Вы находитесь на странице: 1из 12

Florante at Laura

Ikalimang Linggo
Ika-16-20 ng Hulyo

Unang Araw

I. Mga Layunin
A. Nakakapagsasalaysay ng mga karaniwang nagpapakita ng kagandahang-loob at
pagkakaunawaan.
B. Nasusuri ang sarili kung bakit gayon ang ipinakikitang ugali at nababatid ang
gawaing hindi mabuti.
C. Nakapagmumungkahi ng ilang altenatibo sa pagbibigay-payo para harapin ang
mga problema.

II. Paksang Aralin

Aralin 13 : Si Adolfo
Mga Saknong 207-231
Pluma II
p. 593-604

III. Mga Pamaraan

Mga Karaniwang Gawain:

a. Pagdarasal
b. Pag-aayos ng mga upuan at pagpupulot ng kalat
c. Pagtitisek ng Attendance

A. Pagganyak:
Pagpapaskil ng sumusunod na kasabihan:
“Kapag panibugho ang nanahan sa puso, dulot nito’y palagiang pagkabigo”

Hihingiin ang paliwanag ng mga mag-aaral tungkol sa ipinaskil na mga salita. At mula sa mga
paliwanag nila ay bubuksan ang pagtalakay sa aralin.

B. Paglinang sa Aralin

Pagpapabasa sa Aralin 13: Si Konde Adolfo

Mahahalagang Tanong

 Bakit hindi naging magkaibigan sina Adolfo at Florante, gayong magkababayan naman
sila?
 Ano ang nahalata kay Adolfo ng mga mag-aaral nang dumating ang araw ng
pagkakatuwaan kung saan nagkaroon ng samu’t saring laro ?
 Kung ikaw si Florante, papayag ka bang mahiwalay sa iyong mga magulang uapang
makapag-aral sa maayos at kinikilalang paaralan?.Pangatwiranan.
 Ipasagot ang Magagawa Natin p.601
C. Pagpapahalaga:

Ang Tunay na Kabutihan ay dapat bukal sa kalooban

D. Ebalwasyon: Pagsasagawa ng gawain sa Palawakin Natin p.603

IV. Takdang Aralin: Basahin ang Aralin 14 : Ang Trahedya sa Buhay ni Florante

Ikalawang Araw
I. Mga Layunin

A. Nailalahad ang mga tagubilin ng guro kay Florante.


B. Natatalakay kung paano maaring ipakita ang pagiging masunurin ang mga pangunahing
tauhan .
C. Nagagawang positibo ang mga larawang nagpapakita ng paglabag sa ipinapayo ng mga
nakatatanda sa pamamagitan ng pagtatanghal ng isang talkshow

II. Paksang Aralin


Aralin 14: Trahedya sa Buhay ni Florante
Mga Saknong 232- 256
Pluma II
p. 605-615
III. Pamaraan

Mga Karaniwang Gawain


a. Pagdarasal
b. Pagsasaayos ng mga upuan at pagpupulot ng kalat
c. Pagtitsek ng Attendance

A. Pagganyak

Pagpapaskil ng sumusunod na kasabihan

“ Sa pagharap sa trahedya ng buhay, huwag hayaang igupo tayo ng lumbay, bgakus pag-asa at
pananampalataya ay panghawakan,dahil ang lahat ng ito ay sadyang malalampasan”

Hihingiin ang paliwanag ng mga mag-aaral tungkol sa ipinaskil na mga salita. At mula sa mga
paliwanag nila ay bubuksan ang pagtalakay sa aralin.

B. Paglinang sa Aralin

Pagpapabasa sa Aralin 15 : Trahedya sa Buhay ni Florante

Mahahalagang Tanong:

 Basahing mabuti ang saknong 246. Naniniwala ka ba sa sinsabi ng saknong na


ito?,Ipaliwanag ang sagot.
 Kung ikaw si Menandro, iiwan mo ba ang iyong tiyuhin upang sumama sa iyong
kaibigan pauwi sa sarling bayan? Pangatwiranan ang sagot.

