa
mansion. Sus. Wala naman akong pakialam kung mabato siya sa mansion eh. Tsk.
Sumama lang ako sa kaniya dahil gusto kong mapag-isip. Nag-iisip ako kung paano
maibabalik sakin si Sheila. Pahirapan na naman panigurado 'to, baka hindi lang ako
21 times na mabasted nito. Sabi nga nila ang tunay na nagmamahal manliligaw kahit
0.001% lang ang pag-asa. Iinom ko na nga lang 'to.
"Tara honey! Let's dance!" aya sakin ni Marcella. Tangina. Umiinom ako dito eh.
Binawi ko lang yung braso ko at tahimik na sumimsim sa iniinom kong brandy.
Dapat pala sa bahay na lang ako uminom mag-isa ang ingay kasi dito sa bar, hindi
din ata ako makakapag-isip ng matino dito.
"King naman eh! Sige ka makikipagsayaw ako sa iba!" asa namang magselos ako.
Mabuti pa ngang makipagsayaw siya sa iba at naaasiwa ako pag dinidikita niya ko.
"Sige lang." walang gana kong sagot sa kaniya at itinuon na lang ang pansin ko sa
alak.
"Hay! Bahala ka nga diyan!" padabog niyang sabi at tumalikod sa akin patungo sa
dance floor. Maya maya pa ay nakita ko na siyang nakikipaglandian sa dance floor.
Napailing na lang ako at ininom ng isang lagok yung natitirang alak sa baso ko.
Tumayo na ko sa kinauupuan ko para lumabas na lang sana sa bar at doon
tumambay sa kotse ngunit nakuha ng atensyon ko yung mga taong naghihiyawan sa
may bar counter. Anong meron?
"Tutumba na yan!!" sigaw nung isang lalaki.
"2 more shots!! Kaya mo yan girl!" sigaw naman nung babaeng katabi nito.
Lumapit pa ko sa counter at nakita yung babaeng nakatalikod. Likod pa lang ulam
na ah. Ay shit! Mas maganda likod ni Sheila sa kanya. Parang nahihilo na yung
babae kasi parang napipilitan na lang ubusin yung dalawang shots. Nabigla ako ng
makita si Brooke, yung kaibigan ni Sheila. Anong ginagawa dito nun? Alam ko may
- 91 -
asawa na si Brooke ah? Lalo akong lumapit sa kanila at nagulat na lang ako ng
makita si Sheila na pinagkakaguluhan. Hindi ko alam kung anong nangyayari dito
pero madaming nakahilerang baso sa counter. Wag mong sabihin siya lahat ang
umubos nun?!!
Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong madaming lalaki ang naglalaway sa
ex-wife ko kaya naman agad akong lumapit sa kanya at inagaw yung isang baso.
Halos mawalan ng balanse si Sheila kaya naman agad ko siyang inalalayan sa
bewang.
"MINE!" I said at inisang lagok ang alak. Buti na lang at hindi pa ko masyadong
lasing. Naramdaman ko na nakatulog na si Sheila kaya naman kinarga ko na siya at
humarap kay Brooke.
"Ako ng maghahatid sa kanya." sabi ko kay Brooke.
"K-King? A-ah sige! Teka ha? Hahanapin ko lang yung susi ni Sheila." mabilis
niyang kinuha yung bag ni sheila at kinalkal ang gamit nito.
"Naku! Parang nasa bulsa ata ni Sheila eh."
"Ako na lang kukuha. Salamat. Ihatid na din kita." sabi ko.
"Okay lang no! Siya na lang ihatid mo. Naks naman! Close pa din pala kayo? Si
Sheila talaga masikreto eh. Haha. Sige papasundo na lang ako sa asawa ko." hinatid
niya ko hanggang sa parking lot kung nasaan ang kotse ni Sheila.
"Ito nga pala yung address niya. Salamat talaga King ha? Nice to see you again."
tinapik ni Brooke ang braso ko bago umalis ito. Isinakay ko na si Sheila sa front
seat
at tinitigan muna ng ilang sandali ang maganda nitong mukha.
Bahala na si Marcella umuwi mag-isa. Tss. Wala akong pakialam dun. Mas
mahalaga makauwi ng maayos 'tong mahal ko. Tangina. Korni. Tumingin ako sa
natutulog na si Sheila at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa maganda
nitong mukha.
Nakarating din ako sa condo unit ni Sheila. Sa 5th floor pa pala 'tong unit niya
kaya naman nangalay ako sa pagbuhat sa kaniya. Nagpatulong na lang ako sa guard
na buksan yung unit niya dahil hindi ko maibaba si Sheila.
- 92 -
Agad kong inihiga sa kama si Sheila at inalis ang sapatos nito. Bahagya lamang
siyang umungol at bumalik muli sa pagkakatulog. Inilibot ko ang paningin ko sa
kabuuan ng kwarto niya. Plain lang at walang kaayos ayos. Parang di lang nalalayo
sa opisina niya 'tong bahay niya ah?
Lumabas ako ng kwarto niya at nagpunta sa kusina para tumingin ng pagkain.
10pm pa lang pala kaya naman naghanap ako ng pwede kong iluto para sa kanya,
baka kasi magising siya at gutumin. Walang kalaman laman yung ref niya? Eh ano
kinakain niya? Napailing na lang ako. Hindi talaga niya inaalagaan ang sarili niya.
Kung dati nagpapakamatay siya sa pag-aaral ngayon naman sa trabaho.
Buti na lang may bigas siya akala ko display lang 'tong kusina niya eh. Medyo
sanay naman ako magluto dahil nga wala naman kaming dalawa noon sa America
nung nagsasama pa kami. Makatapos magluto ay binalikan ko siya sa kwarto at
nakitang payapa pa din pagkakatulog nito, mabuti yun tahimik naman pala siya pag
nalalasing eh.
Pumunta na lang ako sa banyo upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo,
mapunasan nga ng mahimasmasan. Pagkalabas ko ng banyo ay naibagsak ko yung
basin dahil agad akong lumapit kay Sheila. Maghuhubad ba naman sa harapan ko?!!
Tangina! Wala namang ganyanan. Lalaki pa din ako! Kahit ba nakita ko na lahat yan
eh. Agad kong hinila pababa yung damit niya.
"Ang ineeeeeeeet!!" sigaw ni Sheila. Pilit pa din niya hinuhubad yung damit niya.
Ano ba 'to! Wag namang ganito Sheila. Pinapahirapan mo ko eh.
"Wag ka namang maghubad!" arghhhh!!
"Eh bakit ba?!! Sino ka ba ha?!!" di ata ako nakikilala nito ah.
"Ako 'to si King." sabi ko habang inihihiga siya sa kama.
"King?!! Yung p*tanginang King na yun?!!" nagulat naman ako sa pagkakamura
niya sakin. Ano ba nagawa ko at galit na galit siya sakin.
"Tarantadong yun! Pagkatapos akong iwan at ipagpalit sa mukang Babaeng Tipus
na yun! Ano akala niya mahal ko pa siya?!! GAGO!" kung nakakamatay lang yung
mura malamang patay na ko. Nahawa na ata 'to kay Jackie. Di na niya ko mahal?
Sakit ah.
"Ano bang ginawa niya sayo? Diba dapat siya pa nga magalit sayo kasi pinagpalit
mo siya sa pera?"
- 93 -
"PERA?!! SA KANYA NA AT DUN SA NANAY NIYANG BANAT ANG MUKHA
YUNG PERA NILA! ISUSUNGALNGAL KO PA SA KANILA YUNG PERANG PADALA
NILA!! HINDI KO KAILANGAN NG PUTANGINANG PERA NA YON!!" sigaw ni
Sheila pero nagulat ako ng may luha ng pumapatak sa mga mata niya. Bakit ba siya
nagkakaganito?
"MAIBABALIK BA NUN LAHAT NG NAWALA SAKIN? NABABAYARAN BA NG
PERA Y-YUNG.." bigla na lamang siyang umiyak ng malakas. Niyakap ko lang siya at
tinapik ang balikat niya.
"I'm so sorry. Hindi ko alam kung ano yung pinagdadaanan. Alam ko nasaktan kita
ng sobra. Ang laki kong gago eh." nasasaktan akong makita na ganito ang babaeng
pinakamamahal ko. Ang gago mo talaga King. Kung talagang mahal ko si Sheila una
pa lang di ko na siya hinayaan na masaktan pa. Gago!
Inihiga ko si Sheila sa kama at tinitigan ang maganda niyang mukha.
Napakaganda niya, sana ganito na lang siya lagi, payapa at parang walang
iniintindi.
Namimiss ko na ang Sheila ko.
Hinawi ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. Nagulat na lamang ako ng may
humawak sa mukha ko.
"Alam mo kamukha mo siya?" may amnesia nga ata talaga si Sheila pag lasing.
"Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ito." ang tagal kong hinintay ang
pagkakataon na 'to. Ilang gabi ba ang nagdaan na hindi ako makatulog dahil sa
sobrang pangungulila sa kanya. Naging parte na siya ng buhay ko at para kong
namatayan ng malayo siya sa akin. Bakit nga ba naging ganito ang sitwasyon namin?
Ang bilis ng mga pangyayari.
"Naiinis ako! Naiinis ako dito sa puso ko, kahit gano niya 'to sinaktan bakit sa
kanya pa din tumitibok? Ayoko mang aminin pero mahal ko pa din siya at nasasaktan
pa din ako." muli na namang tumulo ang mga luha niya. Hinalikan ko ang pisngi
niya.
"I'm sorry love. Kung mawawala lang yung sakit na nararamdaman mo sa isang
sorry kahit ilang beses pa gagawin ko." I murmured.
Nagulat na lamang ako ng unti-unti niyang inilapit yung mukha niya sa akin. Hindi
ko na naman mapigilan yung urge na halikan siya. Hindi ko na napigilan ang sarili
ko at ako na mismo ang umangkin sa mga labi niya. Narinig ko ang pag ungol niya
ngunit wala naman pagtutol mula sa kaniya. Napadiin siya sa kama ng laliman ko pa
- 94 -
ang halik. Akala mo siya isang gamot na oras na matikman mo ay hindi mo na
mapipigilan ang sarili mo. I love her sweet lips. I love everything about her.
Lalo pang lumalim ang pinagsasaluhan naming halik at naramdaman ko ang
pagbaba ng kamay niya sa butones ng polo ko. Mali 'to King! Lasing si Sheila at
hindi ako magtetake advantage sa babaeng mahal ko. Nirerespeto ko siya ng husto
gaya nung pagtanggi ko sa bet na inaalok sakin ng mga kabarkada ko. Para sakin
walang materyal na bagay ang makakahigit sa halaga ni Sheila.
Hinawakan ko ang kamay niya at inialis sa polo ko at humiwalay sa kanya.
Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa noo.
"Sleep tight my love."
to be continued...
LESSON: Boys should know how to RESPECT girls.
Ayan na update! Hahaha. Grabe kayo! Ayoko na pala ng quota. :DD
Thank you sa mahahabang comment napasaya niyo ko. I love you guys!!
Si SHEILA in her corporate attire :) ----->
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
PAGKALAT NIYO PO. HAHA.
--BONNY
- 95 -
Chapter 20
Chapter 20
Sheila's POV
Nagising ako na medyo nahihilo at napakasakit ng ulo ko. Ghadd! Hinding hindi
na ko iinom ulit! Ang natatandaan ko lang ay inaya ako ni Brooke sa bar para
mag-inom at sinubukan ko yung 13 Hell Shots yung mga sumunod hindi ko na
matandaan. Andun ba si King? Parang naaninagan ko ata siya eh? Ah basta ang sakit
ng ulo ko! Napabalikwas ako ng bangon kahit na mabigat ang ulo dahil nakita ko
ang oras sa bedside table ko.
"LATE NA KOOOO!!" kahit na mabigat ang ulo ko ay pinilit ko pa ding bumangon
para maligo sa banyo. Naalala ko nga pala na ngayon na namin pag-uusapan ni King
yung final design ng bahay at yung mga materyales na gagamitin. Agad akong
nagmadaling mag-ayos at umalis na ng condo unit ko. Dadaan muna siguro ko sa
opisina. Kinuha ko yung cellphone ko sa dashboard at dinial ang number ni King.
"Hello." bahagya akong natigilan dahil mukang bagong gising pa lamang si King.
"Kakagising mo pa lang?" I asked.
"Oo eh. Tatawagan na sana kita eh. Malelate lang ako ng konti." he said in a husky
voice. Huminga ako ng malalim dahil may isang ala-ala na pumasok sa isip ko.
Naalala ko lang kasi yung mga umaga na gigising ako sa tabi niya at alam na ko na
husky ang boses niya sa tuwing kakagising. Bahagya akong nakaramdam ng
paru-paro sa tiyan ko sa ala-alang yon.
"S-sige." ibinaba ko na agad yung phone at inihagis sa backseat. Tinapik ko na
lang yung manibela para naman mawala yung kakaibang feeling.
"Nakakainis. Bakit nagkakaganito ako?!" sabi ko na lang sa sarili ko habang
nakatuon pa din ang atensyon ko sa kalsada.
Nang dumating ako sa opisina ay humingi ako ng isang tasang kape ay Roxy at
naupo muna sa swivel chair ko.
"Ngayon lang po ata kayo na-late sa trabaho Ma'am." tama si Roxy dahil madalas
- 96 -
ay nauuna pa ko sa kanya dito sa opisina.
"Oo nga eh. Medyo nalasing kasi ako kagabi." sabi ko kay Roxy at hinilot ang
sintido ko na kanina pa kumikirot.
"Wait lang po sa kape Ma'am pampaalis ng hangover yun. Balik na lang po ako."
isinandal ko yung sarili ko sa swivel chair at pumikit muna saglit.
Ilang minuto na din ata akong nakapikit at bahagya kong naramdaman yung
pagbukas ng pinto. Si Roxy na siguro yun, hindi na ko nag-abala pa na idilat ang
mga mata ko at nagrelax na lang ako sa pagkakasandal sa swivel chair ko.
"Salamat Roxy." halos pabulong ko lang na sabi kay Roxy.
KING'S POV
Medyo late na kong nagising dahil halos wala pa kong tulog. Dalawang oras nga
lang ata yung tinulog ko dahil hindi naman agad ako umalis sa unit ni Sheila.
Maliligo na sana ko ng mag ring yung cellphone ko at makitang si Sheila yung nasa
caller's I.D bahagya akong nakaramdam ng excitement pero naisip ko malamang
nagagalit na siya dahil late ako sa usapan namin. Tsk. Super woman ba siya? Akala
mo walang hangover eh.
Mabilis lang akong gumayak at bahagyang humigop sa kape bago umalis ng
bahay. Dumaan muna ko sa pinakamalapit na botika para bumili ng gamit sa hang
over.
"Good morning Sir Romualde." salubong sa akin ng sekretarya ni Sheila.
"Si Ms. Estevan?" hindi ako sanay sa ganito kapormal lalo na kay Sheila pero alam
ko na dapat na kong masanay.
"Nasa loob na po si Ma'am. Pasok na lang po kayo." tumango lang ako at nagtungo
na opisina ni Sheila. Kumatok ako at pumasok ngunit nagulat ako sa nakita ko. Si
Sheila natutulog sa swivel chair. Mukang kulang pa siya sa tulog ah? Lalabas na
sana ko para hindi makaistorbo ngunit biglang nagsalita si Sheila.
"Salamat Roxy." narinig kong sabi ni Sheila. Hindi ba siya natutulog?
- 97 -
Lumapit ako sa kanya at inilapit ang mukha ko sa maganda niyang mukha. Ang
ganda talaga niya pag ganito. Akala mo walang iniintindi at mukang mabait. Haha.
Sinusuri ko yung mukha niya, inaalala ko ulit yung bawat parte nito na minsan ay
hindi nawala sa isip ko. Naalala ko yung mga umaga na gumigising ako na
magandang mukha niya agad ang nakikita ko. Nakakamiss talaga 'tong tigre na 'to.
She used to be mine.
Nagulat ako ng biglang dumilat si Sheila kaya naman napaatras ako.
