Вы находитесь на странице: 1из 29

Isang Pag-aaral sa Kasabihan at Salawikain ng mga Mamamayan ng

Lucena at Padre Burgos

Tesis na Iniharap
Sa Guro sa Filipino ng
Pamantasan ng Manuel S. Enverga
Lungsod ng Lucena

Inihanda Bilang Bahagi


Ng Mga Gawaing Kailangan
Sa Pag-aaral ng Filipino

Aldovino, Hansley
Benedicto, Joanah Rose
Cuevas, Lizelle
Ilao, Ivan Derick
Mediarito, Aime Jane
Padillo, Russeine
Purisima, Daniel
Rodil, Via Nicole
Tan, Alyssa Nicole

Mayo 2019

1|P a g e
TALAAN NG NILALAMAN

Pahinang Pamagat .................................................................................................1


KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO ..........................................
Panimula ...........................................................................................................3
Paglalahad ng Suliranin ....................................................................................4
Kahalagahan ng Pag-aaral................................................................................5
Konseptwal na Balangkas .................................................................................6
Saklaw at Limitasyon.........................................................................................6
Katuturan ng mga Termino................................................................................7
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL ..................8
KABANATA III: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK ............................................
Pamamaraan ng Pananaliksik .........................................................................11
Mga Kalahok ...................................................................................................11
Instrumento .....................................................................................................11
Paraan ng Pangangalap ng Datos ..................................................................11
KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN
SA MGA DATOS ...................................................................................................12
KABANATA V: KONKLUSYON AT REKOMENDASYON ...................................12
APENDIKS ............................................................................................................17
Talatanungang Ginamit ...............................................................................17

2|P a g e
PANIMULA

Maituturing na sagana ang bansang Pilipinas hindi lamang sa mga likas

na yamang taglay nito kundi maging sa talino at kakayahan sa paglinang ng

kultura sa pamamagitan ng paggamit ng panitikan. Tulad ng kulturang Pilipino,

ang panitikang Pilipino ay minana sa ating mga ninuno at sa pamamagitan ng

interaksyon ay nagpalipat-lipat sa ibang salinlahi (Buensuceso, Burgos,

Espiritu & Fortunato, 1997). Ang Pilipinas ay isang bansang namumukod tangi

pagdating sa larangan ng panitikan na siyang sumasalamin sa maunlad nitong

kultura at mga tradisyon. Ang panitikan ay isang uri ng mahalagang panlunas

na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng kanilang mga buhay at

matugunan ang kanilang mga suliranin (“Panitikang Pilipino”, 2009).

Ang panitikan ay isang sining na maayos at magandang pagpapahayag ng

damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang

sarili o sa pakikitungo nya sa kapwa. Ang panitikan tulad ng ibang sining ay

hinuhubog ng iba’t ibang bagay (Buensuceso, Burgos, Espiritu & Fortunato,

1997). Ito ay maaaring pasulat o pasalita. Ang huli ay tinatawag na mga

pasalindilang panitikan na naipalalaganap sa pamamagitan ng dila at bibig ng

tao. Bagaman sa kasalukuyan, mas madali at magaan ang pamamaraan ng

pagkalat at pagpapalaganap ng panitikan sa Pilipinas dahil sa makabagong

mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya (“Panitikang Pilipino”, 2009). Ayon

kay Calayo (2016), mayroong mga maituturing na pasalindilang panitikan na

napapangkat ayon sa anyo ng pagkakalahad gaya ng salawikain at kasabihan

na naglalarawan ng ating mga katutubong pinagmulan, mga karanasan at

kaalaman at nagsasalaysay ng ating pinaniniwalaan at iba pa.

3|P a g e
Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang

pag-aaral at pagkakaroon ng kurikulum na ukol sa panitikang Pilipino

(“Panitikang Pilipino”, 2009). Ayon kay Villafuerte (2000), mahalagang

pag-aralan ang panitikan upang matanto natin na tayo ay may sariling

kalinangang maipagmamalaki. Ang panitikang Pilipino ay salamin ng ating

kasaysayan. Sa pamamagitan nito, mababakas natin ang ating kahapon at

ngayon. Masisinag natin ang mga adhikain, mga tagumpay at pagkabigo ng

ating mga ninuno (Buensuceso, Burgos, Espiritu & Fortunato, 1997). Ang

pagkakaroon ng iba’t-ibang pasalindilang panitikan gaya ng kasabihan at

salawikain at ang paniniwala sa mga ito ay isa sa orihinal na tatak ng isang

mamamayang Pilipino. Kahit saang parte ng bansa, maraming tao ang may

kanya-kanyang kaalaman at paniniwala sa mga ito. Ito rin ay isang patunay sa

patuloy na pag-unlad at pagpapahalaga sa wikang pambansa. Ang mga ito ay

maituturing na isang yaman ng bansang Pilipinas na nararapat lamang na

pahalagahan at payabungin sa pamamagitan ng mas higit na pag-aaral at

pagpapalaganap partikular sa mga kabataang hindi batid ang kahulugan at

kahalagahan ng mga ito dala ng impluwensya ng makabagong panahon.