C. Pagpapahalaga
Sunmusunod sa payo ng matatanda, upang makaiwas sa kapahamakang maaaring
itakda.

D. Ebalwasyon: Pagsasagawa ng gawain sa Palawakin Natin p.603

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Aralin 15: Paghingi ng Tulong ng Krotona p. 616-625

Sagutin ang tanong sa Journal.

IkatlongAraw

I. Mga Layunin

A. Natutukoy kung papaano sa gitna ng kagipitan ay nagbabago ang isang tao.


B. Nakapagmumungkahi kung paano ang isang kabataan na hindi pa nakaranas na
makihamok sa mabigat na suliranin ay maktutulong sa paglutas at paano
inihahanda ang sarili sa mga kaganapang nakaumang sa kanya at sa bayan
C. Nakakapagbibigkas ng isang talumpating inihanda sa buong klase.

II. Paksang Aralin

Aralin 15 : Paghingi ng Tulong ng Krotona


Saknong 257-274
p.616-625

III. Pamaraan

A. Pagganyak

Pagpapaskil ng sumusunod na kasabihan

“ Kapag pagtitiwala ay iginawad sa iyo,huwag sana itong ikalaki ng iyong ulo,bagkus ay


pagbutihin ay patunayan,na ika’y karapat-dapat na maging huwaran.”

B. Paglinang sa Aralin

Pagpapabasa sa Aralin 15: Paghingi ng tulong ng Krotona

Mahahalagang Tanong:

 Kung ikaw si Florante, susunod ka ba sa ipinag-uutos ng hari gayong alam mong wala
kang karanasan sa pakikidigma? Pangatwiranan ang sagot.
 Sumagot si Aladin kay Florante ng “Bihirang balita’y magtapat kung magkatotoo ma’y
marami ang dagdag.” Ipinaliwanag ang tinurang ito ng Moro.
 Ayon sa hari, karapat-dapat daw si Florante ang magligtas sa Crotona. Bakit?

C. Pagpapahalaga

Balita’y dapat maging tapat, upang makinabang ang lahat


D. Ebalwasyon

Pagsasagawa ng gawain sa Palawakin Natin p.624-625

IV. Takdang-Aralin

Basahin ang Aralin 16: Pagtatagpo nina Florante at Laura

Ikaapat na Araw
I. Mga Layunin

A. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salita.


B. Nasusuri ang mga taong nagtataglay ng tunay na kagandahan na dapat tularan at hangaan.
C. Nakapagsasagawa ng isang debate.

II. Paksang Aralin

Aralin 16: Ang Pagtatagpo nina Florante at Laura


Saknong 275-298
Pluma II
p.626-636

III. Pamaraan

A. Pagganyak

Magbigay ng mga taong hinahangaan mo at ibigay kanilang mga dahilan kung bakit mo
sila hinahangaan.
B. Paglinang sa Aralin

Pagpapabasa sa Aralin 16: Ang Pagtatagpo nina Florante at Laura

Mahahalagang Tanong:

 Ano ang naramdaman ni Florante nang masilayan sa unang pagkakataon ang kagandahan
ni Laura?
 Ipaliwanag ang sumusunod na taludtod:

“Makakapit kaya ang gawang magsukab sa pinakayaman ng langit sa dilag?”

“Kung ano ang taas ng pagkadakila,siya ring lagapak naman kung marapa”

 Naniniwala ka bas a sinabi ni Florante na kakambal ng kagandahan ang pagtataksil?


Ipaliwanag ang sagot.
 Para sa iyo ano ang tunay na kagandahan?