Sheila's POV
Pakiramdam ko parang may mga matang nakatitig sa akin and I feel so awkward
kaya naman minabuti ko ng dumilat ngunit nagulat ako ng sumalubong sa akin ang
mukha ni King na ilang inch na lang ang layo sa pagitan ng mga mukha namin. Bigla
na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong napaayos ng upo at tinulak siya
ng bahagya upang mapalayo naman yung distansiya niya sa akin.
"Kanina ka pa ba riyan ha?!" mataray kong tanong sa kanya.
"Ahm. Hindi naman. Gigisingin lang sana kita." nagkakamot niyang sabi at naupo
sa katapat kong upuan.
"Pwes gising na ko kanina pa no." I said. Tumango lang siya at may kinuha mula
sa bulsa ng maong niya.
"Gamot nga pala para sa hang over." bahagya akong natigilan sa pagtataray dahil
sa pag abot niya ng gamot sa akin. Teka? Kinikilig ba ko? Arghhh! Padabog kong
hinablot mula sa kamay niya yung gamot at ininom ito kahit walang tubig.
"Salamat. Tara na." tumayo na ko at iginiya siya sa pintuan.
"Hindi muna tayo kakain?" tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy na sa
paglabas ng building upang magtungo sa carpark.
"Isang sasakyan na lang gamitin natin para hindi hassle." I said at inihagis sa
kanya yung susi ng kotse ko. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at dumiretso
na kung saan naka-park ang kotse ko.
Pinagbuksan niya ko ng pinto at sumakay na ko sa front seat habang siya naman
ay umikot para sumakay sa driver's seat. Nagtaka ako ng hindi pa niya binubuksan
- 98 -
yung engine.
"Oh? Bakit ayaw mo pang paandarin?" I asked impatiently. Nanlaki na lang yung
mga mata ko ng bigla siyang dumukwang sa akin. Shit! Paasa! Akala ko yayakapin
ako yun pala ikakabit lang sa akin yung seatbelt. Paasa? Gusto kong yakapin niya
ko?!! Duhh!! Pinaandar na niya yung engine at ang kotse.
"Nasa bar ka ba kagabi?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
"Oo. Lasing na lasing ka kagabi" ibig sabihin hindi lang pala dala ng kalasingan ko
yung pagkakita sa kanya. Ibig sabihin totoo yung nangyari?!! Kasi napaginipan ko
hinalikan ko daw si King? Napaka erotic man ng panaginip ko pero...napatingin ako
kay King at napakagat sa labi ko. Totoo nga ata yun at hindi lang panaginip.
"H-hinatid mo ko?"
"OO. Hindi mo matandaan?" he asked.
"HINDI!!" sinandal ko na lang yung ulo ko sa bintana. Bakit ko naman aalahanin.
Nakakahiya! Hindi ko matandaan yung mga pinagsasabi ko.
Mag-hapon kaming naghanap at nakipag-usap sa mga magiging suppliers ng
materyales ng project. Mag aalas kwatro na din ng hapon ng kumain kami ng late
lunch ni King. Naawa naman na ko simula ala una pa sakin nag-aaaya ng lunch yun
pero hindi ko pinapansin.
"Balik na tayo sa opisina. Ang sama ng panahon." sumilip ako mula sa kotse at
nakitang madilim nga ang kalangitan.
"Dumiretso na tayo sa Batangas. Maaga pa naman. Sayang oras." sabi ko
sumandal sa upuan.
"Gagabihin na tayo pagdating dun? Nagsisimula ng pumatak yung ulan oh."
mukang malakas nga yung hangin, rinig na din yung malakas na kulog at kidlat. May
bagyo ba?
"Tara na! Malapit naman na tayo sa SLEX. Let's go!" mariin kong sabi at wala na
siyang nagawa kundi sundin ako.
Alas seis na ng gabi at sobrang dilim na sa daan medyo nag-aalangan na din ako
- 99 -
dahil alam kong hindi na din namin makikita yung site dahil madilim na idagdag pa
yung malakas na ulan. Mukang may bagyo nga ata.
"Bumalik na kaya tayo?" sabi ko habang sinisilip yung daan. Wala akong makita na
ibang sasakyan medyo walang nagdadaan kasi ngayon hindi ko alam kung bakit.
"Ayan ang sinasabi ko sayo eh." alam ko medyo naiinis na si King pero ano
namang magagawa ko? Ginusto ko bang abutan kami ng dilim?
Nagulat ako ng bigla na lamang huminto yung sasakyan ko at muntikan na kong
mapasubsob kung hindi lang ako naka seatbelt. Mabilis kong inalis ang seatbelt ko
gayundin si King.
"Anong nangyari?!" tanong ko sa kanya. Pareho kaming bumaba ng kotse upang
silipin yung makina kahit na parehas kaming nababasa ng malakas na ulan. Shit!
Ang lakas ng ulan!
"Pumasok ka na sa loob ako ng bahala dito. Baka lamigin ka eh." edi siya na
concern!
Pumasok na lang ako sa loob ng kotse dahil masyadong malamig sa labas. Hay.
Nakakatakot yung kulog. What now?
to be continued...
Predictable ba mangyayari? :) ABANGAN NEXT UPDATE!
THANK YOU GUYS SA PAGSUPORTA!! MAHAL KO KAYOOOO.
Gagawin ko na mga dapat gawin.
--BONNY
- 100 -
Chapter 21
Chapter 21
Sheila's POV
Malakas ang ihip ng hangin lalo na ang pagbuhos ng ulan, nagsisimula na kong
lamigin dito sa loob ng kotse. Binuksan ko ang bintana ng kotse at tinawag si King.
"Hoy! Pumasok ka nga dito sa loob!" sigaw ko kay King na basang basa na ng ulan
sa labas. Pumasok na siya sa driver's seat at kagaya ko nanginginig na din siya sa
lamig.
"M-mukang hindi ko maaayos ang makina. Kailangan nating magpalipas ng gabi
dito." sabi ni King. Nabigla man ako pero wala akong magagawa nasa isolated place
kaming dalawa eh.
"Simulan na kaya natin maghanap ng hotel?" mataray kong sabi at bumaba ng
kotse. No choice naman na ko kundi maglakad sa gitna ng ulan. Ilang saglit pa ay
kasabay ko ng maglakad si King.
"Kasalanan mo 'to eh. Mapilit ka." paninisi ni King sa akin, hinarap ko siya at
namewang.
"Malay ko bang masisiraan tayo ng sasakyan! Bahala ka nga diyan!" nilampasan
ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Yung totoo bakit ang hot niya pag
basa?! Nakakapanibago kahit sabay pa kaming naliligo noong mag-asawa pa kami.
Ay leche! Bakit ba lagi ko na lang binabalikan yung mga panahon na mag-asawa pa
kami?!!
After ng paglalakad sa kahabaan ng kalsada ay may nakita din kaming motel/
drive inn maliit siya pero pwede na din naming tuluyan. Nanginginig na din kasi ako
sa lamig kaya naman agad kong hinila si King sa loob ng motel at lumapit doon sa
information desk.
"Naku Ma'am basang basa po kayo ni Mister ah." bungad sa amin nung babaeng
nasa late 20's
"Nasiraan kasi kami at FYI hindi ko asawa yan!" mataray kong sagot. Nagulat ako
ng bigla akong kabigin ni King palapit sa kaniya.
- 101 -
"Pasensya ka na Miss dito sa asawa ko ah. Medyo may konting tampuhan lang
kami." tinignan ko ng masama si King ngunit ngumisi lang ang loko. Like ewwww!! I
used to be his wife but not anymore!!
"Hahahaha! Normal lang talaga yan Sir sa mag-asawa. Kukuha po kayo ng room?"
"OO! Two rooms!" I said.
"Naku Ma'am isang kwarto na lang po kasi yung available tamang tama
honeymoon suite pa po yun. Madami din po kasi ngayong guests dahil sa pagka
stranded. Pasensya na po."
"Uhmmm. Meron ba yung 2 beds?!!" I asked desperately. Ayoko makasama sa
iisang silid si King for cryin' out loud!
"Bakit naman po? Mag-asawa naman kayo diba?" echuserang babaeng 'to baka
gusto niyang tarayan ko siya. Muli na naman akong inakbayan ni King.
"Pasensya ka na Miss. Nag-aalala lang 'tong si Misis na baka di kami kayanin pag
isang kama lang kaya dapat may extra bed. Hehehe." nanlaki ang mga mata ko sa
sinabi ni King kaya naman mabilis ko siyang siniko sa tagliran. Kinindatan pa ko ng
loko! Psh. Humagikgik lang yung babae at inabot na yung susi sa amin.
"Ay sya nga pala Ma'am wala na din po kaming available na bathrobes pero pwede
niyo pa din ipa-laudry sa amin yung mga damit niyo. Have a wonderful night!!"
inismiran ko na lang yung babae at kinuha yung susi. Parang double meaning yung
dating sakin nung sinabi niya eh.
Naglakad na ko papunta dun sa room, maliit lang 'tong motel at halatang para
lamang sa mga taong stranded o naabutan ng dilim sa daan. Malinis naman siya at
may aircon at t.v din yun nga lang kulang sa amenities yung bathroom. Walang
bathrobe?!! Eh anong isusuot ko?! Etong wet clothes ko?!! Inis. Pumasok na lang
ako sa bathroom at nagsimula ng magbabad sa hot shower, nakakarelax lang ng
sobra yung init ng tubig. Kung may bathtub lang sana dito kanina pa ko naglublob.
Hay!!
Pagkatapos ng ilang minutong pagbabad sa shower ay naisipan ko na ding
magtuyo ng twalya. Pano kaya gagawin ko nito? Arghhh! Itinapis ko na lang yung
twalya sa sarili ko at dahan-dahang lumabas ng banyo. Nakahinga ako ng maluwag
ng walang King na bumungad sa akin. Nasan nga ba yung lalaking yun?! Nang
maramdaman ko yung pagpihit ng seradura ay agad akong tumakbo sa kama at
ibinalot ang sarili ko dun sa loob ng kumot. Hello! twalya lang kaya yung saplot ko
- 102 -
sa katawan. Okay! Sobra akong maka-arte na akala mong virgin pero kahit na
dalaga pa din ako.
"Oh? Giniginaw ka?" tanong sakin ni King habang inilapag yung bitbit nitong
plastic sa bedside table.
"Obvious ba?!! Bakit ba ang tagal mo ha?!" mataray kong tanong at mas inangat
pa yung kumot hanggang sa leeg ko.
"Bumili kasi ako ng pagkain at ng konting beer para hindi tayo lamigin." sabi ni
King at inisa-isa na niyang tanggaling yung butones ng polo niya. Lalong humigpit
yung pagkakahawak ko dun sa kumot. OH NOOOOO!! HOT PACKS!!
"H-Hoy! Ano bang ginagawa mo?!! Sa harap ko talaga dapat maghubad. Alis nga!"
pasigaw kong sabi ngunit natawa lang si King at inilapit ang mukha sa akin.
"Para namang di mo nakita 'to dati. Haha." mapang-asar niyang sabi sa akin.
"Pwes nakalimutan ko na yan no!" pairap kong sabi sa kanya pero ang totoo niyan
eh hindi ko maiwasan na mapatingin sa katawan niya. Nakakainis naman!!
"Makaligo na nga baka mamaya rapin mo pa ko." napayuko na lang ako ng
hinubad na niya yung pants niya at pumasok sa banyo samantalang ako naman ay
napatalukbong na lang sa inis!
Hindi ako mapakali habang nasa loob ng banyo si King, siya naman pakanta kanta
lang!
"HOY! TUMAHIMIK KA NGA KAYA BUMABAGYO EH!" sigaw ko sa kaniya habang
nakasandal ako sa headboard ng kama.
"DITO KA NGA NAINLOVE SAKIN EH!" naaasar na ko kanina pa siya sabi ng sabi
nung mga bagay noon. Ayoko na maalala eh pero di ko maiwasan maki-reminisce sa
kanya.
"HOY ASA KA NAMAN NO!" nagsisigawan kami habang nasa loob siya ng banyo.
After ng ilang minuto at lumabas na din si King na nakatapis lang ng tuwalya!
DROOL!! DAMN!! Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Wala pa lang bathrobe?"
"Oo." inirapan ko lang siya at lalong hinigpitan yung pagkakapit sa kumot.
- 103 -
Napalunok ako ng pumaloob din siya sa kumot at kapwa kami nakasandal sa
headboard. Hindi ako mapakali. Ngayon lang ulit ako may nakasamang lalaki sa
iisang kama and worst ex-husband ko pa!! Inabot ko yung dalawang beer na binili ni
King at inabot sa kanya yung isa.
Tahimik lang kami habang sumisimsim sa lata ng beer. Ang awkward nung
katahimikan pero hindi ko talaga ginusto na mapag-isa pa muli kasama si King.
Ayoko na. Feeling ko anumang oras masasaktan ako sa tuwing nasa tabi ko siya.
"Kamusta ka na pala. Anong nangyari sayo after ng divorce?" he asked.
Hindi ko gusto yung ganitong open forum pero wala akong magagawa kundi
sagutin ito. Ayoko naman ng maging duwag pa. Somehow kailangan ko ding harapin
yung realidad. Nasaktan na ko kaya kung ano pa man yung maririnig at maririnig ko
sa pag-uusap na'to handa na ko.
to be continued...
Ang haba ata nito kumpara sa The Substitute Wife? Haha. Chapter 22 na
pero wala pa ata sa climax. Muli ay binibitin ko kayo. Sorry. ^____^
Sa susunod na update po ulit.
BONNY
- 104 -
Chapter 22
Chapter 22
Hindi ko gusto yung ganitong open forum pero wala akong magagawa kundi
sagutin ito. Ayoko naman ng maging duwag pa. Somehow kailangan ko ding harapin
yung realidad. Nasaktan na ko kaya kung ano pa man yung maririnig at maririnig ko
sa pag-uusap na'to handa na ko.
Huminga ako ng malalim at muling lumagok sa beer ko. Bahagya akong
nakaramdan ng pagsakit ng lalamunan ngunit alam kong hindi dahil sa alak iyon na
nanunuot sa lalamunan ko. Hindi ko akalain na darating yung pagkakataon na
magkaka-usap pa kaming muli ni King ng ganito. Naramdaman ko na hinawakan ni
King yung kamay ko. Ilang beses ko bang pinangarap na mahawakan muli yung
kamay niya? Na maramdaman kung gaano ako ka-safe sa mga kamay niya.
"Bakit ba naging ganito yung sitwasyon natin?" tanong ni King na may halong
hinanakit sa boses nito.
"Hindi ko din alam, nagising na lang ako isang umaga na hindi na katulad ng dati
kung ano yung meron tayo." malungkot kong sabi sa kanya. Nararamdaman ko na
naman yung kirot sa puso ko sa tuwing naaalala yun. Bakit ba ganito ang masaktan?
Sumasakit yung puso ng literal.
Parang inlove na inlove pa kami noon pero nagbago simula nung nagpakasal kami
o sasabihin kong dahil sa nanay niya? Sino nga bang dapat sisihin sa mga nangyari?
Sino ba sa amin ang tunay na nagkulang? Ako ba o siya? Limang taon ko din itong
tinanong sa sarili ko at sa tingin ko dapat ng sagutin. Masaktan na kung
masasaktan, sanay naman na ko.
"Bakit mo ko sinaktan King?" hinarap ko siya at hinayaan na umagos ang mga luha
ko na ilang taon ko ding pinigilan. Gusto kong manumbat! Gusto ko siyang sigawan
sa lahat ng pasakit na naranasan ko!
"Alam mong sayo ko lang pinagkatiwala yung puso ko pero bakit kailangan mo
kong saktan ng ganun?! Alam ko namang minsan manhid ako pero hindi ako bato!!
Nasasaktan ako!!" I said. Ngayon ko lang nailabas ng ganito yung emotions ko
usually nahihiya ako na ilabas yung nararamdaman ko dahil sa pride ko.
"Bakit? Ikaw lang ba ang nasaktan Sheila? Mahal na mahal kita at ikaw lang ang
- 105 -
babaeng minahal ko ng ganito! Sa kabila ng ginawa mo ikaw pa din ang mahal ko
eh!" sigaw din niya sa akin at makikita mo na nasasaktan din siya. Naguguluhan
ako.
