Вы находитесь на странице: 1из 3

MODYUL 15

“AGWAT NG TEKNOLOHIYA”
PART 1
SECTION: 8-H – MONDAY – 11:15 – 12:00
8-D – TUESDAY – 10:15 – 11:15
8-G – TUESDAY – 11:15 – 12:00
8-F – WEDNESDAY – 10:15 – 11:15
:
Malaki ang epekto ng paglakas ng kapangyarihan ng teknolohiya sa ating mundo o sa ating bansa. Minsan tayo ay
napapaisip kung ano na nga kaya ang ating buhay kung wala ang teknolohiya? Ang buhay kaya natin ay masasabi paring
masaya at makabuluhan kung wala ang mga ito? Isa na nga ang teknolohiya sa mga bagay na may malaking epekto sa
buhay ng tao, sapagkat pinauunlad nito ang ating ekonomiya sa pangkalahatan at ang ating sarili lalong lalo na sa
pakikitungo sa ibang tao at ang paggamit ng mga teknolohiyang ito. Malaking impluwensya din ang teknolohiya sa
larangan ng edukasyon.
Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa
paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at
inhinyeriya. Ang depinisyon na ito ay nagpapahiwatig na hindi na bagong tugtugin sa buhay ng tao ang teknolohiya.Sa
pang araw-araw na pangangailangan ay makaklasipika ang teknolohiya sa maraming bahagi, ilan na dito ay sa larangan
ng komunikasyon, transportasyon, pagbibigay impormasyon, tulong-kagamitan, medisina at marami pang iba. Pero sa
kasalukuyang panahon, makikita na ang teknolohiya ay mayoryang tumutugon sa ating pangangailangan na pumapasok
sa tulong-kagamitan bahagi ng teknolohiya. Masasabi na din na ito ang pangunahing ideya kung bakit nagkaroon ng
konsepto ang teknolohiya sa ating buhay.
Ayon sa teknohistang pinoy na si Juan dela Cruz ang teknolohiya sa atin ay napakahalaga sapagkat nakakatulong ito sa
mga paraang tulad ng:
Teknolohiya bilang gamit
Ito’y mga gamit at makina na maaring tumulong sa ating gawain pagdating sa pag-aayos ng mga sirang gamit at
paggawa ng mga produkto.
Teknolohiya bilang teknik
Ito’y kasalukuyang antas ng ating kaalaman kung paano pagsasama-samahin ang mga materyales upang maka-gawa ng
mga produkto, maka-tulong sa mga problema, at makamtan ang mga sariling pangangailangan at kagustuhan. Angkop
dito ang mga teknikal na methods, skills, proseso, tekniks atbp. Ang mga halimbawa nito’y: computer technology,
construction technology o medical technology.
Sa araw-araw nating paggagamit ng teknolohiya sa ating buhay nakakatulong ito sa maraming larangan o antas ng ating
buhay katulad ng Pag-unlad ng antas ng libangan, mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan, mas
mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa, global networking, mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng
komunikasyon gamit ang teknolohiya, at mas makakamura sa ibang paraan. Pero hindi maikakala na ang teknolohiya ay
may negatibong epekto sa ating mga tao katulad ng pagiging tamad ng mga tao dahil sa teknolohiyang ito, maaaring
gamitin sa karahasan, nakakasira ng kalikasan, ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-
maling sitwasyon, at ang panghuli ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring
makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na
ang teknolohiya ay may masamang epekto saating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya
dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw naito ay tama, subalit,
kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya ngaba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang
epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.
MODYUL 15
“AGWAT NG TEKNOLOHIYA”
PART 2
SECTION: 8-H – WEDNESDAY – 11:15 – 12:00
8-D – THURSDAY – 10:15 – 11:15
8-G – FRIDAY – 11:15 – 12:00
8-F – FRIDAY – 10:15 – 11:15
Sa panahon natin ngayon madami nang mga makabagong teknolohiya ang nabubo at isa na dito ang internet at social
media kung saan ay nakakatulong sa atin ang paggamit nito sa pagaaral, pagsasaliksik at komunikasyon na mayroong
negatibo at positibong epekto sa ating mga mamamayan na gumagamit nito.

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.
Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may
lokal hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay Dinadala nito ang mga iba’t ibang impormasyon at serbisyo,
katulad ng online chat at magkakaugnay na mga pahina ng World Wide Web samantalang ang Social Media ay
tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan
ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng
mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

May mga positibo at negatibong epekto ang Internet at Social Media sa ating mga mamamayan na gumagamit nito gaya
na lamang sa pagaaral, pagsasaliksik at komunikasyon.