Bunga rin ng mga pasalindilang panitikang ito, maaaring mas mahasa ang

kaisipan ng mga tao at matamo ang mga aral at mensahe na nais ipabatid sa

atin ng mga ito.

4|P a g e
LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong:

1. Matukoy ang profayl ng mga respondente.

2. Malaman ang iba’t ibang salawikain at kasabihan ng mga mamamayan mula sa

lungsod ng Lucena at bayan ng Padre Burgos.

3. Maunawaan ang kahalagahan ng mga pasalindilang panitikan na ito.

4. Malaman kung ang pasalindilang panitikan gaya ng kasabihan at salawikain ay

lumalago o tuluyang nawawala sa paglipas ng panahon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga respondente mula sa lungsod ng Lucena at bayan

ng Padre Burgos?

2. Anu-ano ang mga kasabihan at salawikaing pinaniniwalaan ng mga

mamamayan ng lungsod ng Lucena at bayan ng Padre Burgos?

3. Ano ang kahalagahan ng mga pasalindilang panitikan gaya ng kasabihan at

salawikain?

4. Ano ang mga naging pagbabago sa mga pasalindilang panitikang ito?

Patuloy ba itong umuunlad o tuluyan na itong nawawala?

5|P a g e
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito patungkol sa mga pasalindilang panitikan gaya ng

salawikain at kasabihan ay maaaring makatulong sa mga sumusunod:

Kultura ng Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay makadaragdag sa

pagpapayabong ng panitikan na bahagi na rin ng kultura ng ating bansa. Ang

pag unlad ng panitikan ay siya din tanda ng pag-unlad ng bayan.

Edukasyon. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maibahagi sa mga mag-aaral

ng susunod na henerasyon sa pamamagitan ng limbag na midyum. Ito maari

din gawing batayan sa mga susunod na pananaliksik at pagkakatuto.

Mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang maging gabay sa

moralidad ng bawat mamamayan. Sa kadahilanag ang panitikang ito ay

nagtuturo ng magandang asal ang limbag na ito ay maaring gamitin para

mkapagturo sa pamayanan ng gintong aral para sa katiwasayan at

pagmamahalan.

Kabataan. Ang pag-aaral na ito ay magiging daan upang matuklasan ng mga

kabataan ang aral na dala ng panitikang ito at sa gayon ay kanilang maging

gabay at tuluyang maipasa sa mga susunod na henerasyon.

6|P a g e
KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Input Proseso Output


 Mga kasabihan  Interbyu  Nabuong papel na
nauukol sa mga
at salawikain ng  Pagpapasagot ng
pasalindilang
talatanungan
mga mamamayan panitikan ng mga
 Pagsusuri sa mga mamamayan ng
ng bayan ng Padre bayan ng Padre
impormasyong
Burgos at lungsod ng Burgos at lungsod
nakalap
Lucena. ng Lucena na
napokus sa
kasabihan at
salawikain.

Pigura 1

Ipinapakita sa pigura sa itaas ang iba’t ibang hakbang na ginawa ng mga

mananaliksik upang mabuo ang pananaliksik na ito. Sa input na ginamit ng

mga mananaliksik upang matapos ang pananaliksik ay kalakip ang mga

resulta ng mga isinagawang pakikipanayam at pagpapasagot ng talatanungan

upang makalap ang mga kailangang impormasyon tungkol sa mga

pasalindilang panitikan na nakasentro sa mga kasabihan at salawikain na

siyang kumakatawan sa aktwal na proseso kasabay ang pagtatala at

pagsusuri sa mga datos na nakalap.

Matapos makuha ang mga datos, maitala at masuri, ang kinalabasan o

resulta ay ang papel na nagpapakita at higit na nagpapahalaga sa mga

pasalindilang panitikan na nakapokus sa mga kasabihan at salawikain ng mga

taong nagmula sa lungsod ng Lucena at bayan ng Padre Burgos.

7|P a g e
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang primaryang limitasyon ng pananaliksik na ito ay ang layunin nitong

malaman at masuri ang mga pasalindilang panitikan na nakapokus lamang sa

kasabihan at salawikain ng mga taong nagmula sa bayan ng Padre Burgos at

lungsod ng Lucena.

Ang ilan pa sa limitasyon ng pananaliksik na ito ay ang limitadong

panahon upang maisagawa ang pag-aaral at limitasyon sa kakayahang

pinansyal ng mga mananaliksik. Mayroon ding limitasyon pagdating sa

kasapatan ng datos na sumusuporta sa pananaliksik at sa mga impormasyon

mula sa limitadong bilang ng mga respondente mula sa dalawang bayan.

KATUTURAN NG MGA TERMINO

Upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral at mambabasa ang

pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na terminolohiya ay

binibigayng-kahulugan sa bahaging ito:

Kasabihan - ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya

na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo. Madalas na sinasabi ito

upang magbigay ng payo o impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng

tao.

Kasaysayan - ay mga pangyayari sa nakalipas na panahon. Ito ang siyang

pinagmumulan ng mga kaalaman o impormasyon at nagsisilbing

tagapagsalaysay sa kasalukuyang henerasyon tungkol sa nagdaang panahon.