"Mahal?! Pero niloko niyo ko ni Marcella at hanggang ngayon kayo pa din tapos
sasabihin mong ako pa din ang mahal mo?!! Pwede ba wag na tayong maglokohan
pa King! Sawang sawa na ko sa mga kasinungalingan mo!!" shit! Ayaw na talagang
tumigil nitong mga pesteng luha ko. Ang pinaka ayoko talagang aminin eh yung
makalipas ng limang taon kay King pa din pala tumitibok ang puso ko.
"Pinagsisihan ko na yung nagawa kong yun Sheila at mali ka ng iniisip sa amin
ngayon ni Marcella. Sinubukan kong humingi ng tawad sayo noon sa America pero
inunahan mo naman ako ng pakikipaghiwalay." nakita ko yung sakit sa mga mata
niya ngunit nangunot yung noo ko sa huli niyang sinabi.
"Ano kamo?! A-ako pa?!! Ikaw ang nakipaghiwalay! Ikaw ang nakipag-divorce!"
galit na galit kong paratang sa kanya ngunit ramdam ko may mali.
"Ano?!! Ikaw ang nagpadala sakin ng divorce papers." nalilito na niyang sabi sa
akin.
"Oo nasaktan ako sa ginawa mo King pero sa tingin mo ganun na lang kita kadali
isusuko? Ikaw yung buhay ko nung mga panahong yun. Ikaw lang ang kaisa-isang
pamilya ko nun! Iniwan mo kong nag-iisa! Tulad ka din nila!" humahagulgol ko ng
sabi at tuluyan ng napadukmo sa mga tuhod ko. Naramdaman ko yung pagyakap
sakin ni King.
"No baby. I'm so sorry sa lahat ng bagay na nagawa ko sayo, alam ko hindi pa
sapat yung lahat ng yun sa mga nagawa ko pero sana patawarin mo pa din ako."
banayad niya kong hinahalikan sa ulo ko. May parte ng pagkatao ko na nakaramdam
ng kaunting ginhawa sa ginagawa niya. Sa bawat dampi ng labi niya ay
nagpapagaan sa bigat na dinadala ko sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag yung kirot
na nadarama ko isa lang ang alam ko NAPAKASAKIT UMIBIG AT MABIGO.
Iniangat ko yung ulo ko at hinarap siya nakita ko na parang tutulo na din yung
mga luha sa mga mata niya. Agad ko yung pinunasan gamit ang daliri ko.
"Nalilito ako. Hindi ko na alam kung ano yung totoo." nahihirapan kong sabi sa
kanya. Dinampian niya ng halik yung noo ko at pinagdikit ang mga noo namin.
"Ilang araw matapos nung insidente paalis na sana ko noon para bumalik sa condo
unit natin pero nakatanggap ako ng sulat mula sa korte na sinasabing nagrequest ka
- 106 -
daw ng divorce at....." napailing si King na akala mo nag-aalangan pa na ituloy ang
gusto nitong sabihin.
"At ano?" tanong ko sa kanya.
"Humihingi ka ng 100,000 dollars" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"100,000 dollars?!! At bakit ko naman kakailanganin nun? Yung araw na din na
yun nakatanggap ako ng divorce papers mula sa korte. Ikaw ang nakapirma doon!
Noong pumirma ka ba may pirma na ako dun?" may mali talaga sa divorce papers
eh.
"Oo. Bakit?"
"Kung ganon? Parehas na peke ang mga pirma natin?!!" bulalas ko.
"Ibig sabihin?......" nagtama ang mga mata namin ni King na kapwa gulat sa
rebelasyon na nalaman.
"MAG-ASAWA PA DIN TAYO!!" sabay naming sigaw ni King.
"K-kasal pa din talaga tayo? Panong nangyari 'to? Damn!" I said
"Pasalamat ka naman na tayo pa din. Sino naman tarantadong gagawa noon?
Sinet up tayo!" ngayon nabigyang linaw na lahat nung katanungan ko. Kung ganon
set up lang pala ang lahat at pinalabas na divorced na kami ni King at kapwa peke
yung divorce papers ganun na din yung mga pirma namin. Parang alam ko na kung
sino yung may kagagawan nito eh pero on the other hand MAG-ASAWA pa din kami
ni King!
"Tama. Sayang ang limang taon." ayan naalala ko na naman! Naiiyak na naman
tuloy ako. Sayang yung luha ko! Nanay lang ni King ang may atraso sakin. Sinira
niya buhay ko. Hinayaan niya na kamuhian namin ni King ang isa't-isa.
"Shhhh. Tahan na baby." hindi biro 'tong ginawa ng mama ni King. Yung sa anak
pa lang namin tapos malaman laman ko siya ang dahilan kung bakit nasira ang
marriage ko?!!
Iniangat ni King ang mukha ko at sinimulang bigyan ng mumunting halik ang mga
labi ko.
"Babawi tayo sa limang taon na nawala love. Alam ko madami ng nagbago at
- 107 -
lumaki yung gap natin pero kung kailangan ligawan kita uli gagawin ko. Walang
araw ang lumipas na hindi kita naiisip at namimiss ng ganito." tuluyan na niyang
inangkin ang mga labi ko at ako naman ay nagpatangay na lamang sa sensasyon.
Sa bawat halik at sa bawat haplos ni King ay ramdam ko ang sinseridad niya. Kaya
ko na ba ulit magtiwala sa kanya lalo pa't nalaman ko na ang katotohanan. Hindi
biro ang limang taon na puno ng hinanakit at kasinungalingan. Kung muli akong
magmamahal sisiguraduhin ko na hindi na makakahadlang pa ang iba.
Napahiga na ako at sa kama at tumugon pa sa lalong lumalalim na halik ni King,
halik na nagpapatunay kung gaano namin namiss ang isa't-isa. Ilang beses ko na din
naisip ang maramdaman muli kung gaano ako kaprotektado sa mga bisig ni King.
Napaungol ako ng simulang maglandas ang mga kamay ni King at bumaba ito mula
sa pagkakatapi ng tuwalya na siyang tanging saplot ko. Nahigit ko ang sarili ko ng
tuluyan na niyang alisin ang tuwalya sa katawan ko.
"I miss you so much my love." hinalikan niya ko sa noo pababa sa mga mata ko
hanggang sa muli niyang inangkin ang mga labi ko. Marahan sa una hanggang sa
naging mapang angkin ito. He kissed me sensually but with full of hunger. Bumaba
pa ang mga labi niya hanggang sa leeg ko. Animo may mainit na likido mula sa
katawan ko. Simula ng naghiwalay kami ni King ay wala ng ibang lalaki pa ang
nakalapit sa akin.
"You're still sweet and delicious love." he murmured between our kisses.
Bumaba ba pa ang mga halik niya mula sa iba pang parte ng katawan ko. Marahan
lamang akong napapaungol sa mas lalo pang tumitinding sensayon na nanunuot sa
katawan ko. Napakagaan ng pakiramdam ko. Muli niya akong hinalikan sa mga labi.
He thrusted his tongue into my mouth habang unti-unti ko naman hinahaplos ang
katawan niya mula dibdib hanggang sa pagkakatapi ng tuwalya nito sa bewang.
Bahagya niyang inilayo ang mukha niya sa akin at mataman akong tinitigan ng
puno ng pagmamahal. Nakita ko yung luha sa gilid ng mga mata ni King.
"W-why?" my voice croaked.
"Nothing. Overwhelmed lang." hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko
at ibinaba ang mga labi niya sa mga labi ko.
"I love you Sheila." at muli nagsalo kami sa isang matamis na halik.
And that rainy cold night. I made love with my HUSBAND.
- 108 -
to be continued...
LESSON: Know the story behind the story.
A/N: Eh kasi wholesome na ang author niya kaya di detailed. Kinikilig ako
pag passionate ang BS. Hindi ko talaga siya nalalaswaan ever! Be open
minded po. Sorry kung mabagal mag update, busy lang po talaga sa school.
Nangangayayat ko dahil kulang sa kain at tulog. Chos.
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
PLAY NYO YUNG SONG ------>
- 109 -
Chapter 23
Chapter 23
Sheila's POV
Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw na sumisilaw sa mga mata ko.
Sinubukan kong igalaw ang sarili ko ngunit may mabigat na bagay na nakadagan sa
may baywang ko, nanlaki ang mga mata ko ng maalala yung nangyari noong
nakaraang gabi. Mabilis akong napalingon sa likuran ko at nakita ko ang gwapong
mukha ni King na natutulog pa din. Lalong humigpit yung pagkakayakap niya sa
baywang ko at isinubsob pa ang mukha nito sa leeg ko.
Oo nga pala, nagka-usap kami kagabi at nangyari ang hindi dapat mangyari.
Napapikit ako ng mariin sa dami ng iniisip ko. Una narinig ko na ang side niya at
pangalawa mag-asawa pa pala kaming dalawa. Tama nga ba? Kailangan kong
makausap yung court ng America para malaman kung may bisa pa ba yung kasal
namin o hindi. Huminga ako ng malalim at muling tinignan ang mukha ni King,
hinawakan ko ang pisngi niya papunta sa mga labi niya.
Ang bilis ng mga pangyayari, nalilito pa din ako. Ibinigay ko na naman kay King
yung sarili ko na hindi ko aasahang mangyayari. Never kong inisip na mapupunta
muli ako sa ganitong sitwasyon. Heto na naman ako, mahal na mahal si King. Ilang
beses ko na bang inalis sa isip yung ganitong sitwasyon pero bakit bumabalik at
bumabalik pa din ako? Ano na nga bang mangyayari sa pagsasama namin ni King?
Hindi kasi biro yung pinagdaanan naming dalawa sa loob ng limang taon. Limang
taon kaming nabuhay sa galit at hinanakit sa isa't-isa ngunit ang hindi ko
mapaniwalaan ay sa kabila noon ay patuloy pa din naming minahal ang isa't-isa?
Hinalikan ko na lamang ang pisngi ni King at dahan-dahang inalis ang braso nito
mula sa pagkakayakap sa akin. Masakit man ang katawan ko ay pinilit kong
bumangon para makapag-shower na.
Ilang minuto din akong nagtagal sa banyo buti na lamang at tuyo na parehas ang
mga damit namin ni King. Pagka labas ko ng banyo ay nakita ko si King na nakaupo
sa kama at sinalubong ako ng matamis nitong ngiti, gumanti rin ako ng ngiti sa
kanya at umupo sa tabi niya.
"Maligo ka na ng makabalik na tayo sa Manila." sabi ko sa kanya at iniabot ang
tuwalya dito ngunit nagulat ako ng hilahin niya ang braso ko at inihiga sa kama.
- 110 -
Sinimulan niyang halikan ang leeg ko na nagdulot na naman ng kakaibang
pakiramdam sa akin.
"Hahaha. Ano ba King! Uuwi na tayo eh." natatawa kong sabi habang pilit na
nilalabanan yung nararamdaman ko.
"Maaga pa naman eh atsaka gusto ko makasama ka pa ng mas matagal." sabi niya
habang hindi pa din tinitigilan ang pagpapak sa leeg ko.
"Marami pa namang time. Madami pa kong trabaho." marahan ko lang siyang
itinulak palayo sa akin at inayos muli ang sarili ko.
"Love naman eh. Naglalambing lang." natawa ko ng parang batang nagtampo si
King. Namiss ko 'to. Ganitong ganito kami noon eh.
"Maligo ka na!" itinuro ko yung banyo sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla
niya kong hinalikan ng ilang beses sa mga labi ko bago tuluyang hinablot ang tuwaly
sa kamay. Natawa na lang ako ng para siyang batang tumakbo sa loob ng banyo.
Sumandal ako sa kama at inabot ang pantalon ni King, nakita ko na may isang
pack doon ng sigarilyo at lighter. Kailan pa siya natutong manigarilyo? Anyway
kumuha na lang ako ng isang stick at sinindihan ito. Humitit ako ng isang beses at
dahan dahan itong ibinuga. Minsan nakakarelax din talaga 'tong sigarilyo. Pinitik
ko
gamit ng daliri yung sigarilyo at humitit na naman dito. Ganito talaga ang ginagawa
ko pag hindi ako mapakali. Hindi ko naman talaga bisyo pag kailangan lang talaga.
Hindi lang talaga ko mapakali kakaisip sa mga nangyayari. Okay na ba talaga
kami ni King? Ganun ganun na lang ba ang lahat? Naguguluhan ako! Alam ko sa
sarili ko na may issues pa kaming hindi napag-uusapan at ang hirap magsimula ng
ganito na hindi pa klaro ang lahat. Hindi ko lang kaya talaga na malayo pa sa kanya
ngayon lalo pa't nalaman ko na ang katotohanan.
Paubos na sana yung sigarilyo ko ng biglang lumabas si King, mabilis akong
humitit sa sigarilyo at inilagay ito sa ashtray. Ibinuga ko ng dahan dahan yung
usok
at umayos ng upo. Mahahalata sa mukha ni King yung pakagulat sa nakita niya.
Hindi naman talaga kasi ko naninigarilyo noon nitong mag nakaraan lang pag stress
ako natutunan ko kay Jackie.
"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" tanong ni King habang sinusuot ang
pantalon nito. Mababakas ang bahid ng disgusto sa boses nito.
"Marami ka ng hindi alam sakin love. Ikaw kailan ka pa nanigarilyo?" I asked.
- 111 -
"Simula ng nawala ka." napalingon ako sa kanya noon at makikita yung sincerity
sa mga mata niya. Dinampot niya yung pakete ng sigarilyo at itinapon ito sa
basurahan.
"Lahat ng bisyo natutunan ko nung nawala ka. Alam mo na ikaw lang naman ang
sinusunod ko kaya parang nawala yung kalahati ng buhay ko ng nawala ka."
seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. Masuyo akong tumingin sa kanya at
nilapitan siya. Hahalikan ko na sana siya sa labi ngunit bigla niyang inilapat yung
daliri niya sa labi ko.
"Ayoko nga!" at sabay kaming dalawa na tumawa ng malakas, pabiro ko siyang
pinalo sa kanyang dibdib.
"Ah ganon. Ikaw na umaayaw ha?" niyakap na lamang niya ko ng mahigpit ganun
din ako.
"Sana mapawi ng yakap na'to lahat ng sakit na napadama ko sayo love. Bakit
ganun? Ginawa ko yung lahat ng makakaya ko para di ka masaktan dahil
ipinagkatiwala mo sakin yung puso mo pero bakit nasaktan pa din kita?" mas
hinigpitan ko pa yung yakap ko kay King at isinubsob ang mukha ko sa balikat niya.
Ramdam ko kasi yung guilt sa boses niya.
Bakit nga ba kung kailan happily ever after na kami saka pa nasira yung pangarap
namin sa isa't-isa? Natatawa na lang ako sa sarili ko noon na isipin na ako si
Cinderella, kahit na ulila ako ay alam ko na darating yung Prince Charming ko para
sagipin ako sa lahat ng pain at miserable na nararamdaman ko sa buhay pero bakit
kung kailan okay na saka pa dumating yung TRUE TO LIFE WICKED
MOTHER-IN-LAW ko.
Paano ko nga ba haharapin muli yung consequences makasama lang si King? Isa
lang ang masisiguro ko. Hinding hindi na ulit ako magpapa-api sa mother-in-law ko.
I swear!
to be continued...
Anyare sa update ko? Puyat na kasi ko niyan. Hahaha.
Bawi bawi din next update.
VOTE COMMENT AND RECOMMEND
- 112 -
Chapter 24
Chapter 24
Sheila's POV
Magkahawak kamay kami ngayon ni King habang hinihintay ang pagbukas ng
elevator. Papunta kami sa unit ko para makapagpalit ako ng damit at napag-usapan
namin na magmomove siya sa condo unit ko sa susunod na mga araw. Nakipag-usap
na din siya kanina sa abogado niya sa America para alamin yung nangyaring
arrangement 5 years ago, nagtataka nga yung abogado niya dahil walang conjugal
property akong nakuha kung talaga nag divorce kaming dalawa. Napakasama talaga
ng magaling kong mother-in-law. Nangangati na naman yung kamay kong sampalin
siya.