Sa larangan ng pagaaral ay nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga magaaral sapagkat napapadali ang
kanilang paghahanap ng mga bagay na kailangan nilang malaman gaya na lamang ng mga bagay na hindi pa nila alam ,
mga takdang aralin, research paper, mga proyekto at iba pa. kung mayroong magandang kapakinabangan ay mayroon
din na hindi magandang epekto ito sa mga kabataan at isa na roon ang pagiging matamarin ng mga estudyante dahil
mas mapapadali ang kanilang gawain sa eskwela dahil mayroon nang internet, pagbubukas ng mga websites na hindi
angkop sa kanilang edad gaya na lamang ng mga pornograpia at scandal at pagkakalulong sa mga online games gaya ng
Dota at LOL.
Sa larangan naman ng pagsasaliksik ay may positibong naitutulong ang internet gaya na lamang ng una, hindi aksaya sa
oras ang paghahanap ng mga bagay na kailangan dahil pindot lamang ang kailangan sa isang kompyuter ay lalabas na
ang iyong kailangan. Pangalwa, hindi na kailangan pang magaksaya ng pagod pumunta sa library at humiram ng
sandamakmak na libro. Panghuli, imbis na tungkol sa leksyon sa klase ang isasaliksik ay mga bagay na walang kahulugan
ang inuuna gaya na lamang ng pagpopost ng mga walang kahulugan na mga litrato at chismis na maaaring makasira sa
proseso ng pagsasaliksik ng isang tao.

Sa Larangan naman ng komunikasyon ay may positibo din naitutulong ang internet gaya na lamang ng
pakikipagkomunikasyon sa mga mahal natin sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa, pagkalap ng mgamac4
impormasyon tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa loob at labas ng bansa, at ang pagkakaroon ng mga update
tungkol sa buhay ng mga mahal natin sa buhay gaya na lamang ng mga masasayang nangyari sa kanila na gusto nilang
ibahagi sa iba. Kung mayroong positibo at mayroon ding negatibo gaya na lamang ng una, pakikipagkomunikasyon
upang makapangloko ng tao gaya na lamang ng mga scam. Pangalwa, upang magpakalat ng mga maling impormasyon
laban sa pamahalaan at iba pang organisasyon. Panghuli, pagpapalaganap ng chismis gaya na lamang ng mga patungkol
sa mga artista at ibang tao.

Ang internet at social media ay nakakatulong sa atin upang mapabilis ang proseso ng ating pagaaral, pagsasaliksik at
pakikipagkomunika sa iba ngunit ginagamit ito sa masasamang paraan. Kailangan tayong magingat sa paggamit nito
sapagkat madami na ang mga taong nasisira ang buhay at namamatay dahil sa mga social media na kanilang
kinaaadikan na hindi naman nakakatulong sa kanila. Gamitin natin ang Internet at Social Media sa pagpapaunlad ng
ating sarili upang umunlad din ang ating bansa
QUESTIONS:
PART 1 – MINIMUM OF 10 SENTECES
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang “teknolohiya” sa iyong palagay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Bakit nagkaroon ng ideya patungkol sa “teknolohiya” bilang isang solusyon?
3. Paano nakakatulong ang teknolohiya patungkol sa iba’t ibang larangan ng ating lipunan? Magbigay ng
halimbawa
4. Sa iyong palagay kaya ba nating pigilan ang pagusbong ng teknolohiya sa ating makabagong panahon? Bakit?
Ipaliwanag ng maigi.
5. Bakit maraming tao ang nagkakaroon ng problema patungkol sa teknolihiya? Magbigay ng mga suliraning ito
at ipaliwanag.

PART 2 – MINIMUM OF 10 SENTECES


1. Ano ang “Social Media?” Ipaliwanag ng maigi gamit ang sariling pag-unawa mula sa nabasa.
2. Ano – ano ang mga magagandang dulot nito sa atin bilang parte ng makabagong henerasyong tinatawag na
“MILLENIALS”?
3. Ano ang kinalaman ng komunikasyon sa Social Media? Bakit mahalagang magkaroon ng komunikasyon ang
ating lipunan ?
4. Ano naman ang mga masamang dulot ng Social Media? Magbigay ng mga halimbawa at ipaliwanag ang
iyong mga kasagutan.
5. Bakit sa ating panahon kailangan nating maging edukado sa paggamit ng mga makabagong paraan sap ag-
aaral, gaya ng paggamit ng internet at social media? Ano ang implikasyon nito bilang isang kabataan sa
panahong ito?

Вам также может понравиться