Вы находитесь на странице: 1из 23

CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 1

CERTIFICATION

This research paper entitled “Title of your paper” prepared and submitted
by Names of Members in partial fulfillment of the requirements for the
Technical-Vocational-Livelihood Track or Academic Track, has been examined
and recommended for Oral Examination.

KRISTINE Y. ZANTUA
Adviser

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
APPROVAL

Approved by the PANEL OF EXAMINERS on Oral Examination on March


10, 2017.

KRISTINE Y. ZANTUA
Chair

NAME OF PANELIST NAME OF PANELIST


Member Member

Accepted in partial fulfillment of the requirements for the Technical-Vocational-


Livelihood Track or Academic Track.

KRISTINE Y. ZANTUA
Subject Teacher
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 2

KABANATA 1

ANG IMPLUWENSIYA NG KOREAN POP MUSIC SA MGA PILING

MAG-AARAL NA BABAE NA NASA IKA-11 BAITANG NG CABUYAO

INTEGRATED NATIONAL HIGHSCHOOL

PANIMULA

Ang musika ay naging bahagi na nang pang-araw–araw na pamumuhay ng

mga tao sa buong mundo. Naging isa na itong midyum upang maipahayag ng

isang tao ang kaniyang mga nararamdaman na hindi niya kayang sabihin ng

diretso. Naging bahagi na ito ng kanilang mga tradisyon. Ito ang dahilan kung bakit

masasabi natin na ang musika ay mayroong malaking impluwensya sa

pamumuhay ng mga tao. Naaapektuhan nito ang kanilang mga ugali at mga

paniniwala. Ang musika ay mayroong epekto lalo na sa mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay mahilig makinig sa mga kanta o musika na kung saan

maiuugnay nila ang kanilang mga sarili. Sa pamamagitan ng kanta o ng musika,

naipapahayag nila ang kailang opinyon tungkol sa isang bagay. Nagagawa nilang

maipahayag ang kanilang mga nararamdaman, ang kanilang pag-ibig, ang

kanilang kalungkutan at iba pa. Ito ay isa na sa mga naging libangan ng mga

Pilipino. Mapatagalog, Ingles o kahit anong lenggwahe pa iyan basta’t nagustuhan

nila asahan mo’t kankantahin nila ito kahit hindi nauunawaan ang liriko. Sa

paglipas ng panahon, unti-unting sumisikat ang K-pop o Korean Pop Music. Ang K-
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 3

pop ay ang mga awiting mula sa Korea partikular na sa Timog ng Korea. Dahil sa

likas na hilig ng mga Pilipino sa iba’t ibang uri ng awitin madaling nakuha ng K-Pop

ang atensyon ng mga kabataang Pilipino. Karamihan sa mga nahuhumaling dito

ay pauli-ulit na pinapanuod o pinapatugtog ang mga music videos ng kanilang mga

iniidolo. Ilan sa mga iniidolo nila ay ang BTS, Momoland, Super Junior at Black

Pink. Kalimitan pang gumagastos ang mga ito para lang makabili ng mga damit,

tiket para sa kailang mga concert. Dito masasabi na nating lubos silang

nahuhumaling sa mga K-pop lalo na ang kababaihan. Nang dahil dito, unti-unti ng

naglalaho ang OPM o ang Original PInoy Music. Maraming tao o mamamsyang

Pilipino ang nagsusulong na paunlarin ang OPM.

Malaki ang epekto ng K-pop sa kultura nating mga Pilipino lalo na sa araw-

araw nating pamumuhay. Mahalaga pa ring pahalagahan natin ang sariling atin

sapagkat ito ay atin mismo. Ito ay naging parte na ng ating kultura kaya dapat

natin itong pahalagahan.

