Вы находитесь на странице: 1из 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV

CARL PATRICK SAHAGUN TADEO

I. Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan;
b. napapahalagahan ang konsepto ng teorya ng pangangailangan;
c. naisusulat ang mga bagay na pangangailangan at kagustuhan ng tao.
II. Paksang Aralin
A. Paksang Aralin: Pangangailangan at Kagustuhan
B. Sanggunian: Ekonomiks: Pag-aaralsa Pinagkukunang-yaman at Paggamit-yaman ng
Lipunan Chua. A. at Gonzales, Z. Pahina 33-35
C. Mga Kagamitan: tisa, pisara, larawan, tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagbati
Magandang umaga.
Magandang umaga rin po.

2. Paglista ng Lumiban
Sino ang mga lumiban sa klase sa araw na Wala po.
ito?

B. Panlinang na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagganyak
Bago natin pormal na simulan ang ating
klase ay maglalaro muna tayo. Hahatiin ko
ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat
miyembro ng bawat grupo ay dapat
makapagsulat ng mga bagay na nakaatas sa
kanila sa loob ng isang minuto. Ang unang
grupo ay magsusulat ng mga bagay na alam
niyong kailangan niyo at sa ikalawa naman ay
ang mga bagay na alam niyong kagustuhan
niyo. Tatayo isa-isa ang bawat mag-aaral at
magsusulat sa pisara. Ang pinakamaraming
maisusulat sa loob ng isang minuto ang
siyang grupong tatanghaling panalo. Nakuha
niyo ba ang direksyon? Opo.

Magaling. Simulan na natin.


2. Paglalahad
Ang aralin na ating tatalakayin sa araw na
ito ay ukol sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng isang tao. Tutukuyin rin natin Opo.
ang kahalagahan ng teorya ng
pangangailangan. Handa na ba kayo upang
ating alamin ang mga ito?

Magaling!
C. Paglinang sa Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Upang maintindihan natin at malaman
ang teorya ng pangangailangan ay hahatiin
ko kayo sa limang grupo. Ang bawat grupo
ay bibigyan ng isang parirala o pangungusap
na pag-uusapan ng grupo. Magbibigay ng
mga halimbawa ng mga pangangailangang
hinihingi at inyong ipaliliwanag kung bakit ba
natin kailangan ang mga ito. Matapos
ninyong mag-brainstorm ay iuulat ng inyong
napiling lider ang inyong mga sagot.
Naintindhihan niyo ba?
Opo.
Ang mga sumusunod ay ang mga parirala
/pangungusap na ibibigay sa bawat grupo:
Unang Grupo – Pangangailangang
pampisikal o pisiyolohikal
Ikalawang Grupo – Pangangailangang
pangkaligtasan at seguridad
Ikatlong Grupo – Pangangailangang maibig,
makasapi at makisalamuha
Ikaapat na Grupo – Pangangailangang
mapahalagahan ng ibang tao
Ikalimang Grupo – Pangangailangang
maisakatuparan ang sarili nating mga
kakayahan at pagkatao.
(Mag-uusap usap ang mga mag-aaral sa loob
(Magbibigay ng kartolina ang guro kung ng labinlimang minuto ukol sa kanilang
saan magsusulat ang mga mag-aaral. Ang sagot. Isusulat nila ang kanilang mga sagot sa
bawat grupo ay gagamit ng graphic kartolina na ibibigay ng guro at iuulat ang
organizer upang ipresenta ang kanilang kanilang napagkasunduan sa loob ng
gawa.) dalawang minuto sa bawat grupo.)
*Kalakip ng Banghay Araling ay ang uri ng
graphic organizer na kanilang gagamitin.