8|P a g e
Kultura - ang itinuturing na kaluluwa ng isang bansa. Masasabing ito ang

nagbibigay buhay sa isang lugar sapagkat ito ang nagiging batayan ng kilos o

gawi ng mga mamamayan.

Pananaliksik - ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas

ng isang suliranin nanangangailangang bigyan ng kalutasan.

Panitikan - ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,

mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na

paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Salawikain - ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan

at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

Naglalaman ito ng mga karunungan.

Sining - ay iba’t ibang uri ng paglikha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag

tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang

imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nagnanais

mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito magpa

antig ng damdamin.

Wika - ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,

tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at

damdamin sapamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.

9|P a g e
KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa literatura at pag-aaral na kaugnay

sa pananaliksik na ito. Ang mga ito ay nagsilbing batayan ng mga

mananaliksik upang mabigyan ng katugunan ang mga suliranin, makabuo ng

konklusyon at rekomendasyon at mapagtibay ang pag-aaral na ito.

Bawat bansa ay may sariling kultura na siyang simbolo ng kanyang

pagkakakilanlan. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay pagkakaroon din ng

sariling panitikan na nagpapakita ng sarili nitong pagkatao, pagkalahi at

pagkamamamayan (Macaraig, 1997). Matalik na magkaugnay ang panitikan at

kasaysayan. Sa pagtalakay ng kasaysayan, kabilang dito ang mga damdamin,

saloobin, ideya, kaugalian o tradisyon ng isang lahi at kapag naisatitik, ito ay

tinatawag na panitikan. Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga

mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin,

panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat at

binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining

na pahayag (Santiago, Kahayon & Limdico, 2006).

Ang panitikan ang naging panumbas ng mga Pilipino sa literatura ng

Ingles. Ang panitikan ng Pilipinas ay ang pagpapahayag na pasalita o pasulat

ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa

pamumuhay, sa kanilang mga gawain, sa pulitika at sa kaugnayan ng kanilang

pananampalataya (Tumangan, Sr. et al., n.d.).

Ang panitikan ay bunga ng isip na isinatitik. Ito ay nakapaloob sa sining na

naglalayong matuklasan ang kagandahan ng mga bagay-bagay. Ito ay isang

10 | P a g e
matibay at panghabang panahong pagpapahayag ng mahalagang karanasan

ng tao sa mga salitang mahusay na pinili at isinaayos (Villafuerte, 2000).

Ang tunay na kahulugan ng panitikan ay matatagpuan sa katotohanang ito

ay nauukol sa mga niloloob, mga ideya at damdamin ng tao (Buensuceso,

Burgos, Espiritu & Fortunato, 1997).

Ang panitikan na umiiral sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa

namamayani at patuloy na umuunlad na uri at anyo ng katutubong panitikan.

Ang bawat anyo ng panitikan na umiiral sa kasalukuyan mula ng bago pa man

dumating ang mga Kastila ay itinuturing na panitikan ng Pilipinas (Tumangan,

Sr. el al., n.d.). Bago matutong sumulat ang mga ninuno ng mga makabagong

Pilipino, binibigkas lamang nila ang iba’t ibang panitikan tulad ng tula, awit,

nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga

Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamahayag na

ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang

isipan. Sa pamamagitan ng palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan,

nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o

henerasyon ng mga Pilipino (“Panitikang Pilipino”, 2009).

Maraming pamana ang ating mga ninuno na mas lalong nagpayaman ng

ating panitikan kabilang na dito ang mga karunungang bayan gaya ng

salawikain at kasabihan na nagpapahayag ng talas ng kaisipan (Lachica,

1996).

Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga

maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at

makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating

11 | P a g e
mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng

naaayon sa kanilang mga naging karanasan (“Panitikang Pilipino”, 2009).

Ang salawikain ay katumbas ng “proverbs” sa Ingles at karamihan sa mga

ito ay hiram sa Arabe, Malay at Indo-tsino ngunit marami rin sa mga ito ay

nabago at naiba ang ayos (Mateo, 1996). Ito ay nakaugalian nang sabihin at

nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ayon

sa iba, ito’y parang parabulang patalinghaga at nagbibigay-aral, lalo na sa

mga kabataan. Ayon kay San Miguel at Villanueva (1997), ang salawikain ay

mga patalinhagang pananalita na may sukat at kapupulutan ng mga aral. Ito

ang naging gabay ng ating mga magandang kaugalian. Samantalang ang

kasabihan naman ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos

ng isang tao, o pagbibiro (Belvez, Iliscupidez, Roberto, Pleno & Atienza, 2006).

Ito ay kadalasang may kasamang ritmo o tugma na nagpapahayag ng

talinghaga. Kadalasang ginagamit ng mga matatanda upang mangaral sa mga

kabataan sapagkat kinapapalooban ito ng mga butil ng karunungan na

magagamit sa tunay na buhay (Lachica, 1996). Ang mga kasabihan naman

noong unang panahon ay ipinapalagay nating mga sabihin ng mga bata at

matatanda na katumbas ng mga tinatawag nating ritmong pambata (Mateo,

1996).