BATAYANG KONSEPTUWAL

INPUT PROSESO OUTPUT


•Ang layunin ng saliksik •Aming kapapanayamin • Makatutulong kami
na ito mapag-alaman ang ang mga estudyante ng sa pagpapaunlad ng OPM
maaaring gawin upang CINHS na nasa ika-11 dahil kasi ay makapag-
mas mapaunlad ang baitang upang makakuha aambag ng mga bagong
Original Pinoy Music. ng mga datos na aming ideya o paraan sa kung
kakailanganin sa saliksik paano mas mapapaunlad
upang aming maabot an ang OPM.
gaming layunin
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 4

Unti-unti ng nawawala ang OPM kahit pa ito ay na ng mga Pilipinong

manganganta. Habang unti unti itong nawawala, unti unti naming sumisikat ang

K-Pop sa mga Pilipino. Ang layunin ng saliksik na ito ay malaman kung ano-ano

ang mga paraan na maaari gawin upang mapaunlad ang OPM. Sa pamamagitan

nito, maipapakita ng mananaliksik ang mga paraan na maaring gamitin o gawin ng

mga mamayang Pilipino na nagsusulong ng OPM upang mas mapaunlad pa ang

mga awiting sariling atin.. Ang pag-aaral na ito ay sumasagot sa mga sumusunod

na tanong:

1.) Bakit nahuhumaling ang mga kababaihan sa Korean Pop Music?

2.) Gaano kadominante ang mga kababaihan na nahuhumaling sa K-Pop?

3.) Ano ang pwedeng maging solusyon sa pagiging dominante ng K-Pop na

malalaman sa pag-aaral na ito?

4.) Bakit patuloy na sumisikat ang K-Pop sa Pilipinas?

5.) Gaano kadalas nilang pinapakinggan ang mga awiting mula sa Korea,

partikular na sa Timog ng Korea, kaysa sa OPM na kanta?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang saliksik na ito ay mag-aaral sa kung ano ang impluwensya ng K-Pop sa

mga kabataang kababaihan na nasa ika-11 baitang ng Cabuyao Integrated

National High School. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, makalilikha ang

mananaliksik ng mga bagong pamamaraan kung paano pauunlarin ang OPM, sa

kung paano ito bubuhayin dahil ito ay unti-unti nang nawawala. Nang dahil sa
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 5

pananaliksik na ito, muling mabubuhay ang OPM na isang bahagi na ng ating

kultura.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay ang mga piling

kababaihan na nasa ika-11 baitang na nag-aaral sa Cabuyao Integrated National

High School. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa impluwensya ng Korean Pop

Music sa mga kababaihan na nasa ika-11 baitang. Napapaloob sa pag-aaral na ito

ang mga hakbang na dapat gawin o isakatuparan upang mapaunlad ang OPM at

mas tangkilikin ito ng mga Pilipino.

KABANATA 2
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 6

KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga pag-aaral at mga

artikulong may kaugnayan sa aming napiling paksang na makakatulong upang mas

lalong maunawaan ang ginawang saliksik.

A. Lokal na Literatura

JURIS FERNANDEZ, SA PAGPAPAKILALANG MUSIKA AT

TALENTONG PINOY SA KOREA.

Ni Veronica R. Samio(Philippine Star Ngayon)

Kapag nakataon, maraming local singers natin ang magkakaroon ngmalaking

pangalan sa bansang Korea. Dalawa sa Sessionista ay tina-targetang bansang ito

para pagsimulan ng kanilang international career. Kung si Sandara Park na sikat na

sikat ngayon sa kanyang sariling bansa bilang miyembro ng all-pop girl group na

2NE1 na dito sa bansang Pilipinas nagsimula ng career sa showbiz at

ipinagpapatuloy lamang sa Korea, sina Princess Velasco at Juris Fernandez

ay mayroon din planong makilala sa ibang bansa na bahagi rin ng Asya. Sa

katunayan ay nagsimula na si Juris ,isang album ang ginawa niya para sa isang

Korean producer na kung sanay humanga sa kanyang malamig na boses at dun din

ilalabas sa Korea.