Magaling!
D. Paglalahad

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon bago natin talakayin ang
kabuuan ng lahat ng mga pangangailangan,
alamin muna natin kung ano nga ba ang
kahulugan ng salitang Pangangailangan. Ano
ba ang Pangangailangan?
Ang pangangailangan po ay isang
damdamin na umuudyok sa tao na
magkaroon ng bagay o karanasang nararapat
niyang makuha o maranasan upang siya ay
mabuhay at makaganap ng isang tungkulin.
Tama.
Sa kabilang banda naman, ano nga ba
ang kagustuhan?
Ang kagustuhan po ay damdamin na
umuudyok sa tao na magkaroon ng
karagdagang mga bagay o karanasan na
magpapaganda o magpapasya sa kanya na
hindi naman nakaaapekto sa kanyang
kahusayan at pagiging produktibo.
Magaling. Titingnan natin kung talagang
alam niyo na ang pagkakaiba ng
pangangailangan at kagustuhan. Halimbawa,
may kompyuter ang graphic artist.
Pangangailangan ba ito o Kagustuhan?
Pangangailangan po.
Tumpak. Kung halimbawa namang may
kompyuter ang magsasaka. Pangangailangan
ba ito o Kagustuhan?
Kagustuhan po.
Magaling. Gayunpaman, hindi maitatatwa
na maraming pangangailangan ang bawat
isang indibidwal. Sino ba ang pamosong
sikologo na nagpanukala ng teorya ng
pangangailangan?
Si Abraham Maslow po.
Tama. Balikan natin ang mga parirala o
mga pangangailangang ibinigay ko sa inyo.
Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa Herarkiya
ng mga Pangangailangan ni Maslow. Ayon sa
kanya, ang mga pangangailangan ng tao ay
may takdang antas ayon sa kahalagahan ng
mga ito.
Halimbawa, kung papipiliin ang tao kung
alin sa pagkain o pananamit ang higit niyang
kailangan, malamang na mas pipiliin niya ang
una dahil nakadepende sa pagkain ang
buhay.
Ayon sa kanya, may limang bahagi ang mga
pangangailangan ng tao. Anu-ano ang mga
ito? Mga pangangailangang pampisikal o
pisiyolohikal; pangangailangang
pangkaligtasan at seguridad;
pangangailangang maibig, makasapi at
makisalamuha; pangangailangang
mapahalagahan ng ibang tao; at
pangangailangan na maisakatuparan ang
sariling mga kakayahan at pagkatao.

Sariling Kakayahan at Pagkatao

Mapahalagahan ng ibang Tao

Maibig, Makasapi at Makisalamuha

Pangkaligtasan at Seguridad

Pisikal o Pisyolohikal

Magaling. Talakayin muna natin ang nasa


pinakababa ng herarkiya. Ang
Pangangailangang pampisikal o pisiyolohikal.
Anu-ano ba ang mga bagay na nakapaloob
dito? Tubig, pagkain, hangin, dami, bahay po.

Tama. At bakit ba natin kailangan ang


mga bagay na ito? Kailangan po natin ang mga bagay na ito
para po mabuhay.

Magaling. Dumako naman tayo sa


ikalawa. Anu-ano ba ang mga bagay na ating
kailangan sa aspetong pangakaligtasan at Kapayapaan at kaayusan sa paligiran, pag-
seguridad? aaruga n gating mga magulang, pagkakaroon
ng ligtas na tahanan, at pagiging ligtas po sa
pinagtatrabahuhan.
Tumpak. Sa tingin ninyo sa ikatlong
baiting na pangangailangang maibig,
makasapi at makisalamuha anu-ano ba ang
mga bagay na dapat taglayin dito ng isang
tao?
Pakiramdam po ng pag-ibig sa kasintahan,
kaibigan, asawa mga anak at kung anu-ano
pa pong pakikipagkapwang personal na
magpapadama sa kanya ng pag-ibig at
pagkikipagkapwa-tao.
Magaling.Ang ikaapat na batang naman
ay ang pangangailangang mapahalagahan ng
ibang tao. Nahahati ito sa dalawa ang
mababang na uri at ang mataas uri. Ano ba
ang pinagkaiba ng mababang na uri at
mataas uri?
Tumutukoy po ang mababang uri sa
pagnanais ng tao na irespeto ng kapwa
samantalang ang mataas na uri po ay
tumutukoy sa pagnanais ng tao na igalang
Mahusay! At dumako naman na tayo sa ang kanyang sarili.
pinakamataas na antas ng mga
pangangailangan, ang panggngailangan na
maisakatuparan ang sariling mga kakayahan
at pagkatao. Sa tingin niyo ba mahirap
marating ang huling baitang ng herarkiya ng
pangangailangan ni Maslow? At sa tingin
niyo bakit?
Opo. Dahil po kakaunti lamang po ang
nagkakaroon ng masidhing pagnanasa dito
sa dahilang marami sa atin ang nais na
matustusan palagi ang mga mababang antas
Tama ka diyan. ng pangangailangan po.
Ayon kay Maslow, ang isang taong ganap
ay hindi nakatuon masyado sa mga materyal
na bagay kundi sa mga bagay na totoong
makapagpapasaya sa kanya. Para sa inyo,
totoo ba ito?
Opo, kasi po ang kasayahan na hinahanap
ay hindi galing sa pisikal na kalagayan kundi
sa kalagayang nagpapahayag na may bahagi
sa pagkatao na walang hanggan.