"Love." tawag ko kay King.
"Ano yun?" at hinalikan niya ang kamay ko na hawak pa din niya.
"Nagbago na pala yung isip ko. Ako na lang lilipat sa mansion niyo." ngumisi ako
sa kanya. Parang may binabalak ata akong masama ay hindi pala mang-aasar lang
ako ng kaunti. Hahaha.
"Ha? Andun sila mama at Marcella." tinapik ko lang siya sa balikat at bumitaw sa
kamay niya.
"I can manage my love." saktong pagbukas ng elevator kaya naman mabilis akong
lumabas bago pa siya makakontra. I have an idea. Hahaha. Giyera kung giyera.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Louie sa tapat ng condo unit ko at mas
lalo akong nagulat ng yakapin niya ko ng mahigpit. Napanganga lang ako sa ginawa
niya, pinilit kong kumawala pero lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin.
"L-Louie?"
"Ano bang nangyari sayo She? Pinag-alala mo ko alam mo ba yun?!" humiwalay na
sa pagkakayakap sa akin. Natigilan ako dahil alam kong nasa likod ko lang si King.
Damn!
"Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko? Kagabi pa ko naghihintay dito sa
- 113 -
unit mo." bahagya akong naguilty kay Louie. He's my bestfriend. Siya lang yung
lalaking hinayaan kong makalapit muli sakin noong mga nakalipas na taon. Siya
yung dahilan kung bakit nakakatawa pa ko.
"Ahmm. Na-stranded kasi ako sa Laguna nung nag site inspection kami ni Engr.
Romualde." nakita ko na lumihis yung tingin niya mula sa likuran ko at nilingon ko
din kung sino ang tinitingnan niya. Nakita ko na nakakuyom yung mga kamao ni
King at halata na nagseselos ito.
"Ahmm. Hinatid ako ni Engr. Romualde kasi ano kasama ko siya na nastranded.
Salamat pala." binigyan ko ng makahulugang tingin si King.
"Sige. Alis na ko." gusto ko sanang habulin si King ng naglakad na ito palayo
ngunit muli akong hinawakan sa braso ni Louie at hinarap dito.
"Magkasama kayo buong magdamag? Akala ko ba ayaw mo na siyang
makasama?!" nangunot yung noo ko ng pasigaw na nagtanong si Louie. Ngayon pa
lang niya ata ako pinag-taasan ng boses.
"Eh magkasama nga kami kahapon sa trabaho. Sige na papasok na ko sa loob
pagod ako eh." nilagpasan ko na lang siya at kinuha yung susi sa bag ko.
"Nag-alala ko sayo ng sobra. Magpahinga ka ng mabuti ah." tinuloy ko pa din yung
pagbubukas sa pinto ko at hindi siya pinansin. Nag buntong hininga na lang ako ng
maramdaman na tumalikod na siya para umalis.
"Sandali!" nagtatakang lumingon sa akin si Luigi ng tawagin ko siya. Nginitian ko
siya.
"Thank you Louie." I said at pumasok na sa loob ng kwarto ko.
Pagkapasok sa unit ko ay agad akong dumiretso sa banyo upang maligo muli at
para makapagpalit na din ako ng damit, papasok pa kasi ako sa opisina dahil marami
pa akong trabaho. Ilang saglit din akong nagbabad sa shower bago lumabas ng
banyo. Agad akong nagpalit ng simpleng white haltered blouse at slacks. Isinuot ko
din yung red stilettos ko.
Inimpake ko na din sa maleta yung mga gamit ko. Sigurado akong dun ako titira
sa mansion ng mga Romualde. Gigimbalin ko silang dalawa. Haha. Pagkatapos
mag-impake ay naupo ako sa kama ko para tawagan si King.
"Hey!" I said.
- 114 -
(Oh ano? Nag date kayo ng Luigi na yan?) natawa ko ng marinig ang himig ng
pagseselos ni King.
"Hindi. Seloso! Nakapag-impake na ko ng gamit. Wag mo na kong sunduin. Ako na
pupunta sa mansion. Ciao baby. Mwahh!" pinatay ko na agad yung tawag bago pa
siya makapagsalita dahil alam kong magrereklamo pa siya. Haha. Ngayon may isang
tao akong tatawagan na magaling sa kamalditahan. Hahaha.
(Haler?! Opisina ng sexy!) napailing na lang ako.
"Hoy Jackie! Umayos ka nga! Pumunta ka sa opisina ko now na! Pag ako dumating
at wala ka pa dun makakatikim ka ng flying kick sakin." pananakot ko kay Jackie.
(OMG! Eto na nga naglalakad na ko! Babayu!) natawa ko ng narinig kong
nagmamadali niyang isinarado yung pinto ng opisina niya. Takot talaga sakin ang
bruha.
Tumayo na ko at binitbit yung dalawang maleta kong dala. Inilock ko na yung
condo unit ko at bumaba sa carpark kung nasaan yung kotse ko. Pupunta muna ko
sa opisina bago sumabak sa giyera.
Nang makarating ako sa opisina ay nakita ko agad si jackie na palakad lakad sa
opisina ko habang naninigarilyo. Lumapit ako sa kanya at kinuha sa kamay niya
yung sigarilyo at ako ang humithit dito. Naupo ako sa swivel chair ko at humithit
muli sa sigarilyo bago dahan-dahang ibinuga yung usok sa mukha ni Jackie. Hahaha.
Inilapag ko na sa ashtray yung sigarilyo at umayos ng upo.
"Ang sama nito! Ang mahal ng isang stick niyan eh!" padabog na naupo si Jackie
sa upuan na katapat ko at itinaas yung dalawang paa sa lamesa ko.
"Ibaba mo nga yang paa mo! Nakapalda ka hija." sabi ko sa kanya at inirapan ko.
"Ano ba kasing kailangan mo? May katagpuan akong kliyente ngayon eh." sabi ni
Jackie habang parang baliw na pinapaikot ikot sa daliri nito yung buhok niya.
"Sus. Kliyente or another DOM? Hahaha." inirapan lang ako ni Jackie.
"Okay! Gusto ko lang ikwento na dun na ko titira sa bahay ng asawa ko." nanlaki
yung mga mata ni Jackie at umiling.
- 115 -
"Pinagloloko mo ba ko? Hiwalay ka na sa asawa girl."
"Akala ko nga din eh. Hindi pa pala." binigyan ko ng makahulugang ngiti si Jackie
kaya agad siyang napaayos ng upo.
"Gusto ko yang mga ganyang ngiti eh! Kelangan ng bonggang bonggang entrance
niyan. Yung ala-Corona ang peg! Hahaha."
"Bonggang entrance?" tanong ko.
"Yup!" kinindatan ako ni Jackie pero tinignan ko lang siya ng masama.
Nandito ko ngayon sa labas ng bahay nina King. Hindi ko sure kung nandito na si
King. Mabuti na din yun para naman masurprise 'tong mga tao sa loob ng bahay.
Hahaha. Tignan ko lang kung paano niya iwewelcome ang long lost daughter-in-law
niya.
Agad kong binitbit ni yung maleta ko at inilapag sa may tapat ng pinto, nag
doorbell ako ng anim na beses at sunud-sunod pa. Haha.
"SANDAALII!" narinig ko na agad yung boses ng bruha. Agad akong umayos ng
tindig. Sinalubong ko ng napakagandang ngiti ang pagbukas niya ng pinto. Halatang
nagulat siya sa presensiya ko.
"At anong ginagawa mo dito sa labas ng pamamahay ko?!" ngumiti lang ako ng
nakakaloko.
"Hello Mother-in-law. I missed you." inilapit ko ang sarili ko sa kanya at bumeso.
"Ano kamo? Nababaliw ka na ba? Hindi na kita manugang!" tumaas yung isa kong
kilay at pumasok na sa loob ng bahay kahit na walang pahintulot niya.
"Akala mo lang yun mother. I'm still your daughter-in-law at I'll make sure na
magkakasama na tayo forever." naupo ako sa sofa ng komportable at nagmasid sa
buong kabahayan.
"Nababaliw ka na! Hindi ko alam yang pinagsasabi mo! Humanda ka pag
dumating ang fiancee ni King!" galit na galit na sabi niya sa akin. Tumayo na din
ako
at hinarap siya.
- 116 -
"Siya ang malalagot sakin Madam." sinabi ko ng mariin.
"Sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan sa pakiki-apid sa asawa ko."
banayad kong sabi ngunit puno ng awtoridad.
"Nandito ka ba para maghiganti ha?!" sigaw niya sa akin.
"Hindi. Binabawi ko lang yung nawala sakin noon." mariin kong sabi. Sasampalin
sana niya ko ngunit agad kong nahawakan yung braso niya.
"Hinding hindi niyo na ko maaapi Madam. Sinasabi ko yan sainyo!" agad kong
binitawan yung braso niya ng marinig yung doorbell. Pumunta ako sa pinto at
tinignan sa monitor kung sino yung nasa labas ng pinto. Nakita ko si King na may
hawak na bulaklak. Pinindot ko na yung button at bumukas yung pinto.
"Hi love." matamis kong ngiti sa kanya at sinalubong siya ng halik.
"Hello baby." ngumiti ako at inabot yung bulaklak mula sa kanya.
Tinignan ko ng masama si Madam, makuha siya sa tingin.
Humalik si King sa pisngi ng mama niya.
"Ma, kanina pa si She dito? Dito na siya titira. I'll explain it later." tumabi ako
kay
King at humawak sa braso nito.
"No need na love nasabi ko na kay mama. Natuwa nga siya nung malaman niya na
dito na ko titira ulit lalo na yung balitang mag-asawa pa pala tayo. Haha. Diba
ma?"
binigyan ko siya ng nakakatakot na titig at tumango lang naman siya.
"Good. Iaakyat ko lang muna 'tong gamit mo sa kwarto ko. Ipapaayos ko na din."
sabi ni King at humalik sa pisngi ko.
"Sure." ngumiti lang ako at hinatid siya ng tanaw paakyat ng hagdan.P
"This is war Sheila." banta ni Madam.
"Game on." I said with full of determination.
A/N: Ano na mangyayari ngayon?! anyway ang konti ng comments last
chapter. Pwede humingi ng quota? 100 comments po for this chapter. Hihi.
- 117 -
-----> Picture ni EVIL MOTHER-IN-LAW
- 118 -
Chapter 25
Chapter 25
"This is war Sheila!"
"Game on" balik hamon ko sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog yung doorbell. Alam ko na si
Marcella na yun kaya naman inunahan ko na agad siya sa pagbubukas ng pintuan.
"Good Evening Marcella." bati ko sa kanya na puno ng pang-aasar.
"W-what are you doing here?!" she said.
"Umuuwi lang sa bahay namin. Ikaw bakit ka nandito? Kailan pa naging hotel
itong mansion?" pumasok na ko sa loob ng bahay at naupo muli sa sofa at silang
dalawa ay halatang nag-uusap sa mga tingin.
"At pano ka naman makikitira dito eh hiwalay na kayo ni King?!"
"Pwede naman. Pinaka simpleng sagot na yung nagkabalikan kami ni King at
pinaka bongga sa lahat kasal pa din kami. Eh kayo ba ni King ano? Hahaha." nakita
kong naningkit yung mga mata ni Marcella.
"Panong nangyari yun?" sumama yung tingin ko kay Marcella. Nakikita ko sa mga
mata niya na may alam siya sa nangyari noon.
"Yan nga din ang pinagtataka ko eh! Akala ko ba divorce na sila?!" hindi ko
maintindihan bakit parang nag-aaway pa ata silang dalawa?! Magsasalita pa sana ko
ng bigla kong narinig ang boses ni King.
"Love, okay na yung mga gamit mo tara na dito sa taas." binigyan ko lang ng
mapanlokong ngiti si Marcella at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Pano ba yan punta na daw ako sa taas. Medyo maingay kami mamaya kaya mama
and Marcella pasensya na kung hindi kayo makakatulog ng maayos this night. Haha.
Alam niyo na namiss namin ng asawa ko ang isa't-isa." tumalikod na ko sa kanila at
sikretong napatawa sa reaksyon nilang dalawa.
- 119 -
Marcella's POV
Tinignan ko ng masama si Sheila habang papaakyat ito ng hagdan. Naikuyom ko
yung kamay ko sa galit. Damn it! Ito ang dahilan kung bakit hindi kami
makapagpakasal ni King dahil sa pesteng kasal na yan! Bakit pa kasi scam lang yung
divorce! Ayoko naman makasuhan ng forgery pero ayoko din makasuhan ng
adultery! Punyeta naman oh! At ngayon nalaman na nila yung katotohanan ano pa
kayang laban ko!! Akala ko talaga maaalis na landas ko si Sheila at dahil sa mga
ginawa ko ay kamumuhian na nila ang isa't-isa.
"Akala ko ba hiwalay na sila legally?! Eh ano 'tong sinasabi ni Sheila na kasal pa
sila?!" pagalit na tanong sakin ni Tita Emily.
"Ayaw kasi magpabayad ng korte kaya kailangan ko gumawa ng fake divorce
papers. Hindi ko naman alam na after all these years eh mabubuko pa tayo." sabi ko
kay tita. Naupo ako sa sofa at inilabas yung sigarilyo ko.
"Akala ko ba sila mismo nag-decide na maghiwalay?!" naguguluhang tanong ni tita
sa akin.
"Okay, hindi ko sinabi yung lahat Tita and I'm sorry. Ano ng gagawin natin
ngayon?! Kailangan mapaghiwalay natin ulit sila!"
"Ayoko nga. Mukang hindi na natin mapaghihiwalay yung dalawang yun. At
ayokong gumawa ng krimen." naningkit yung mga mata ko sa sinabi ni Tita. Puro na
lang ba ako ang gagawa ng paraan para kay Sheila at King? Ang dami niyang
sinasabi na ayaw daw niya kay Sheila tapos wala naman siyang ginagawa?!! Wala na
nga siyang naitulong tapos bigla na lang niya kong iiwan nga ganun?! Akala ko pa
man din kakampi ko 'tong matanda na'to!
Pwes kung ayaw niya kong tulungan ako na lang! Minsan ko ng nasira ang buhay
ni Sheila at sisirain ko pa lalo iyon ngayon.
Sheila's POV
Magkakaharap kami ngayon dito sa dining table. Walang umiimik. Kapwa
nagpapakiramdaman sa bawat galaw ng isa. Nagsusukatan kami lagi ng mga tingin
ni mama lalo na na ni Marcella. Hindi kami makapag sabong sa harap ni King at
mabuti na lang na nasa America si Papa kaya naman walang mang-aawat samin.
Hahaha.
Naiinis ako. Bakit kailangan pa niya dito makitira?
- 120 -
"Hindi ko naman siguro kailangan umalis dito sa mansion diba?" tanong ni
Marcella habang umiinom ito ng kape.
"Bakit hindi ka na lang sa condo unit mo?" tanong ni King. Napag-usapan na din
namin 'to dahil alam niyang magkakagulo kami ni Marcella.
"Bakit naman kailangan pang umalis dito ni Marcella. Siguro naman tanggap na
niya na wala na siyang pag-asa sayo love. Diba Marcella? And diba childhood friends
naman kayo? Okay lang sakin if dito siya titira no." I smiled sarcastically.
"Kailangan ko pa ba mag thank you sayo Sheila?" masama ang tingin sakin ni
Marcella ngunit hindi ko pinansin.
"Wag na no. Basta ba hands off ka sa asawa ko eh." pabiro ngunit nananakot kong
sagot kay Marcella.
"Sure. Alam ko namang hindi ako mamamahalin ni King una pa lang." nakangiting
sabi ni Marcella pero alam ko deep inside nanggigil na siya sa akin. Hahaha.
"Oh talaga? Di halata ah. Masyado ka kasing linta makakapit sa asawa ko dati.
Feelingera ka pa porke't nagkahiwalay kami ng ilang taon. Hahaha. Remember nung
nagpunta ka sa opisina ko para sabihin yung design ng townhouse? OMG! You're so
funny! Nautusan ka lang pala nung araw na yun. Hahahaha!" hinawakan ni King
yung kamay ko para awatin ako pero itinaas ko lang yung kamay ko para tapikin siya
sa balikat.