OPM (Oplan: Pinoy Music)


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 7

Ni Jessica Soho

Kamakailan lang, ipinag-utos ni P-noy ang pagpapatupad ng batas na

nag-uutos sa mga FM station na dapat magpatugtog ng apat na OPM(Original

Pilipino Music) kada oras. Sa ganitong paraan daw mabibigyan muling

importansya ang sarili nating musika at hindi lang ang awitin ng mgabanyaga. Ang

hakbang na ito, suportado ng bagong pinuno ng Organisasyon ng Pilipinong

Mang-aawit na si Ogie Alcasid. Para naman saiba, may ilan naman daw pilit na

ginagawang buhay ang music industry ditosa Pilipinas, kagaya na lang ng

sumisikat ngayong P-POP o Pinoy Pop. Pero may ilang kumukwestyon kung

paano ba talaga nakakatulong ang P-POPsa OPM gayung diumano, ginagaya

lang daw nito ang K-POP ng mga Koreano.

Bagong karangalan sa Pilipinas:Freddie Aguilar sa pagkapanalo sa

Korean Asia Star Award

Ni Boy Villasanta

Bagong karangalan sa Pilipinas:Freddie Aguilar sa pagkapanalo sa Korean

Asia Star Award Ni Boy Villasanta. Isang sikat at batikang musikero na si Freddie

Aguilar ay nabigyang parangal mula sa prestihiyosong Korean Modeling

Association.Ibinigay ng Korean Modeling Association ang kanyang parangal noon

ika-18 ng Enero dahil sa pagpapalaganap at pagbibigay halaga nito sa musikang

pinoy hindi lamang sa Asya bagkus ay pinalalawig din niya ito sa buong

mundo.Isang malaking sopresa ng makatanggap ng parangal si Freddie Aguilar


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 8

dahil ang nasa isip niya ay ang magtanghal lang kaya siya natungo sa bansang

Korea.

K-pop: Ang Pagtangkilik at Epekto ng Musika ng mga Koreano sa mga

Pilipino

(Disyembre 1, 2016)

Maraming usap-usapan na unti-unting namamatay o natatabunan ang mga

OPM songs dahil sa pagdating ng K-pop sa bansa. Pero hindi naman tunay na

namamatay ang OPM dahil habang mayroong mga Pilipinong mangangawit,

nagmamahal at nagpapahalaga sa mga awiting Pinoy, hindi ito kailanman man

mamatay. Ayon sa OPM artist na si Jim Paredes, ang paraan na ginagawa ng

Korea para ipalaganap ang kanilang musika ay maaaring maging modelo ng

Pilipinas para maibangon ang OPM. Maaaring maging modelo pero hindi gayahin.

Katulad na lang ang ginagawa ni Juris Fernandez na gumagawa ng pangalan sa

Korea. Gumawa siya ng isang album na ang mga laman ay puro K-pop songs na

binigyan niya ng sarili niyang interpretation. Ilan sa mga kantang kasama sa album

niya ay ang kantang If na pinasikat ni Kim Taeyeon na miyembro ng Girls’

Generation at ng awiting Don’t Forget ni Baek Jiyoung. Isa lang itong patunay na

hindi nating kailangang gayahin ang lahat ng ginagawa ng mga K-pop artist, ang

sumayaw habang nakanta, ang magpakulay ng buhok at magsuot ng magagarang

damit. Kung gusto nating makilala ng buong mundo ang ating mga awitin, iwasan

natin ang maging anino ng ibang bansa.


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 9

Sinabi pa ni Jim sa panayam ni Rida Reyes sa Balitanghali, “Korean

singing Korean, Chinese singing Chinese... tayo lang ang hindi ganun. Mobilize

Filipino who speaks Filipino to the world.” Ito maaari ang naging dahilan kung bakit