IV. Pagpapahalaga

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon, sa dalawang magkaibang bagay
na ating tinalakay – Pangangailangan at
Kagustuhan, ano ang mas mahalaga para sa Ang nakikita ko pong mas mahalaga ay
inyo? ang pangangailangan, dahil po hindi tayo
mabubuhay ng wala ang mga ito
samantalang ang kagustuhan po ay
nagbibigay lamang ng pansamantalang
kasiyahan.
Magaling.
V. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang kaibahan ng kagustuhan sa
pangangailangan?
Ang mga pangangailangan po ay ang mga
bagay na siyang bumubuhay sa atin ito ay
mga bagay na kinakailangan upang maging
produktibo, samantala ang kagustuhan po ay
mga bagay lamang na ibig natin, nagbibigay
ito ng panandaliang kasiyahan.
Tama. Ano naman ang limang baitang sa
herarkiya ng mga pangangailangan ni
Maslow? Isa-isahin mula sa pinakababang
baitang patungo sa pinakamataas.
Mga pangangailangang pampisikal o
pisiyolohikal; pangangailangang
pangkaligtasan at seguridad;
pangangailangang maibig, makasapi at
makisalamuha; pangangailangang
mapahalagahan ng ibang tao; at
pangangailangan na maisakatuparan ang
sariling mga kakayahan at pagkatao.
Mahusay!

VI. Pagtataya
A. Tukuyin ang mga salita. Ilagay ang titik “K” kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na Kagustuhan
at “P” kung ito naman ay tumutukoy sa Pangangailangan. (Isang puntos sa bawat bilang)
1. Damit 6. PSP
2. Touchscreen Cellphone 7. Edukasyon
3. Professional Camera 8. Bahay
4. Tubig 9. Aklat
5. Flatscreen TV 10. Kotse
B. Essay. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. (5 puntos sa bawat bilang.)
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan.
2. Iguhit ang Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow at ipaliwanag ang
bawat baitang.
VII. Kasunduan
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng relasyon ng mga bagay na Pangangailangan at
Kagustuhan.
KALAKIP 1.1

Unang Pangkat – Cluster Map

Anu-ano ang mga


pangangailangang
pisikal o
pisyolohikal ng
tao?

Ikalawang Pangkat – Wheel Map

Sa papaanong paraan
tayo nagtatamo
ng ating
pangangailangang
panseguridad at
pangkaligtasan?
Ikatlong Pangkat – Circle Graph