Bawat bansa ay may panitikan, bawat pook ay may kasaysayan at bawat

tao ay may kakayahan para bumuo, lumikha at sumulat ng sa ngayon ay

tinatawag na panitikan. Dahil sa panitikan, nagagawa ng bumabasa na

makarating sa ibang daigdig. Nagagawa ang pakikihalubilo sa ibang tao. Dito

ay napaguugnay-ugnay ang mga kinamulatang tradisyon at ang dakilang

12 | P a g e
kabihasnan na hindi gaanong nalalayo sa kanyang katutubong lahi (Macaraig,

1997).

METODOLOHIYA

Sa pangangalap ng mga kailangang datos, bumuo ang mga mananaliksik

ng mga talatanungan na ginamit sa pagsasagawa ng interbyu o

pakikipanayam sa mga respondente. Ginamit rin ito sa pagpapasagot sa ibang

respondente na hindi personal na kinapanayam. Gumamit rin ang mga

mananaliksik ng ilang estadistikal na teknik upang maipakita ang profayl ng

mga respondente sa sistematikong paraan gaya ng dami o prekwensi at

bahagdan.

Pamamaraan ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng palarawan o deskriptibong paraan ng

pananaliksik upang mas maipakita sa malinaw at maayos na paraan ang mga

datos na nakalap sa pamamagitan ng talatanungan na ginamit at

pakikipanayam na isinagawa.

Mga kalahok

Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay ang mga mamamayan mula sa

bayan ng Padre Burgos at lungsod ng Lucena na random na pinili at may

bilang na labing-dalawa.

Instrumento

Nagsagawa ng interbyu ang mga mananaliksik gamit ang isang

talatanungan upang makalap ang mga datos na kailangan. Ginamit rin ang

13 | P a g e
talatanungan upang makakalap ng impormasyon sa ibang respondente sa

pamamagitan ng pagpapasagot.

Paraan ng pangangalap ng datos

Tumungo ang mga mananaliksik sa lungsod ng Lucena at bayan ng Padre

Burgos upang personal na pasagutan ang talatanungan sa sampung

respondenteng napili at isagawa naman ang pakikipanayam sa dalawang

respondente mula sa dalawang bayan.

INTERPRETASYON

Ang mga nakalap na datos ay sinuri at binigyan ng pagpapakahulugan

upang masagot ang suliranin ng pag-aaral na ito.

Narito ang interpretasyon ng mga resulta mula sa respondente ng Lucena.

1) Alam nyo ba kung ano ang kahulugan ng kasabihan at salawikain?

Maraming ideya ang mga Lucenahin tungkol sa kahulugan ng

kasabihan at salawikain. Ayon sa kanila, ang kasabihan ay galing sa

mga normal na aktibidad sa buhay ng tao. Ito’y galing sa kanilang mga

karanasan at mga kilos na nangyayari sa kanila. Ang salawikain naman

para sa kanila ay may malalim na kahulugan. Ito’y nag-ugat sa ating

mga ninuno at nag-iiral ng magandang mensahe at nagtuturo ng

tamang ugali.

2) Marami ba sa bayang ito ang naniniwala sa mga kasabihan o

salawikain?

Ayon sa mga kasagutan ng mga Lucenahin, marami na sa mga

tao ang hindi naniniwala sa mga kasabihan at sa kadahilanang ito ay


14 | P a g e
walang epekto sa kanilang kabuhayan ngunit pinagkukunan pa rin nila

ng kaalaman, payo at magandang pag uugali ang salawikain. Mas

binibigyan nilang pansin ang salawikain kaysa sa mga kasabihan.

3) Sa inyong palagay, paano umusbong ang mga iba’t ibang kasabihan o

salawikain at ang paniniwala ng mga tao sa mga ito?

Ang panitikang ito ayon sa mga Lucenahin ay umusbong dahil sa

mga pasalindila ng mga matatanda sa mga kabataan. Ginagamit nila

itong payo o aral upang lumaganap ang kabuhayan.

4) Anu-anong mga kasabihan o salawikain ang inyong nalalaman?

Ang mga alam na salawikain at kasabihan ng mga taga Lucena ay

hindi gaano nagbabago kada tao. Halos magkakaparehas ang mga

alam nila na salawikain at kasabihan.

5) Paano ninyo naibabahagi sa ibang tao ang mga kasabihan o salawikain

inyong nalalaman?

Magkakatulad ang mga paraan ng pagbabahagi panitikang ito sa

bayan ng Lucena. Ibinabahagi nila ito sa pamamamaraan ng pagiging

payo sa mga taong may problema o sa mga kabataan o anak. Nagiging

gabay ito sa kanila upang matugunan ang mga problema na kanilang

nararanasan.

6) Anu-ano ang mga magaganda at mga di-gaanong kaaya-ayang

naidulot sa inyo ng paniniwala sa mga kasabihan o salawikain?

Sa mga kasagutan ng mga taga Lucena ang magandang dulot ng

salawikain at kasabihan ay nagbibigay ito ng magandang payo at aral

sa mga kabataan. Nagbibigay impormasyon din ito sa kultura ng bayan

15 | P a g e
o ng bansa. Ayon sa kanila ginagamit itong aralin sa mga paaralan. Ang

masamang dulot naman nito ayon sa kanila ay sa hindi masyado

paniniwala ng mga kabataan sa ngayon. Ginagamit nalang nilang biro

ang panitikang ito.