"Nakakatuwa di ba darling? Tapos iniinggit pa niya ko that time. Hahaha." bigla
akong sumeryoso at tumingin ng masama kay Marcella.
"Pwes. Mamatay ka ngayon sa inggit." I said seriously.
"Kumain na nga lang tayo." biglang sabat ni mama. Aba himala ang tahimik niya
ngayon.
"Sandali. Sayang nga yung 5 years no? Edi sana may anak na kayo ni King ngayon.
Sayang diba Sheila?" sarkastikong sabi ni Marcella sa akin at halatang nang-aasar.
Naikuyom ko yung kamay ko sa ilalim ng lamesa. Parang may kumurot na naman sa
puso ko kasi naalala ko yung anak ko. Nananadya talaga si Marcella. Bwisit! Eto
yung kahinaan ko. Pagdating sa anak ko nagiging mahina ako. Nag-iinit na yung
mga mata ko at alam ko kahit anong oras lalabas na yung mga luha ko. Nakita ko
ang mapang-asar na ngiti ni Marcella. Below na belt na yung sinabi niya.
- 121 -
"Okay lang yun. Ngayon makakapagsimula na kami ng panibago ni She at gagawa
na din kami ng sarili naming pamilya. Matagal na naming pangarap yun eh."
hinawakan ni King yung kamay ko at ngumiti sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kanya
pero wala ramdam ko yung sakit sa puso ko. Punyeta! Ang sakit talaga.
Wala kasi sya nung mga panahong yun eh. Yun pa yung mas masakit. Kung kailan
kailangan ko siya wala siya. Wala akong karamay nung mga panahon na nagluluksa
ako.
Ayoko ng maalala yun eh! Gusto ko magsimula ng panibago kasama si King at
kalimutan na yung lahat ng nangyari. Paano nga ba?!
to be continued...
A/N: Bakasyon ko na! Kaso 18 days lang. :) sa 30 po nasa Baguio ako kaya
hindi ako makakapag-update nun. Tatry ko mag-update bago mag 30 pero
siyempre penge munang feedback diyan. Quota ulit.
P.S malapit na po tayo sa climax ng TVFN. Kapit kapit din.
BONNY
- 122 -
Chapter 26
Chapter 26
Inihatid na ko sa opisina ni King at siya naman ay didiretso na kung saan yung site
niya. Medyo sumama yung pakiramdam ko noon buti na lang at hindi ito masyadong
napansin ni King. Bakit kasi inopen pa yung topic tungkol sa mga anak baka akala
pa ni King eh hindi ko gusto bumuo ng pamilya kasama siya. Kung alam lang niya na
matagal ko ng pangarap yon. Masaya na sana ko kasi matutupadna ulit yon kasi
okay na kaming dalawa pero hinahabol pa din kasi kong bangungot na yun. Kung
lang sana nangyari yung aksidente na yun.
"Mukang namumutla ka? Okay ka lang ba baby?" masuyong tanong sakin ni King.
"Oo naman. Sige mauna ka na love. Ingat sa pagdadrive ah." hinalikan ko na siya
sa pisngi at hinintay muna na makaalis siya bago pumasok sa loob ng opisina.
Pagkarating ko sa opisina ay agad na bumungad sa akin si Jackie na umagang
umaga eh naninigarilyo na naman.Ginagawa na ata niyang smoking area 'tong
opisina ko? Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na sa upuan ko at inilabas ang
ilang drawing materials ko.
"Kamusta naman yung tinuro ko sayong mga banat ha? Magkwento ka na dali!"
masiglang bati ni Jackie at inilagay ang upos na sigarilyo sa ashtray sa table ko.
"Okay lang naman. Kuhang kuha ko naman yung naituro mo at talagang nainis
sila." wala kong ganang sagot kay Jackie.
"Ano gusto mo ipakulam ko na lang sa lola ko yan?" tanong ni Jackie sakin. Hindi
ko alam kung nagbibiro ba o seryoso si Jackie dun sa sinabi niya pero inirapan ko
na
lang siya.
"Gaga. Hindi naman ako magpapa-api sa mga yun atsaka itong si Madam medyo
bumabait ng konti sakin huh." I said sarcastically. Medyo napapansin ko lang kasi
hindi madalas mag side comment itong si Madam. Baka naman nag mature na siya?
Haha.
"Talaga?!! Pano na si Papa Luigi niyan? Akin na lang talaga?" naningkit yung mga
mata ko at hinawakan yung ashtray.
- 123 -
"Nakikita mo ba'tong ashtray na'to Jacques? Sinasabi ko sayo ipupukpok ko talaga
sa ulo mo 'to." sabi ko at nang makita ko na natinag naman si Jackie ay ibinaba ko
na
ito.
"Eh ano na nga? Halata namang may gusto sayo yung tao." sabi ni Jackie habang
naimo nagtatampo.
"Bestfriend ko lang si Louie. Alam mo namang close kami ni Louie college pa lang
kami. And I admit attracted ako sa kanya. Gulo ko diba?"
"Okay. Hindi ako makarelate hindi pa kasi ko naiinlove eh." balewalang sagot ni
Jackie.
"Eh diba may asawa ka?" naguguluhan kong tanong.
"Secret! Basta tandaan mo paslangin si karibal! Osiya aalis na ko mag-aalaga pa
ko ng mga anak ni Bianca. Ah putangina! Ikaw ha pag nagkaanak ka wag mo saking
ipapa-alaga yun, ginagawa niyo kong yaya! Putangina talaga makaalis na nga!"
padabog na tumayo si Jackie at pumunta sa may pintuan. Kahit kailan talaga walang
breeding ang babaeng yun. Haha. Pero hindi siya si Jackie kung hindi siya ganun
kabalahura. Kahit siya ang pinaka iba sa aming apat siya naman yung pinaka
nalalapitan ng lahat.
"O-M-G!" napatingin ako sa direksyon ni Jackie at nakitang napahinto siya ng
makita yung lalaking nakatayo sa labas ng pinto ng opisina ko. Napatayo din ako sa
kinauupuan ko.
"H-Hi Louie babe. Sige aalis na ko pogi." mabilis na kumaripas ng takbo palabas si
Jacie at iniwan kaming dalawa ni Louie.
"Anong ginagawa mo dito Louie? Akala ko nasa site ka ngayon?" natetense kong
tanong sa kanya.
"Napadaan lang. Narinig ko nga pala yung pinag-uusapan niyo kanina ni Jackie.
Sorry hindi ko sinasadya na marinig." malungkot na sabi ni Louie.
"I'm sorry Louie. Nalilito talaga ko ngayon." umiling si Louie at niyakap ako.
nagulat ako pagyakap niya sa akin.
"Likewise. Ayan nga ang gusto ko eh ang makitang masaya ka na ulit. You
deserved to be happy. Kapag pinaiyak ka pa niya ulit talagang aagawin na kita."
humiwalay siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Bakit malungkot pa din ako? Hindi
- 124 -
ako masaya sa desisyon niya..
"Basta nandito lang ang bestfriend mo." tumango lang ako at niyakap siyang muli.
King's POV
Bago pumunta sa trabaho ay dumiretso muna ako sa isang jewelry shop. Bihira
lang ang second chance kaya naman hindi ko sasayangin etong pagkakataon na
mapatunayan kay Sheila kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong magsimula muli
sa kasama niya, iba na ngayon. Mabibigyan ko na din ng engrandeng kasal si Sheila
na hindi ko naibigay noon sa kanya dahil mga bata pa kami noon. Aayain ko ulit
siyang magpakasal sa akin.
"Ano ba magandang singsing para sa isang prinsesa katulad ng asawa ko?" nakita
kong napangiti yung babae sa sinabi ko.
"Ang sweet niyo naman po Sir sa asawa niyo halatang mahal na mahal niyo."
"Oo naman." ngumiti lang ako sa babae at itinuon na yung atensyon ko sa mga
alahas sa harap ko.
"Ito na lang po Sir. Simple lang pero elegante." napatango lang ako. Kahit ano
naman bagay sa mga daliri ni Sheila eh. Nasakanya pa kaya yung wedding ring
namin noon? Yung akin kasi nakatago sa drawer. Malamang itinapon na niya yun sa
galit niya sa akin noon. Haha.
"Sige kukunin ko 'to."I said.
Sheila's POV
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho kanina ng biglang dumating si Brooke
kasama ang anak nito na si Yvette. May dala siyang isang backpack at mga gamit ni
Yvette. Naglayas ba ang mga 'to at bitbit lahat ng gamit ni Yvette?
"Napadalaw ka ata Brooke?" tumayo ako sa kinauupuan ko at inaya siya sa may
sofa.
"Uhmm may hihilingin lang sanang pabor. Haha." sabi ni Brooke habang
nag-aalinlangang ngumiti. Bakit naman ganito ang itsura nito?
- 125 -
"Ano ba yun?" tanong ko sa kanya.
"Alam ko She ayaw na ayaw mo humahawak ng mga baby or bata at alam ko din
na mahina ang pasesnya mo sa kanila pero please paalaga naman kay Yvs ko.
Please?!!!" nanlaki yung mga mata ko sa pabor ni Brooke. Ayoko talaga naghahawak
ng mga bata.
"A-at bakit ko naman aalagaan yan? Edi kay Jackie na lang!"
"Alaga na niya yung tatlong bata eh. Sige na! Tamang tama kasama mo naman sa
bahay si King. Alagaan mo na 'tong inaanak mo. Diba baby? Mabait 'tong baby ko
eh. Promise!" parang batang pagsusumamo ni Brooke.
"Eh san ka ba kasi pupunta?" mataray kong tanong. Wala naman na kong
magagawa eh.
"Uhhmm. Hahaha. Magsesecond honeymoon sana kami ni Yvo." nagkakamot na
ulo na sabi ni Brooke. Napairap na lang ako. Isang taon pa lang yung anak nila
balak
ng sundan agad?
"Gano katagal?" tanong ko.
"Thank you She! i love you talaga! 3 days and 2 nights lang naman. Nakuuu! Ayan
baby may mag-aalaga na sayo. Be a good girl kay Ninang She ah." natawa na lang
ako dahil akala mo naman naiintindihan ni Yvette yung sinasabi ng mama niya.
Nagulat ako ng biglang iabot sa akin ni Brooke yung bata at kumaripas na ng takbo.
"Babye baby! Thanks mare!"
Saglit akong natahimik sa nangyari. Ngayon lang ako nakahawak ng bata.
Ramdam ko yung init niya sa mga braso ko. Tinignan ko si Yvette at nakangiti lang
siya sa akin habang ako nagsisimula ng manakit yung lalamunan ko. Hanggang sa
hindi ko na napigilan yung pag-alpas ng emosyon ko. Tumulo na yung mga luha sa
mga mata ko. Napapikit ako ng hawakan ni Yvette yung mukha ko. Ang sakit sakit
nung nararamdaman ko. Hinawakan ko yung mumunti niyang kamay at hinalikan.
"Baby ko." nasabi ko na lang sa sarili ko habang pinagmamasdan si Yvette na
nakamasid lang sa akin.
Ina din kasi ako eh. Nawala na siya sa akin ng hindi ko man lang naramdaman
yung paglaki niya sa sinapupunan ko. Nawala na siya sa akin na hindi ko man lang
nasabi sa ama niya na nag-exist siya sa buhay namin. Parang sine na naman na
- 126 -
bumalik sa utak ko yung mga nangyari. Kung may isang bagay na hindi ko kayang
mag move on ay yung katotohanan na minsan naging ina ako ngunit agad din siyang
binawi sa akin.
Kahit na gaano ko pa kalimutan lahat may isang bagay pa din talagang tatatak sa
isip at puso ko na kahit anong mangyari magiging peklat na siya sa puso ko.
to be continued...
A/N: Sa Tuesday ulit ang update. Then mawawala ako ng 3 days dahil
magbabakasyon ako sa Baguio.
2-3 chapters na lang. Kapit po tayo. :)
BONNY
- 127 -
Chapter 27
Chapter 27
Kakababa ko lang ng kotse bitbit si Yvette at ang mga gamit nito ng mapansin
kong may isang kotse sa may garage ng mansion. Pamilyar yung kotse ngunit hindi
ko matandaan kung saan ko nga ba nakita yung kotse na yun eh. Hindi ko na lang
pinansin at dumiretso na sa loob ng bahay.
Naabutan ko sa loob ng bahay si mama habang nagkakape sa may sala, hakatang
nagtataka siya kung sino yung batang kasama ko.
"Hi ma. Anak nga pala ni Brooke 'tong bata sakin muna ng ilang araw."
"Eh bakit na sayo?" tumayo si mama at lumapit sa akin. Biglang humagikgik si
Yvette kaya naman napangiti si mama. Aba naman! Ngumingiti si mama sa mga
bata? Kailan pa siya nahilig sa mga bata?
"Napaka cute naman nitong bata na'to. Anong pangalan niya?" iniabot ko sa kanya
si Yvetteat sinimulan na niya itong aluin.
"Yvette po pangalan niya." sabi ko habang ibinababa yung mga gamit ni Yvette sa
sofa.
"Naku matagal ko ng gusto magkaanak na babae kaso naman isa lang binigay sa
amin." yung feeling na akala mo napakaclose naming dalawa kung mag-usap. Haha.
Para bang yung bata yung dahilan kung bakit nagkakasundo ngayon. Eh teka bakit
dati ayaw niya sa anak ko? Bakit kailangan niyang pumayag sa gusto ng doctor.
Hays. Naalala ko na naman.
"Ano gusto ng bata? Huh? Napakacute at bungisngis na bata." napangiti ako ng
mapagmasdan si mama na nilalaro si Yvette.
"Mamaya sakin na matutulog si Yvette para hindi na kayo maistorbo pa ni King."
nakakapagtaka talaga 'tong si mama. Lately bumabait na sakin. Bagong buhay na ba
ito? Nagsisi na sa lahat ng kasalanan niya? Kasi naman ayaw pa niya kami maistorbo
ni King. Nakakatouch lang sobra!
"Uhmmm sige po. Kanino nga po pala yung kotse sa labas?" ayan nagiging
magalang na tuloy ako bigla kay mama dahil sa kabaitan niyang pinapakita sa akin.
- 128 -
Hahaha.
"Kay Marcella yun. Pinauwi niya galing America." napakunot yung noo ko. Sa
America pa pala galing yung kotse na yun pero bakit parang nakita ko na yun
somewhere? Hindi ko lang talaga matandaan eh. Ibang kotse lang kaya yun?
"Sige na umakyat ka na sa taas para makapagpalit ka na ng damit." napailing na
lang ako at umakyat na sa hagdan. Kakaiba talaga si mama ngayon.
Nakasalubong ko sa hagdan si Marcella na pababa naman. Nag smirk lang siya at
tinignan ako ng masama. Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na lamang ng
hagdan. Napapagod ako physically and emotionally at gusto ko magbabad ngayon sa
bathtub.
Mabilis akong naghubad ng damit pagkarating sa kwarto namin ni King at
ibinabad ang sarili ko sa maligamgam na tubig. Nagbukas din ako ng wine at
uminom habang nakababad sa bathtub ang katawan ko. Atleast kahit papano
narelax yung katawan at isip ko. Ipinikit ko yung mga mata ko at nagmuni-muni.
Bumalik sa isip ko yung nangyari limang taon na ang nakakaran.
Naglalakad ako sa kalsada noon papunta sa bus station. Malamig. Halos umuusok
yung bibig ko sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Patawid na sana ako nang
bigla na lamang akong may narinig na malakas na busina. Paglingon ko isang
humahagibis na kotse ang palapit sa akin. Hanggang sa tuluyan na kong masilaw sa
liwanag at nawalan ng malay.
Bigla akong napadilat sa ala-alang yon. Napaupo ako sa bathtub at sinalo ang
dibdib ko.
"Ang kotseng yon? A-ang kotseng y-yon." sindak kong nasabi sa sarili ko.
Naikuyom ko yung kamao sa labis na galit na nararamdaman ko ngayon.
Pakiramdam ko anumang oras makakapatay ako ng tao. Puno ng galit yung
nararamdaman ko!
