Вы находитесь на странице: 1из 4

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)


S.Y. 2018 - 2019

Pangalan: _______________________ Petsa: _________________ Iskor: _______________

Test I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag o katanungan. Bilugan ang TITIK
………ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya?
a. Pagtaas ng GDP ng bansa.
b. Paglaganap ng mga ilegal na gawain,
c. Banta sa kapakanan ng mga mamimili.
d. Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis.
2. Ang mga sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang
bansa MALIBAN sa
a. Impormal na sektor c. Teknolohiya
b. Likas na yaman d. Yamang Tao
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa sektor ng agrikultura?
a. Paggugubat c. Pagmimina
b. Paghahalaman d. Pangingisda
4. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling
pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit ito nangyayari?
a. Kawalan ng mga mimimili sa pamilihan.
b. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
c. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
d. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan.
5. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang
mamamayang Pilipino, may obligasyon tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot ng kaunlaran.
Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
a. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
b. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
c. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at
komunidad.
d. Wala sa nabanggit
6. Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang
ito ay maging isang produkto?
a. Agrikultura c. Impormal na sektor
b. Industriya d. Paglilingkod
7. Alin sa mga sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi,
insurance, real estate at foreign exchange?
a. Agrikultura c. Impormal na sektor
b. Industriya d. Paglilingkod

Page | 1
8. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang
palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na
ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
a. Ito ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
b. Larawan ito ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
c. Ito ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang bansa.
d. Ito ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo upang matugunan ang
mithiin ng pangangailangan.
9. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig,isang tuka”. Ano naman
ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
a. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
b. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
c. Maraming mamamayan ang umaaasa na lamang sa pamahalaan.
d. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan
sa kabila ng krisis sa buhay.
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI suliranin sa sektor ng paglilingkod?
a. Pagbaba ng produksyon ng ekonomiya.
b. Pagkaubos ng mga manggagawa patungo sa ibang bansa.
c. Pagkakaloob ng trabaho at seguridad sa mga mamamayan.
d. Mababang pasahod at pagkakait ng mga benepisyo sa mga mangagawa.
11. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa sub-sektor ng agrikultura?
a. Konstruksyon c. Pangingisda
b. Pagmamanupaktura d. Transportasyon
12. Ang sektor ng agrikultura ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ekonomiya ng isang bansa. Alin
sa mga sumusunod ang HINDI kahalagahan nito?
a. Ito ay nagbibigay ng trabaho.
b. Ito ay nagpapasok ng dolyar sa bansa.
c. Ito ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.
d. Ito ang gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga.
13. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa sub-sektor ng industriya?
a. Paggugubat c. Pangingisda
b. Pagmamanupaktura d. Transportasyon
14. Ito ay tumutukoy sa pakikipagkalakalan ng isang bansa sa iba pang mga bansa.
a. Kalakalang panlabas
b. Impormal na sektor
c. Sektor ng agrikultura
d. Sektor ng industriya
15. Ito ang tawag sa pagluluwas o pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
a. Absolute advantage c. Export
b. Balance of payments d. Import
16. Ito ang tawag sa pag-aangkat o pagbili ng mga produkto sa ibang bansa.
a. Absolute advantage c. Export
b. Balance of payments d. Import

Page | 2
17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa samahang pandaigdigang pang-ekonomiko?
a. Asia-Pacific Economic Cooperation c. League of Nations
b. Association of Southeast Asian Nations d. World Trade Organization
18. Layunin nito na maisulong ang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga
hadlang sa kalakalan o trade barriers.
a. Asia-Pacific Economic Cooperation c. League of Nations
b. Association of Southeast Asian Nations d. World Trade Organization
19. Ang impormal na sektor ay maituturing na suliranin sa ekonomiya dahil sa mga gawain nito. Alin sa mga
sumusunod ang katangian nito?
a. Ito ay nakarehistro sa pamahalaan.
b. Ito ay nagkakaloob ng hanap-buhay para sa mga mahihirap.
c. Ang mga kabilang sa sektor na ito ay nagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita.
d. Ito ay nakapaloob sa legal at pormal na balangkas ng inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.
20. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagkakaroon ng impormal na sektor MALIBAN sa
a. Malabanan ang matinding kahirapan.
b. Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
c. Magkaroon ng regulasyon mula sa pamahalaan sa pagnenegosyo.
d. Magkaroon ng hanap-buhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan.

II. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung ito ay TAMA o MALI. Isulat
ang TAMA kung ang pahayag ay makatotohanan, MALI naman kung ang pahayag ay hindi
makatotohanan.

__________21. Ang utilities ay ang sektor na tumutukoy sa paggamit ng gas, kuryente at tubig sa paglilingkod.

__________22.Ang sektor ng agrikultura ay ang nangangasiwa sa paggawa at pagproseso ng mga produkto.

__________23.Sa sektor ng industriya binibigyang diin ang pagkakaroon ng mga trabaho.

__________24.Sa sektor ng industriya nabibilang ang pagmimina, pagmamanupaktura at konstruksyon.

__________25.Ang kakulangan sa mga hilaw na materyales ay isang suliranin para sa sektor ng idustriya.

__________26.Ang pagbibigay ng trabaho sa mga mahihirap ay isa sa mga kahalagahan ng impormal ng


sektor.

__________27.Ang mababang pasahod at pagkakait ng mga benepisyo sa mga manggagawa ay isang


suliranin sa sektor ng agrikultura.

__________28.Ang impormal na sektor ay maituturing na suliranin sa lipunan at ekonomiya ng bansa.

__________29.Ang pagpapasok ng dolyar sa bansa ay isa sa mga kahalagahan ng sektor ng industriya.

__________30.Ang Department of Industry ay isa sa mga ahensyang tumutulong sa sektor ng agrikultura.

__________31. Ang impormal na sektor ay kilala rin sa tawag na “underground economy”.

__________32. Ang kalakalan ay kabilang sa sub-sektor ng agrikultura.

__________33. Ang agrikultura ay isa mga maituturing na kayamanan ng Pilipinas.

__________34. Ang kita ng impormal na sektor ay naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product ng
bansa.

__________35. Ang impormal na sektor ay nagkakaloob ng serbisyong pampamayanan, panlipunan at


personal.

Page | 3
III. Kaalaman sa tiyak na bagay. Piliin ang TITIK ng wastong sagot sa kahon at isulat sa patlang.

A. Pag-unlad D. Pagsulong G. Tradisyonal na J. Human M. Developed


pananaw Development Index Economies
E. Professional
B. Makabagong Regulation H. Agrikultura K. Industriya N. Paglilingkod
pananaw Commission (PRC)
C. Paglilingkod Na F. Paghahayupan I. Paglilingkod Na L. Manufacturing O. Pagmimina
pampribado pampubliko

_____________36. Isa sa mga sektor ng ekonomiya na namamahala sa paghahanda ng mga


………………………hilaw na materyales.

_____________37. Isa sa mga sektor ng ekonomiya na namamahala sa pagpoproseso sa mga


……………………… hilaw na materyales at paggawa ng mga kalakal.

_____________38. Isa sa mga sektor ng ekonomiya na umaalalay sa buong yugto ng produksyon,


………………………distribusyon at kalakalan.

_____________39. Ito ang tawag sa pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas na
…………………… pamumuhay.

_____________40. Ito ang tawag sa bunga ng pag-unlad.

_____________41.Sa pananaw na ito, binibigyang diin lamang ang pagtamo ng mataas na antas
………………………ng income per capita.

_____________42.Sa pananaw na ito, isinasaad na ang pag-unlad ay kumakatawan sa.malawakang


……………………… pagbabago sa buong sistemang panlipunan.

_____________43. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na


…………………………matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao.

_____________44. Ito ang tawag sa mga bansang may mataas na GDP, income per capita at HDI.

_____________45.Ito ang gawaing pangkabuhayan na kinabibilangan ng mga tagapag-alaga ng


…………………… hayop.

______________46.Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual


…………………….labor o ng mga makina.

______________47. Ito ang uri ng paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor.

______________48. Ito ang uri ng paglilingkod na nagmumula sa pampublikong sektor.

______________49. Ito ang sub-sektor na tumutulong sa mga manggagawa upang makalikha ng


…………………………mga produkto gamit ang mga yamang mineral.

______________50. Ito ang ahensya na sumusubaybay sa gawain ng mga mangagawang


……………………….propesyunal upang matiyak ang kahusayan sa paglilingkod.

---Wakas ng Pagsusulit---
Page | 4

Вам также может понравиться