nagkaroon ng P-Pop sa ating bansa para itaguyod ang mga awiting Pinoy. Ano

man ang mangyari hindi na maaalis ang kulturang K-pop sa ating bansa lalo na

ngayong lalong lumalakas ang impluwensya nila sa buong mundo. Patuloy na

mamamayagpag ang K-pop sa ating bansa dahil patuloy ang pagsuporta ng mga

Pilipino dito. Kung ako ang tatanungin kung ano ba talaga ang unang dahilan kung

bakit patuloy na sinusuportahan ng mga Pilipino at naging popular ang K-pop ay

dahil sa mga naggagandahan at naggagwapuhang mga K-pop group na kanilang

iniidolo. Kasi ako aminado ako na kaya ko patuloy na tinatangkilik at

sinusuportahan ang K-pop ay dahil sa mga idolo ko. Siguro kung wala sila malaki

ang posibilidad na hindi ako isang K-pop fan.

“Impluwensiya at Epekto ng Kpop Wave sa mga Kabataan at sa

Komunidad”

(Setyembre 13, 2017)

Bukod sa mga drama ng mga koreano, isa pa sa mga tanyag at tinitingala

ng mga tagahanga ay ang talento ng mga koreano sa pag-awit at pagsayaw. Gaya

na lamang ng mga grupong Wonder Girls, SNSD (Girl's Generation), 2ne1, Twice

at Black Pink ang mga grupong ito ay binubuo ng puro mga babaeng miyembro.

Para naman sa grupo ng mga kalalakihan ay ang Super Juniors, Bigbang, Infinite,
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 10

EXO, Seventeen at BTS. Ilang lamang ang mga grupong ito sa mga iniidolo ng

mga kabataan sa iba't-ibang panig ng mundo. May kanya kanyang tawag o

bansag sa mga tagahanga ng bawat grupo ng mga ito na tinatayang libo-libo sa

bawat bansa. Kaya ganun na lamang kung dumugin ang mga concert, fan

meetings at world tours ng mga ito. At hindi lamang sa parang ito naipapakita ng

mga tagahanga ang pagsuporta nila sa kanilang mga iniidolo, kundi pati narin sa

pagbili, pagkolekta at pag tangkilik sa mga bagay na may trademark ng bawat

grupo. Ilan lamang ito sa mga kinahahangaan ng maraming kabataan sa bansang

South Korea.

“Sa oras na naging K-Pop fan ka mahirap na itong talikuran.” Ito ang sinabi sa

akin ng aking kakilalang kapwa K-pop fan. Aminado akong mahirap nang makawala

o talikuran ang pagiging isang K-pop fan dahil ako mismo kahit anong pilit kong

tigilan ang panunuod at pakikinig ng mga K-pop music ay hindi ko magawa, para

itong sakit na HIV Aids, walang lunas o gamot. Ngunit paano nga ba nagiging K-pop

ang isang tao? Sa aking kaso ang dahilan kung bakit ako nahumaling at tinangkilik

ang K-pop ay dahil sa isang K-Pop girl group na Girls’ Generation. Unang beses ko

pa lang silang napanuod sa telebisyon na kumakanta habang nagsasayaw ay

nahumaling na agad ako sa kanila. Humanga ako sa kanila dahil sa galing nilang

sumayaw, kumanta at siyempre dahil sa kanilang magaganda mukha at hugis ng

katawan. Magmula noon naging adik na ako sa kanila at sa K-Pop. Walang araw

ang hindi ko pinapatugtog ang kanilang awitin at pinapanuod ang kanilang music

video. Walang araw ang hindi ko tinitingnan ang kanilang mga litrato. Nagsimula na
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 11

din akong mangolekta ng mga album nila at iba’t ibang produkto na may

kinalalaman sa kanila. At sa tuwing gagamit ako ng internet ang una kong ginagawa

ay ang maghanap ng mga bagong balita tungkol sa kanila at sa K-Pop p hindi

naman kaya ay mag-download ng mga K-pop songs, videos o shows. Iisa lang ang

ibig sabihin nito ako ay isa na sa libo-libong tao na nahuhumaling sa K-Pop.

May mga dahilan ang bawat K-Pop fan kung bakit nila ito tinatangkilik.