"Ikaw lang pala. Hindi pala aksidente ang lahat." hindi ko na namalayan na
umiiyak na pala ko. Punyetang buhay! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya!!
Mabilis akong tumayo sa bathtub at hinagip yung bathrobe ko at nagpalit na ng
damit. Gigil na gigil ako! Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil nagngingitngit ako
sa galit. Akala ko aksidente lang ang lahat pero walangya!! Mapapatay ko siya!!
Mabilis akong nag-ayos at binuksan ang pinto palabas ng kwarto namin ni King.
- 129 -
Tumakbo ako pababa ng hagdan ngunit napahinto ako sa nakita ko.
Si King at Marcella masayang nilalaro si Yvette. Animo isa lang masayang
pamilya.
Nahagip ni Marcella yung mga mata ko at binigya ako ng isang evil smile. Muli na
naman nagngitngit yung puso ko sa galit. Ginawa niyang miserable ang buhay ko!
Hinding hindi ko siya mapapatawad!
Nagsukatan kami ng tingin ni Marcella.
I will kill you Marcella! Sana tinuluyan mo na lang ako that time!
�Andyan ka pala Sheila? Come here!� aya sakin ni King na mukang masaya sa
pakikipaglaro kay Yvette. Bahagya akong nilamon ng guilt ng makita ko kung gaano
kasaya si King.
Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tungkol sa anak namin. Wala akong lakas para
sabihin yun. Ayokong maramdaman yung paghihinayang na nararamdaman ko pero
kasalanan lahat ng �to ni Marcella! Siya ang may kasalanan kung bakit nawala sa
akin yung anak ko! Ilang taon kong sinisi yung sarili ko sa pagkawala ng anak ko
pero siya pala ang dahilan! Sinadya niyang sagasaan ako ng mga panahong yon?!
Kasabwat din ba si mama dito? Kaya ba agad siyang nakarating sa hospital dahil
inaasahan na niya yon? Naatim ba niya na ipahamak ang apo niya? Nalilito ako!
Naiiyak ako at hindi ko na nga namalayan yung pag alpas ng mga luha ko kahit nasa
harapan nila mama.
�B-bakit ka umiiyak baby?� agad akong nilapitan ni King at niyakap. Pinahid niya
yung mga luha ko at niyakap muli. Nakita ko na ngumiti si Marcella at napayakap
ako ng mahigpit kay King. Tinignan ko ng puno ng galit si Marcella.
�Ano bang problema baby ko?� masuyong tanong sa akin ni King ngunit patuloy
pa din ako sa pag-iyak. Peste ang sakit sakit! Wala atang tao ang kayang makaalis
ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Yung anak kong walang kamalay malay.
�Baka naman may PMS lang ang asawa mo King? Haha. Sige mauna na ko sa taas
ah.� Sabi ni Marcella at muli ay nginitian ako ng nakakaloko. Naikuyom ko yung
kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman ko sa kaniya.
Tinignan ko yung reaksyon ni mama at nakita kong nagtataka siya. May alam ba
siya sa nangyayari? Bakit ang bait na niya sa akin ng ganoon? Isinubsob ko lang
yung mukha ko sa balikat ni King at tahimik na umiyak. Napakahirap na ako lang
- 130 -
mag-isa ang nagsasarili ng ganitong kasakit na bagay. Gustong gusto kong sabihin
kay king pero hindi ko kaya. Bakit ganito? Kahit na gusto ko mag move on hindi ko
magawa? Nalilito tuloy ako ngayon, handa nga ba kong magsimula ng panibago
kasama si King? Napatawad ko na siya eh ang siste hindi pa din nawawala yung pain
sa mga nangyari.
Hindi ganoon kadali makalimutan ang lahat. Gusto ko ng maging malaya sa lahat
lahat ng ito.
Bigla na lamang ako nagkaroon ng alinlangan sa puso ko. Handa nga ba ko muling
masaktan? Parang sobra pa sa sobra yung naranasan ko eh. Maibabalik pa nga ba
yung katulad noon kung marami na ang nagbago? Kung masyado na akong
nasaktan? Kaya ko pa nga bang mahalin ang isang tao na nanakit sa akin ng husto?
May puwang pa ba talaga para sa amin sa kabila ng lahat?
May mga masasakit na salita na ang nasabi.
Ngayon, parang gusto ko ng sumuko ulit. Pakiramdam ko hindi na mababalik yung
dati.
Minsan nakakapagod din pala ang masaktan.
May isang parte ng pagkatao ko na nalilito.
to be continued...
Next Update po ay LAST CHAPTER na.
Mawawala ako ng ilang araw pero i-uupdate pa din yung last chapter.
GOGORABELS AKO SA BAGUIO BUKAS! THIS IS IT.
BONNY
- 131 -
Chapter 28
PLAY NIYO YUNG SONG HABANG BINABASA NIYO. SAKTO!
Chapter 28
Matapos umiyak kagabi ay nakatulog na lamang ako sa mga bisig ni King.
Pagkagising ko wala na si King sa tabi ko at nakita ko na lang yung note sa bedside
table.Mag lunch daw kami mamaya at susunduin na lamang niya ko dito sa bahay.
Masama ang pakiramdam ko kaya naisip kong wag na munang pumasok ngayong
araw na'to.
Bumaba ako ng komedor at naabutan si mama na umiinom ng kape. Naupo ako sa
tabi niya at nagtimpla ng sarili kong kape.
"Kamusta na pakiramdam mo? Napano ka kagabi?" tanong ni mama. Nilingon ko
siya at nagulat ng makita na nag-aalala ang mga mata niya. Sincere ba siya?
"Hindi pa din okay lalo na at alam kong may kriminal na nakikitira dito sa mansion
niyo." tinignan ko siya ng masama at nagsimula na namang manggilid ang mga luha
ko. Tumayo ako at kinuha yung tasa ng kape at iniwan siyang mag-isa doon.
Ininom ko sa may sala yung kape at pagkatapos nagpunta ako sa silid kung nasaan
si Yvette. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Bakit ganito? Ang sakit sakit
talaga
eh. Hinding hindi ko mapapatawad si Marcella.
Pagkatapos makipaglaro kay Yvette ay naligo na ko at nagbihis para sa lunch date
namin ni King. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Marcella at mama na
nagtatalo. Ito na ata yung right time para komprontahin ko sila.
"Ano?!! Ginawa mo sa kanya yon?!! Kriminal ka! Ikaw pa pala ang dahilan kung
bakit nawala ang apo ko!"
"Inalis ko lang sa landas ko yung magiging hadlang sa amin ni King tita! Sa tingin
niyo ba iiwan ni King si Sheila kung hindi nalaglag yung anak nila?!"
"Pero kahit na apo ko pa din yon! Hayop ka! Kriminal ka!" sigaw ni mama.
Napatakbo ako sa tabi ni mama at tinignan sila ng nagtataka. Kung ganoon walang
alam si mama sa nangyari?
- 132 -
"Siguro naman Sheila alam mo na kahapon pa na ako ang driver ng kotse na
nakabundol sayo? Ako lang naman ang dahilan kung bakit ka nakunan. Hahaha."
sabi ni Marcella. Naikuyom ko yung kamao ko ngunit hinawakan ako sa braso ni
mama.
"Walanghiya ka Marcella! Ginusto pa man din kita para sa anak ko pero hindi ko
alam na mas masahol ka pa sa demonyo! Paano mo naatim idamay pa dito yung apo
ko!"
"Wag kang impokrita tita! Nagawa ko lang 'to para samin ni King! At ikaw
tinulungan mo pa siyang dalhin sa hospital! Sana hinayaan mo na lang mamatay
yang si Sheila!" sigaw ni Marcella.
"Hindi ko nga gusto si Sheila pero hindi akong kasing sama mo!" sigaw din ni
mama.
"Napakasama mo Marcella! Sisiguraduhin ko na makukulong ka!" sigaw ko sa
kanya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na masaktan siya dahil alam ko oras na
mahawakan ko siya eh mapapatay ko na siya.
"Pinatay mong anak ko!!" sigaw ko.
"A-anak?" napalingon kaming lahat sa direksyon ng nagsalita at nagulat kaming
tatlo ng makita si King na nakatayo sa may pintuan.
"K-king?" bigkas ni Marcella sa pangalan ni King samantalang kami ni mama ay
animo tuod na nakatayo lamang at gulat pa din sa di inaasahang pagdating ni King.
"Anong anak ang pinagtatalunan niyo!!" sigaw ni King at halatang nalilito.
Nagsimula na akong umiyak.
"B-buntis ako ng sumama ka kay Marcella. Nasagasaan ako at nakunan." sabi ko
habang humahagulgol na.
"A-ano?!! Nagkaanak tayo?" animo naupos na kandila si King na napaupo sa sofa
at naihilamos yung mga kamay sa mukha nito.
"Si mama yung andoon nung nahospital ako. Tinulungan niya ko pero hindi na
nailigtas yung bata eh." sabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak pag ako na mismo
yung nagkkwento sa mga nangyari. Sariwa pa kasi yung pain eh.
Nagulat ako ng biglang tumayo si King at galit na galit na hinawakan sa
- 133 -
magkabilang braso si Marcella. Halos bumaon na ang mga daliri nito kay Marcella.
Nakikita ko yung takot sa mga mata ni Marcella dahil sa nagpupuyos na galit ni
King.
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to?!! Nagawa mong saktan ang asawa
ko!! Binalak mo pa siyang patayin?!! At dahil sayo nawala yung anak sana namin!!
Putangina mo!" gigil na gigil na sabi ni King kay Marcella. Takot na takot si
Marcella kay King. Nagulat ako ng isinandal pa ni King si Marcella sa pader at
hawakan ang leeg nito ng mariin.
"Eh kung ako kaya ang pumatay sayo!!" sigaw pa din ni King. Nilapitan namin ni
mama si King at inawat. Pilit namin siyang inilayo sa pagkakasakal kay Marcella.
Napaupo si Marcella sa sahig at hinahabol ang hininga nito. Umiiyak na din ito.
"Mapapatay kita! Sinira mo buhay namin ni Sheila!! Alam mo bang nasayang yung
limang taon na sana may pamilya na kami ngayon?!!" lalo akong naiyak ng makita
na may mga luha na din na dumadaloy sa mga mata ni King.
"N-nagawa ko lang naman yun kasi m-mahal kita eh." mababang tono ni Marcella
at bakas pa din ang takot nito kay King.
"Mahal?! Putangina ng pagmamahal mong yan!" muntik ng masampal ni King si
Marcella buti na lamang ay maagap kong nahawakan yung braso niya. Umiling ako
at umiyak.
"Ma. Tumawag na kayo ng pulis bago pa ako ang makapatay diyan." halatang
nagpipigil ng galit si King at ibinaba na nito ang kamay nito.
"I'm so sorry King!" pagsusumamo ni Marcella ngunit hindi siya pinansin ni King.
Tinignan ko lang si Marcella at patuloy pa ding umiiyak.
"Sinira mo ang buhay namin." wala na kong lakas pa para makipagtalo sa kanya.
Dinampot na si Marcella nung security guards upang dalhin sa police station.
"Maawa ka Sheila! Sorry!" yumuko na lamang ako at hindi na siya pinansin.
Nakita ko si mama na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng matamlay.
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Kahit papaano naramdaman ko na may ina
ako. Hindi man kami nagkakasundo nung una pero masasabi ko na okay na kami ng
biyenan ko.
"I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko sayo dati She. Maniwala ka o sa hindi
- 134 -
natutunan na kitang mahalin bilang anak." pinunasan niya yung mga luha ko.
"Patawarin mo ko ma sa lahat ng masasakit na nasabi ko sa inyo. Kinamuhian ko
kayo at pinagbintangan sa lahat ng nangyari. Sorry kung kayo yung sinisi ko kung
bakit ako naging mesirable."
"Mas marami pa din akong kasalanan sayo Sheila. Hinusgahan kita kaagad at
hindi ko nakita lahat ng kabutihan mo. Hindi pa naman huli ang lahat diba?"
napayuko ako at napabuntong hininga.
"Sige na puntahan mo na sa taas si King. Nagluluksa ngayon yun sa nalaman
niya." sabi ni mama at ngumiti sa akin. Tumango lang ako at umakyat na sa silid
namin.
Nakita ko si King na nakaupo sa kama habang nakayuko. Alam ko na umiiyak siya.
Tulad ko alam kong nasasaktan din siya. Ama siya eh. Hindi man namin nakita yung
anak namin pero nasasaktan pa din kami bilang magulang.
"Wala man lang ako sa tabi mo nung kinakailangan mo ng karamay. Napaka
walang kwenta ko! Hindi mangyayari lahat ng 'to kung hindi kita iniwan eh!"
niyakap ko lang siya at umiyak na din.
"Napaka wala kong kwenta Sheila. Hindi ko alam na sobra ka pa lang nasaktan.
Ikaw lang mag-isa yung nagluluksa habang ako nasa America." humiwalay sa akin si
King at lumuhod sa harapan ko. Nasasaktan ako na makita si King na umiiyak at
nasasaktan ng ganito.
"Patawarin mo ko Sheila. I'm so sorry." napahagulgol na din ako sa sobrang
emosyon na nararamdaman ko.
"Hindi kita dapat iniwan eh. Tangina ko eh. Ang bobo ko!" pinunasan ko yung mga
luha ni King at niyakap siyang muli.
"Kailangang kailangan kita noon King. Wala akong pinagsabihan ng nangyari,
pinilit kong magpakatatag dahil alam kong nag-iisa na lang ako at sarili ko na lang
yung aasahan ko. Nagawa ko naman. Masaya na din ako kasi nagka closure na ang
lahat. Akala mo ko nabunutan ng tinik sa dibdib ng masabi ko na din ang lahat. Wala
na kong tinatago. Makakapagsimula na talaga ko ng panibago." ngumiti ako sa
kanya at pinahid ang mga luha niya.
Napamaang ako ng may kuhanin si King sa bulsa niya at napasinghap ako ng
makita ang isang kaha. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.
- 135 -
"Kung ganoon maaari ba tayong magsimula muli Sheila? Alam kong hindi na natin
makakalimutan yung mga nangyari. Pero pwede ba kitang makasama habambuhay?
Tutuparin ko na lahat ng mga pangako ko sayo noon.......
Will you marry me?"
"Will you marry me?" napahikbi ako sa tanong ni King. Bakit ganito yung
nararamdaman ko? Dapat masaya ako ngayon eh. Hindi na dapat ako
nagdadalawang isip sa pagsagot pero may isang bagay akong narealize nitong mga
nakaraan. Matapos kaming mag-usap ni Luigi, yung pagkakaroon namin ng closure
ni King. Tama bang magsimula muli ako kasama si King?
"King?" biglang nagtaka yung mga mata ni King habang ako naman ay mas lalo
pang napaiyak.
"I d-don't know. Hindi ko alam kung kaya ko pang magsimula kasama ka. Masyado
kasi akong nasaktan eh. Hindi ko alam kung may puwang pa para sayo dito sa puso
ko. I've realized that I will always love you but it doesn't mean that I'm still
inlove
with you." hinawakan ko yung mukha ni King at iniharap sa akin.
"I'm sorry King. Hindi ko na kaya. Naisip ko na kaya lang ako hindi makapag move
on ay dahil nung nagkahiwalay tayo wala tayong naging closure lalo na dun sa anak
natin. Hindi natin alam kung bakit nga ba naging ganito yung relasyon natin.
Naiintindihan mo ba?" hinalikan lang ni King yung kamay ko at umiyak.
"Please Sheila hayaan mo kong makabawi sayo. Alam ko nasaktan kita ng husto
pero parang awa mo na hindi ko na kakayanin kung mawawala ka pa ulit sakin."
umiling ako at tinignan siya.
"King, siguro naghiwalay tayo kasi may dahilan. Mga bata pa tayo nun eh. Nadala
tayo sa emosyon natin. Ayokong magpakasal ulit sayo lalo pa't hindi ako sigurado.
Pakiramdam ko hindi na ko ulit sasaya eh. 5 years ago namatay yung puso ko."
pinahid ko muli yung mga luha niya.