C. Pagpapahalaga

Humanga sa Tunay na Kagandahan,At hindi sa panlabas na kaanyuan

D. Ebalwasyon

Pagsasagawa ng Palawakin Natin p.635


IV. Takdang Aralin

Basahin ang Aralin 17: Sa Krotona p.637-644; Sagutin ang mga sagot sa journal.
Florante at Laura
Ikaanim na Linggo
Unang Araw

I. Mga Layunin

A. Nakapagbabahagi ng ilang masasayang karanasan na ang kasunod ay kalungkutan.


B. Nasusuri ang banghay batay sa kaugnayan sa sariling karanasan
C. Nakasusulat ng isang balita batay sa binasang akda.

II. Paksang Aralin

Aralin 17: Sa Krotona


Saknong 299-314
p.637-644
Pluma II

III. Pamaraan

A. Pagganyak

Magbigay ng mga pangyayari sa inyong buhay na naranasan niyong maging masaya,subalit


kapalit ay agarang kalungkutan.

Pagpapasagot sa Simulan Natin p.637;


Ipabahagi ang mga kasagutan nila sa klase

B. Paglinang sa Aralin

Pagpapabasa ng Aralin 17: Sa Krotona p.637-641

Mahahalagang Tanong:

 Ano ang higit na ikinatuwa ng mga taga-Crotona sa kanilang nalaman tungkol sa binata?
 Bakit napalitan ng kalungkutan ang pagkikita ng maglolo?
 Ipaliwanag ang saknong blg.313

“Dito naniwala ang bata kong loob


Na sa mundo’y walang katuwaang lubos,sa minsang ligaya’y tali nang
kasunod,makapitong lumbay hanggang sa matapos.”

C. Pagpapahalaga

“Ang mundo ay hindi pulos katuwaan,tiyak kasunod nito ay kalungkutan,kaya nararapat lamang
na lahat ay paghandaa”.

D. Ebalwasyon

Pagsasagawa ng Palawakin Natin p. 635

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Aralin 18: Ang Pagtataksil ni Adolfo p.645-655; Sagutan ang tanong sa journal

Ikalawang Araw
I. Mga Layunin

A. Naibibigay ang punong kaisipan ng binasa sa tulong ng pamagat


B. Napag-uusapan kung papaano mapagtatagumpayanan ang isang adhikain
C. Naisasagawa ang pagpili ng isang mabuting pinuno.

II. Paksang Aralin

Aralin 18: Ang Pagtataksil ni Adolfo


p.645-655
Pluma II

III. Pamaraan

A. Pagganyak

Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang “TAKSIL”

Taksil

B. Paglinang Sa Aralin

Pagpapabasa ng Aralin 18: Ang Pagtataksil ni Adolfo p.645-651

Mahahalagang Tanong:

 “Kung ikaw si Florante, ilalabas mo rin bas a piitan si Adolfo sa kabila ng ginawa niyang
pagtatangka sa buhay mo noong kayo’y bata pa?”
 Sang-ayon ba kayo sa punong kaisipan na nasa aklat?,Magbigay ng ibang punong
kaisipan na angkop sa pamagat at ipaliwanag.
 Ipaliwanag kung bakit mariing hampas ng langit si Adolfo?

C. Pagpapahalaga

Hindi magtatamong pala, ang mainggitin sa kapwa.

D. Ebalwasyon

Pagsasagawa ng Gawain ng Palawakin Natin.,p.654-655

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Aralin 19: Ang Pagpaparaya ni Aladin.,p.656-663; Sagutin ang tanong sa journal.

Ikatlong Araw
I. Mga Layunin
A. Naibibigay ang punong kaisipan sa binasa sa tulong ng pamagat.
B. Nasusuri ang banghay batay sa mga suliranin ,solusyon at sariling interpretasyon.
C. Nakapagsasagawa ng fliptop hinggil sa pagpaparaya

II. Paksang Aralin

Aralin 19: Ang Pagpaparaya ni Aladin.,p.656-663


Pluma II

III. Pamaraan

A. Pagganyak

Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang “Pag-ibig”

Pag-
ibig

B. Paglinang sa Aralin

Pagpapabasa ng Aralin 19: Ang Pagpaparaya ni Aladin.,pp.656-659

Mahahalagang Tanong:

Kung ikaw si Aladin, magpaparaya ka ba o ipaglalaban ang iyong pag-ibig? Pangatwiranan.