Sang ayon sa kay Sablan sa kanyang artikulo sa Philippine Daily Inquirer na

sinipi naman ni Alanzalon sa kanyang pag-aaral, sinasabi na ang buong mundo

ay humahanga at tumatangkilik sa K-Pop. Ang pinakapopular ngayon ay ang mga

grupo ng mga kalalakihan at kababaihan sa Korea na may magagandang mukha,

hugis ng katawan, talentado, stylish pagdating sa pananamit at magaling mag-

entertain ng mga tao. Naniniwala ako na bago magustuhan ang isang K-Pop

music, ang una munang tinitingnan ng mga tao ay kung sino ang kumanta ng

isang awitin. Kung maganda o gwapo ang manganganta hindi malabong madami

ang magkagusto sa kanyang awitin. Sa mundo ng K-Pop mahalaga ang pisikal na

anyo bago ang talento. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ganun ang nangyayari

minsan kahit hindi natin kilala ang manganganta basta nagustuhan mo ang tono at

ang paraan ng kanyang pag-awit ay naaadik na tayo dito. Katulad na lang sa mga

OST o ang mga theme song ng bawat Korean drama na pinalalabas sa bansa,

may mga awitin doon na tumatatak sa ating isipan at nagiging paborito natin. Ang

isang maganda halimbawa nito ay ang awiting ‘Almost Paradise’ na naging theme

song ng Korean Drama na Boys Over Flower na sikat na sikat noon. Tanda ko pa
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 12

noon sa aming paaralan na halos lahat ng mga estudyante doon ay alam ang

awiting ito. May iba pa nga na kinakanta ito kahit mali naman ang lyrics. Hindi man

alam ang liriko basta’t alam ang tono paniguradong pauli-ulit itong kakantahin kahit

ito ay mali- mali. Ang sabi nga ng iba hindi mahalaga kung hindi nauunawaan ang

liriko ang mahalaga ay nagustuhan nila ito. At katwiran pa ng iba may makikita

naman silang English translation nito. May iba naming isinasalin sa wikang Ingles

o Filipino ang isang awiting Koreano nang sa gayun ay lubusan itong maunawaan

ng mga Pilipino.

B. Lokal na Pag-aaral

Ang impluwensiya ng kultura ng dayuhang amerikano sa mga

mamamayang Pilipino

Sa pag- aaral na ito mapagtatanto ng mambabasa na hindi lamang ang sarili

niyang kultura, kundi pati na din ang katutubong kinapapanayam ng mga Pilipino

sa partikular sa kultura ng Amerikano.

(http://ang- impluwensiya-ng-kultura-ng-dayuhang.html?m=l)

K-NOY : Koreanong pinoy, Dumadami na

Ang bansang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mga kakaiba at malikhaing

uri ng pag-iisip pagdating sa iba’t ibang bagay tulad na lamang sa paggawa ng mga

awitin, ngunit sa paglipas ng panahon at sa paglaganap ng mga produktong

banyaga sa ating bansa ay marami ang nagbago.


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 13

Korea: Lugar ng Musika

Maraming mamamayang Pilipino ang nagsasabing ang Korea ay isang

bansang sagana sa musika pag-uulat ni Bb. Jessica Soho sa kanyang palabas na

Kapuso mo Jessica Soho. Di umano ang pilipinas ay sadyang maraming pinag-

aaralan. Isa ito sa batayan ng mga mamamayan ng bawat estado ng mga bansa.

Ang Pilipino ay sadyang masayahin gusto nila ang bagay na makakapagpasaya sa

kanila kahit na sila ay pagod na sa kanilang trabaho. Malaki ang naging ambag ng

musika ng bansang Korea para sa mga mamamayang Pilipino kahit iba ang

lenggwahe ng mga ito. Batay sa mga eksperto ang mga ganitong bagay ay sadyang

nakakapagbaba ng ekonomiya ng ating sariling kultura sa ating bansa. Noong taong

2016 inilarawan ni Virgilio Almario na dapat hindi kalimutan an gating sariling

pagkakalilanlan.

