Вы находитесь на странице: 1из 2

Noong unang panahon ay may isang baryo na tinitirhan ng mga tao, masayang naninirahan ang mga ito

dahil bukod sa sagana ito ng mga halaman tulad ng gulay at prutas ay masaya at tahimik na naninirahan
rin ang pamumuhay ng mga tao dito. Ngunit isang araw may mga may mga bandidong galling sa bundok
na dumating at humihingi ng mga bigas at mga gulay ng walang anumang kapalit. Dahil mabait at
mapagbigay ang mga tao dito ay hindi naman sila naging madamot agad nilang binigyan ng mga pagkain
ang mga bandido na dahil para sa kanila panauhin ang mga ito. Ngunit hindi lang iyon ang araw na
humihingi ang mga bandido ng pagkain sa kanila dahil madalas na silang bumaba ng bundok at
nanghihingi ng pagkain. Dahil napapgod na rin ang mga tao na sa kahahanap ng kanilang pangkabuhayan
at kinukuha lang ito ng mga bandido ng walang anumang kapalit ay nag-usap-usap sila na hind na nila
bibigyan ng kahit anomang pagkain ang mga bandido dahil mula ito sa kanilang hirap at pawis. Sinabi ng
mga tao ang kanilang problema kay Coganon, isang matandang lalake na namumuno sa kanilang baryo.
Si Coganon ay kilala sa pagiging matapang at matalino sa pakikipag-usap sa mga tao lalo na sa pag-
reresolba ng mga problema. Nakarating nga kay Coganon ang reklamo ng mga tao sa mga bandido na
lagging naghihinge ng pagkain na hindi naman nagbibigay ng anumang kapalit kaya nag-isip siya ng
paraan kung paano ito solusyonan.

Isang araw may mga bandido na pumunta sa bahay ng isang matanda at humingi nanaman ng ngunit
hindi niya binigyan ang mga ito. ‘’Pasensya na kayo ngunit wala na akong maibibigay sa inyo kokonti na
lamang ang natitira sa aming bigas at sakto lang ito para sa aming mag-iina hindi na rin ito aabot ng
tatlong araw kaya sa iba na lang kayo humingi,’’ ang wika ng babae.

‘’Yan rin ang sinabi sa amin ng nasa kabilang bahay, kung ayaw niyong magbigay sa amin, kung wala
kayong maibibigay sa amin kukunin ko na lang naming ang alaga mong baboy at ang dalawa mong
manok,’’ sabi ng pinuno nila at saka pinakilos ang kanyang mga kasamahan para kunin ang mga alaga ng
matanda. Kahit ayaw ng matanda ay wala na siyang magagawa dahil wala siyang laban sa mga bandido
lalo na at armado ang mga ito kaya napaiyak na lamang siya.

‘’Sabihin mo rin sa mga kasamahan mo nakapag hindi sila nagbigay sa amin ng mga pagkain at mga
gamit guguluhin namin ang buhay niyo rito,’’ dagdag pa ng lalake bago ito umalis.

Nakarating kay Coganon ang nangyari sa matandang babae kaya tinipun niya lahat ang mga tao sa
kanilang baryo. ‘’Maraming salamat at nakarating kayong lahat, siguro naman ay alam niyo na ang
nangyayari sa ating barangay ngayon hindi na maganda ang gingagawa ng mga bandido masyado na
silang umaabuso sa atin kaya nais kong labananan sila,’’ ang sabi ni Coganon sa mga tao. Nabuhayan ng
pag-asa ang mga tao na maibabalik ang kapayapaan sa kanilang barangay dahil sa sinabi ni Coganon.

Kinabukasan ay bumaba ng bundok ang mga bandido para humingi ng pagkain ngunit nagtaka sila ng
makita ang mga tao na parang hinihintay sila. ‘’ano, nakapag-isip na ba kayo ibibigay niyo na ba ang mga
kailangan naming,’’ nakangiting wika ng lalake. ‘’Hindi pero may naisip ako, nais kong hamunin ka sa
isang labanan, kapag nanalo ka ay ibibigay namin lahat ng iyong kailangan at pagsisilbihan ka naming,
pero kapag nanalo ako ay aalis kayo ditto at hindi na kailanman babalik,’’ mungkahi ni Coganon.
Napatingin sa kanya ang lalaki at tiyaka tumingin sa mga tao. ‘’Sige pagbibigyan ko ang gusto mo at para
mas masaya gusto kong itak ang magiging armas natin,’’ wika ng lalake. Lingid sa kaalaman ng lalake ay
magaling sa pakikipaglaban si Coganon. Nagsimula nga silang naglaban at lahat ng mga tao ay tahimik
lang na nanonod sa kanila ganon din sa mga bandido. Makalipas ang mahigit tatlong pong minuto ay
naghiyawan ang mga tao dahil tinalo ni coganon ang pinuno ng mga bandido. Malungkot na umalis ang
mga bandido at hindi na bumalik dahil natakot na sila kay Coganon.

Kagabihan ay nagdiwang ang mga tao dahil wala ng manggugulo sa kanila at magiging tahimik na at
masaya sa kanilang barangay ang iba ay nagkakantahan at may mga bata na rin na nagsasayawan dahil
sakto naman na kabilugan ng Buwan.

Makalipas ang ilang araw nay nagkaroon ng karamdaman si Coganon at walang makakapag-sabi kung
ano ang sakit niya may mga arbolaryo na ring tumingin sa kanya ngunit walang nakakaalam ng lunas ng
kanyang karamdaman hanggang sa humina ng humina siya at namatay. Nalungkot ang buong baryo sa
kanyang pagkamatay dahil para sa mga tao siya ang nagbigay ng kapayaan sa kanilang baryo.

Makalipas ang ilang taon ay may mga taong dumating na nais manirahan sa kanilang barangay kaya ng
tanungin ng babae kung ano ang pangalan ng baryo na kanilang tinitirhan ay hindi alam ng matandang
babae ang isasagot tanging ang nasambit lang niya ay ‘’Coganon’’. Dahil laging nakikita ng babae na
umaakyat ang mga tao sa kagubatan at bumababa naisip ng babae na nasa mababa ang lokasyon ng
barangay kaya naisip niya na low (na ang ibig sabihin ay mababa) at ang sinabi ng matandang babae na
Coganon kaya naisip niya na baka ‘’low coganon’’ ang pangalan ng barangay.

Nagdaan pa ang mga araw at lalo pang dumami ang mga tao na naninirahan sa baryo at kapag may
nagtanong kung ano ang pangalan ng barangay na tinitirhan nila ay ‘’low Coganon’’ ang sinasambit ng
babae hanggang sa marinig ito ng mga tao na naninirahan sa baryo at ito ang itinawag nila sa kanilang
baryo at dahil masyadong mahabang bigkasin ang pangalan ng kanilang barangay ay pinaikli nila ito at
naging ‘’Lowcog’’ na ngayon ay tinawag na ‘’Lucog’’.

Вам также может понравиться