Pangangailangang
Maibig,
Makisapi at
Makisalamuha

Ikaapat na Pangkat - Tree Diagram

Pangangailangang
mapahalagahan ng ibang tao
Ikalimang Pangkat – Cluster Map

Pangangailanga
ng
maisakatuparan
ang sarili nating
kakayahan at
pagkatao

Вам также может понравиться

  • PT Arpan 3Q
    PT Arpan 3Q
    Документ3 страницы
    PT Arpan 3Q
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Holistic Rubric
    Holistic Rubric
    Документ1 страница
    Holistic Rubric
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SNDS Exam Araling Panlipunan 5
    SNDS Exam Araling Panlipunan 5
    Документ3 страницы
    SNDS Exam Araling Panlipunan 5
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Midyear Exam Grade 6
    Midyear Exam Grade 6
    Документ2 страницы
    Midyear Exam Grade 6
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Midyear Exam Grade 10
    Midyear Exam Grade 10
    Документ3 страницы
    Midyear Exam Grade 10
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Rubriks para Sa Paggawa NG Poster Making
    Rubriks para Sa Paggawa NG Poster Making
    Документ2 страницы
    Rubriks para Sa Paggawa NG Poster Making
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SNDS-Exam-Araling Panlipunan 6-2
    SNDS-Exam-Araling Panlipunan 6-2
    Документ2 страницы
    SNDS-Exam-Araling Panlipunan 6-2
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Snds Exam Ap4
    Snds Exam Ap4
    Документ3 страницы
    Snds Exam Ap4
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • RUBRICS
    RUBRICS
    Документ1 страница
    RUBRICS
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • PT Grade 6
    PT Grade 6
    Документ2 страницы
    PT Grade 6
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • I.LAYUNIN (Objectives)
    I.LAYUNIN (Objectives)
    Документ5 страниц
    I.LAYUNIN (Objectives)
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Quiz 2
    Quiz 2
    Документ21 страница
    Quiz 2
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SNDS-Exam-Araling Panlipunan 6
    SNDS-Exam-Araling Panlipunan 6
    Документ2 страницы
    SNDS-Exam-Araling Panlipunan 6
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Paggawa NG Table at Tsart Gamit Ang Word Processor - (Zamora)
    Paggawa NG Table at Tsart Gamit Ang Word Processor - (Zamora)
    Документ1 страница
    Paggawa NG Table at Tsart Gamit Ang Word Processor - (Zamora)
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Pointers To Review Grade 6
    Pointers To Review Grade 6
    Документ1 страница
    Pointers To Review Grade 6
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SIP ARPAN6 Edited
    SIP ARPAN6 Edited
    Документ3 страницы
    SIP ARPAN6 Edited
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SIP ARPAN 7 Edited
    SIP ARPAN 7 Edited
    Документ2 страницы
    SIP ARPAN 7 Edited
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SNDS-Exam-ESP 4
    SNDS-Exam-ESP 4
    Документ2 страницы
    SNDS-Exam-ESP 4
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • ArPan 10 Prelim
    ArPan 10 Prelim
    Документ2 страницы
    ArPan 10 Prelim
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SIP ARPAN 7 Edited
    SIP ARPAN 7 Edited
    Документ4 страницы
    SIP ARPAN 7 Edited
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Sip Arpan 8
    Sip Arpan 8
    Документ5 страниц
    Sip Arpan 8
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SLRDA 2ndQF Arpan6
    SLRDA 2ndQF Arpan6
    Документ2 страницы
    SLRDA 2ndQF Arpan6
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Word Hunt
    Word Hunt
    Документ2 страницы
    Word Hunt
    Elmira Niadas
    100% (1)
  • Nasyonalismo China
    Nasyonalismo China
    Документ5 страниц
    Nasyonalismo China
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • SIP ARPAN 8 Edited
    SIP ARPAN 8 Edited
    Документ4 страницы
    SIP ARPAN 8 Edited
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Nasyonalismo Noon at Ngayon
    Nasyonalismo Noon at Ngayon
    Документ54 страницы
    Nasyonalismo Noon at Ngayon
    Nathalie Dagmang
    91% (47)
  • Exam Secondq1
    Exam Secondq1
    Документ3 страницы
    Exam Secondq1
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет
  • Timog-Silangang Asya LP
    Timog-Silangang Asya LP
    Документ5 страниц
    Timog-Silangang Asya LP
    Elmira Niadas
    100% (4)
  • Nasyonalismo Noon at Ngayon
    Nasyonalismo Noon at Ngayon
    Документ54 страницы
    Nasyonalismo Noon at Ngayon
    Nathalie Dagmang
    91% (47)
  • PT 3
    PT 3
    Документ2 страницы
    PT 3
    Elmira Niadas
    Оценок пока нет