Вы находитесь на странице: 1из 2

K.

Intro
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Atin pong saksihan ang Moving Up
Ceremony at Recognition day ng Villapagasa National High School na may temang “Pagkakaisa
sa Pagkakaiba-iba: Kalida na Edukasyon Para sa Lahat”.
S. Processional
Upang pasimulan ang ating palatuntunan, inaanyayahan po ang lahat na tunghayan ang
pagpasok sa bulwagan ng Junior High Completers kasama ang kanilang mga magulang, mga may
karangalan mula sa Grade 7 hanggang Grade 11, punong guro, teaching at non teaching staff.
S. National Anthem, Invocation
Upang pormal na buksan ang ating palatuntunan, inaanyayahan ang lahat na magsitayo
para sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Hannah Joy S. Baladjay (Mag-aaral na may
Karangalan) Susundan ng awit panalangin na magmumula sa Junior High Completers.
K. VNHS Hymn
Manatili po tayong nakatayo at sabay-sabay nating awitin ang himno ng Villapagasa
National High School sa pagkumpas ni Sir Edwin M. Paderes, Secondary School Teacher II.
S. Welcome Remarks
Maaari na pong umupo ang lahat. Ngayon naman po ay pakinggan natin ang pambungad
na pananalita mula sa masigasig na gurong tagapagsanay Ma’am Everly V. Mangilit, Master
Teacher II.
Maraming salamat ma’am Ever sa inyong mensahe.
K. Presentation of Completers
Ngayon ay dumako tayo, sa pinaka mahalagang bahagi ng ating palatuntunan, ang
paglalahad ng ating mga mag-aaral na magsisipagtapos sa araw na ito na gagampanan ni Ma’am
Jessa F. Reynoso, Teacher 1 at pag-papatibay ng ating punong guro, Ma’am Aubrey A. Beredo.
Maraming salamat po Ma’am Jessa at Ma’am Aubrey
S. Awarding of Honors and Special Awards and Distribution of Certificates of Completion
Ang pinakahihintay ng lahat. Ang pagtanggap ng mga mag-aaral ng kanilang sertipiko at
medalya bilang patunay ng kanilang pagpupunyagi sa sampung buwang pagsusunog ng kilay.
Inaanyayahan po ang ating punong guro, tagapayo ng bawat baitang para sa paggawad
ng mga katibayan at karangalan.
Congratulations!
K. Words of Gratitute
Ngayon ay pakinggan natin ang mensahe ng pasasalamat mula kay Michaela Rose M.
Dela Rosa (may karangalan).
Maraming salamat Michaela sa iyong mensahe, nawa’y maging inspirasyon ka sa mga
kabataan at mag-aaral na lalo pang magsikap sa pagabot ng kanilang pangarap.
S. Oath Taking Ceremony
Sa puntong ito, ay tunghayan po natin ang panunumpa ng mga bagong halal na
mamumuno sa ating paaralan sa taong panuruang dalawang libo’t labing-siyam hangang
dalawang libo’t dalawampu sa pangunguna ni Ma’am Imelda C. Ballesteros, SSG adviser.
Good luck young leaders. Asahan ninyo ang aming suporta sa inyong mga plano sa
pagpapaunlad at lalo pang ikakaganda ng ating paaralan.
K. State of the School Adress
At ngayon naman ay ating maririnig ang State of the School Adress at ilang mga anunsyo
na ibabahagi ng ating punong guro Ma’am Aubrey A. Beredo.
Maraming salamat po Ma’am Aubrey
S. Closing remarks
At para naman sa pangwakas na pananalita, inaanyayahan si Ma’am Conchita G.
Fabreag, Secondary School Teacher III
S. Moving up Song
Maraming salamat po Ma’am. Ngayon naman po, bilang tanda ng pagtatapos ng taon
atin pong pakingan ang mga batang nagsipagtapos sa kanilang natatanging awit na
pinamagatang “A Million Dreams”
S. Recessional
Sa ngalan po ng pamunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-puso naming binabati
ang mga nagsipagtapos ng junior high school, ang kanilang mga magulang, mga gurong
pumatnubay at lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong, nagbigay ng
medalya at gantimpala, mga panuhing dumalo at nakiisa sa pagtatapos na ito.
k. Maraming-maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!!!

Вам также может понравиться