Вы находитесь на странице: 1из 6

“Florante at Laura”

Samahan kaming maglakbay sa isang kwento, na isinulat ng isang natatanging tao. Tumatak sa
ating bayan ang kanyang ngalan. Fransisco Balagtas ang kanyang pangalan. Florante at Laura ay
kanyang isinulat, upang ibahagi kanyang nakikita. Ibinase sa pangaalipin at sa pangaabuso ng
mga Kastila ang ating kwento. Kaya’t hindi na ako magpapaligoyligoy pa, ating simulan na ang
kwento ni Florante at Laura.

Florante. “Laura aking sinta! Ganon na lamang ba akong kadali ipagpalit kay Adolfo nung
nawala akong bigla?! Mga leon narito upang wakasin ang buhay ko! Ano pa nga ba ang
katuturan neto? Paghihiganti sa kamatayan ng ama at mga tagapagpayo lalo na sa Haring
Linceo! Tulong! Tulong!”

Aladin. “Kaibigan ayos ka lamang ba? Mga leon ay nakagat ka?”

Florante. “Hindi kaibigan salamat sa iyo. Ngunit ang kasuotan mo pang persiano. Isa akong
moro, kalaban ng lahi mo, ngunit ako’y niligtas sa kamatayang pagkain ng leon.”

Aladin. “Moro man o Persiano may karapatan tayong tumulong. Aladin nga pala ang ngalan ko,
Prinsipeng anak ng hari ng mga Persiano.”

Florante. “Florante ang ngalan ko at puso ko ay nadurog. Pagagaw sa akin ni Konde Adolfo sa
nagiisang sintang si Laura.”

Aladin. “Sige kaibigan ako’y handang making sa iyo, dahil alam ko ang damdaming iyon, ikwento
mo sa akin ang iyong buhay upang ika’y aking matulungan.”

Sa malayong kaharian ng Albanya nakatira ang isang duke at may bahay na prinsesa. Sila’y
biniyayaan ng isang sanggol, Florante ang iginawad na panggalan sa lalakeng ito.

Prinsesa Floresca. “Sanggol sa aking mga braso, anak na pinakamamahal ko. Walang sino man
ang makakapanakit sayo hangga’t ika’y nasa puder ko.”

Kawal #1. “Mahal na prinsesa isang buwitre! Iyong ilayo sanggol na lalake!”

Kawal #2. “Protektahan ang pamilya!

Duke Briseo. “Menalipo!Laking pasasalamat ko! Dahil sa iyo ligtas ang magina ko.”
Menalipo. “Dukeng marangal di-kailangang magpasalamat, pagkat pagtulong sa kapwa di
kailangan ng gantimpala.”

Lumipas ang mga taon at lumaking makisig ang sanggol. Ngunit nangamba ang ama na kulang
ang kaalaman nito. Kaya’t Florante’y pinapunta sa isang lugar na malayo.

Batang Florante. “Aba! Kay ganda naman dito, salamat ama at dito ipinadala, ang anak na kaisa-
isa. Ibang iba sa Albanya kaibigan, sabihin sakin ang ngalan.”

Kawal #3. “Lugar na ito’y Atenas ang ngalan, tama ka ibang iba sa kinakigsnan, ngunit hanggang
dito nalamang ako kaibigan. Paalam at maging mabuti ka sana.”

Antenor. “Florante, anak ng duke. Ako ba ay tama? Ako si Antenor, guro dito sa Atenas. Ako’y
iyong samahan tungo sa mga kamagaral na sabik ka nang makilala ka.”

Estudyante #1 at #2. “Adolfo kay kisig mo nama. Kay tulin mo pa!”

Estudyante #3. “Idolo ko walang tatalo sa ‘yo!”

Estudyante #4. “Tingnan ninyo! Kasama niya ang bago!”

Antenor. “Siya si Florante, pagong estudyante. Siya’y inyong kaibiganin upang siya’y hind
imaging masiyahin.”

Batang Adolfo. “Florante pala ang ngalan mo. Ako si Adolfo, isang natatanging tao. Naiis kitang
ayain sa isang paligsahan, kung saan takbuhan ang labanan.”

Batang Florante. “Aba sige! Ako’y sangayon sa iyo kay saya ng ideya mo!”

Menandro. “Ako si Menandro, magsisilbing hukom kung sino ang manananalo sa inyo. Pag
bilang ng tatlo kayo’y tatakbo, paikot sa tatlong tore ng paaralang ito. Isa, dalwa, tatlo, takbo!
Ang nanalo! Si Florante!”