"King dumating na siguro sa punto na sa kakatulak mo sa akin noon palayo hindi
mo na ko magawang mahila pabalik kasi sobrang nasaktan ako eh. Hindi ko alam
kung ano ba yung mas matimbang? Yung pain na hindi na kailanman mabubura o
yung natitirang pagmamahal ko sayo?"
"Pag-isipan mo ng mabuti 'to please Sheila. Hindi kita minamadali. Mahal na
- 136 -
mahal kita!" napayuko na lang ako at umiyak ng umiyak.
�Hindi ko alam King. Marami na yung nangyari at nasaktan tayong pareho. Ikaw
na mismo yung tumapos noon eh. Parang hindi na sayo umiikot yung mundo ko.
Ibang tao na yung nakikita ko ngayon. Ibang lalaki na yung naiisip ko sa tuwing
gigising ako sa umaga. Hindi na ikaw King. I�m sorry kung pinaasa kita, akala ko
kasi mababalik pa tayo sa dati eh.� tumayo na ako pababa ng hagdan at nagtungo sa
kotse ko. Gusto kong makapag-isip. Gusto kong hanapin yung sarili ko.
Minsan darating din siguro tayo sa panahon na akala natin mahal pa natin yung
isang tao pero ang totoo hindi lang pala tayo makawala sa memories nito. Yung
pakiramdam na akala mo hindi mo kayang mabuhay pag iniwan ka niya pero
magugulat ka na lang na nagawa mong makatayo mag-isa na wala siya sa tabi mo.
Yung pakiramdam na sa tagal ninyong naghiwalay dumating na yung panahon na
hindi mo na siya kailangan. Ito ba yung sinasabi nila na �Huli na ang lahat.�
Gustuhin ko mang magsimula kasama niya pero marami na ang nagbago.
Marami akong natutunan sa relasyon na ito at nagpapasalamat ako na lalo akong
naging matatag dahil sa kanya. Hinarap ko na lahat para sa aming dalawa.
Ipinaglaban ko siya. Oras na siguro para palayain ko siya at palayain ang sarili
ko.
Kung pwede lang talagang bumalik sa umpisa at magsimula muli gagawin ko.
Gusto kong itama yung lahat kaso parang malakas na hangin na tinangay lahat ng
nararamdaman ko sa kanya noon.
Let go when you're hurting too much. Give up when love isn't enough and move on
when things aren't like they were before.
After 2 years
Nandito ako ngayon sa birthday party ng anak ni Bianca. Masaya kong
pinapanood yung mga bata habang naglalaro sila ng parlor games. Hinimas ko yung
nakaumbok kong puson. I�m 4 months pregnant at contented wife ng isang
Engineer. Haha.
Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Nginitian ko siya. 2 years na din yung
nakaraan noong huli naming kita. Yung huling beses ko siyang nakita ay noong nasa
korte kami para maghain ng divorce sa America.
�Kamusta na?� I asked at nginitian siya.
�Eto gwapo pa din. Bakit namiss mo ko? Haha.� inirapan ko lang siya at natawa.
- 137 -
�Hindi kaya! Mas gwapo pa din sayo asawa ko.� pagmamalaki kong sabi sa kanya.
�So ganyanan na ba ngayon? Mas gwapo na talaga sakin si Luigi ngayon? Hahaha.
Yung totoo gumaganda ka ata ngayon Mrs. Sheila. Cueva.� tumawa lang ako sa
sinabi niya at tinapik siya sa balikat.
�Ngayon lang? Haha. Ganyan daw talaga mga buntis. Blooming. Haha. Wala ka
bang girlfriend na kasama?� tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nilingon yung
babaeng palapit sa amin.
�Siya nga pala Sheila, si Trinie nga pala girlfriend ko. Babe, si Sheila kaibigan
ko.�
nag ngitian lang kami ni Trinie.
�Nice to meet you. Alagaan mo si King ah.�
�Oo naman.�
�Tara na babe. Sheila mauna na muna kami ah. Hindi pa kami kumakain eh. Ikaw
din baka magutom inaanak ko.� bumeso lang sa akin si King at tumalikod na para
pumunta sa buffet table.
Ngayon ko masasabi na pwede kaming magsimula muli ni King pero hindi bilang
lovers kundi bilang isang mabuting magkaibigan. Napagkasunduan namin na
maghiwalay na lang dahil alam naming hindi na rin naman maibabalik yung dati at
masasaktan lang namin ang isa�t-isa.
Tama nga sila, bakit ka magtitiis na masaktan kung may tao naman na nariyan na
gusto kang maging masaya. Napakaswerte ko dahil hindi ako iniwan ng lalaking
muling nagpatibok ng puso ko. Ang lalaking nagturo sa akin kung paano magtiwala
muli. Ang lalaking tumanggap sa akin ng buong buo. Ang lalaking nagtayo sa akin
nung mga panahon na nadapa ako.
Si Luigi Cueva. Ang lalaking mahal ko ngayon. Narealize ko na lang na mahal ko
siya noong ipinaubaya na niya ko kay King. Parang napakabigat ng loob ko noon. At
ngayon nga ay masaya kami bilang mag-asawa lalo pa�t magkakaanak na kami
ngayon.
Naging mabuti kaming magkakaibigan nina King, sa huli natanggap na din niya
yung desisyon ko. Nagsimula ulit siya ng panibagong buhay sa America at doon nga
niya nakilala yung girlfriend niya ngayon. Hindi ako nagsisisi sa naging desisyon
ko.
Minsan kailangan mong mag sakripisyo kung gusto mo pang mapatagal yung
pagkakaibigan niyo at hindi masaktan. Masakit man isipin na yung taong minsang
- 138 -
minahal ko ay kaibigan ko na lang pero maswerte pa din ako na hindi siya nawala sa
buhay ko.
Si King nga siguro yung Prince Charming ko pero si Luigi naman yung Knight in
Shining armor ko na sumagip sa akin sa lahat ng pain at paghihirap na naranasan
ko. Isa yon sa mga natutunan ko sa pag-ibig at buhay. Huwag mong hanapin ang
Prince Charming mo kundi yung Knight-in-Shining-Armor na hindi man natin
napapansin sa una eh siya naman handang sumagip sayo.
Ito na siguro yung Happily Ever After na inaasam ko noon.
Hindi na ko mag-iisa pa muli.
THE END.
FINAL LESSON : "Happy endings doesn't always happen with the person
you love at the beginning. It usually happens with that someone you will love
at the very end. That's why it is called, happy ending." -- My Little Miss
Sunshine
- 139 -
The Story Behind the Story (Special
Chapter)
The Story Behind the Story (Special Chapter)
Tahimik lang akong umiiyak habang nakatanaw sa kalangitan. Narito ako ngayon
sa baywalk at sinasariwa ang malamig na hangin kasabay niyon ang paglimot sa
limang taong pag-ibig ko sa unang lalaking minahal ko ng husto. Sa lalaking
inalayan ko ng sarili ko. Nakakapagod din pala ang magmahal kahit na gaano mo
siya kamahal puso na din pala yung kusang susuko, darating sa puntong isusuko mo
siya hindi dahil sa hindi mo na siya mahal kundi masyado ka ng nasasaktan.
Puso lang siya napapagod din masaktan ng paulit-ulit.
Kahit na sabihin natin na maaari pa kaming magsimula ulit pero paano kung
matagal na palang tapos ang lahat sa inyo? Na akala mo maibabalik pa ang dati.
Sinubukan ko naman. Pinilit ko naman. Pero wala na talaga.
Ilang beses kong pinakiramdaman ang sarili ko. Hindi na siya. Hindi na ako
nabubuhay para sa kanya.
Naranasan niyo na ba yung akala mo hindi na kayo makakabangon mula sa isang
break-up? Akala mo siya lang talaga? Akala mo hindi ka na mabubuhat kasi nawala
siya? Pwes, mali! Dahil ang pinaka masayang nangyari sa isang katulad kong
nasaktan ng husto ay yung gigising ako sa umaga na hindi na siya yung unang iniisip
ko.
Kung kailan ayos na ang lahat ngayon pa ko susuko? Oo, dahil matapos ang lahat
hindi man kami ang nagkatuluyan sa huli marami naman akong natutunan.
Una, pahalagahan ang isang tao habang nariyan pa siya sa tabi mo.
Pangalawa, gaano mo man siya kamahal kung hindi na katulad noon ang ngayon
matuto kang magpalaya,
At huli, pansinin ang taong gusto kang pasayahin habang busy ka pang
nasasaktan noon sa ibang tao.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Pupunta kami ni King bukas sa America para
mag file na ng divorce. This time totoo na'to. Sigurado na ko gaya kung gaano ako
- 140 -
kasiguro sa nararamdaman ko. Dumilat ako para pagmasdan ang madilim na
kalangitan ngunit nagtaka ako sa nakita ko.
"Nasan na yung mga bituin?" tanong ko sa sarili ko. Kanina lang ay maraming
bituin sa langit malamang natabunan na'to ng makakapal na ulap.
"Nasa harap ko kasi yung bituin." napangiti ako. Nilingon ko yung lalaking nasa
gilid ko. He gave me a boyish grin. Bigla na namang nagwala yung tibok ng puso ko
last time na naramdaman ko 'to eh limang taon na ang nakakaraan. Nakakatawa nga
lang at hindi na para kay King itong pagwawala ng puso ko.
Ayoko pang pangalanan itong nararamdaman ko, kailangan ko pa ng sapat na
panahon. Marami na ding pinagdaanan ang lalaking 'to parehas kaming nasaktan ng
husto eto kami lang pala ang magmemend ng sugat ng isa't-isa.
"Gasgas na yang linya mo Luigi. Wala bang bago? Hahaha." lumapit siya sa akin at
masuyong hinaplos sa mukha ko ang kanyang palad kasaby ng pagpahid niya sa mga
luha ko.
"Meron." ngumiti siya sa akin habang titig na titig pa din sa mga mata ko. Ngumiti
lang ako sa kanya na naghahamon.
"Sige nga! Ano yun?" masigla kong tanong sa kanya. Like what I've said before si
Luigi lang ang lalaking hinayaan kong mapalapit sa akin noong mga panahon na
miserable ako. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng comfort.
'I love you." halos pabulong lang niya iyong sinabi pero rinig na rinig ko iyon.
Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Sa tuwing ganito na lang nagwawala
ang puso ko. Tama ba 'tong conclusion ko? Mahal ko na si Luigi?! Matagal ko din
'tong pinag-isipan. Nagsasama pa lang kami ni King inisip ko na kung tama ba yung
pagbabalikan namin. Naging tanga na naman ako at padalos-dalos sa mga desisyon
ko. Nakipagbalikan ako kay King kahit hindi naman ako sigurado sa sarili ko kung
mahal ko pa ba siya o hindi na.
"I love you Sheila. Matagal ko ng gustong sabihin sayo 'to kaso kung kailan
nagkalakas ako ng loob saka naman bumalik sa buhay mo si King. Natatandaan mo
ba nung nag site inspection tayo? Hindi ko akalain na darating si King at namatay
lahat ng pag-asa ko nung nalaman ko na siya yung dati mong asawa." natameme
lang ako sa mga sinasabi ni Luigi. Hinayaan ko lang siya na ipagpatuloy yung
pagtatapat niya. Oo! Kinikilig ako!
"Nagsisisi tuloy ako. Sana pala nung una pa lang sinabi ko na agad sayo. Hindi pa
- 141 -
din naman kasi ako sigurado noon kasi parang ilang taon pa lang namamatay si
Allison pero maniwala ka Sheila ang makita kang nasasaktan ng ganoon? Mas
nasasaktan ako! Higit kanino man kilala kita ng husto. Alam ko kung kailan ka
masaya at alam ko kung kailan ka malungkot. Syempre mahirap na nakikita ko na
nagkakamabutihan kayo ni King. Yung tarantadong yon!" natawa ako ng bahagya sa
reaction niya.
"Bakit kasi si Bianca una kong nakilala? Bakit si Allison yung una kong minahal?"
gusto ko sanang batukan si Luigi sa mga sinasabi niya kaso sayang naman moment
niya at kinikilig ako.
"Shit! Hindi ko akalain na mamahalin kita ng ganito. Basta nandito lang ako lagi
para sayo. Kahit na okay na kayo ni King basta mamahalin pa din kita. Tatandang
binata na nga ata talaga ko." pagddrama pa nito. Hahaha. Hindi pa nga pala niya
alam na maghihiwalay na kami ni King.
"Ang drama mo naman. Tara sabay na tayo pumasok ng kumbento mukang
tatandang dalaga din ako." natawa ko nung nanlaki yung mga mata niya.
"A-ano? Ha?!" hinawakan pa niya yung balikat ko at halatang naguluhan sa mga
sinabi ko.
"Louie? Naniniwala ka ba sa fairtytales? Eh sa Prince Charming?" tanong ko sa
kanya na lalo niyang ikinalito.
"Hindi? Bakit?" tanong niya.
"Ako kasi naniniwala. Hindi na sa Prince Charming kung hindi sa
Knight-in-shining-armor. Binago mo yung paniniwala ko Luigi. And I love you too."
nginitian ko siya. Yayakapin niya sana ko pero lumayo ako.
"Hep! Wait! Hintayin mo muna kong maging single pwede? Atat?!" tumawa lang
ako ng malakas ng yakapin niya ko ng mahigpit.
"Pwede bang ngayon na?! Basta hihintayin kita. Umalis na kaya kayo ni King?"
binatukan ko lang siya at gumanti na din ng yakap.
"Basta hihintayin kita." sabi pa niya at hinalikan ang ulo ko.
Nag shakehands kami ni King pagkatapos pirmahan sa harap ng judge yung mga
- 142 -
papeles para sa divorce namin. Saglit lang naman ang proseso ng divorce kaya
magiging Sheila Estevan na ulit ako. Tinadhana nga siguro na dito kami ikasal para
madali lang yung proseso ng paghihiwalay kasi hindi kami yung para sa isa't-isa.
Diba?! Hahaha.
"Mahanap mo na sana yung para sayo. I wish you all the best." sabi ni King sa akin
na may malungkot na ngiti.
"Nahanap ko na. Ikaw din sana King. Thanks for everything." ngumiti din ako sa
kanya.
"Good. Pano yan?"
"Uuwi na ko ng Pilipinas mamaya." sabi ko sa kanya.
"Bakit? Ang bilis naman?!"
"May naghihintay sakin eh. Ikaw?" tanong ko naman sa kanya.
"Dito muna ko siguro. Aasikasuhin ko yung negosyo namin. Sige goodluck."
"Goodluck." yun na ang huling salita na binitawan ko bago kami maghiwalay ng
landas. Kasabay niyon ang pagpatak ng mga luha ko hindi dahil sa lungkot kundi sa
saya. Masaya ako.
Pababa na ako ng elevator para pumunta sa sa Arrival Area. Maraming tao sa
paligid hindi ko nga alam kung susunduin ako ni Jackie dahil sa kanya ko lang
sinabi
na uuwi ako. Gusto ko sanang sorpresahin si Luigi. Nagpalinga-linga ako sa paligid
ngunit nagtaka ko sa mga card na isa-isang itinaas ng mga tao.
W-I-L-L
Y-O-U
M-A-R-R-Y
S-H-E-I-L-A
- 143 -
Natawa lang ako kasabay noon ang pag-alpas ng mga luha ko. Napangiti lang ako
ng lumabas si Luigi mula sa kumpol ng mga tao. May hawak hawak siyang isang
boquet ng bulaklak at iniabot sa akin. Nakita ko sa likuran niya sina Brooke,
Bianca,
Jackie, Yvo and Lyndon. Napaiyak akong lalo at niyakap si Luigi ng mahigpit.
Bumitaw siya sakin at lumuhod, inilabas niya ang isang red velvert box at binuksan
ito.
"Sheila Estevan. I promise that I'll be your Knight-in-shining-armor. Forever." he
said.
"Will you marry me?" tanong niya. Ngumiti lang ako ng matamis.
"Yes."
AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER
Ayan nabigyan ko na ng justice ang ENDING. :)
VOTE COMMENT AND RECOMMEND.