Batay sa inyong pagsusuri, ano ano ang suliranin na nasa banghay? Ano ang solusyon dito?

C. Pagpapahalaga

Ang tunay na nagmamahal, Nakahandang magparaya.

D. Ebalwasyon

Pagsasagawa ng Palawakin Pa Natin p.663

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Aralin 20: Ang Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan.,p.664-673


Ikaapat na Araw
I. Mga Layunin

A. Natutukoy ang mga karanasang nakatutulong sa pag-unlad


B. Nakapaglalahad ng ilang mga karanasan na nagdala ng tagumpay dahil sa
paghihintay nang matagal upang matamo ang layunin,
C. Nakapagbibigay ng parangal sa isang taong karapat-dapat.

II. Paksang-Aralin

Aralin 20: Ang Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan


Saknong 360-392
pp.664-673.

III. Pamaraan

A. Pagganyak

Magbigay ng mga napanood niyong pelikula na kung saan, nakapagpapakita ng pananaig


ng kabutihan laban sa kasamaan, At ibahagi ito sa klase.

B. Paglinang sa Aralin

Pagpapabasa ng Aralin 20: Ang Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan pp.666-670

Mahahalagang Tanong:

Ayon sa nagsasalaysay, bakit kinailangan ni Flerida na pumayag na magpakasal sa hari?

Kung ikaw si Flerida, gagawin mo rin ba ang pagpayag na pakasal sa sultan upang iligtas ang
kasintahan?

C. Pagpapahalaga

Nasa paghihintay ang tagumpay ng layuning inaasam

D. Ebalwasyon

Pagsasagawa ng Palawakin Pa Natin p.673

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Aralin 21: Ang Pagwawakas,pp.674-683;Sagutan ang mga tanong sa journal
Florante at Laura
Ikapitong Linggo
Ika-28 ng Hulyo-03 ng Agosto, 2012

I. Mga Layunin

A. Nakapaglalahad ang mga tungkulin o maaaring gawin ng kabataan upang mapanatili ang
kapayapaan at makatulong sa bayan.

B. Nasusuri ang mga maaring gawin ng isang kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa


bayan.

C. Nakasusulat ng isang repleksyong papel hinggil sa kanilang natutuhan sa Florante at


Laura
II. Paksang Aralin

Aralin 21: Ang Pagwawakas


Saknong 393-399
pp.674-683
Pluma II

III. Pamaraan

A. Pagganyak

Magbigay ng isang salitang maiuugnay sa Salitang “WAKAS”

Wakas

Mga Katanungan:

Base sa iyong sariling pag-unawa, ano ang kahulugan ng WAKAS?

Kailan binibitawan ang salitang WAKAS?

Anong uri ng WAKAS ang ibig mong mangyari, at bakit?

B. Paglinang sa Aralin
Pagpapabasa ng Aralin 21: Ang Pagwawakas; pp.675-676

Mahahalagang Tanong:

Ayon kay Laura, ano ang nangyari sa kaharian pagkaalis ni Florante?

Paano pinaghandaan ni Adolfo ang pagbabalik ni Florante sa kaharian?

Kung ikawa si Laura, ano ang iyong gagawin kung ikaw naman ang pagbabantaan?

C. Pagpapahalaga

Ang mabuting pinuno, Kapakanan ng bayan at mamamayan ang laging nasa puso

D. Ebalwasyon

Pagsasagawa ng Palawakin Natin pp. 683


IV. Takdang-Aralin

Maghanda para sa nalalapit na pagsusulit.

Вам также может понравиться