7) Sa tingin nyo, ano ang ipinahihiwatig o nais ipabatid sa atin ng mga

kasabihan o salawikaing ito?

Ang pagbibigay aral tungo sa pagiging mabuting tao ang

pinakabatid ng panitikang ito ayon sa mga taga Lucena. Nagbibigay

pagpapahalaga ito sa sarili at kapwa tao. Nagbibigay diin din ito sa iba’t

ibang karanasan at kultura ng ating mga ninuno.

8) Para sa inyo, mahalaga ba na mabatid ito ng mga kabataan o ng iba

pang tao? Bakit?

Lahat ng mga taga Lucena ay sumasang-ayon na dapat ipabatid

sa mga kabataan at ibang tao ang mga salawikain at kasabihan na

alam nila sapagkat ito ay maaring makatulong sa kanila sa sariling mga

sitwasyon. Nagbibigay ito ng payo at impormasyon ukol sa kultura na

dapat palaganapin ng tao.

9) Maituturing ba na nagkaroon na ng pag-unlad o pagbabago sa mga

pasalindilang panitikang ito?

May nagsasabi na walang pagbabago sa panitikang ito dahil ito ay

salita ng mga ninuno at dapat respetuhin. Ang iba naman ay nagsasabi

na nagbago na ito dahil sa naging moderno na ang mga wika na

ginagamit dito. Iba-iba ang mga opinyon ng mga mamamayan sa

Lucena ukol sa paksang ito.

16 | P a g e
Narito naman ang resulta mula sa bayan ng Padre Burgos.

1) Alam nyo ba kung ano ang kahulugan ng kasabihan at salawikain?

Ang mga mamamayan ng Padre Burgos ay mga sari-sariling

pananaw sa kahulugan ng kasabihan at salawikain ngunit ayon sa mga

kasagutan ng nila, may pagkakatugma sa mga ito. Ang kasabihan ay

nakabase sa mga pangyayari na naranasan sa buhay at ang salawikain

naman ay nakapokus sa pagbibigay payo at may halong kultura sa ibig

sabihin.

2) Marami ba sa bayang ito ang naniniwala sa mga kasabihan o

salawikain?

Marami sa mga mamamayan ng Padre Burgos ang naniniwala sa

kasabihan o salawikain. Ayon sa mga kasagutan, mga matatanda ang

malimit naniniwala sa mga ito. Ang kabataan ay tinuturuan pa sa mga

ito at may sari-sariling pananaw sa kasabihan at salawikain.

3) Sa inyong palagay, paano umusbong ang mga iba’t ibang kasabihan o

salawikain at ang paniniwala ng mga tao sa mga ito?

Ayon sa mga mamamayan ng Padre Burgos, ang salawikain o

kasabihan ay galing sa kultura at sinaunang panahon. Sinasaling dila

lang ito sa bawat henerasyon upang hindi ito mawala sa pagdaloy ng

panahon. Mga matatanda raw ang may responsibilad na magpasa nito

sa mga nakababata. Ibig sabihin nito ay ang kultura ay hindi

namamatay hanggat may naniniwala sa mga ito.

4) Ano-anong mga kasabihan o salawikain ang inyong nalalaman?

Ang mga taga Padre Burgos ay mga mga sari-sariling kasabihan ngunit

sa mga salawikain ay maraming nagkakaparehas. Ibig sabihin nito ay


17 | P a g e
may kulturang ugat ng lahat sa bayan na ito. Hanggang ngayon ay hindi

nakakalimutan ng mga mamamayan ito at mas lalo pang nadagdagan

dahil sa mga bagong salawikain na naibigay ng iba.

5) Paano ninyo naibabahagi sa ibang tao ang mga kasabihan o

salawikaing inyong nalalaman?

Ang mga salawikain at kasabihan sa bayan ng Padre Burgos ay

naisasalin sa iba’t ibang henerasyon sa maraming paraan. Karaniwan

sa mga ito ayon sa mga mamamayan ay ang pagkukuwento at

pangangaral sa mga kabataan. Dito nalalaman nila ang mga kahulugan

at mabuting asal na nais iparating ng mga ito kaya sa paglaki nila sa

kinabukasan ay magagamit nila ito at maipapasa pa sa kanilang mga

anak.

6) Anu-ano ang mga magaganda at mga di gaanong kaaya-ayang

naidudulot sa inyo ng paniniwala sa mga kasabihan o salawikain?

Sa mga pananaw ng mga taga Padre Burgos, ang magandang

naidudulot ng paniniwala sa kasabihan at salawikain ay nakakaiwas sa

kapahamakan sa pagsunod nito. Nagbibigay aral at tamang gawi ang

mga ito kaya nagbibigay gabay sa mga mamamayan. Ang di

kaaya-ayang dulot naman ng paniniwala sa mga ito ay ang mga

mamamayan ay nalilinlang sa maling kahulugan ng mga ito. Naliligaw

sila ng landas dahil sa mga maling kahulugan o pagkakaintindi sa mga

ito.