Estudyante #5. “Florante, bago kong idolo! Kay galing mo!”

Estudyante #6. “Kay husay mo Florante!”

Batang Adolfo. “Humanda ka Florante sa pagagaw mo kung anong sakin!”

Nagging Masaya si Florante sa Atenas. Doon niya naramdaman ang magkaroon ng kaibigan
bukod sa mga kawal. Ngunit nanabik sa piling ng ina. Dumating ang araw ng pagtatanghal at
isang sorpresa ang pinaghandaan ni Adolfo kay Florante.
Antenor. “Magaling! Magaling! Mahusay sa pagsayaw aking mga estudyante. Ngunit panahon
na para sa labanan ng espada ng dalawang pinakamagaling sa aking mga estudyante. Florante
at Adolfo!”

Menandro. “Florante! Adolfo ano ba ang balak mo? Paslangin ang kaibigan ko?!”

Florante. “Menandro, Hayaan mo nab aka hindi lamang alam ni Adolfo na totoo ang espada.”

Adolfo. “Dapat namatay ka na! Isa kang mangaagaw! Mangaagaw!”

Antenor. “Adolfo, hindi sa ayaw ko sa iyo, sadyang mali lang ang ginawa mo. Hindi tama na
pagpaslang ang sagot sa poot sa puso mo!”

Pinaalis si Adolfo sa Atenas. Ilang araw lamang din ang lumipas, nakatanggap ng sulat si
Florante galing sa ama na may pighati.

Florante. “Ina ko? Pumanaw na? Hindi! Hindi! Hindi! Antenor, ako’y payagan bumalik sa
Albanya! Masulyapan lamang ang ina, kahit siya’y ililibing na.”

Antenor. “Humayo ka Florante, ngunit magingat sa desisyon mo pagkat ang daang tatahakin mo
may nakaatang na kasamaan.”

Menandro. “Antenor, ako’y payagan sumama kay Florante, kaibigang nangangailangan. Nawala
na nga ang ina, kaibigan pa ba’y mawawala din?

Antenor. “Samahan mo siya Menandro, kailang may kaibigang gagabay sa taong iyon. Masakit
mang mawala ang dalwa sa pinakamahusay kong mga bata, ay humayo kayo upang Makita ang
inang patay na.”

Bumalik sa Albanya si Florante, kasama si menandro at sa kasamaang palad ay din a naabutan


ang ina na pinakamamahal. Nailibing na ang labi niya kaya’t lungot ang naramdaman ngunit
naroon parin ang ama kaya’t kahit papano ay may lakas na pinaghuhugutan.

Duke Briseo. “sabik sa iyo ang ina mo. Sayang hindi mo na siya naabutan.”

Florante. “Ang aga naman nya akong iniwan ama, pasalamat nalamang ako at nariyan ka.”

Duke Briseo. “ Inimbitahan ako ng Haring Linseo sa kastillio upang tumulong sugpuin ang lahing
Persiano. Gusto ng ina mo na tumulong ka dahil alam niyang handa ka na. Ako’y matanda na,
din a makakalaban kaya’t anak ko’y ikaw ang lumaban isama si Menandro sa pakikipaglapan
sugpuin ang ating kalaban.”
Florante. “Tutuparin ko ang gusto ng ina, upang siya’y aking mapasaya. Lahing moro ay aangat.
Ipagmamalaki ang ating pinagmulan. Menandro tayo’y tutungo sa kastillo. Doon tao’y tutulong
sa hari ng Albanya.”

Menandro. “Tayo na at pumunta doon Florante.”

Naglakbay si Florante at si Menandro patungo sa kastillo ng Albanya. Doon nakita ang Duke
Briseo kasama ang iba pang tagapagpayo.

Duke Briseo. “Maligayang pagdating dito anak, sa iyo narin Menandro. Sa ilang sandali na
lamang darating na ang hari kasama ang anak na babae.

Dama #1. “Laura! Kay ganda mo! Nakakaingit ang mukha mo!”

Dama #2. “Siguro marami kang manliligaw! Nakakatuwa kaseng pagmasdan ang kagandahan
mo.”

Dama #3. “Prinsesa Laura oras na upang iyong makilala ang bagong heneral ng iyong ama.”

Dama #4. “Magbigay pugay! Ang haring Linceo! At ang prinsesa Laura!”