Kinain na ng Sistema ng K-pop

Ayon sa pag-aaral, karamihan sa kababaihan ay nahuhumaling na sa k-pop na

mga musika. Karaniwan naman nahuhumaling sila sa pisikal na katangian ng mga

koreano. Ayon sa mga mananaliksik mas marami ang babaen nahuhumaling sa k-

pop kaysa sa kalalakihan.

K-pop Fanboy
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 14

Bukod sa mga babae, nagkakaroon na rin ng fan base ang mga K-Pop artist

sa mga lalaki na kung tawagin ay "fan boys." Gaya na lamang ni Richard Oppa, 26-

anyos, na nahuhumaling sa K-Pop culture at bumibili ng kung anu-anong gamit na

may larawan ng kanyang paboritong Korean female group...maging ang energy

drinks na may litrato ng kanyang idolo. Nang dumating sa bansa ng anim na K-Pop

groups para sa isang concert, hindi niya na ito pinalampas. Hindi na siya pumasok

sa trabaho, gumastos siya ng P11,000 para sa VIP ticket upang mapanood ng

malapitan ang kanyang mga idolo. "Nung paglabas nila no'ng stage, as in, sobrang

tumigil 'yong pagtibok ng puso ko. Simple lang dapat 'yong choreography niya, hindi

gaanong kahirap [gayahin], plus 'yong lyrics mas madaling tandaan kasi paulit-ulit

siya," paliwanag niya.Hindi raw ikinakahiya ni Richard ang kanyang pagiging KPop

fan boy. "We show support not only by showing them na 'yong pagtili, o, so we do

buy their albums and listen to their songs. We vote for them, ganun. Talagang nire-

research po namin kung saan sila lalabas," dagdag ni Richard. Ang ilang

kasamahan at kakilala niya, masuging naghintay sa airport nang ilang oras para

makalapit sa kanilang mga idolo at makapagpaalam. "Dumating dito, eh. Makita lang

namin 'yong artist buo na 'yong ano namin dun,' yong pagiging fan namin. Kasi hindi

naman araw-araw na makikita mo 'yong [favorite] mo na artists 'di ba? Kahit ilang

oras po (na maghintay)," sabi ni Bryan, isa ring KPop fan boy. - Mac

Macapendeg/FRJ, GMA News

(mac macapendeg\FRJ, GMA News)

SINTESIS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 15

Sa aming pag-aaral, tatalakayin natin pagkakakilanlan ng pagkakahilig ng

ilan ng ating mga mamamayang Pilipino sa mga musika ng bansang Korea. Ang

Pilipino ay mahilig sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanilang damdamin.

Pero bakit nga ba ang mga Pilipino ay mas mahilig sa mga bagay na hindi sa

kanila ? Ayon sa eksperto ang musika ay isang epektibong panlunas sa sugat na

mahirap pagalingin, kaya hindi ipinagbabawal ang pakikinig ng musika. Ang mga

bagay na kaugalian na ay mahirap ng patuwirin, ayon sa mga eksperto.

Nakakaapekto nga ba ang kultura ng dayuhan sa sariling kultura ? Sa pahayag ni

Virgilio Almario, Ang sariling kultura ay hindi dapat kalimutan, sapagkat dapat ito

palaguin gaya ng Wika sapagkat ang wika ay hindi namamatay, ito ay patuloy na

lumalago at umuunlad.

Sa henerasyon ngayon, totoo na mas marami ang tumatangkilk sa k-pop o

Korean pop music. Kami ay nagsagawa ng pananaliksik ukol dito, upang malaman

at magbigay impormasyon sa ilan kung bakit mas tinangtakilik ito ng ng kababaihan

kaysa sa OPM music. Noon naman hindi ganoon kalakas ang impluwensya sa atin

ng banyaga. Ngunit ngayon sa aming pag-aaral, ang mga Korean Pop Music ay mas

sikat pa sa mga Original Pinoy Music. Napapakinggan natin ito kahit saan man tayo

magpunta. Tulad na lang ng mga kanta ng EXO, BTS, Seventeen, Momoland,

Blackpink, at Super Junior.