7) Sa tingin nyo, ano ang ipinahihiwatig o nais ipabatid sa atin ng mga

kasabihan o salawikaing ito?

18 | P a g e
Sa bayan ng Padre Burgos, ang pinapahiwatig ng mga kasabihan

at salawikain ayon sa mga mamamayan nito ay ang pagiging gabay sa

pang araw-araw na kabuhayan. Nagtuturo ito ng magagandang aral at

nagpapahiwatig ng tamang ugali at asal.

8) Para sa inyo, mahalaga ba na mabatid ito ng mga kabataan o ng iba

pang tao? Bakit?

Lahat ng mga respondente ng Padre Burgos ay sumang-ayon na

dapat mabatid ang mga kasabihan at salawikain sa mga kabataan at

iba pang tao. Ang kadahilanan nito ay pagkat ito raw ang gumagabay

sa buhay. Dito nakakakuha ng mga aral at magandang asal. Nagagamit

daw ito sa mga pang karaniwang sitwasyon. Dito rin nakakakuha ng

impormasyon ayon sa mga kultura ng bayan.

9) Maituturing ba na nagkaroon na ng pag-unlad o pagbabago sa mga

pasalindilang panitikang ito?

Maraming opinyon ang mga mamamayan ng Padre Burgos sa

tanong na ito dahil may mga naniniwala na malaki ang pag-unlad o

pagbabago at mayroon naman na nagsasabi na kaunti lang ang

nagbago. Subalit ayon sa mga kasagutan nila, iisa ang ibig sabihin ng

pagbabago at pag-unlad para sa kanila. Umunlad ito sa pamamaraan

na naisasalin parin ito sa mga kabataan at hindi nawawala sa mga

henerasyon. Nagbago ito sa paraan na naisalin ito sa iisang

naiintindihan na wika dahil noon daw ay may iba’t ibang wika na gamit

sa salawikain na alam nila ngayon.

19 | P a g e
Narito ang mga kasabihan at salawikain na pinaniniwalaan ng mga mula

sa lungsod ng Lucena at bayan ng Padre Burgos:

KASABIHAN

“Kapag may isinuksok may madudukot”

“Ubos ubos biyaya bukas nakatunganga”

“Walang mahirap sa nagsisikap”

“Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at

malansang isda”

“Ang kasipagan ay susi ng tagumpay”

“Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo”

“Bawal bumili ng karayom pag gabi”

“Bawal maligo ng mahal na araw”

“Magpagpag pagkagaling sa patay”

“Pagkahaba - haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.”

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda” –

Rizal

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”

“Ang puso ay nakakakita ng kabutihan, ang isip ay nakamamalas ng

kagandahan”

“Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magagalit.”

20 | P a g e
“Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama’y kasiyahang

dulot nitong kaalaman” - Bibliya

SALAWIKAIN

“Daig ng maagap ang masipag”

“Ang kalusugan ay kayamanan”

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo”

“Kung may tiyaga may nilaga”

“Kung anong itinanim sya rin ang aanihin’

“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

“Kung ano ang puno siya ang bunga”

“Ang taong gipit sa patalim kumakapit”

“Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot”

“Taong masama, walang tigil sa paggulo upang ikalat sa iba, di totoo niyang

salita”

“Kapag may mahal ka, palayain mo sya

Kapag bumalik, sa iyo sya,

Kapag hindi, hindi sya sa iyo”

“Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon”

“Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw”

21 | P a g e
KONKLUSYON

Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na

konklusyon:

1. Magkakaugnay ang mga naging sagot ng mga respondente sapag

bibigay kahulugan sa kasabihan at salawikain. Mahihinuha na ang

kasabihan ay umaakma sa mga normal na karanasan ng tao sa

simpleng paraan na tumutugon naman sa pagbibigay kahulugan ng

GABAY (n.d.) na ang mga kasabihan ay maiikling parilala na

nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o

totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng payo o impormasyon

tungkol sa buhay at karanasan ng tao. Habang ang salawikain naman

ay parte na kulturang Pilipino na ginagamitan na mga makabuluhan at

makakhulugang salita upang magturo at mag bigay aral. Ayon sa

Salawikain (2016), isang website, ang salawiakin ay binubuo ng mga

matalinhaga at mapalamuting mga salita. Maari itong my idyoma at

nagiiwan ng aral at pilosopiya.

2. Marami pa rin naman ang naniniwala at gumagamit sa mga sa

kasabihan at salawikain sa kadahilanang halos lahat ng mga

respondante ay nagsasabing ginagamit pa rin naman nila ito upang

makakuha ng kaalaman, payo at aral. Ang mga kasabihan at salwikain

at mga matandang panitikan na nag bibigay gabay at aral sa mga tao.

Ang mga salitang ito ay maaring sumalamin sa kultura ng bayan. Ang

mga mamayan ng Lucena at Padre Burgos ay nag papakita na

binibigyan pa rin nila ng importansya ang mga pasalindilang mga

panitikan dahil sa tulong nito sapag hulma ng kanilang pagkato kahit


22 | P a g e
hindi ito nakatutulong sa pinansyal na aspeto. Ayon kay Calibayan

(2015), ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang lipi at

napakainam gunitain ang mga mabubuti at mayayamang kaugalian at

tradisyong itinuturing na mga ginintuang alaala na mula pa sa ating mga

ninuno. Dapat panatilihing buhay sa ating puso’t isipan ang mga

alaalang ito sapagkat nagsisilbi itong tagapagmansag ng tunay na

kaugaliang Pilipino.