Haring Linceo. “Ako ang hari ng kahariang ito! At ito naman ang anak ko! Prinsesa ninyo. Sino
ang intong ipakikilala sa akin? Duke Briseo siya’y iyong kunin.”

Duke Briseo. “Siya si Florante kaisa-isang anak ko. Bagay maging heneral sa reyno ninyo.”

Haring Linceo. “Ang bawat heneral may kanang kamay sino naman ang iyong ilalagay sa
pwestong ito sa kaling heneral ang magawad sa iyo?”

Florante. “Si Menandroo po ang kanang kamay mula magtungtung sa Atenas siya’y
nakaantabay.

Konde Sileno. “Paano ka sigurado na siya’y mapagkakatiwalaan?”

Florante. “Dahil iniligtas na niya ang aking buhay laban sa isang taong tinangkang pumatay sa
akin noong ako’y nasa Atenas, at Adolfo ang kanyang ngalan.”

Konde Sileno. “Si Adolfo papatay ng tao? Ang konde Adolfo na kilala ko ay ipinaalis sa Atenas
dahil sa iyo dahil tinangka mo siya patayin at kung di lang dahil sa isang kaklase siya’y nailibing.”

Menaalipo. “Sileno hindi nagsisinunaling ang batang ito dahil naroroon ko, kamuntik saksakin ni
Aolfo ang bata kung di lang kay Menandro siya’y wala na.”
Haring LInceo. “katahimikan sa buwag ng kastillo! Florante, sa tapang at sa lakas ng loob ika’y
bagong heneral ng hukbong sandatahan maghain ng piging alalang alang sa bagong heneral ng
ating hukbo!”

Naghain ng piging ang hari upang magdiwang pagkat nahanap na niya ang bagong heneral na
hinahanap niya at siya’y ipinakilala kay Laura.

Haring Linceo. “Laura, siya ang ating bagong heneral, Florante ang ngalan niya. SIyay iyong
kilalanin anak kong nagiisa.”

Florante. “Prrinsesa Laura binibining maganda ako’y iyong sundalong matapat. Prinsesa saan ka
pupunta? Ako’y hintayin upang ikay may kasama. Ngayon lang ako nakaramdam ng emosyong
ito. Ito na ang pagiig na hinahanap ko. Oh Laura aking sinta ako’y umiibig na.”

Laura. “Ngayon ko lamang naramsaman ang damdaming ito, bakit sa iyo ko matagpuaan ang
damdaming hinahanap ko?”

Florante. “alas! AKo’y lilisan na! Sa isang digmaan na walang katiyakan kung makakabalik pa.
Ngunit isang halik lamang ako’y handa na.

Laura. “halik ay malaking pakiusap ginoo, maari bang isang gamit ko ang pabaon sa iyo sa
digmaang pupuntahan at upang siguradong babalik ka, irog ko wag akong biguin ako’y
maghihintay parin. Bumalik ka sa piling ko florante kapag nawakasan na ang pangaapi sa atin ng
mga Persiano, ipagtanggol mo ang lahing moro.”

Lumaban ng magiting si Heneral Florante laban sa mga Persiano kasama si Menandro. Doon
napaslang ang henaral ng mga persiano ngunid ingid sa kaalaman niya ang pagtataksil ng isang
moro. Sa kanyang pakikipaglaban bumuo ng isang balak si Adolfo na patalsikin ang Haring
Linceo, at kunin ang puso ng prinsesa. Bawat laban na pinanalo si Laura’y nasa puso, at balak
pang pabalik sa Albanya na magsiryoso sa pamamanhikan sa hari upang kunin ang kamay ng
anak na prinsesa. Ngunit puso niyay mawawasak sa isang balak.

Adolfo. “Masyado ka nang matanda para sa korona oras na para ibigay mo na! Pati ikaw Laura
mapapasakin na”’

Haring Linceo. “Anak ko wag kang magpapadala ako’y matanda na kaya korona’y iyo na.”

Laura. “Ama! Sige! Patayin mo ang ama ko pero ang puso ko hindi mapapasa iyo! Nakalaan na
ito para sa isang tao at adolfo hindi ikaw iyon!”

Adolfo. “Hindi ako? Edi mawawala na ang amang pinakamamahal mo!”

Laura. “Huwag! Huwag! Sayo na ako. Oo na. Wag saktan ang ama dahil siya’y matanda na.
Bumalik si Florante, menandro at iba pang sundalo ngunit laking gulat nila

Вам также может понравиться