Isa sa mga libangan ng mga Pilipino ay ang kumanta. Mapatagalog, Ingles o

kahit anong lenggwahe pa iyan basta’t nagustuhan nila asahan mo’t kankantahin

nila ito kahit hindi nauunawaan ang liriko. Maliban sa mga awiting Pilipino marami pa
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 16

ring mga awitin na nagmula sa iba’t ibang bansa ang mas tinatangkilik ng mga

Pilipino lalong-lalo na ang mga kabataan sa panahon ngayon. Nandiyan ang A-pop

(American Pop Music), J-pop (Japan Pop Music) at higit sa lahat ang K-pop (Korean

Pop Music). Ang K-pop ay mga awiting nagmula sa bansang Korea partikular sa

bahaging Timog ng Korea. Dahil sa likas na hilig ng mga Pilipino sa iba’t ibang uri ng

awitin madaling nakuha ng K-Pop ang atensyon ng mga kabataang Pilipino.

Karamihan sa mga nahuhumaling dito ay pauli-ulit na pinapanuod o pinapatugtog

ang mga music videos ng kanilang mga iniidolo. Ilan sa mga mangangawit at

mananayaw na tinatangkilik at hinahangaan ng mga Pilipino lalong-lalo na ng mga

kabataan ay ang Girls’ Generation, Super Junior, Exo, Shinee, Sistar, 2pm, 2am,

4minute, Big Bang at 2ne1 na kung saan kabilang si Sandara Park na may dugong

Pilipino. Gumagastos ng malaki ang mga fan ng bawat K-pop group para lang

makabili ng mga album ng kanilang idolo o hindi naman ay tiket kung may gagawing

pagtatanghal ang kanilang idolo sa bansa. Ngunit hindi lang sa pagbili ng mga

album at tiket natatapos ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa K-Pop, may ibang fan

ang bumubili ng mga damit, kuwentas, singsing, pamaypay, posters, notebooks,

sticker at iba’t ibang produkto na may imahe o kinalalaman sa kanilang idolo. Dahil

din sa K-pop unti-unting nakikilala sa Pilipinas ang wika ng mga Koreano. May mga

K-Pop fan ang nag-aaral magsalita ng wikang Koreano para maunawaan nila ang

liriko ng isang awitin. Marami din ang gumagaya sa pananamit at hairstyle ng

kanilang mga K-Pop idol. Nagsusuot sila ng mga damit at nagpapakulay ng buhok

na katulad sa kanilang mga idolo ngunit hindi naman bagay sa kanila. Ang mga ito
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 17

ay isang patunay kung gaano kasikat ang K-Pop sa ating bansa. Ngunit paano nga

ba sumikat o nakilala ang K-Pop sa ating bansa? Ano ang dahilan ng mga Pilipino

kung bakit nila ito tinatangkilik? Ano ang maaring maging epekto ng K-Pop sa

awiting Pilipino?

Mapabata o matanda ay napapaindak sa tuwing pinapatugtog ang

tinaguriang World Phenomena Music na Gangnam Style na inawit at pinasikat ng

isang Koreanong manganganta na si Psy. Sa bawat okasyon hindi mawawala ang

kantang ito. Ang mala-horse riding step, nakakaindak na tugtog at madaling steps ng

kanta ang naging dahilan kung bakit ito nagustuhan ng mga tao. Ngunit bago pa

man makilala ang Gangnam Style sa bansa ay may iba’t ibang kantang Koreano na

ang nauna pa dito. Paano nga ba nakilala ang mga awiting Koreano sa ating bansa?

