Вы находитесь на странице: 1из 4

Kabanata IX

Ang mga Pilato


Mga Tauhan
● Kabesang tales – anak ni tandang selo
● Huli- alipin ni hermana penchang
● Hermana Penchang – amo ni hulo
● Tandang selo – ama ni kabesang tales na
napipi
BUOD

Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may
kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.


Ang Alperes o Tenyente ng Guardia Sibil? Ano raw ang kasalanan niya?
Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon,
hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si
Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si
Kabesang Tales.
BUOD
● Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya
isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang
pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang
Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.

● Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang
Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong
pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan
niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na Tandang Basyong Makunat. Nang
mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang
demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.

● Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli


at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng
kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at
pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga Kura at
gumawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang
kibo.

Вам также может понравиться