- 144 -
The Story Behind the Story Part 2 (Special
Update)
The Story Behind the Story Part 2 (Special Update)
Nakangiti ako habang pinapanood siyang maglakad patungo sa altar, kitang-kita
ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata at kung gaano siya ka-inlove. Bahagyang
nawala ang mga ngiti ko, yun ang mga ngiting kailanman ay hindi ko naibigay sa
kanya.
Minsan sabay kaming nangarap na maikasal sa simbahan, bumuo ng masayang
pamilya at tumira sa mansion na siya mismo ang nag-disenyo at ako naman ang
tumulong maitayo ito. Lahat ng pangarap na iyon ay naglaho na lamang sa isang
iglap dahil sa isang hindi pagkaka-unawaan, sa pagiging mapang-husga ko, sa
pagiging isip bata ko.
Hindi ko maiwasang sisihin ang tadhana dahil bakit kailangan niyang subukin ang
pag-iibigan namin? Pero naisip ko din na nasubok ng husto kung gaano ko siya
kamahal at dahil sa padalos-dalos kong disesyon, nawala ang lahat. Nawala ang
pinakamamahal kong babae.
Limang taon. Limang taon ang nasayang, akala ko makakapagsimula kami ng
panibago, akala ko mahihilom ng pagmamahal ko lahat ng sugat, hinanakit at
hinagpis na naidulot ko sa kanya ngunit nagkamali ako. Tama siya, maaari nga
kaming magsimula ng panibago ngunit ang relasyong may lamat na ay hindi na
maibabalik pa sa dati. Magsisi man ako ay huli na. Wala na. Gusto ko lang naman
ang mapasaya siya pero bakit puro hinanakit lang ang naidulot ko sa kanya?
"I d-don't know. Hindi ko alam kung kaya ko pang magsimula kasama ka. Masyado
kasi akong nasaktan eh. Hindi ko alam kung may puwang pa para sayo dito sa puso
ko. I've realized that I will always love you but it doesn't mean that I'm still
inlove
with you." ang pinaka masakit na linya na narinig ko mula sa babaeng minahal ko ng
husto.
Noong marealize ko kung gaano ko siya kamahal at kahalaga sa buhay ko ay huli
na ang lahat. Masakit man ang katotohanan na sa kabila ng lahat ng pagsubok na
pinagdaanan ng relasyon namin ay kailangan hilumin namin lahat ng sakit at pait ng
nakaraan na magkahiwalay. Kailangan ko nga sigurong tanggapin na sa buhay kung
sino ang akala mong makakatuluyan mo sa dulo ay nakalaan pala sa iba. Na
dumating lang siya sa buhay mo upang matuto ka sa buhay.
- 145 -
Ang sakit sakit sampalin ng katotohanan, ang sakit isipin na ang inakala kong
masayang love story ay wala palang happy ending, ang inakala kong prinsesa ay
nararapat pala sa iba.
"King, ilang beses ko 'tong pinag-isipan. Closure lang ang hinihingi ko. Iyon lang
naman ang kailangan ng isang failed relationship eh. Wag na nating pilitin kung
sirang sira na talaga. Masasaktan lang tayong pareho. Please? Limang taon akong
nabuhay na miserable, gusto ko ng lumaya." naalala ko pa noong araw na iyon ng
magmakaawa akong bigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon. Masyado ngang
matagal ang limang taon. Kung napaaga lang sana ang pagbabalik ko.
Masakit man isipin na dahil lang sa isang pangyayari ay hindi na kami
pwedeng maging tulad ng dati.
"Congratulations!" masaya kong bati sa kanya noong makalapit siya sa table ko.
"Uy buti nakapunta ka! Kailan ka nakauwi?" masaya niyang tanong sa akin. Damn!
Bakit kailangan mong ipakita kung gaano ka kaligaya ngayon? Kung gaano ka
kakuntento kasama siya? Kung gaano mo ipamukha sa akin na kailanman hindi ko
naibigay sayo ang ganitong kasal?!
"Ah? Kakauwi ko lang, dito na ko dumiretso. Babalik din agad ako ng America." oo
umuwi lang ako ng Pilipinas para saktan ang sarili ko. Para lalo akong maghinayang
sa mga pagkakataong akin ka. Na ako yung mahal mo.
"Oh? Grabe naman?! Haha. Hindi ba magagalit girlfriend mo?" tanong niya sa
akin. Sadista lang Sheila? Sakit ah. Amp. Ngumiti na lang ako.
"Sino sa kanila?" tumawa lang si Sheila at tinapik ako sa balikat.
"Babaero! Sige pili ka lang sa mga abay ko ha? Puntahan ko lang asawa ko
kasama nila Yvo. Have fun!" shit! Kahit ilang ulit kong isaksak sa utak na
tanggapin
ang lahat pero masakit pa din eh. Lahat na ata naka-move on pero ako hindi pa.
Suicide ata 'tong ginawa ko. Pumunta pa talaga ko sa kasal ng ex-wife ko. Anakng!
"S-sige lang." pilit akong ngumiti sa kanya at tumango. Ngumiti siya at naglakad
na patungo sa iba pang bisita, nakita kong nakatingin sa akin yung mga kaibigan
niya at binigyan lamang ako ng malungkot na ngiti at umiwas na ulit sila ng tingin.
Nagbuntong hininga ako at tumayo na ako upang umaalis, tama na siguro 'to.
- 146 -
Sapat na siguro 'tong sakit na nararamdaman ko. Masakit na talaga eh. Masokista
na kung masokista gusto ko lang makita na masaya talaga si Sheila kahit papaano
nakakagaan na din ng kalooban yun. Hindi na muling iiyak ang babaeng mahal ko.
Napangiti ako at naglakad na. Nahinto ako sa paglalakad ng mayroon akong
mabanggang babae, yumuko lang ako at humingi ng pasensya at nagpatuloy na sa
paglalakad hindi na ako nag atubili pang lumingon.
Sa paglalakad kong palayo, sisiguraduhin kong hindi na ako lilingon pa sa
nakaraan. Alam ko mahahanap ko din ang babae na para sa akin. Hindi man siguro
ngayon pero alam ko darating din yung araw na yun na magbubukas ulit yung puso
ko. Magmamahal ulit ako at liligaya din katulad ni Sheila.
Hindi rin ako nagtagal sa Pilipinas dahil may mga naiwan akong trabaho sa
America, isusubsob ko na lang siguro muna yung sarili ko sa trabaho baka sakaling
makalimutan ko lahat ng nararamdaman ko ngayon. Wala akong pakialam kung
mainit man ang mata sakin ng mga Filipino reporters. Tsk. Mga walang magawa sa
buhay yung mga chismoso't chismosa na yun. Isang sikat na Filipino Engineer ay
may failed marriage. Tss. Ginusto ko ba yun? Ano naman mangyayari kung hiwalay
ako sa asawa ko? Ewan ko ba sa mga makukulit na reporters na yun at sinusundan
pa ko sa America para lang makasagap ng walang kakwenta-kwentang balita.
Nakakainis lang talaga! Wag na wag lang talaga nilang idadamay yung anak
namin ni Sheila sinisigurado ko malalagot sila sakin. Buti pa si Sheila naka-move
on
na sa pagkawala ng anak namin, ako ngayon ko pa lang sinisimulan tanggapin ang
lahat. Mas masakit sa parte ko dahil sinisisi ko yung sarili ko sa lahat, sa
pagkasira
ng relasyon namin ni Sheila at sa pagkawala ng anghel namin. Minsan hindi ko
maiwasang maisip na sana masaya na kami ngayon. Haha. Sana may lima na kaming
anak ngayon. Hay.
Kasalukuyan akong umiinom ngayon dito sa bar at umiinom ng brandy ng may
tumabi sa aking isang maganda at sexy na babae. Bahagya ko lang siyang tinapunan
ng tingin at ibinalik yung tingin ko sa iniinom ko.
"Hey, you look familiar. Have we met before?" tss. Halatang flirt. Malayo kay
Sheila na matapang. Arghh! Enough! Puro na lang ako Sheila! May asawa na siya.
Amp.
"I don't think so." hindi ko pa din siya pinapansin.
"King?! King Romualde?!! Hey, Mr. Engineer!" ang kulit lang ng babaeng 'to.
- 147 -
Kalabit ng kalabit! Anakng! Sikat talaga ko ah? Nakilala ako. Aba! Ako lang naman
Engineer ng Hollywood Celebrities dapat lang na kilala niya ko.
"Huy! Ano ka ba! Grabe naman! Sumikat lang dito sa America hindi na
namamansin ng kapwa Pilipino." nanlaki yung mga mata ko ng mag-tagalog yung
babae at napalingon sa kanya, ngumiti lamang siya at kumindat habang ako naman
ay nasamid sa iniinom kong alak. Hindi ko akalain na maganda pala siya, I mean
maganda pag tinitigan ng husto kanina kasi bahagya ko lang siyang tinignan.
"P-pilipino ka?!" hindi kasi masyadong halata na Pilipino siya. Maputi at mukang
may lahi.
"Obvious ba?!! Hahaha." may naaalala ako sa kilos niya. Kakilos na kakilos niya
yung kakilala ko pero imposible naman.
"Hi. I'm Trinidad Dimaguiba. I know masyadong makaluma name ko so you can
call me Trinie for short." ngumiti siya ulit sa akin at nag lean.
"Ahmm. I'm..." agad niyang iwinasiwas yung kamay niya sa harap ko.
"Nah! Kilala na kita. Haha." ininom niya yung alak ko at ngumiti. Teka?!! Ganyan
din yung kakilala ko eh. Laging nang-aagaw ng iniimon!
"Teka, bakit nga pala ang lungkot mo kanina Mr. Engineer?" nag lean siya sa akin
at bored akong tinignan. Hmm. Ang tagal ko ng sinasarili lahat ng nararamdaman
ko, wala namang masama kung paminsan minsan mag open ako diba tapos sa
stranger pa? Alam ko naman hindi na niya pagkaka-abalahan alalahanin yun
matapos ang gabing ito.
"Wala. Naalala ko lang yung anak ko." malungkot kong sabi at lumagok sa brandy
ko. Nakita ko na nanlaki yung mga mata niya pero bumalik din yung composure
niya.
"May anak ka na? Nagka-anak kayo ng ex-wife mo?" bahagya akong nagtaka sa
tanong niya pero naalala ko na marahil alam niya yun dahil kalat naman na yun. Tss.
Mga reporter kasi, pati kasuluk-sulukan ng buhay ko inaalam.
"Oo, kaso nakunan siya eh. Kailan ko lang nalaman. Kaya pala kahit anong
magmamakaawa ang gawin ko sa asawa ko noon na balikan ako ay di na niya ko
magawang patawarin. Tangina kasi eh. Ang daming nangyari, sumuko agad ako
samantalang siya hindi. Nung matatag na ko saka naman siya sumuko." sabay lagok
ko ulit sa brandy ko habang siya naman ay nakikinig lang. Ayos pala 'to eh.
- 148 -
"Hindi niyo ba sinubukan magsimula ulit? Ganoon siya kagalit sayo para hindi ka
bigyan ng second chance? Halatang nagsisisi ka naman na eh."
"Oo, sinubukan namin magbalikan pero huli na talaga yung lahat. Kahit gaano pa
namin kamahal yung isa't-isa pero lagi kaming binabalikan nung pagkakamali ko.
Lagi niyang isinusumbat sa akin na naging miserable siya. Sirang sira na talaga eh.
At ngayon naka move on na samantalang ako naiwang nakakapit pa din sa ala-ala
namin." karma nga ata 'to. Lahat kasi ng ipinaramdam ko kay Sheila noon ay
nararamdaman ko din ngayon. Masakit pa lang makita yung mahal mo na masaya sa
iba. Napakasakit.
"Baka hindi nga kayo talaga for each other. Mayroon diyan 10 years ng kasal
naghihiwalay pa din. Bakit mo pipilitin ang isang bagay na wala na talaga?
Masasaktan ka lang. Siguro akala mo mahihila mo pa siya pero dahil sa kakatulak
mo natuto na siyang mamuhay na wala ka. Nasanay na siyang mabuhay na hindi na
dumedepende sayo.
Makaka move on ka din. Kung siya nakaya niya, kakayanin mo din." masyado ata
akong natuwa at gumaan yung kalooban ko sa kanya kaya naman nahalikan ko siya
sa lips. Ngumiti lang siya pagkatapos noon at hinalikan ako.
Ilang buwan na kaming nag-ddate ni Trinie at masasabi kong napapagaan niya
ang kalooban ko. May nahihingahan ako ng lahat ng problema ko at nag-eenjoy din
ako sa company niya. Baliw pa la siyang babae. Hahaha. Kamuka niya talaga yung
kakilala ko at nakakatawa lang kabaligtaran siya ni Sheila. Hindi ko na din pala
siyang masyadong naiisip ngayon. Lagi kasing nandyan si Trinie. Natatawa din
talaga ko kasi nga kaugali ni Trinie yung kakilala ko edi posible pala akong
mainlove
dun?!! Hahaha. Kaso may asawa na nga lang.
Yes, nagsasama kami sa isang condo ni Trinie. Minsan sa condo ko siya umuuwi at
minsan naman sa condo niya ako natutulog. Ngayon nandito ako sa condo niya,
maaga akong nagising habang siya naman ay iniwan ko sa kama na natutulog pa.
Makapag ikot na lang muna sa condo niya. Malihim na tao si Trinie, sa totoo lang
kaunti pa lang yung nalalaman ko sa kanya. Ni hindi ko nga alam yung trabaho niya
eh.
Inaangat at binabalik ko din sa dati yung mga gamit niya hanggang sa mapunta
ako sa study table niya.
Trinidad Dimaguiba.
- 149 -
Reporter
Naikuyom ko yung mga kamao doon sa nabasa ko. Pucha?!! Kaya naman pala
ayaw sabihin yung trabaho kasi reporter siya?!! Ano siya tinitiktikan ako kaya
nakikisama sa akin?!! Aba naman!! Agad akong nagpunta sa silid at padabog na
isinara yung pinto. Agad namang nagising si Trinie kaya naman inihagis ko sa kanya
yung I.D niya.
"Ano 'to?!! All these time niloloko mo ko? Ano nagpapadala ka ba ng balita sakin
sa Pilipinas? Gagamitin mo yang katawan mo para lang makakuha ng walang
kakwenta-kwentang balita tungkol sa akin?!!" natahimik lang ako ng bigla na lang
niya akong sampalin sa pisngi. Umiiyak siya.
"Oo! Naisip ko nga yon pero hindi ko tinuloy kasi mahal na kita! Mahal na kita
noong una pa lang kitang makita! Kaya ka iniiwan eh kasi hindi ka muna marunong
makinig sa paliwanag ng iba! Inuuna mo yang galit mo! Ang dami mong sinasabing
masasakit na salita sana man lang pinagpaliwanag mo muna ko!!" natameme na ko
ng sumigaw siya habang umiiyak. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo.
"I'm sorry. I'm so sorry. I love you too." hinalikan ko ulit siya sa ulo.
"Nakakainis ka. Gago ka."
"Nadala lang masyado. Akala ko kasi kung kailan nagmahal na ulit ako tapos
mabibigo ulit ako. Sorry." hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya at gumaan
yung pakiramdam ko ng yakapin niya din ako ng mahigpit.
"I love ypu Trinie. I really do."
Nandito kami ngayon sa birthday party ng anak ni Bianca, umuwi kami ni Trinie
para ayusin yung kasal namin. Masaya din ako na makita si Sheila, buntis na siya sa
panganay nila ni Luigi. Okay naman kami ni Luigi, minsan nagkakasama kami sa
trabaho at civil kami. Nakakagulat din na magpinsan pala si Jackie at Trinie. Kaya
naman pala naaalala ko si Jackie minsan pag nagsasalita si Trinie. Hahaha. Sabi na
nga ba eh.
Sobrang thankful ako at nakilala ko si Trinie. Kung hindi ko siya nakilala hindi ko
na alam mangyayari sa buhay ko. Natanggap ko na lahat at ngayon kuntento na ako
sa kanya. Natuto na ko kaya naman pinapahalagahan ko na kung ano ang meron ako
ngayon.
- 150 -
"Being friends with your ex, it shows that you two are mature enough to
get over the fact that you weren't meant to be together.
The End.
- 151 -

Вам также может понравиться