Ayon sa ibang mga K-Pop fans na kakilala ko sa social networking sites na

facebook, nakilala daw ang K-Pop dahil sa mga Korean Novela o Drama na

pinapalabas sa iba’t ibang istasyon sa ating bansa, dahil dito mas lumawak ang

kaalaman ng mga Pinoy sa kultura ng mga Koreano at ito din ang naging daan para

makilala ang kanilang musika. May mga nagsabi din naman na dahil sa pagsikat at

pagsali ni Sandara Park sa isang grupo ng mga kakabaihan sa Korea na kilala sa

tawag na 2ne1. Taong 2003 na nagsimulang magpalabas ng mga Asianovela na

kalimitan ay galing sa Korea, kasabay din nito ay ang pagsulpot ng mga awiting

Koreano tulad ng ‘Because I’m A Girl’ ng grupong KISS, nasundan pa ito ng mas

matatandaan nating awitin na‘Answer The Phone’ ni si Shim Mina, ang awiting ito ay

madalas magamit sa mga programa sa paaralan at sa kahit anong sayawan noon


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 18

dito sa bansa. Ngunit hindi pa naman ganun kasakit ang K-pop dahil sa mga

banyagang manganganta katulad nila Britney Spears, Avril Lavigne at mga banda

kagaya ng Goo Goo Dolls at Linkin Park. Subalit sa paglipas ng panahon unti-unting

nakikilala ng mga Pilipino ang K-Pop. Nariyan si Rain na sinasabing unang Koreano

na minahal ng mga Pilipino. Hanggang sa dumating ang taong 2009 na sinasabing

ang pagsilang ng K-Pop sa bansa. Sa panahong ito ganap na nakilala ng mga Pinoy

ang K-pop dahil sa awiting ‘Nobody’ ng grupo Wonder Girls na naging patok sa mga

Pilipino lalo na sa mga kabataan. At ang pagsulpot ng kantang ‘Fire’ at ‘I don’t care’

na kinanta ng grupong 2ne1 na kung saan kabilang ang pambansang krungkrung na

si Sandara Park. Simula noon nagsunod-sunod na ang pagsulpot ng iba’t ibang K-

Pop group sa bansa at hindi na mawawala sa music chart ng MYX ang mga awiting

Koreano na kung minsan ay nangunguna pa sa listahan. Maraming mga K-Pop

group ang pumupunta sa bansa para magtanghal, nariyan ang Super Junior na

limang beses nagtanghal sa bansa, ang Dream K-Pop Fantasy Concert na

isinagawa noong isang taon taon na kung saan dinaluhan ng anim na K-Pop group

na nagpatili sa mga Pilipino.

Sa madaling salita ang K-Pop ay nagsimula sa bansa dahil sa pagpapalabas

ng mga Korean drama sa telebisyon, mga music video ng mga K-pop group sa MYX

at maaaring dahil na din sa ibang Pinoy na gumagawa ng pangalan sa industriya ng

musika sa bansang Korea.


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 19

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng pakikipanayam sa mga

babaeng mag – aaral ng ika-11 baitang sa Cabuyao Integrated

National High School. Sa pamamaraan na ito ay makikita natin kung

gaano kakilala ng mga babae ng Cabuyao Integrated National High

School ang kantang-pinoy at kung gaano nila kilala ang kantang

Korean pop music.

MGA TAGATUGON

Ang mga repondente sa aming pakikipanayam ay ang mga

babaeng mag–aaral na nasa ika-11 baitang ng Cabuyao Integrated


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 20

National High School ng departamento ng Senior High School. Ang

mga magiging respondente ay humigit kumulang 10 babae sa bawat

seksyon.

INTRUMENTO SA PANANALIKSIK

Gagamit ang mga mananaliksik ng kompyuter upang magsaliksik

at maghanap ng sanggunian para sa kanilang pag-aaral. Gagamit din

sila ng internet upang makapaghanap ng mga gagamiting batayan ng

pag-aaral. Pakikipanayam ang gagamitin ng mga mananaliksik upang

makakuha ng mga datos na kinakailangan sa pananaliksik.

BALIDITI NG INTRUMENTONG GINAMIT


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 21
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 22
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL 23

Вам также может понравиться