3. Marami ang naniniwala na ang salawikain at mga kasabihan ay

pamana sa ating mga Pilipino ng ating mga ninuno. Mga salitang binalot

ng palamuti upang magbigay aral at gabay. Ayon kay Reyes (2013),

ang mga pasalindilang panitikan ay “words of our ancestors and

words of experience”. Ang mga salitang ito ay pinag salin salin na ng

ibat ibang henerasyon at nahulma mula sa iba’t ibang mga

exeperyensya para magbigay aral at pilosopiya sa makabagong

henerasyon. Ito ay lumaganap na rin dahil sa malawak na gamit ng mga

salita dahil nga sa nabuo ito mula sa experyensya ng mga nakatatanda

at inililipat sa mga nakababata bilang aral at gabay na rin nila sapag

harap sa buhay. Mahihinuha rin sa mga palagay ng respondante ang

paniniwala na ang mga pasalindilang panitikan ay nakatutulong upang

mas mapabuti ang isang tao. Dahil nga sa ng mga salita ay nagtuturo at

naggagabay ay ginagawa itong batayan ng nakatatanda para ihulma

ang pagkatao ng mga kabataan.

4. May mga magandang dulot ang kasabihan at salawikain ngunit hindi

din maalis na may ilang negatibong pananaw dito. Ilan sa mga

respondante ang nagsabi na ginagawa na lamang itong katatawanan

23 | P a g e
ng mga kabataan at hindi na sineseryoso. Ginagawang literal ang mga

pahayag kaya naman na papahamak. Nailimbag sa Watchtower (2013),

na maaaring mabawasan ang ganda ng isang argumento dahil sa

di-wastong paggamit ng mga salawikain. At yamang sa ilang kultura

ang paggamit ng mga salawikain ay may mahalagang ginagampanan

sa etika ng pakikipag-usap, anumang pagkakamali sa paggamit nito ay

makasisira sa tingin ng mga tao sa nagsasalita.

5. Magkakaibang ang pahayag at pananaw sapag unlad at pagbabago ng

mga panitikang ito. Mahirap naman talagang sabihin kung umuunlad

o hindi ang isang bagay na bukambibig pa rin ng karamihan. Ano nga

ba pag unlad hindi ba ito ay ang pag angat. Hindi rin masabi kung ang

pagbabago ba ng mundo ay umaapekto sap ag unlad ng ating ,mga

pasalindilang panitikan. Sabi nina Enrijilo, W at iba pa (2013), kasabay

ng pag unlad ng bayan ang pag unlad ng kaniyang mamamayan sa

lahat ng aspekto ng buhay. Tugon sa pag unlad at pagbabago sa bawat

sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng

PanitikangPilipino. 'ng pagpapalit anyo nito at pagbibihis mula sa

lumang panitikan haggang sa ngayon. Kung gayong nga at umuunlad

ang bayan dahil tumutugon ito sa modernisasyon hindi ba at masasabi

ding pagunlad ang pagbabago sa panitikan dahil itinuturo natin ito

kasabay ng pangpapalawig ng ating kabuhayan at pagkatao.

24 | P a g e
REKOMENDASYON

Batay sa mga nakalap na impormasyon at nabuong konklusyon tungkol sa

pag-aaral na isinagawa, narito ang mga rekomendasyon mula sa mga

mananaliksik:

1. Maaring magamit ang salawikain at kasabihan upang magbigay aral at

gabay sabi ng karamihan, sa aming palagay ay maganda itong gamitin

sa proyektong pang bayan sa dalawang lugar. Mababatid sa resulta ng

mga interbyu na marami sa mga kabataan ngayon ang hindi na

ginagamit ang panitikan o hindi na ito alam dahil nga sa modernong

panahon. Isa sa paraan na maaring gamitin upang mapalawig muli ito

ay ang gamitin ang mga ito sa mga gabay kalsada o sa mga iba pang

paraan na biswal na nakikita ng karamihan.. Mukha itong magastos

pero magandang gawing proyekto ng sangguniang kabataan gaya na

lang ng mga biswal aid na ginagamit laban sa droga. Maari rin itong

simulan sa tahanan dahil sa kanila nagsisimula ang mga aral at payo na

ating dadalhin hanggang sa ating pagtanda.

2. Maaari sanang mapalawig pa ang mga kaalaman ukol sa mga

kasabihan at salwikain sa electronic na pormat o limbag. Sa paraan na

ito ay mas madaling maipapaabot sa mga makabagong kabataan ang

tungkol sa mga ito. Mabibigyang pansin din ang maliit lamang na

bahagi ng internet na naglalaman ng aralin tungkol sa mga ito. Bihira

ang makikitang limbag na papel ukol sa epekto o tulong na maaring

idulot ng mga salawikain at kasabihan maging ng iba pang

pasalindilang mga panitikan. Ang mailimbag ito sa electronic na format

ay makapagbibigay ng mas maraming akdang mapamimillian hindi


25 | P a g e
lamang para sa mga nais matuto dahil matutulong din ito sa mga

mananaliksik na nais na lalong mapaunlad ang panitikan.

3. Wag sanang kalimutan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mga

pasalindilang mga panitikan. Higit itong mapapalawig kung patuloy na

maituturo sa mga kabataan. Mapapatibay ang kaalaman sa panitikang

ito sa pamamagitan ng katatagan ng kultura na magmumula muna sa

unang henerasyon patungo sa makabagong mundo. Ang naisin na

patuloy itong magamit ay laging magmumula sa puno papunta sa

bunga. Wala ng higit pang magandang paraan upang mapatuloy at

mapaunlad ang panitikan kundi sa paraan ng pag gamit dito ng wasto at

may katuturan. Ang patuloy na pagtuturo nito sa mga paaralan ay isa sa

paraan upang patuloy itong mapaunlad at mapalaganap lalo na sa mga

kabataan at mag-aaral.

26 | P a g e
MGA SANGGUNIAN

Belvez, P., Iliscupidez, P., Roberto, R., Pleno, N., & Atienza, S. (2006). Panitikan ng lahi.

Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc.

Buensuceso, T., Burgos, Z., Espiritu, J., & Fortunato, T. (1997). Panitikang Filipino.

Calibayan, M. (2015). Pagsusuri sa mga Balyung Nakapaloob sa mga Salawikain ng mga

Tiruray Sa South Upi, Maguindanao, Philippines. Asia Pacific Journal of

Multidisciplinary Research, Vol. 3, No. 5. Hango mula sa

http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2015/12/APJMR-2015-3.5.1.06.pdf

Gabay, (n.d). Ano ang mga kasabihan? Kahulugan at halimbawa. Hango mula sa

https://gabay.ph/kasabihan-kahulugan-at-mga-halimbawa/

Gualdo, F., Dines, E., & Agdawag, M. (n.d.). Panitikan ng Pilipinas.

Groundwater Publications.

Lachica, V. (1996). Literaturang Filipino. Pasig City, Philippines: Academic

Publishing Corporation.

Macaraig, M. (1997). Sulyap sa Panulaang Filipino: Isang Pagpapahalaga.

Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc.

Mateo, R. (1996). Gabay sa Panitikang Filipino. Manila, Philippines: Arenar

Books Marketing.

Mga Kasabihan at Salawikain (Panitikan 3). (n. d.) Kinuha mula sa

https://www.katig.com/panitikan_03.

Panitikang Pilipino, Panimula. (2009). Kinuha mula sa jheff6.Tripod.com.

27 | P a g e
R. Calayo. (2016). Kahalagahan ng akdang pampanitikan sa aspetong

kultural ng mga pilipino. Pambisan Pinamalayan Silangang Mindoro.

Reyes, J. (2013). Salawikain: Filipino proverbs. Hango mula sa

http://archive.is/20130117022406/www.angelfire.com/on4/zambalesforum/

filipino_proverbs.htm

San Miguel, R. & Villanueva, Z. (1997). Tagumpay: Panitikan ng Pilipinas.

Quezon City, Philippines: Royal Publishing House Incorporated.

Santiago, E., Kahayon, A., & Limdico, M. (2006). Panitikang Filipino:

Kasaysayan at Pag-unlad.

Tumangan, Sr., A., Lim, D., Soriano, A., Fabrigas, N., Sotto, A., Sara, R.,

Bela-o, L., Villafuerte, P. (2000). Panunuring Pampanitikan. Valenzuela

City, Philippines: Mega-Jesta Prints, Inc.

Watchtower, (2013). Mga Salawikain ng Akan—Isang Larawan ng mga

Pamantayan sa Lipunan. Hango mula sa

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102003206#h=4

28 | P a g e
APENDIKS

Talatanungang Ginamit

Profayl ng mga tagatugon:

Edad: ______

Kasarian: __________

Bayan: __________________________

1. Alam nyo ba kung ano ang kahulugan ng kasabihan at salawikain?

2. Marami ba sa bayang ito ang naniniwala sa mga kasabihan o salawikain?

3. Sa inyong palagay, paano umusbong ang mga iba’t ibang kasabihan o


salawikain at ang paniniwala ng mga tao sa mga ito?

4. Anu-anong mga kasabihan o salawikain ang inyong nalalaman?

5. Paano ninyo naibabahagi sa ibang tao ang mga kasabihan o salawikaing


inyong nalalaman?

6. Anu-ano ang mga magaganda at mga di gaanong kaaya-ayang naidulot sa


inyo ng paniniwala sa mga kasabihan o salawikain?

7. Sa tingin nyo, ano ang ipinahihiwatig o nais ipabatid sa atin ng mga


kasabihan o salawikaing ito?

8. Para sa inyo, mahalaga ba na mabatid ito ng mga kabataan o ng iba pang


tao? Bakit?

9. Maituturing ba na nagkaroon na ng pag-unlad o pagbabago sa mga


pasalindilang panitikang ito?

29 | P a g e

Вам также может понравиться